Soul Librettos

By bluepncil

31.2K 2.5K 756

Fermatta doesn't like music from the very start. Kahit na simula pa lang bata siya ay ang pagtugtog na ng pia... More

Soul Librettos
♬ 1
♬ 3
♬ 4
♬ 5
♬ 6
♬ 7
♬ 8
♬ 9
♬ 10
♬ 11
♬ 12
♬ 13
♬ 14
♬ 15
♬ 16
♬ 17
♬ 18
♬ 19
♬ 20
♬ 21
♬ 22
♬ 23
♬ 24
♬ 25
♬ 26
♬ 27
♬ 28
♬ 29
♬ 30
♬ 31
♬ 32
♬ 33
♬ 34
♬ 35
♬ 36
♬ 37
♬ 38
♬ 39
♬ 40
♬ 41
♬ 42
♬ 43
♬ 44
♬ 45
♬ 46
♬ 47
♬ 48
♬ 49
♬ 50
End
Soundtracks

♬ 2

1K 89 44
By bluepncil

♬ Two

Creole of Note

"Gusto mo ipablotter na 'tin siya?" inosenteng tanong sa akin ni Chriselle habang inaayos niya ang medyas niya. Inirapan ko siya dahil sa suggestion niyang imposible namang mangyari. Ipablotter eh ni hindi ko nga alam ang pangalan ng hayop na 'yon.

Napangiwi si Chriselle sa akin dahil sa paulit-ulit kong pagirap sa kanya. Nakita kong inayos niya ang damit niyang pangp.e. Nasa girls locker room kasi kami ngayon at naghahanda para sa p.e namin ngayong umaga.

"Bakit naman kasi lumabas-labas kapa ng dorm eh alam mo namang gabi na. Kung sana natulog ka nalang nun edi sana hindi nawala 'yang notebook na puro tula ang laman"

I rolled my eyes once again dahil sa pagsesermon niya. Oo, 'yung notebook na 'yon ay punong-puno ng tula. Kelan ko ba naisipang magsulat ng tula? Sa sobrang tagal nuon ay hindi ko na halos matandaan tapos 'yung mga tulang naisulat ko na ay duon ko inilalagay. Nakacompile duon tapos kukunin lang ng pangahas na 'yon. Sigurado akong kapag nakita ko siya ay tatapayasin ko ang balat niya at ipapakain ko siya sa mga zombie sa walking dead.

Nang matapos kami sa pagaayos ay lumabas na kami ng locker room at nagpunta sa soccer field. Soccer kasi ang p.e namin ngayon. Ewan ko ba't pati sa mga babae eh pinatake ang subject na ito kahit obvious naman na panglalaki ito. Kung sana ay badminton o volleyball edi sana hindi kami nagbibilad ngayon sa initan.

Nakasimangot ako habang nakapila sa hilera ng mga babae. Ang sabi kasi eh grupo-grupo daw muna kami, dalawang grupo ang magkalaban at hindi ko alam kung saang grupo ako mapapapunta. Sana ay kagruop ko si Chriselle para kahit papano ay hindi ako mapanisan ng laway sa klase na iyon. Pero dahil sobrang swerte ko ay magkaiba ang bilang namin kaya magkaiba kami ng grupo. Ang kasama ko tuloy ay iyong mga lalaking mga mukhang manyakis. Okay lang din nman dahil mukha naman silang malalakas at hindi nila ipapatalo ang grupo.

Nuong nagsimula ang laro eh nakuntento kaming mga babaeng umupo nalang sa bleaches. Sabi kasi nung mga lalaki eh sila-sila muna ang maglalaro. Technique daw kahit na hindi ko naman makita kung saan ang technique duon.

Uminom nalang ako ng uminom ng tubig duon sa tabi.

"Narinig mo ba 'yung balita? Pupunta daw dito sa school ang Creole mamaya" narinig kong sabi nung babaeng nasa tabi ko lang.

I'm not eavesdropping. It's just thatwe're sitting close to each other na halos marinig ko na ang pinaguusapan nila.

"Talaga? Ibig sabihin makikita natin si Hilton?"

"Oo girl! Sana lang ay magperform din sila. Balita ko ay kakausapin lang sila nung dean para maging judge sa annual music fest"

"Ganon ba? Pero okay na rin 'yun magaaudition nman ako sa music fest so makikita ko rin sila ng malapitan!" kinikilig na sabi nung isa kong kaklase.

Napailing nalang ako dahil sa sinasab nila. Nagfafangirling nanaman sila sa isang.. ano nga ba 'yon? Creole? Parang pamilyar sa akin 'yung word na 'yun. Hya bahala na nga, wala din naman akong pakialam kung sino ang mga 'yon.

Hindi nalang ako umimik at tumayo na ako dahil tinawag na ako nung kateam namin para maglaro.

Buong umaga ata eh masakit ang katawan ko dahil sa paglalaro ng soccer. Mabuti nalang at music ang kasunod naming subject kaya hindi na ako mapapagod pang magisip ng magisip ng kung anu-anong technical terms.

"I said lower down your jaw when you're singing para maging maganda ang pagproduce niyo ng kanta" anas ni Mr. Bracelli sa amin.

Ginawa ko ang kanyang sinabi. Ngayon ay choral singing ang ineensayo namin, well para sa aming music department. Instrumentalist ka man o hindi kailangan mong magkaroon ng voice lesson. Anila eh hindi lang kailangang marunong kang tumugtog. Paano mo lalapatan ng tamang nota ang isang kanta kung hindi ka marunong kumanta.

"Fermatta Rivera, I said lower down your jaw" sigaw ni Mr. Bracelli sa akin.

Pinakababa-baba ko ang ngala-ngala ko para maging kuntento siya sa pinapagawa niya sa akin. Nuong nakita niyang ginawa ko ang kanyang sinabi ay wala tumango-tango lang siya sa akin at ang iba na ang pinagtuunan ng pansin.

Goodness, maglilip-sync nalang talaga hindi naman nila malalaman kung nakanta ba talaga ako o hindi.

Nang matapos ang klase ay isa-isa ng nagalisan ang mga kaklase ko sa subject na iyon at naiwan akong nakanap sa upuan ko. I'm just tired at gusto ko nalang humilata sa kama ko.

"Fermatta!"

Dahan-dahan akong tumunghay kay Mr. Bracelli para tignan siya.

Ang kanyang itim na itim na mata ay nakatingin sa akin, may mga puti na siyang buhok na dulot ng katandaan. Maliit ang kanyang mukha na katulad ng akin.

"Ano nanaman ba 'yon Mr. Bracelli? Pagod ako sa p.e kanina" bored kong anas sa kanya sabay tungo ulit.

"Hay nako bata ka talaga. I'll tell your dad that you're not even listening to my class" panakot niya sa akin.

"He knows already tito. No need for that"

Ilang pagbuntong-hininga ang narinig ko mula sa kanya dahil sa sinabi kong iyon. Yea right. He's my dad's brother. Ang reason kung bakit nagkakilala ang nanay at tatay ko. It's a long story though and I don't want to tell the entire story.

"Wala ka na talagang pagasa. Kapag nalaman ng mommy mo na ganyan ang ginagawa mo dito sa Cecilian"

Tumunghay ako para makita ko siya. Ngumuso ako sa kanya.

"She won't know 'cause she's busy" walang kagatol-gatol kong sabi sa kanya.

Concerned is written all over his face, "Fermatta, your mom loves you"

Tumango-tango ako duon sa sinabi niya dahil alam ko namang mahal ako ni mommy, "I know tito but sometimes love is not enough"

Napailing nalang siya dahil duon. Siguro talagang matigas lamang ang ulo ko kaya hanggang ngayon ay hindi ako nakikinig sa mga sinasabi nila sa akin ni Daddy. Why would I bother. They didn't even know what I feel.

Nakita kong tumayo si tito Bracelli sa akin at inabot ang isang papel na may nakaprint na application form, tinaasan ko siya ng kilay at nanatili lang akong nakaupo duon. I know he knew that I won't even write my name on that application form.

"Come on, Fermatta. Just do it. Your mom and dad would be happy kapag nakasama ka sa annual music fest" he said na parang nawawalan na siya ng pasensya sa akin.

"Bakit ba piniplit niyo akong sumali diyan?"

"It's because maraming talent scout ang nanduon. Iba't-ibang media, pwede kang madiscover tataas ang magiging level mo sa school at magiging proud ang mga magulang mo" aniya.

Napailing nalang ako dahil sa sinabi niya. I love tito Bracelli but whenever he's bragging this thing to me eh naasar ako. Maybe my temper limit is just so little na anytime eh pwede akong sumabog at magsungit kahit sa maliliit ng bagay lang. Hindi naman ako rebelde dahil kung rebelde ako ay siguradong nagpabaya na ako pero aminado akong matigas ang ulo ko.

I will find ways para tumaas ang level ko at finally makaalis na sa lugar na ito pero hinding-hinid ko gugusuhin na magperform sa harap ng maraming tao para lang duon.

Tumayo nalang ako sa upuan ko at dinala ang bag kong punong-puno ng mga libro at pyesa.

"Pagisipan mo Fermatta. Mamaya ay nandiyan ang Creole of Note sila ang grumaduate dito sa Cecilian two years ago. Listen to their music baka mainspire ka at maisipan mong magudition for music fest"

He won't stop hanggang sa mapilit niya akong sumali.

Nang kinahapunan ay tumambay lang ako sa labas ng dorm namin at nilabas ang bago kong notebook. Oo, bago dahil kinuha nuong damuhong lalaking iyon ang pinakaiingatan kong notebook. Isinalampak ko din sa tenga ko ang earphone ko at nagsimula akong magsulat ng tula.

Ito naman kasi talaga ang gusto ko. Writer. Bata palang hilig ko ng magsulat ng kwento kahit ata sa mga scratch na papel ay nakakagawa ako ng kwento. 'Yun nga lang at gusto ko ay napapakinggan akong music habang nagsusulat. Nuon palang ay sinabi ko na kay mommy na gusto kong maging writer. Gusto kong magaral nuon ng journalism but she wont let me. Aniya ang kamay ko ay para sa pagtipa ng organ at hindi para sa pagsusulat.

Kaya daw Fermatta ang pangalan ko dahil nakatadhana na kami ng musika. As if I believe in destiny.

Malaki ang expectation niya sa akin at wala man lang akong magawa para ipaglaban ang sarili kong kagustuhan. Siguro ganon naman ang karamihan ng anak, dapat sumunod sa magulang.

Nadistruct ako sa pagiisip ng tumugtog ang isang hindi pamilyar na kanta sa tenga ko. Agad kong natanggal ang earphone ko dahil imbis na classical music ang tumutugtug duon eh isang kanta ng banda ang nagpla-play.

Ano bang nakalagay sa playlist ko?

Agad kong tinignan ang Iphone ko at tinignan ko ang kantang naroon.

Creole of Note

Teka ito 'yung pinaguusapan nung mga babae kanina diba? Tapos ito din 'yung binanggit sa 'kin ni Mr. Bracelli. Creole of Note. Sila daw 'yung galing sa Cecilian two years ago. So sikat sila? Eh bakit hindi ko kilala? Baka bagong banda? Siguro fan din nuong may-ari ng cellphone na 'to 'yung Creole of Note kaya puro kanta nila ang playlist nito.

Hindi paba obvious?

Pinakinggan ko nalang ang tugtog nila. Nagulat ako dahil naeenjoy ko ang kanta nila. Usually kasi ay naiirita ako sa mga tugtog ng ibang banda ngayon dahil puro iyon pasigaw at wala akong marinig na lyrics na binabanggit nila pero iba itong Creole of Note. Melody palang eh mahohook kana, 'yung lyrics eh may kwento at maganda 'yung boses nung vocalist. I'm actually praising that band.

Buong hapon ata ay puro kanta nila ang pinakinggan ko. Tinago ko na rin nag notebook ko dahil wala naman akong maisulat duon dahil mas focus ako sa pakikinig ng kanta. Nang kinahapunan ay bumalik ako sa kwarto namin ni Chriselle, naabutan ko siyang nagbibihis.

She's wearing those crop top shirt na halos kita ang kanyang pusod habang nakakulot ang buhok niya at nakajeggings siya. Actually maganda si Chriselle, mahaba ang buhok niya na kulay brown hindi katulad ng akin na itim na itim. Magada rin ang hugis ng legs niya dahil sa pagbaballet niya at hindi kuay ligh brown ang mata niya.

"Saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya dahil mukhang may lakad siya.

"Fola Theater. Nandun ang Creole" she said while twinkling her eyes, "Ikaw hindi ka sasama? Sigurado magagandahan ka sa kanta nila Ferm! Magwagwapuhan ka din sa members nila lalo na si Hilton na vocalist nila pero mas gusto ko talaga si Dwaine" aniya na parang excited na excited siya.

Hilton pala ang pangalan nung vocalist nila at sino naman 'yung Dwaine? Tingin niyo kailangan kong isearch ang members ng Creole of Note ngayong gabi?

"Ano kaba Ferm! Huwag mong sabihing hindi ka sasama! Kahit si Lance sasama sa 'kin sa panunuod. Sumama ka na rin sa 'min, please minsan lang naman 'to" aniya habang nagpupuppy eyes siya.

Gusto ko siyang irapan tulad ng madalas kong ginagawa sa kanya pero naisip ko ring gusto kong personal na mapanuod ang Creole na 'yun. Malay ko ba kung gumanda lang ang boses nila dahil sa edits o talagang magaling silang tumugtog kahit na live performance.

Hindi na ako nagabala pang magayos. Like my casual attire. Pair of jeans and sneakers, tee shirt na pinatungan ng jacket.

Atungal ng atungal si Chriselle sa akin dahil lagi daw ganon ang itsura ko. Kung hindi daw ba ako nagsasawa.

Hays kapag nagkaroon ka talaga ng kaibigan na katulad niya.

Nakaabang na pala si Lance sa baba ng dorm namin. Nakita ko ka agad ang makikintab na ngipin niya dahil sa kanyang pagnigiti. He's handsome I know pero hindi ko alam kung bakit hindi umeepekto sa akin ang charm niya. Siguro eh talagang ganito lang ako. Namimili lang talaga ako ng mga bagay na iaappreciate.

Nang makarating kami sa Fola Theater eh sobrang haba ng pila papasok duon. Tingin ko eh lahat gustong makapanuod ng performance nila.

"Kapag talaga international artist ganito lagi ang pila dito" ani Lance sa tabi ko.

"International artist?"

Tumingin naman sa akin si Lance, "Hindi mo ba alam? Sumikat sila sa America may nakadiscover kasi sa kanilang american producer. Two years na sila duon simula ng grumaduate sila dito sa Cecilian. Ngayon nalang sila uli umuwi dito" pagkwekwento niya.

So basically kaya pala hindi ko sila kilala ay dahil sa ibang bansa sila sumikat. Tapos two years ago namayagpag 'yung career? 'Yun 'yung simula ng pumasok ako dito sa Cecilian na wala akong ginawa kundi ang magaral.

Pagkapasok namin sa Fola Theater eh halos wala na duong maupuan. Ngayon ay nagtataka ako't dito pa ginanap ang performance nila sana ay sa open field nalang para magkasya man lang kami duon.

Palinga-linga kaming tatlo pra maghanap ng mauupuan ng makita ko si Mr. Bracelli na nanduon sa gilid.

Agad niya akong sinenyasan na sumunod sa kanya. So this is the perks of being his niece. Agad kong hinila si Lance at si Chriselle dahil baka may magsunudan din sa 'ming mga estudyante. Agad naman nilang naintindihan ang gusto kong mangyari kaya sumunod nalang sila sa akin.

Pumasok kami duon sa kwarto kung saan mga committee lang ang pwedeng pumasok.

Pagpasok namin duon eh pare-parehas kaming napabuga ng hininga. Nakita namin ang theater commitee at si Mr. Bracelli na nasa gilid na nakangiti sa akin. I rolled my eyes heavenwards. Hindi naman ako nagpunta dito para sa music fest gusto ko lang panuorin ang Creole of Note.

"Ayos talaga kapag tito mo 'yung professor dito sa Cecilian" hagikhik ni Chriselle sa tabi ko. Kung alam lang nila kung gaano kahirap magkaroon ng bantay sa school.

Nagsimula na ang program at maayos naming napapakinggan at nakikita ang mga nagpeperform sa stage. Maliban kasi sa malaking screen na nagplaplay duon sa loob ng kwartong iyon eh may malaki ding salamin na transparent kung saan malinaw naming makikita kung sino ang nasa stage. 'Yun nga lang hindi kami dapat maingay dahil paniguradong maririnig kami ng mga tao sa buong Fola Theater.

Akala ko ay Creole of Note agad ang pakakantahin pero nagkamali ako dahil may halo pala iyong orientation para sa music fest. Diniscuss duon kung gaano iyon kahalaga, na kailangan ay hindi mapaya ang school sa mga magpeperform na goodluck daw sa mga magaaudition.

Sa sobrang daming sinabi ni Ms. Aw eh pahikab-hikab na ako duon sa kinauupuan ko. Maging si Lance eh humihikab na rin, samantalang si Chriselle nman eh todo sa pakikinig. Siguro ay dahil siya lang sa aming tatlo ang gustong-gustong makapasok duon.

Sobrang lakas din ng aircon sa loob ng kwarto kaya hindi ko mapigilang hindi mapaihi.

Tumayo agad ako para umihi nuong hawakan ni Lance 'yung kamay ko, "Saan ka pupunta?" aniya.

Nagulat ako dahil sa reaksyon ng mukha niya, para kasing seryosong-seryoso siya, "Gonna pee. Sasama ka?" pagbibiro ko sa kanya.

Sumama ang tingin niya sa akin at binitawan lang ang kamay ko, "Go ahead. Just take care" napatango nalang ako at napangiti dahil duon. Minsan talaga eh weird din si Lance.

Duon ako lumabas sa gilid ng comiitee room, hindi duon sa kanina naming pinasukan dahl kapag binuksan ko iyon ay paniguradong magtitinginan ang tao sa akin. Siguro naman ay may comfort room dito. Hindi ko naman kasi alam ang pasikot sikot dito dahil hindi ko pa naman nararanasang magperform dito. Kalimitan ay nasa audience lang ako ta nanunuod.

Nang makarating ako sa dulo ay wala pa rin akong nakitang palantaan ng comfort room. Nasaan ba ang cr dito? Naglakad pa ako sa dulo na tingin ko ay backstage na. May malalaking tela na kulay pula duon na tingin ko ay itataas nila kapag may nagperform na.

I looked for comfort room pero may nahagip ang mata ko. Sa likod ng malalaking tela na kulay pula ay namataan ko ang isang lalaking sobrang pamilyar sa akin.

Hindi katulad kagabi na nakajacket siya. Ngayon eh maayos ang kanyang suot, nakablack pants. Nakasimpleng tee shirt. Maayos ang kanyang buhok na akala mo eh may gatsby na nakalagay duon. Simple lang siya pero 'yung aura niya eh nagsusumigaw ng atraksyon habang hawak niya iyong electric guitar sa braso niya.

Nagulat ako nuong may lalaking humarang sa kanya. Tinagilid nung lalaking humarang sa kanya ang ulo niya sa akin. Napasimangot ako dahil sa ginawa niya.

Hindi tulad nung damuhong lalaking iyon, ang lalaking ito ay may mahabang buhok na kulay brown. Nakaleather jacket siya at imbis na gitara ang hawak niya ay isang mic.

"Hilton! Mamaya mo na titigan 'yung chicks magpeperform na tayo!" tawa nuong nasa harap ng drum set.

Napailing nalang 'yung tinatawag niyang Hilton at kasabay nuon eh ang pagbukas nuong pulang kurtina.

Narinig ko ang tunog ng gitara bago ang pagtambol ng drums. Laglag panga ako habang nakatingin sa harapan ko. These guys in front of me are the Creole of Note, right?

Napatingin ulit ako sa lalaking tinitignan ko kanina. Ngayon ay nakatingin na siya sa akin habang tumitipa duon sa kanyang gitara.

Those piercing black orbs that's laying on my eyes right now. Ito ba ang dahilan kung bakit nagulat siya at hindi ko siya kilala? Is because he's really popular?

I gaped nuong nakita kong ngumiti siya sa akin at umiling-iling habang nakatungo sa kanyang gitara. Damn! You idiot Fermatta!

I really should do some reaserch about Creole's member!

Continue Reading

You'll Also Like

415K 30.1K 41
ပဲပြုတ်သည်ငပြူးနဲ့ ဆိုက်ကားဆရာငလူးတို့ရဲ့ story လေးတစ်ပုဒ်
208K 4.3K 31
Just a bunch of Hailee oneshots. Her other characters from movies will also be included here! Well mainly Emily Junk from the Pitch Perfect franchise...
349K 21.4K 37
Let's see how different personalities mends with each other to form a beautifull bond together. Where the Eldest is calm and cold, Second is aggress...
1.5K 1K 11
Stories of youth and old I wonder where did all those memories go, A compilation of stories of youth and old brought together to be once again be tol...