Costiño Series 10: Forgetting...

By Alexxtott

126K 3.1K 237

Cavios Archilles Costiño, a handsome son but a serious type of man. There is a girl who is having a crush on... More

FY
Alexxtott
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Wakas
Notes

Kabanata 4

4.7K 119 2
By Alexxtott

Kabanata 4

Alalahanin


Hindi ko nakalimutan ang mga ungol na narinig sa intercom kaya kahit nasa classroom ako, lunes ng umaga ay iyon pa rin iniisip ko. Isa lang ang ibig sabihin no'n, may nangyayari na sa kanilang dalawa. May pinapaligayang ibang babae na si Cavios. May nai-kama na siya at hindi ako iyon. Hindi ako ang unang babaeng nakasama niya sa kama. Si Lachelle 'yon, ang babaeng siguradong dadalhin niya sa altar.

Nawalan ako ng pag-asa sa sarili. Naisip ko ang planong gawin. Siguro hindi na iyon magtatagumpay dahil may babaeng nakatalik na siya. Baka mabuntis si Lachelle at iyon ang papakasalan niya. Nawalan ako ng gana, lakas ng loob at umatras lahat ng tiwala ko sa sarili. Tiwala na baka makuha ko siya kapag nagawa ang plano ko. Tiwala na baka maging ako na, ang babaeng ihaharap niya sa altar at baka ako na ang babaeng magbibigay sa kanya ng pamilya.

Pero ngayon ay hindi na. Wala na akong pag-asa pa! At unti-unti ng nawawalan ng pag-asa ang puso ko. Sobrang sakit, sobrang nakakapanlumo pero wala naman akong magagawa dahil sila ang magkasintahan at hindi ako. Si Lachelle ang mahal niya at hindi ako. Si Lachelle ang babaeng magbibigay sa kanya ng pamilya. Ako? Isa nalang akong tanga na pangit na umaasa sa kanya. Desperadang pangit na makuha siya. Pangarap na baka sa huli ay iyon pa rin. Hindi pa rin ako, at hinding-hindi magiging ako.

"Hoy, okay ka lang?" pukaw ni Perlita.

Napahinga ako ng sobrang lalim. Halos hindi ko maintindihan ang sinasabi ng guro sa harapan. Blangko ang isipan ko, wala akong ibang maisip kundi si Cavios at Lachelle. Ang gabing pinagsaluhan nila. Ang mga ungol na hindi ko makalimutan. Ang pagpapaligaya ni Cavios sa babaeng mahal niya. Iyon ang nasa isip ko, at hindi ko maintindihan ang leksyon ngayon.

"Hindi ko na alam ang gagawin, Perl. Nawawala na ako sa tamang pag-iisip." mahina kong sabi.

Narinig ko ang kanyang pagsinghap. Nagulat sa sinabi ko. Nagulat dahil kilala niya ako bilang babaeng hindi sumusuko agad. Kilala niya akong babaeng may lakas ng loob at hindi takot sumugal. Pero ngayon, hindi na yata. Nakakapagod na, nakakawalang gana na. Lahat ng lakas ko ay nawala ng marinig sila nung gabing iyon. Lahat ng tatag ko sa sarili ay hindi ko na mahagilap dahil sa boses na ligayang ungol ni Lachelle. Everything is blank now. And I don't know if I can do this.

Siguro…susuko nalang ako.

"Ah? Akala ko ba pangarap mo siya? Susuko ka na?" hindi makapaniwalang boses.

Bumuntonghininga ako.

"I don't know." tanging nasabi ko.

Days past and I'm still miserable and complicated. I wasn't focused on our last discussion and I couldn't answer the examination properly. Hindi ko alam kung papasa ba ako o baka babagsak. I remain like dead walking human when the moving up ceremony come. Wala akong ganang tumingin sa stage habang nandoon si Cavios na sobrang saya dahil sa maraming nakuhang parangal. Masayang-masaya ang kanyang magulang habang sinusuot ang mga medalyang nakuha. Everyone is happy for him, except me. I am still broken and sorrow.

After the award ceremony, umalis ako at lumabas ng gymnasium. Ayokong makita ang masayang paghahalikan ni Cavios at Lachelle. Ayoko ng masaktan pa. Ayoko ng umiyak dahil sa namatay kong puso. Ayoko ng magmukhang tanga! Ayoko ng umasa. Kaya umalis nalang ako at pumunta sa classroom namin. Umupo ako sa permanent seat ko, pinagmasdan ang paligid at inalala ang mga araw namin dito. I will miss here. Sa pasukan, bagong yugto ng pag-aaral ang tatahakin namin. Bagong yugto ng buhay, pangarap at kinabukasan. Hindi na ako pwedeng magloko dahil malapit na kami sa kinabukasan.

Kulang pa ba ang pagmamakaawa ko na magustuhan niya rin ako? Kulang pa ba ang panalangin ko na mapansin niya rin ako? Kulang pa ba ang pagpapakita ko sa kanya ng motibo na gustong-gustong ko siya? Na siya lang ang minahal ko at wala ng iba? Kulang pa ba ang lahat ng mga kahihiyan na natanggap ko simula ng mabaliw ako sa kanya? Kulang pa ba? Hindi ba talaga siya para sa akin? Pero bakit ganito ako? Bakit patuloy ko siyang gusto? Bakit patuloy ko siyang minamahal? Bakit ito ang binigay ng Diyos sa akin? Bakit siya pa rin ang laman ng puso ko?

Pinahid ko ang luha pagkatapos ng iyak. Ayoko na nga kasing umiyak e! Mas lalong tumatagal, mas lalo akong pumapangit e! Kaya siguro hindi nawawala ang pimples sa mukha ko dahil sa sobrang lalim ng mga iniisip. Baka kailangan ko ng magpahinga. Kailangan ko ng tumigil. Tama na siguro ang ilang taong kong pagiging baliw sa kanya. Tama na ang pagiging desperadang pangit ko sa kanya. It's enough, and I think I should move on and be focus of my future. Wala naman akong mapapala kung mananatili akong ganito e. So, maybe I need to distress myself and relax for my senior high year.

That's what I did after that day. I didn't bother them anymore. I remain silent whenever our paths across. I focus on my studies and give my best during my class. I took HUMSS because I will take Flight Attendant in college. Yes, my height can pass to the height standard for stewardess. Well, I just need to take away my pimples when we finish the school. Tahimik na ang paligid, hindi na rin ako tinutukso dahil siguro nasa second higher level na kami ng pag-aaral. Perlita took ABM because she wants to take accountancy. Hindi na kami magka-klase and it's fine with me.

Si Cavios? Well, I'm not deaf to not hear what is happening in our school. I heard that he took the same course that Perlita take. Nag-ABM rin siya para siguro mag-business Ad siya in college. Marami naman silang negosyo kaya siguro iyon ang pinakuha sa kanya. So far, iyon lang ang alam ko. Hindi na kasi ako nakikipag-chismis sa mga kaklase ko dahil ayoko ng mga balita tungkol sa kanila. As what I said, I want to focus on my studies. Kaya as long as possible, ayokong nakakarinig ng tungkol sa kanila.

It was lunch time when Perlita wants to eat lunch with me. Pumayag ako lalo pa't gusto ko rin siyang makita. Masyado kasi kaming busy nitong mga nakaraang linggo dahil sa midterm exam. Dagdagan pang hindi na kami nagkaka-usap sa mansyon dahil pagkatapos ng trabaho ay matutulog na lang kami. Tahimik rin ako sa mansyon lalo na kapag nandoon si Cavios. Hindi na ako tumitingin sa kanya kapag kumakain sila. Kapag bumi-bisita naman si Lachelle ay hindi nalang ako kumikibo. Hinayaan ko nalang sila. At kapag natutulog kami, palagi kong ino-off ang intercom para hindi na makarinig ng kung ano sa kwarto niya.

"Hays! Grabe talaga ang pag-aaral!" sabi ni Perlita.

Ngumisi ako at inilingan siya. Nasa bench kami dito sa garden ng campus. Kaharap ko ang baon at kasalukuyan ng binubuksan para kainin. Salita ng salita si Perlita tungkol sa exam nila, habang nagri-reklamo dahil mahirap daw ang ibang pagsusulit.

"Ganyan talaga ang pag-aaral, Perl. Di ka na nasanay." mahinahon kong sabi.

Tumitig siya sa akin.

"Alam mo, napapansin ko ang pagbabago sayo. Unti-unti ng nawawala ang mga pimples mo tapos kitang-kita na ang kagandahan mo. Anong gamit teh?" in her playing voice.

Umirap ako sa sinabi niya.

"Shunga, wala akong ginagamit noh! Parang di tayo magkasama sa mansyon ah!" natatawa kong sabi.

Ngumisi siya. Honestly, she's right. Napansin ko rin noong nakaraang araw na nagsisiwalaan na ang mga tigidig ko sa mukha. Wala naman akong gamit na pangpa-ganda tsaka ayokong gumamit ng mga iyon. Pero naaalala kong may binigay na sabon sa akin si ma'am Glenda noong nakaraang linggo. Hindi ako nakapagtanong kung anong uri iyon ng sabon. Basta ko nalang ginamit dahil bigay niya. And then now, Perlita notice it too. Siguro ko pang-tanggal iyon ng pimples. Bumuga ako ng malalim na hangin.

"Kaya pala usap-usapan ka sa department namin." she said.

Kumunot ang noo ko. What?

"Huh?" tanong ko.

Hinampas niya ng mahina ang balikat ko.

"Naku pa-inosente pa si ateng! Di mo ba alam, pinag-uusapan ka ng mga kalalakihan sa department namin. Minsan nga'y napupunta pa ang pangalan mo sa ibang section e." aniya sa casual na boses.

Napanganga ako. Ano daw? Ako pinag-uusapan? Paano? Bakit? Hindi naman ako gumanda na as in ganda talaga e! Unti-unti lang naman na nawala ang pimples ko. Tsaka palagay ko naman na ganoon pa rin ang mukha ko. Kaya bakit naman nila ako pag-uusapan? Wala namang importante sa akin.

"Niloloko mo ba ako?"

Nilingon niya ako, kunot ang noo.

"Ba't ko pa sasabihin kung niloloko lang kita. Masyado kang outdated kaya hindi mo na alam ang mga nangyayari. Well ito pa, narinig ko rin sa mga classmate ko na nag-aaway daw si Cavios at Lachelle dahil sayo. Hindi alam ang rason pero ikaw daw ang topic." sagot niya.

Mas lalo akong nagulat. Shit? Paanong ako ang pinag-aawayan nila e, halos hindi ko na nga silang kausapin at bigyan ng pansin. Kaya ano na naman 'tong pinagsasabi ng kaibigan ko?

"What? Goodness, Perlita! I don't know about it! Labas ako dyan at wala akong alam sa mga nangyayari sa kanila!" mariin kong sabi.

She sighed as she ate her meal. Tumango-tango habang nakatingin sa akin. My heart beat in anger. Why? Kasi totoo namang wala akong ginagawa e! Stop bothering them! Ni halos hindi ko sila lingunin kapag nagkakatagpo ang landas namin e! I remain silent! I let them be! I'm out of their issue! Kaya wag nila akong idadamay sa away nila.

"Yeah, I know that. Kaya nga nagtataka ako kung bakit ikaw ang center of quarrel nila. Maybe, Lachelle is jealous because Cavios is always fighting when boys talking about you." she said like nothing.

My eyes literally widened. What the heck? Inaaway ni Cavios ang mga kalalakihan na pinag-uusapan ako? For what? Shit! What's happening? Why is this happen? Akala ko ba'y wala siyang pake sa akin. Akala ko ba'y hindi niya ako bibigyan ng importansya. Bakit ngayon meron na? Meron nga ba? O, baka fake news lang 'tong kaibigan ko?

"I won't believe you, Perlita. You know how much he disgusted to me. Kaya imposible yang sinasabi mo." I said to against what she said.

Hindi na nasundan ang usapan dahil kumain nalang kami. I ate silently when Erson, one of my close classmate wave his hand on me. I smile at him, looking so fresh in his uniform. Lumakad siya palapit sa amin, wearing his handsome smile.

"Hi, Shekky. Dito ka pala kumain." in his baritone voice.

Ngumiti ako at tumango.

"Ah yes. Niyaya kasi ako nitong si Perlita na kumain dito. Ikaw kumain ka na?" I said.

He nodded.

"Yes. Sa canteen ako kumain. Sana sa susunod sabay tayong kumain."

Napahinga ako. Erson Gomez is my suitor. Yes, I have a suitor now. Hindi ko nga alam kung bakit at paanong nangyari gayong hindi naman ako maganda tsaka malayo sa mga babaeng nagkakagusto sa kanya. Isang buwan na siyang umaakyat ng ligaw sa akin. Ngunit hindi ko masagot dahil gusto kong ibigay ang oras sa pag-aaral at kinabukasan. Kaya ayokong magkaroon ng relasyon, at ayokong umibig na muna.

"Sure. Soon." sagot ko.

Kalaunan ay umalis din siya. Naramdaman ko ang pagsundot ni Perlita sa baywang ko. Nakangisi sa akin habang may pinapahiwatig ang mukha sa akin.

"What?" tanong ko.

"Asus, gwapo no'n ah. Ba't di mo sagutin?" nang-aasar ang boses.

Huminga ako ng malalim. Umiling sa kanya at kumain nalang. I don't have time for it. Mas maiging ibigay ang oras sa pag-aaral kaysa sa mga lalaki. I don't want to be bitter, I'm just stating the fact.

After the lunch, bumalik ako sa klase namin. I forget Perlita said to me. Nakinig ako sa instructor namin at nagkaroon ng kaalaman tungkol sa aralin. After class, nauna akong umuwi dahil kailangan ko pang tulungan si mama sa pagluluto. Sakto ng makarating sa mansyon ng Costiño, nagluluto na si mama ng hapunan. I help her cooking menudo, and then preparing for the supper.

Minutes after, the family of Costiño went to the dining to eat their dinner. Tahimik pa rin akong nakatayo sa gilid habang nakayuko. My mother went to the kitchen to clean the things she used in cooking. Umingay ang lamesa ng magsalita si sir Gavino.

"Cavios, The Cost Bar is waiting for you. Pwede mo naman sigurong hawakan na ang bar habang nag-aaral pa?"

Napatingin ako kay Cavios, nakakunot ang kanyang noo sa ama. Natigilan din si ma'am Glenda at napahinga ng malalim.

"What do you mean, pa?" he asked in low voice.

"Kailangan na ng papalit kay Vizier sa bar. He can't handle the family business alone. Calvino isn't cooperating anymore. Ranilo sons are busy in CVHC. The bar need you now." sir Gavino.

Umalingawngaw ang kubyertos ni Cavios.

"Nag-aaral pa ako, papa! Hindi ko naman pwedeng pagsabayin ang dalawa. I need to focus on my study!" mariing sagot ni Cavios.

Nahigit ko ang paghinga dahil sa boses niya. Shit! Sumasagot siya sa papa niya. Hindi 'yon pwede bilang anak.

"Gav, I think your son is right. Patapusin muna natin ng college bago humawak sa negosyo ng pamilya." suhesyon ni ma'am Glenda.

Napahinga si sir Gavino ng malalim. Kailangan na talaga nila si Cavios para sa bar. Siguro dahil nahihirapan na si Vizier sa pagpapatakbo ng mga kompanya.

"I will talk to Vizier to take the bar for awhile." malamig na sabi ni sir Gavino.

The dinner was done. Pagod akong umupo sa kama habang iniisip ang mga narinig kanina. Pwede ba 'yon? Pahahawakin na nila ng negosyo si Cavios gayong hindi pa tapos sa pag-aaral? Makakaya ba niyang patakbuhin ang bar na kulang sa kaalaman? Risky kasi kung magha-handle ka ng isang business na kulang naman sa pagpapatakbo. Paano kung hindi siya magtagumpay sa pag-aalaga? Paano kung mag-fail? Siguradong mawawala ang bar na matagal ng namamayagpag sa bansa.

Humiga ako sa kama. Hays, I shouldn't think about it! Problema nila 'yon at hindi ako. Tsaka wala naman akong maitutulong sa kanila e. Kaya hindi ko na dapat pang isipin at alalahanin iyon.






---
© Alexxtott

Continue Reading

You'll Also Like

108K 2.8K 30
Salvacion Dominique Alzarte, ang babaeng ubod ng bilib sa sarili. Hinahangaan ng mga tao, sa ganda man o sa talento niya. Mataray, outspoken at hindi...
81.3K 2.3K 25
Falling in love was very far from Calvino Costiño mind. He doesn't want to love because for him, it's just a waste of time. Falling is the cheap way...
158K 4.4K 25
Scylding Vizier Costiño, a crazy and obsess man who fall deeply in love to an ice candy vendor girl. He wait for so long, until one day the fate is i...
115K 3.3K 24
Status: Completed Start Posted: September 2, 2020 End: November 10, 2020 Crush is one word but million of feelings. Humanga ka sa kanya ng matagal, m...