His Fake Fiancee (Completed)

By mahiwag4il

7.1K 307 0

WARNING R18 Note: 1st published at Dreame with 11k reads. Taglish. "Anniesyd is a fine lady and a hard-workin... More

KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
Kabanata 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47
KABANATA 48
KABANATA 49
KABANATA 50
EPILOGO
Author's Note

KABANATA 35

97 5 0
By mahiwag4il

XXXV.

I woke up.

Tinignan ko ang tabi ko pero hindi na 'ko nagtaka nang wala si Heath.

Napahilamos ako ng mukha at tumingin sa bintana. Last day na ngayon ng burol ng Lola ni Heath. Hindi ko alam kung kakayanin ba ni Heath na tuluyan nang ilibing ang Lola niya.

Tumayo ako.

Nakita ko'ng hindi nagalaw ang pagkain na binigay ko kagabi sa kaniya. Simula noong unang libing ni Lola Madam, hindi na kuma-kain nang maayos si Heath. Pati nga rin ang pagtulog ay hindi na niya ginagawa nang maayos. Naroon lang siya sa tabi ng Lola niya o 'di kaya ay nasa harapan ng ataol. Ilang beses ko na rin siya'ng niyaya kumain at matulog pero ilang beses niya rin ako sabihan na okay lang siya. Pana'y ang pagka-kape niya kaya gising na gising siya at nakatulala roon sa Lola niya.

Dina-damayan din siya madalas nang mga pinsan niya o magulang. Hindi nila pinabayaan'g mag-isa si Heath sa harapan ng Lola nila.

At ngayon, hindi ko na rin alam ang gagawin ko.

Iniisip ko pa lang na huling araw na 'to ni Lola Madam at ililibing na siya, naluluha na 'ko. Hindi ko kaya'ng makita ang pamilya ni Heath na ganoon.

Noong binalita sa iba nila'ng kamag-anak ang nangyari kay Lola Madam, lahat sila'ng magpi-pinsan ay wala'ng tigil sa pag-iyak. Nagpapakatatag lang sila nitong nakalipas na araw at sinasabihan lagi si Heath na hindi gusto ni Lola Madam na makita siya'ng ganito.

Naglinis na ako ng katawan. Matapos ay nag-suot ako ng puting t-shirt at jeans. Hindi ko gaano pina-pagod ang sarili ko ngayon. Baka sa susunod na araw, pupunta na 'ko sa hospital. Pakiramdam ko may buhay na ang nasa tiyan ko. Hindi pa 'ko sigurado dahil ayoko naman maki-sabay sa problema nila ngayon at hindi ko pa nasasabi kay Heath.

"Syd," someone knock. Sakto ay tapos na 'kong mag-ayos kaya lumabas na rin ako. Si Gio 'tong kumatok sa 'kin.

Siya ngayon ang nagaalaga sa 'kin dahil bilin daw 'yun ni Heath. Siya nagpapa-alala sa 'kin na kumain. Noong isang araw nga narinig ko'ng tinanong niya 'ko habang nakaturo sa tiyan ko. Hindi ko na lang siya sinagot.

"Kumain ba si Heath?" Tanong ko habang palabas kami.

"Hinde."

Hindi na 'ko nag-taka sa sagot ni Gio.

"Puntahan mo muna siya. Sabihin mo kailangan niya'ng mag-ayos," sabi nito at inabot sa 'kin ang malinis na polo'ng puti. Malungkot ko'ng kinuha 'to at naglakad na papalapit kay Heath.

Wala na ang ibang mga tao.

Totoo nga sabi ni Gio kahapon na tanging pamilya na lang ang matitira sa paghatid kay Lola Madam.

Bago pa 'ko makalapit nang tuluyan kay Heath, naririnig ko na ang pag-iyak nito. Nasa harapan lang si Heath, nakaupo at nakayuko. Hindi muna 'ko lumapit dahil tinawag ako ni Eli.

"Syd, please hold him as much as you can. Hindi ko kayo matutulungan dahil aalalayan ko si Mommy," ani nito.

"Ayos lang."

"If you can't hold him longer, call someone kung mayroon man. Okay?"

Tumango ako.

Sino ba ang pwede ko'ng tawagin mamaya? Hindi ko kaya ang bigat ni Heath at mukha'ng may sari-sarili sila'ng aalalayan.

Bumuntong hininga ako atsaka lumapit kay Heath.

I couldn't find any words but I tap his back kaya napa-angat siya ng tingin. He hug suddenly hug my belly and cry.

I bit my lower lip to avoid crying.

Nakita ng mga mata ko ang tingin sa 'min ng mga pinsan ni Heath at agad din sila'ng napaiyak. Kasama rin ang magulang ni Heath na hindi alam kung lalapitan ba kami.

I fight back my tears when he hug me a little harder at iyak lang ang naririnig sa loob nito'ng kwarto.

Hindi mapigilan ng ibang pamilya ni Heath ang humagulgol sa iyak habang nakatingin sa 'min. I tap his back habang pinupunasan ko rin ang luha ko.

Lola Madam was really good to me so I can't bare not to shred tears to her. She helped me a lot. She supported me being Heath's wife.

"L–lets go?" I asked him hesitately. Inalalayan ko siya at pumunta kami sa kwarto namin. I hand him the polo.

Umupo siya sa gilid ng kama habang pinupusan ang pisngi.

My heart break as I look at him now.

Hindi ko aakalain na magiging ganito siya.

Hinubad niya ang polo niya. Halata ko'ng namayat siya.

He sigh and go the bathroom. Sinundan ko siya hanggang doon. Habang naghi-hilamos siya alam ko'ng mabigat sa pakiramdam niya ang ihatid ang Lola niya sa huling hantungan.

Kahit sino naman siguro.

Then, he look at me in the mirror.

"I'm sorry," he muttered.

Hindi ko alam pero awtomatik na bumagsak ang luha ko sa sinabi niya. I step so fast towards him para mayakap siya nang mahigpit. He keeps saying sorry which I decline to accept.

"Hindi mo kailangan mag-sorry. Okay?" Sabi ko yakap siya nang mahigpit. "Hindi mo kailangan. I understand."

Hindi ko alam kung ilang minuto kami habang magka-yakap hanggang sa nagpalit na siya ng damit, nag-ayos nang kaunti at lumabas na kami.

Dire-diretso kami palabas ng Funeral Home at nahagip ng mata ko na wala na sa silid na 'yun ang ataol ni Lola Madam. Sinakto nila sa pagpalit ni Heath ng damit.

Sumakay kami sa sasakyan ni Xitrix.

Ako, si Heath, Gio at Xitrix ngayon ang nasa loob ng kotse. Hindi pa kami umaandar dahil nahirapan sumakay ang magulang ni Heath at pati ang magulang ng mga pinsan niya dahil may iilang media ang gusto mag-interview pero ni-isa ay walang pinahintulutan ng mga Del Mundo.

Dumiretso kami'ng lahat sa simbahan.

Pagka-labas namin ay nakita ko ang iilang pinsan ni Heath na sina Hizon at Eli na naka-sunglasses. Alam ko'ng pangtago nila 'yun sa maga nila'ng mata.

Dumaan sa harap namin sina Rose at Sir Rev. Si Rose na naka-sunglasses din at umiiyak. Nakita ko rin na galing sa iyak si Sir Rev.

Hindi ko nakitang nagpunta si Rose at Sir Rev sa burol ng Lola nila dahil sinisisi raw ni Rose ang sarili niya. Baka dahil sa nangyari noon na aksidente kaya nagkaroon ng underlying condition si Lola Madam pero ang alam ko, kinausap na ng mga anak nila Lola Madam at Lolo si Rose.

Umupo kami sa banda'ng harapan ng Altar para magbigay ng Misa para kay Lola Madam.

Matapos nito ay dumiretso na kami sa sementeryo. While on the way papalapit doon ay alam ko nang tensyon ang nararamdaman ni Heath.

So, I grab his hand. I gave him assurance na kasama niya 'ko.

Ilang minuto pa nga nang makapag-park na si Xitrix ay ilang segundo kami'ng nakatulala. Nauna na ang lahat nang pamilya nila para ihatid na si Lola Madam. Kami na lang ang hinihintay na lumabas ng sasakyan. Gio deeply sigh at he wipe his tears. Napatingin ako kay Xitrix, umiiyak na rin 'to.

"Tara na. Hindi pwede'ng wala tayo roon," sabi ni Gio tsaka lumabas.

Binuksan ko na rin ang pinto. Pumunta si Gio kay Xitrix at inalalayan ito maglakad. Ramdam ko ang panghihina ni Heath habang magka-hawak kami ng kamay.

Nang makalapit kami, nag-usap lang ng kaunti ang mga Del Mundo at nagsalita na isa-isa ang mga gusto'ng magbigay ng huling mensahe. Halos tatlo lang ang nag-salita. Ang Daddy ni Heath, si Lolo at si Eli.

Hindi nagtagal ay kumuha na kami ng puting bulaklak para maisama kay Lola Madam.

Hindi pa bumibitaw si Heath sa pagkaka-hawak namin. Isa-isa na sila'ng naglaglag ng puting rosas. Lahat sila ay umiiyak. Nang kami na ni Heath ang maglalagay ng rosas ay napansin ko'ng hindi siya umiiyak.

At mas lalo ako'ng nagalala para sa kaniya.

Pababa nang pababa ang ataol ni Lola Madam ay palakas nang palakas ang iyak ng pamilya Del Mundo.

**

Tapos na ang paglilibing. Nandito pa rin kami ni Heath. Isa-isa nang umalis ang lahat. Si Heath ay nakatayo pa rin at nakatingin kung saan nilibing ang Lola niya.

Ako naman ay nakaupo.

Ilang segundo pa ay napaluhod si Heath.

"Why? You promised me to live longer as I pleased. W–why? I promised you that I'll marry the best girl and I did that! But why are you there? Wake up please, please, La," iyak ni Heath at tila ay hinahampas ang lupa. "You teached me everything but why you didn't told me this will hurt so bad... that I want to die?"

His voice cracked.

And from that day on, he didn't came back.

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...