High Wind and Waves (Provinci...

By Lumeare

122K 4.6K 507

The Wattys 2022 Winner! Category: Romance Campo Razzo has always been a refuge for animals and for Adamaris S... More

Disclaimer
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Wakas

Kabanata 8

2.2K 104 7
By Lumeare

Kabanata 8

High Wind and Waves

Hindi ko alam kung paano nahalata ni Reeve na may gusto ako sa kapatid niya. Pero sana naman ay hindi niya iyon sabihin kay Isidore kasi ayaw kong maging awkward kaming dalawa sa isa't isa.

Kilala ko naman si Isidore. Mabait siya at sigurado hindi rin naman big deal kung magkakagusto ako sa kaniya. Pakiramdam ko ituturing niya lang iyon na joke kasi magkaibigan kami. Sigurado ang sasabihin niya...crush lang naman iyon at lilipas din.

Pasimple kong tinitigan si Isidore na nakikipagkuwentuhan sa iilan naming kaklaseng lalaki. Angat na angat siya sa kanila, maliban sa malambot ang tingin sa mukha, parang di rin siya makabasag ng pinggan. Kung ikukumpara ko siya sa mga kaklase ko, talagang wala na akong masasabi. Na kay Isidore na yata ang lahat.

Kaya di na talaga ako magtataka kung may iilan sa mga babae naming kaklase ang magkakagusto sa kaniya. Ang dami kong kaagaw pero alam kong lamang naman ako. Mas close ako kay Isidore. Alam ko ang lahat sa kaniya kaya dapat ay hindi ako mabahala.

Tama! Dapat lang!

"Hoy!" Bahagyang tinulak ni Mabel ang aking balikat kaya naputol ang pagtingin ko kay Isidore.

"Oh?" medyo irita kong baling sa kaibigan.

"Halata ka na masyado. Hinay hinay lang naman, Ada!" Hagikgik niya at umupo sa ibabaw ng armrest ng aking upuan. Inakbayan niya ako.

"Alam kong gwapo si Isidore pero sana naman 'wag kang magtulo-laway." Sinundot niya ang gilid ng labi ko. "Mag-review kaya tayo, ano? May summative kasi tayo Ada. Baka nakakalimutan mong hindi naman tayo matalino, ano?"

Napanguso ako at masama ang tingin sa upuang nasa harapan. Di pa nga sapat ang na-i-review ko kaya may punto naman si Mabel. Ayaw ko ring nakakahiya 'yong score ko mamaya sa test. Mayroon na akong crush kay Isidore kaya sana naman magpakitang-gilas din itong utak ko! Kahit minsan lang.

"Hay, malas na buhay," bulong ko nang matingnan na ang score ko sa mathematics.

18/30. Ang galing mo talaga, Ada.

"Okay lang 'yan! Pasado naman!" pampalubag-loob ni Mabel nang makita na ang papel ko. Sinilip ko ang kaniya.

At least di ako nag-iisa. Tumaas lang ako ng isang punto sa kaniya kaya okay na iyon. Hindi ako ang lowest. Medyo hindi na nakakahiya iyon.

"Ada," tawag sa akin ni Isidore. Agad kong itinago ang papel mula sa kaniya dahil ayaw kong makita niya ang nakakahiya kong score.

"Ano?" tanong ko at hilaw na ngumiti.

Kumunot ang noo ni Isidore. "Why are you hiding your paper from me? Ayaw mong makita ko?"

Namilog ang mga mata ko. Agresibo akong umiling habang nangingibabaw sa akin ang pagkakapahiya.

Grabe naman, Ada! Dati-rati naman ay hindi ako nahihiya na makita ni Isidore ang score ko. Nga lang, napagtanto kong may gusto nga ako sa kaniya at nakakahiya naman na makita niya ang mababa kong score.

"What is it?" alala niyang tanong. "Mababa ang score mo? Patingin," marahang aniya.

Umiling ako. "Mababa nga. Nakakahiya sa'yo. Baka perfect score ka."

"Mismo!" Sumingit si Mabel na nakasilip sa papel ni Isidore.

Napanguso ako at ibinalik ang tingin kay Isidore. "Sabi na eh."

"Why won't you show me your paper? Alam mong hindi kita huhusgahan sa kung anuman ang score mo."

Ngumiti sa akin si Isidore. Parang nagliwanag lang tuloy ang paligid ko. Sino ba namang makakatanggi sa ngiting iyon? Sobrang gaan at walang bahid na kahit ano.

Bumuntong hininga ako. Dahan-dahan kong iniharap ang aking papel mula sa aking likuran at ibinigay sa kaniya. Kagat ko ang labi ko nang matingnan na ni Isidore ang papel ko.

Nakatingin lang siya, kunot ang noo. Binabasa niya ang kada sagot ko na para bang pwede pang maremedyuhan iyon.

"Your score's not that bad, Ada. You did good this time." Ngumiti siya at ibinalik ang papel sa akin. Inabot niya ang aking ulo at mahinang tinapik iyon.

Ramdam kong tumaas ang lahat ng dugo mula sa aking paa patungo sa aking mukha sa simpleng pagtapik na iyon. Parang lumundag ang puso ko sa saya.

Nahihiya man ay ngumiti ako kay Isidore. "Salamat, Sid."

"If you want, we can review together para naman malaman mo kung paano itama 'yong mga namali mo. I don't mind."

"T-talaga?" Nagliwanag ang mga mata ko

"Yep! You and Mabel need that so we have to review together."

Ang taas na ng lipad ko sa langit pero bumagsak agad ang kasiyahan ko nang mabanggit niya si Mabel.

Akala ko pa naman!

Hindi ko pinahalata ang kaunting dismaya sa kaniyang sinabi. Hindi naman nagpaasa si Isidore! Sadyang mabait lang siya pero umaasa talaga ako na ako lang ang tutulungan niya.

Ang hirap palang magkagusto sa mabait! Kainis.

Napag-usapan tuloy namin nina Mabel na magkakaroon ng group study kina Isidore. Kaming tatlo lang naman ang madalas na magkakasama kaya kami lang din ang nagtutulungan. Hindi ko pwedeng baliwalain si Mabel kasi siya ang una kong naging kaibigan sa school. Wala naman akong sama ng loob kung sumama siya sa review pero mas maganda sana na solo ko si Isidore sa araw na iyon.

"Okay lang ba kayo riyan?" tanong ni Tita Letitia sa amin nang maglapag siya ng inumin sa mesa.

"Okay lang po, Tita. Thank you po." Ngumiti ako.

"I'm so glad to see you here, Ada. Kumusta ang Mama mo? Is your piggery doing well?"

"Okay naman po. Manganganak po sa susunod na linggo 'yong isang inahin, Tita."

Ngumiti siya. "Oh, that's good. I hope you're also doing well with your studies?"

"Trying hard po mag-aral pero kaya naman po. Tinutulungan naman po kami ni Isidore."

"Mabuti naman. I'm glad you can come here. Sana ay magtagal ka rito mamaya para naman maipasukat ko sa iyo ang iilang damit."

"P-po?" gulantang ako.

Tumawa lang si Tita. "Hindi ka pa nasanay sa akin. You'll see those dresses later. I'm sure magagamit mo."

Nagpaalam na sa amin si Tita. Saktong bumalik na rin si Isidore matapos niyang kunin ang laptop at iilang papel na gagamitin namin.

"Di ka pa nasanay kay Mom," ang sabi ni Isidore nang masabi kong magsusukat na naman ako ng damit para sa mommy niya.

"Parang ang tagal na nga nung huli kong pagsusukat ng damit dito. 'Yong iba di ko pa nga nagagamit."

"Bigay mo na lang sa akin Ada," halakhak ni Mabel. "Di naman nagkakalayo ang size natin kaya baka kasya sa akin kung ayaw mo."

"Aba, kung pwede ko lang ibigay sa'yo eh 'di naibigay ko na."

Kung hindi naman kasya sa akin ay sa kapatid ko ibinibigay. Wala namang problema iyon kay Tita Letitia basta't nasusuot at hindi nasasayang.

Nagsimula kami sa pag-re-review. Dahil malapit na ang unified test ay inaral namin ang iilang subject. Napapagitnaan namin ni Mabel si Isidore kaya kaliwa't kanan din ang pagtuturo niya.

Wala akong problema sa Filipino at Hekasi. Sa English kayang-kaya naman at iilan pang subject. Talagang ang problema ko ay itong mathematics dahil nalilito ako. Minsan nagugulantang ako na 'yong solving sa isang problem ay umaabot ng dalawang papel.

Mano-mano naman sa pagtuturo si Isidore at iniisa-isa niya talaga para maintindihan namin.

"Mauuna ka na?" tanong ko kay Mabel nang sabihin niya sa akin na nasa labas na raw ang Papa niya at sinusundo siya.

"Oo eh. May pupuntahan kasi sina Mama mamaya kaya dapat may kasama mga kapatid ko sa bahay."

Napatango ako. "Okay. Ingat sa pag-uwi."

Tinulungan ko siya sa pagliligpit ng ginawang reviewer. Nagpa-photo copy na kami kay Isidore dahil mayroon silang copier sa bahay. Meron akong kopya at mayroon din si Mabel. At least di na ako mahihirapan kung sakali.

Pinagpaalam ko si Mabel kay Tita Letitia na nandoon lang din sa sala. Hinatid ko na lang din si Mabel sa labas dahil nasa taas pa si Isidore at tinawag ni Sir Julio.

Magsasara na sana ako ng gate nang makita kong paparating si Reeve at may dalang bola. Namataan niya ako sa gate kaya patakbo siyang lumapit.

"Little Ada, good to see you here," bati niya.

"Tigilan mo nga ako sa pangalang iyan," pagtataray ko.

Ngumisi siya. "Bagay nga sa'yo." Pumasok siya sa gate. "What brought you here?"

"May review ako kasama si Isidore." Sinundan ng mata ko ang pagsarado niya ng gate. Hindi ko napigilan ang pagtingin sa mga braso niyang may bahid ng pawis. Ang isang kamay ay hawak ang bola na idinikit sa kaniyang baywang.

"Ikaw? Saan ka galing?" Hindi ko napigilan ang pagtatanong.

"Went to play with some friends. So..." Tumaas ang kilay niya. "You're playing lovey dovey with my brother, huh?"

"Ano?"

"Oh, come on!" Umikot ang mga mata niya. Inihagis niya ang bola sa ere. Sinundan ko iyon ng tingin hanggang sa lumapag iyon pabalik sa kaniyang kamay.

"Don't act as if I don't know, Little Ada. May gusto ka sa kapatid ko." Sumeryoso ang tingin niya ngunit mapaglaro naman ang ngisi sa labi. "Tama ako, diba?"

"Wala akong gusto kay Sid. Guni-guni mo lang iyon at FYI, kasama namin si Mabel kanina."

"I'm a guy so I'll know if someone likes me or not," pagmamayabang niya.

"Edi ikaw na." Tinalikuran ko na siya. "Yabang-yabang mo."

Humalakhak siya. "What? I'm telling the truth, Little Ada and stop with the stupid crush thing on my brother. That's never going to be his thing."

"Bakit ba nangingialam ka?" Nilingon ko siya nang bahagya. Tumigil ako sa paglalakad.

"Just wanted to give you an advice. Kung gusto mo si Sid, keep it to yourself. Wait for your own time for that."

"Nagsalita naman 'yong babaero sa school nila."

"Babaero!" bulalas niya at humalakhak ulit. "Where did you get that from, young lady?"

"Sa lahat. Huwag ka na kasing magmaang-mangan at alam ko na. Babaero ka naman talaga."

"Hindi ako babaero. I don't even have a girlfriend."

"Kasi di mo naman itinuturing na girlfriend," paratang ko. Nagpatuloy na ako sa paglalakad. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa at pagsunod sa akin.

"Oh, so ano ang ginagawa ko sa kanila, kung ganoon?" habol niya.

"Hindi ko alam." Nilingon ko siya ulit. "Malay ko ba sa'yo."

"Do you wanna know though?" Naglaro ang kaniyang kilay. Ngumiwi ako para maipakita ang disgusto.

"Ayaw ko. Salamat na lang."

"But I think you're curious of what I do with them. Do you want to ask if we go on dates too? Or do you want to ask if we kis——

"Hep! Hep!" Dinutdot ko ang kaniyang braso. "Ang sagwa ng bibig mo!"

"Really? I was just asking because you're curious."

"Hindi nga ako interesado sa ginagawa mo. Naiintindihan mo ba? Tanda-tanda mo na."

Hinagis niya ulit ang bola sa ere at sinalo ulit. "At least you'll have an idea on what to do with my brother."

"Wala sa isip ko ang ganiyan. At pwede ba? Tigilan mo nga ang kakasabi ng ganyan. Hindi ko nga gusto si Isidore."

"Are you sure, though?" Namaywang siya at malalim akong tinitigan.

Kumabog ang dibdib ko. Bakit ba niya ako tinatanong? O baka naman nagtatanong siya dahil sasabihin niya kay Isidore iyon? Kaya siya nagtatanong para makumpirma.

Pwes, itatanggi ko na lang.

"Sure ako, ano. Kaibigan ko lang si Isidorw kaya tigilan mo na ako riyan. Wala pa sa isip ko ang gusto-gusto na iyan," pagsisinungaling ko.

Sana naman ay hindi ako parusahan sa pagsisinungaling ko. Gusto ko lang talagang matigil na itong si Reeve dahil kapag ipinagpatuloy niya pa, siguradong makakatunog naman si Isidore.

Baka iwasan pa ako, ano! Hindi pwedeng mangyari iyon!

Sa pasasalamat ko ay nagkibit balikat si Reeve. "Okay. Hindi mo gusto ang kapatid ko."

"Hindi naman kasi talaga. Tigas ng ulo mo," nayayamot kong sabi.

Ngumisi lamang siya at itinulak ang pinto. Masama ang tinging ibinaling ko sa kaniya bago ako pumasok.

Nabitin sa ere ang aking paghakbang nang mamataan si Isidore na nasa sala. Napaawang nang kaunti ang labi ko nang mapatingin siya sa akin. Dumapo ang tingin niya sa kapatid na nakasunod lang din sa akin.

"Oh, Sid. Nandito ka pala!" Si Reeve at nilagpasan ako na parang walang nangyari.

Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit.

Sinadya ba ni Reeve na ulit-ulitin ang tanong kasi alam niyang nasa baba na si Isidore? At paano niya naman malalaman? Nakasara ang pinto at mas lalong wala namang bintana sa harap ng bahay na makikita ang nasa loob.

Pero narinig kaya ni Isidore?

Tiningnan ko ang kaibigan na hinihiram na ang bola sa kapatid. Inikot ni Isidore ang bola sa kaniyang daliri at sinalo. Bumaling ang tingin niya sa akin. Kumunot ang kaniyang noo.

"Ada, why are you standing there?" aniya.

"H-ha?"

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Reeve. Agad na lumipad sa kaniya ang masama kong tingin. Hindi ko alam kung ano ang nakakatawa.

"Umupo ka na, Ada. Mom's actually waiting for you but you can just sit here for a while. Samahan mo kami ni Kuya."

Napatango na lang ako sa sinabi ni Isidore. Ang ngisi ni Reeve ay hindi mawala-wala. Parang nakakasigurado na ako na sinadya niya nga iyon.

Continue Reading

You'll Also Like

7.8M 233K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
366K 11K 45
For Zepporah Bevacque, family is important. Her family should be her top priority. Ginawa niya ang lahat para tanggapin siya, lalong-lalo na ng kaniy...
247K 8.2K 46
Isla Contejo Series #2 (2/5) They say, everyone can be the best in almost everything. For Jaeda Mortel, no one is better than the love of her life...
288K 9.8K 44
Insecure, selfish, and coward. If Verbena Regencia will be asked how does she describe herself, those three words will be her answer. Alam niya sa s...