Kabanata 12

2K 103 7
                                    

Kabanata 12

High Wind and Waves

Sobrang naninibago ako kay Reeve. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak niya at ganoon ang tingin niya sa akin. Kung inggit lang din naman pala siya kay Isidore dahil may taga-suporta ang kapatid niya, pwede naman siyang makahanap ng pwede maging girlfriend. Hindi niya naman kailangang makipag-kompetensya.

Napahinga ako nang malalim. Iniwasan ko siya simula nang sabihin niya iyon sa akin. Hindi ko na siya kinausap at mas dumikit pa ako kay Isidore.

"Did something happen between you and my brother, Ada? Inaway ka ba ni Kuya?" alalang tanong sa akin ni Isidore nang pinili kong maglakad na lang at sumabay sa kaniya.

Nauna na si Reeve sa amin at walang reklamo niya akong iniwan kasama si Isidore.

"W-wala naman, Sid. Alam mo na? Lagi naman kasi kaming nag-aasaran."

"I hope Kuya will be good to you always. Gusto kong magkasundo kayong dalawa."

"Malabo ng mangyari 'yon!" Peke akong tumawa. "Ang sama-sama kaya ng ugali ng Kuya mo."

Umiling si Isidore at ngumiti. "Kuya's just rebelling. Do you remember what I said before? He doesn't like it here. He wants to be in Manila, where my uncle lives."

"Bakit naman doon?"

"Because he wants to reach his dream. Kuya wants to be a pilot but dad wants him to stay here and pursue another course in college."

Napanguso ako. Ang taas naman pala talaga ng pangarap ni Reeve. Literal na mataas. Nasa himpapawid.

"Hindi niya naman kailangang mag-rebelde, eh. Kung gusto niyang payagan siya, eh di magpakabait siya," katwiran ko.

"That won't work on Dad, Ada. Alam ko kapag may desisyon si Dad ay final na iyon. Wala ng makakapagpabago ng isip niya. That's why Kuya's stuck in here."

Hindi ko alam kung maaawa ba ako o maiinis kay Reeve dahil lang sa ginagawa niya. Alam kong may rason pero parang hindi naman sapat iyon. Baka hindi ko lang maintindihan kasi wala naman ako sa kinatatayuan niya, pero kahit na. Sana naman ay respetuhin niya rin kung bakit ginagawa iyon ni Sir Julio para sa kaniya. Kasi ang sabi sa akin ni Mama noon ay matuto dapat akong makinig sa kanila ni Papa at sundin ang gusto nila para sa amin kasi para sa ikabubuti rin namin iyon.

Kung magrerebelde man ako, wala akong tatakbuhan. Tanging ang mga magulang ko lang ang kakapitan ko.

"Ada, tulungan mo ako mamaya roon sa baboy at mukhang manganganak na ang isang inahin," sabi ni Mama sa akin habang nagsasagot ako ng assignment namin.

"Sige, Ma. Tatapusin ko lang po ito."

Iniwan ako ni Mama roon sa sala. Rinig ko pa siyang pinaalalahanan ang mga kapatid ko na maglinis ng bahay at baka raw may biglang dumating. Samantalang ako, ginagawa ko na ang assignment ko para marami akong panahon mamaya, kung sakali mang walang pinapagawa sa akin. Hindi na lang din muna ako pupunta sa farm at manganganak din pala ang baboy namin.

Narinig ko ang pagtawag sa akin ni Mama nang matapos ako sa pagsasagot. Iniwan ko na muna ang gamit ko sa sala at lumabas na ng bahay. Dumiretso ako sa likod kung saan nandoon ang maliit naming piggery.

"Bantayan mo muna at pupunasan ko itong biik," ani Mama at inangat ang biik na na kulay pink pa at kalalabas lang sa nanay.

Umupo ako sa dulong bahagi ng inahin at nagbantay lang sa lalabas pa. Ito na ang gawain ko simula ng mag-piggery business sina Mama. Kapag nanganganak ay tumutulong ako sa pagbabantay, minsan ay taga-hawak din kapag puputulan na ng ngipin.

High Wind and Waves (Provincia de Marina Series #2)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz