Kabanata 25

2.4K 110 1
                                    

Kabanata 25

High Wind and Waves

Matapos ang agahan kasama ang pamilya Camporazzo ay inimbitahan ako ni Sir Julio sa kaniyang study room. Naiwan sa labas sina Isidore at kahit gustong marinig ang sasabihin ng ama, ay hindi ito pinayagan.

"As I have said last night hija, I'm asking for a favor if you can help Reeve with the farm." Pinaghugpong nito ang kamay at ipinatong sa kaniyang mesa.

Nakaupo lang ako sa tapat nito. "Bakit naman po ako? Tumutulong lang po ako sa farm at nasa vet clinic po ako madalas."

"Ikaw ang kilala ni Reeve kaya mas komportable ako kung ikaw na lang din ang aalalay sa kaniya sa farm. He does not know a lot of them so I think it will be hard to convince the workers about the co-owner. Nasanay silang si Isidore ang palaging naroon and now that he transferred in Costa, I have to put Reeve in charge while he's still here."

Pinaglapat ko lang ang labi ko. Gusto ko rin namang umayaw dahil hindi ako komportable na makasama si Reeve. Kaya lang, humihingi ng pabor si Sir Julio at mahirap tanggihan iyon. I owe everything to him, especially when he helped my parents in my studies. Kaya kahit anong pabor na hingiin sa akin ni Sir Julio at malugod kong tinatanggap at ginagawa.

"You see, hija, I'm already too old to manage the farm. I am sick, too——

"So totoo po ang sinabi ni Reeve na may sakit kayo?" putol ko at namimilog ang mata.

Malungkot itong ngumiti sa akin. "Sadly, the doctor said I was prone to stroke. If I haven't had my monthly check up, they won't notice the abnormalities in my brain activities. I've been feeling numb lately, hija, soon, I won't be able to walk or do a lot of things. Inaasahan kong ang dalawa kong anak ang magtataguyod ng nasimulan ng pamilya."

"But you're taking medications, right?" tanong ko.

"Of course. I'd like to see my sons getting married pa, Hija." Mahinang tumawa ito. "In order to do that, I need to avoid stressing over things and over working myself. Marami akong inaasahan sa farm, tulad ng tatay mo, pero dahil alam ko namang malapit ka sa dalawang anak ko, sa'yo ako humihingi ng pabor na iyon."

Tumango ako. Kahit ayaw ko, naiintindihan ko naman ang posisyon ni Sir Julio. Ayaw kong tanggihan iyon dahil pabor nam iyon at hindi basta-bastang utos lang. Pwede ko nga namang tanggihan, oo, pero alam kong inaasahan ni Sir Julio na tatanggapin ko.

"Maybe it was a blessing in disguise that Reeve got suspended from work," anito at bumuntong-hininga. Saglit na kumunot ang noo ko.

So kaya siya nandito ay dahil wala siyang trabaho ngayon? Of course, Ada. He'll have no income as of the moment, kung may savings man, siguradong hindi rin tatagal. Maybe Reeve drowns himself in luxury kaya hindi rin naman siya tatagal sa siyudad nang walang pera. Kaya rin siguro umuwi siya rito ay dahil walang-wala na rin. Swerte niya na rin siguro na tinanggap pa rin siya ng ama, diba? Kasi kung hindi, saan nga ba pupulutin si Reeve?

Sa huli ay tinanggap ko rin naman ang pabor ni Sir Julio. Gagabayan ko lang naman si Reeve. Tuturuan ng iilang bagay. Kapag may trabaho naman ako, siguradong hindi niya naman ako iistorbohin kasi wala naman siyang alam doon, diba? Pwede ko naman siyang ibilin sa iilang trabahador para naman may matutunan siya kahit wala ako.

"Anong pinag-usapan niyo ni Dad?" tanong sa akin ni Isidore nang makapasok ako sa aming clinic. Kaming dalawa pa lang ang naroon at tanghali naman talaga kung minsan pumunta si Doc Malvar.

"Just some sort of things, Sid. Nothing to worry about." Ngumiti ako at inasikaso ang iilang papeles. Wala akong kliyente ngayong araw kaya ang gagawin ko na lang ay iche-check ang bagong panganak na si Mikay.

High Wind and Waves (Provincia de Marina Series #2)Where stories live. Discover now