Kabanata 33

2.3K 88 4
                                    

Kabanata 33

High Wind and Waves

"Someone sent you flowers this morning," ani Reeve at masungit na itinuro ang bouquet ng bulaklak na nasa ibabaw ng kaniyang desk.

Nagsalubong naman ang aking kilay at agad na lumapit sa kaniya. I touched the sunflowers with cute daisies in it. Inangat ko ito para mahanap ang note ngunit wala.

"Hindi ba 'to mula sa'yo?" tanong ko at ibinaba ulit ang mga bulaklak. I gave him a skeptical look.

Reeve shrugged and looked away. Masungit pa rin. "I won't just leave it to my desk if it's from me. I'll personally give it to you."

Napanguso ako sa kaniyang sinabi. His face mirrored that of an envious child. Ang kilay ay nagsasalubong at naglalapat ang mga labi. Napasulyap siya sa akin. He caught me staring at him. Mas lalong kumunot ang noo niya at masungit na nag-iwas ng tingin.

Lihim akong napangiti at inangat ulit ang mga bulaklak. I sniffed the flowers in front of him. Hindi ko nakita kung napasulyap ba siya sa ginawa ko kaya inulit ko.

"They smell nice, Reeve," sabi ko pa. "Who would give me flowers, though?" nanunukso kong tanong. Hindi ko alam kung bakit nangingiti ako sa kaniyang reaksyon.

"Don't ask me," aniya at walang pakialam. I chuckled before carrying the flowers with me.

Walang salita akong pumasok sa opisina at inilapag ang bouquet sa ibabaw ng aking desk. Mas lalo pa akong napatawa nang mapagtantong hindi sinabi sa akin ni Reeve kung ano ang aking schedule ngayon.

Bumalik ako sa labas. "Reeve, what's the schedule for today?"

"Date with your admirer, Ada," aniya at hindi ako binalingan ng tingin.

"I'm serious, here," I retorted. Mas lumapit ako sa kaniyang desk at tiningnan kung ano ang isinusulat niya at hindi niya ako mabaling-balingan ng tingin.

"What's that?" Itinabi ko ang ulo sa kaniya at sumilip. He was fast enough to hide the paper from me. Agad niyang inipit iyon sa ilalim ng folder.

Nagsalubong ang aking kilay at agad na lumayo sa kaniya. Napalingon si Reeve sa akin at matalim ang tingin. I was able to caught a glimpse of the younger Reeve, with his hawk-like eyes.

"Did you enjoy the flowers now?"

"Well, they're lovely. So, ano ang schedule ngayon?" Umayos ako ng tayo.

"Cow booster for today. Tatlong farms."

"Oh, I'm familiar. Thanks." Ngumiti ako sa kaniya. Masama pa rin ang loob niya sa bulaklak dahil nakita kong napalingon siya sa opisina.

"You're a fan of sunflowers now?" aniyang bigla.

Agad akong tumango kasi naalala kong paborito ko nga ang sunflower. Maganda naman lahat ng bulaklak pero sa sunflower talaga ako nabighani. They resemble the sun, bright and yellow. It's like describing what my life had been ever since I started reaching for my dreams.

"I thought you like roses?" kunot noo niyang tanong.

"I do?" Nanlaki ang mga mata ko.

Reeve pursed his lips and licked them. Bumaba ang tingin ko sa kaniyang labi at agad ding umiwas ng tingin.

"I thought you liked them because you've been keeping the flowers I gave you when we were young," kwento niya. Through the curtain of his lashes, he stared at me with fondness. His eyes were almost reminiscing.

"I like roses, too. But it's not as much as I love sunflowers, now." I smiled at him. "Bakit? Bibigyan mo ako ng bulaklak?" I teased.

"Hindi na," masungit niyang sagot. Napanguso ako. "Someone just gave you flowers so I won't. It might remind you of them if I give you one. Gusto kong maiba."

High Wind and Waves (Provincia de Marina Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon