Kabanata 40

3.2K 123 5
                                    

Hello, Anchors! This is the final chapter of High Wind and Waves. Thank you po sa araw-araw na pag-aabang. Salamat po sa matiyagang paghihintay sa akin. I hope I didn't stress you out hehe. Before you proceed to the content, gusto ko lang pong sabihin na magpapahinga po muna ako sa pagsusulat (pero tatapusin ko muna 'to), for a month, due to health concerns. I'm okay po hehe kailangan lang ng pahinga. You guys are my inspiration to write fast, to spread love and understanding. Maraming salamat po :) Wakas will be posted soon. Mahal ko kayo.

Kabanata 40

High Wind and Waves

Why do we call someone 'blue' when they're sad, but the color of the sky is blue when it's sunny? A sunny day means you get to have fun. You get to smile because of the bright weather. Masaya sa tag-araw kasi magagawa mo lahat ng bagay na gusto mo at kapag tag-ulan, halos isumpa mo ang lahat dahil hindi ka nakakalabas.

I hate it when the sky is blue. I hate that when it comes out sunny, I always see airplanes above, passing by. Hindi man palagi ngunit kadalasan, sa pagtingala ko, eksaktong may nakikita akong eroplanong dumadaan and I can't help but ask if someone was there, watching below me.

I've never loved the sky but I've learned to appreciate it whenever it's clear. Ibig sabihin lang noon ay posible akong makapagligtas ng buhay nang walang inaalala. I will not worry about the downpour of a heavy rain or of a raging flood. Malaya akong makakaalis. Malaya akong makakatulong.

Staring at the sky now, I can't help but asked if Reeve is also staring at the same sky with me. Tuwing magkasama kami, nakikita ko siyang palaging nakatingin sa himpapawid. I can only conclude that he misses his job and he misses flying up above.

"Doc, nandito na po tayo," pinukaw ni Ron ang aking atensyon nang dumaong na ang bangka na sinasakyan namin sa pampang.

I grabbed my emergency box and slowly went down the shore. Naramdaman kong nabasa ang aking sapatos ngunit hindi ko na inintindi iyon dahil nagmamadali kaming dalawa.

I will be performing an emergency relief procedure on a cow here at Isla Delmar. Malapit lang ito sa Puerto at ilang minuto lang ang itatagal ng biyahe lulan ng bangka. Pinakiusapan ko rin ang namamangka na kung pwedeng mas bilisan dahil kailangang maagapan agad ang karamdaman ng alagang nasa kabilang isla.

Naging pamilyar sa akin ang may-ari ng farm na papalapit na sa amin ni Ron. Agad kami nitong inaya na sumakay na sa dala nilang sasakyan para makarating sa kanilang lugar.

Mabilis ang biyahe sa pagmamadali. The cow could only last for 15 minutes to 2 hours, depende na rin sa kakayahan nitong huminga at sa laki ng humaharang na foam sa tiyan nito. If it struggles to breath, mas lalo lamang magiging maliit ang tsansang makaka-survive ito.

I instantly gave Ron instructions to prepare the trocar while I examined the distended stomach of the cow. Mukhang kanina ay mas lumaki pa ito. Hindi na kaya ng isang needle that's why I opted for puting a tube on its rumen wall. Kung sila-sila lang ang nandito, hindi pwedeng i-recommend ang paggamit nito at delikado rin.

"Buti po at tinawagan niyo ako nang may napansin kayong kakaiba," I told the owner while I touched the left side of the body. Malaki ang paglaki nito kumpara sa kabilang parte.

I tried pushing the skin a bit to examine more. Ikinabit ko sa aking tainga ang stethoscope at pinakinggan ang isang side ng katawan nito. I turned around to see that the cow had mucus on his nose. Kumunot ang noo ko at agad na bumaling sa may-ari.

"Kailan pa po ito sinisipon?"

"Mula kahapon pa, Doc. Baka po dahil sa lamig."

I nodded. Kumuha ako ng temperature at respiratory rate. Mababa ang temperatura at mataas ang respiratory rate. I can only tell from the wheezing sound while listening that it might have been pneumonia.

High Wind and Waves (Provincia de Marina Series #2)Where stories live. Discover now