Kabanata 7

2.3K 109 6
                                    

Kabanata 7

High Wind and Waves

"Sid, hindi ka ba talaga sasali?" tanong ko kay Isidore habang kumokopya kami ng notes mula sa aming libro.

Nagtanong ako sa kaniya tungkol sa Intramurals. Ang balak ko kasi ay sasali ako sa running event dahil mabilis naman akong tumakbo. Kahit noong nasa elementary palang ako ay pinipili na akong contestant.

"Nope. Manunuod na lang ako."

"Eh?" Sinundot ko ng ballpen ang kamay niyang nakapahinga sa mesa. "Sumali ka na. Minsan lang naman."

"Ada, I'm not that athletic like Kuya baka lampa-lampa lang ako sa court."

Napanguso ako. "Magaling ka kayang maglaro. Hindi ka lampa."

"Sinasabi mo lang 'yan kasi kaibigan mo ako."

"Hindi ah!" Umangal ako. "Nakita ko 'yong laro mo sa PE kaya nagsasabi ako ng totoo. Mag-try out ka na kasi. Sige na? Para magkasama tayo!"

Bumuntong-hininga siya. Binitawan ang ballpen na hawak at dahan-dahang lumingon sa akin.

"Ikasasaya mo ba talaga kapag sumali ako?"

Agresibo akong tumango habang nakangiti. "Yep! Sali ka na! Sabay din tayong uuwi niyan kapag nagkataon."

"Okay. Mag-t-try out ako bukas ng hapon. Pero hindi rin naman ako sigurado kung matatanggap ako. I am sure there are a lot of good players other than me."

"Ano ka ba?" Hinawakan ko siya sa balikat at nginitian. "Magaling ka! I believe in you!"

Grabe na 'yong pag-e-encourage ko sa kaniya para sumali lang siya. Bukod sa hindi naman madalas na sumali si Isidore sa mga activities, kadalasan ay nakikita ko lang siya sa classroom at nagbabasa ng libro. Talagang sobrang magkalayo kami sa aspetong iyon dahil mas madalas akong nasa labas at aktibo sa mga activities sa school.

"Hoy, anong pinag-uusapan ninyo?" ngiting-ngiti si Mabel sa akin nang mamataan ang kamay ko sa balikat ni Isidore. Alerto ko namang inalis ang kamay ko at pinanlakihan siya ng mata.

Umayos ako nang upo. "Niyayaya ko si Isidore na sumali sa basketball sa Intrams."

"Talaga?" Dinapuan niya ng tingin si Isidore na nagsusulat na ulit.

"Susubukan ko lang, Mabs, pero hindi sigurado kung matatanggap."

"Sus! Ikaw pa ba? Ang galing mo kayang maglaro. Hindi nga halata sa'yo eh."

Tinaas-baba ni Mabel ang kilay sa akin. Mas lalo ko lang siyang pinanlakihan ng mata para magtigil na.

Hindi ko naman matatago ang pagkakagusto ko kay Isidore. Isa pa, napansin din naman siguro ni Mabel na palagi akong nakatingin kay Isidore kaya niya nalaman. Hindi rin naman ako aamin kung hindi siya nagtanong sa akin noong nakaraan.

"Ikaw talaga, Ada! Sigurado naman akong walang problema si Isidore kung magugustuhan mo siya." Si Mabel at medyo dinutdot pa ang aking tagiliran.

Nasa court kami ngayon, nasa bleachers kumbaga habang nakatanaw sa court kung nasaan si Isidore at ang iba pang mag-t-try out. Nakasuot siya ng puting t-shirt sa loob at green na tank jersey naman sa labas. Naka basketball shorts din siya sa pang ilalim at ang mamahalin niyang sapatos.

Nakalabas ang kaniyang noo sa suot na Nike headband. Mayroon ding supporter sa tuhod at itim na band sa magkabilang siko.

"Ayaw ko lang na malaman ni Isidore. At saka, baka awkward iyon. Kaibigan niya na ako simula pa noon kaya hindi ko kayang baliin 'yong tiwala niya sa akin. At mukhang, hindi rin naman interesado si Isidore sa ganoong bagay. Kita mo nga at kahit sa Intrams ay parang walang pake."

High Wind and Waves (Provincia de Marina Series #2)Where stories live. Discover now