Friendship Fallen

By TemberCaid

2.5K 1.7K 205

They say that loving your boybestfriend is difficult and not easy. You know the word "No matter how much you... More

PROLOGUE
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28

12

81 68 3
By TemberCaid

KABANATA 12
ᵃⁱʳᵖᵒʳᵗ

Gumagawa ako ng takdang aralin sa kwarto ng may kumatok. Tumayo ako at binuksan ang pinto.

"What are you doing?"

"Ahh gumagawa ng takdang aralin. Bakit?"

"Mom called, may susunduin tayo sa airport."

"Sino?" tanong ko.

"Airian Mae Lionel"aniya bago umalis.

Airian Mae Lionel? Sa pagkakatanda ko, anak siya ni Mr. Rafael Lionel at Mrs. Amaryllis Lionel. Ika-apat na pinakamalakas na gang sa Pilipinas, at ika-tatlo sa pinakamalakas sa Asia. Anak ng isang mayamang pamilya ang sususnduin namin?

W-wow!

Tinapos ko muna ang takdang aralin ko sa isang paksa bago niligpit at nilagay sa bag.

Mahigit sampong minuto ako bago nakapili ng isususot. Mayaman iyon, kaya dapat maganda rin ang suot ko. Pero sa kamalas malasan ay wala akong nakitang magandang isuot.

Nagsuot nalang ako ng white oversize shirt na naka tuck-in sa high-waisted maroon pants na kakabili kolang, at   tsaka Nike shoes. I just fixed my hair into a messy bun bago kumuha ng dalawang daan at nilagay sa bulsa. Baka gutumin ako, mabuti na iyong may baong pera. Hindi pa naman ako nagtanghalian. 11:05 pa naman eh.

Kinuha ko rin ang keypad kong cellphone at nilagay sa bulsa, baka tatawag si Luigi, sabado pa naman ngayon. Kada sabado tatawag talaga siya dahil excited siyang sumundo sa akin dito sa bahay ni Abo. Dito siya natutulog kada sabado ng gabi, para daw sabay kaming umuwi ng linggo at dahil daw kasi libre ang mga pagkain dito. Yung  kaibigang iyon, porket nagmamagandang luob ang tao sa kanya ay niluboslubosan talaga niya kasi nga 'minsan lang may libre, kaya lubos lubosin ko na' aniya pa.

Malalim akong bumuntong hininga bago lumabas at bumaba. Wala nang Ashton ang naabutan pagbaba ko. Kaya dumiritso nalang ako palabas ng bahay at tiningnan ang isang — na nakaparada sa harapan.

"Daig mo pa ang pagong kong magbihis, tsk!" naiinip niyang sabi ng ibaba niya ang bintana ng kotse. Umirap ako sa kawalan.

"Sorry napo senyorito Ashton" paumanhin ko, hindi ko alam kong may halong pang-aasar ba iyon dahil tinaasan niya ako ng kilay pagkapasok ko sa front seat. Attitude ka boy?!

Habang nasa byahe hindi ko maiwasang mailang dahil sa katahimikan sa loob ng kotse. Mas gusto ko iyong nagyayabangan kami. Pero iyong katahimikang iyon ay nawala ng magsalita siya.

"Are you hungry?"tanong niya

"Hindi. Busog pa ako." sagot ko na kinatango niya. Nang maiparada na niya ang kotse sa paradahan ay una siyang lumabas na sinundan ko. Ilang minuto kaming nanghintay ng mag ring ang cellphone niya.

"Yes mom. No problem, yes im with el. Bye mom, love you more." rinig kong sabi niya kay mama— ay este! Kay tita pala. Tangina, kong anong pinagtuturo sa akin ni Luigi, yan tuloy muntik ng masabi ang katagang 'mama'. Pero ok lang naman iyon ah! Syempre dapat level up na.

Halos lumuwa ang mata ko ng makita ko kong sino ang naglalakad patungo sa diriksiyon......ni abo. Swerte niya gwapo ang susundo sa kanya. Pero mas swerte ako, kaibigan ko iyan eh.

Halos mabato ako sa kinatatayuan ng humalik siya sa labi ni Ashton. Ashton muna, inggit ako eh. Imbis na mainis siya ay nagawa niya pa talagang ngumiti kay miss Airian. Bumaling ang babae sa akin at tinaasan ako ng kilay. Aba! Nagtataas na ng kilay porket nakahalik sa labi ni Ashton? Swerte mo day, pero wag mo akong mataas taasan ng kilay.

"Who's this woman beside you?" nakataas kilay niyang tanong.

Binalingan ako ng tingin ni Ashton at tumikhim bago sinagot ang tanong ni miss Airian.

"My m-maid. My personal maid"

"Oww, just a maid. Katulong lang pala, pero sumama pa talaga." natatawa niyang sabi, marunong naman palang magtagalog. Sa sinabi niya ay nag-iwas ako ng tingin. Hindi porket katulong hindi na pwedeng sumama sa amo. Parang iniinsulto niya ang pagiging katulong ko basi sa boses niya.

May kong anong tumutusok sa dibdib ko ng makitang nagpumilit pa yatang masubuan si Ashton. Dahil sa glass wall ng mamahaling restaurant ay nakita ko ang ginagawa nila sa loob.

Pinilit akong sumama ni Ashton kanina para kumain pero panay tanggi lang ako. Nakakahiya naman kay miss Airian na nakataas ang kilay saakin kanina.

12:40

Sumasakit na ang puson ko dahil sa gutom. Mag tatatlumpong minuto na sila sa loob. Kong makakain daig pa ang pagong. Bakit naman kasi ang ibang mayayaman diyan, ang liit ng pagkaing nilalagay sa kutsara at sa bunganga kaya ang bagal matapos kumain.

May kumatok sa pintuan ng kotse, kaya binuksan ko. Bumungad si waiter galing sa restaurant na kinainan nila Ashton na may bitbit na papaer bag.

"Pinabibigay po ni Sir Morgan sayo. Kumain ka daw po maam." aniya sabay abot ng paper bag. Tinanggap ko ito at nagpasalamat.

Tiningnan ko ang laman. Isang hindi ko alam na pagkain ang laman nun. Tiningnan ko palang, mukhang masarap na. At dahil sa gutom ay naubos ko iyon. Saktong pagkatapos kong uminom ng tubig dito sa passenger seat ay bumukas ang pintuan ng front seat. Swerte mo, pinagbuksan ka. Sumunod ang driver seat. Agad akong umiwas ng tingin ng tumingin si Ashton saakin.

Hinatid namin si miss Airian sa isang mamahaling hotel bago umuwi ng bahay.

Nang maka park na ang kotse niya ay mas nauna akong lumabas duon at nag martsa papasok ng bahay. Nagulat ako ng makita si Luigi na prenteng nakaupo sa malambot at mamahaling sopa ni Ashton habang sarap na sarap na kumakain.

"Anong ginagawa mo dito? At paano ka nakapasok?" may gulat kong tanong sa kanya.

"Buti naman at umuwi kana, gaga ka. I contact you hours ago girl, but you don't answer my call. Kaya you know, as your good friend nag-alala ako. Baka kong saan kapa dinala ni fafa Ashton eh! Baka buntisin kapa niy—"

Shit talaga! May padala-dala pa akong cellphone yun pala lowbar na.

"Damn! What is your fucking problem— Luigi!"

"Hala ka! Fafa Ashton, why are you angry?"

Anong nakain ng baklang toh, at panay english?

"Shit! What are you doing here? You didn't even have a spare key in my house, only manang—"

"Fafa, mawalamg galang lang po ha. May number ako kay manang Neda kaya tinawagan ko siya para papuntahin dito sa bahay mo dahil sa pag-alala sa kaibigan ko. Pinagluto niya ako ng masarap na pagkain bago siya nagpaalam na may bibilhin sa palengke"

"Yeah, yeah, whatever. Azriella!?"

"H-ha?"

"Damn.... Follow me" aniya bago kami tinalikuran.

"Susunod ako!" medyo may kalakasan kong sabi sa papalayong bulto niya.

"Anong susunod ka?! 'Follow me' daw sabi ni fafa Ashton tapos susunod ka? Harot mo girl, sundan muna. Nag eenjoy pa akong kumain dito kaya wag mo muna ako istorbuhin." nakangisi niyang sabi saakin. Masama ko siyang tiningnan bago sumunod kay abo.

Tiningnan ko ang medyo nakabukas na pinto ni abo bago tinulak iyon para makapasok ako.

Natagpuan ko siyang nakaupo sa king size bed niyang kama habang masamang nakatingin saakin. Problema niya?

"Bakit mo ako pinasunod dito?"

"I wan't you to do something to me."

"Ano yun?"

"Massage me."

Napakurap kurap ako sa kanyang ipapagawa. Masahe daw?

"O-ok"

Pinanuod ko siya kong paano niya hinubad at kanyang pang-itaas na damit bago humiga sa kanyang higaaan.

Wait! What?

Bakit siya naghubad?

"Hop in"

"Ahmm pwede namang sa gilid lang ako"

"I said, hop in." taas kilay niyang sabi sakin.

"A-ah, ehh, hehe o-okie" utal at peke kong tawa bago kinuha ang Pain Relief Rub sa tabi niya. Dahan dahan akong pumatong sa kanyang likod at nilagyan ng Relief Rub ang kanyang likod.

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...