Heart Of Bullets ( Mafia Seri...

By frezbae

313K 15.8K 1.7K

Addelyn's live her life in a province of Samar peacefully not until she became involved in a fraternity. To... More

Guidance
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39

Chapter 11

8.4K 489 37
By frezbae

Nakabayad ng kuryente at iilang utang si tatay. Hindi niya sinabi kay nanay kung saan niya kinuha. Ang sabi niya lang ay inutang niya.

Alam ko na galing kay Melissa ang pera na iyon. Simula nang pinagbabaril kami ni tatay ay nagkaroon na yata ako ng trauma. Sa tuwing bumabalik kami doon sa mansyon na pinagtataguan ni Melissa ay balisa ako.

Malaki ang utang na loob ni tatay kay Melissa. Alam ko rin na pinaghahanap siya at maaaring mapahamak si tatay anumang' oras.

Ramdam ko rin na hindi masyadong maayos sila nanay at tatay.

Huminga ako ng malalim at  tinitigan ang cellphone ko. I mean, iyong cellphone na binigay ni Felix.

Nagdadalawang isip na ako sa aking mga ginagawa. This is not me. Bakit ba ako nagpapagalaw? Hay! Gusto ko na lang umatras.

Nilapag ko ang hose at pinatay. Nagbibinyag ako ng mga halaman ng mapagpasyahan na puntahan si Karen sa bahay nila.

Hindi na ako nag ayos dahil sobrang lapit lang naman.

Nakita ko siyang nagcecellphone at umangat agad ang tingin niya sakin.

"Karen."

"Oh?"

Umupo ako sa katabi niyang upuan at bumuga ng hangin.

"Itigil na natin ito. Nakokonsensya ako."

Umirap siya sa ere. "Konting tiis nalang Addelyn! Ngayon kapa talaga nag iinarte? Sabi mo tutulungan mo ako? Addelyn!"  hinawakan niya ang kamay ko. Kinagat ko ang aking labi.

"Sabi mo tutulungan mo ako? Kami! Ikaw lang ang paraan para mabigyan ako ng hustisya."

Mas lalong gumulo ang aking utak. Parang gusto ko nalang huwag pansinin ang lahat. Sana ay maging maayos nalang ang lahat.

I'll just pretend. That's all I can do.

~~~~

Araw na ng klase. Para sa iba ay pang karaniwang araw lamang ito pero sa akin hindi na. Simula nang makilala ko si Felix ay nagbago na ang lahat.

Papunta palang ng eskwelahan ay sobra na ang kabog ng dibdib ko. Everytime I imagined his handsome face and well built body ay hindi ko natatanggap na nahahawakan ako at nahahalikan ng katulad niya. Kahit na alam ko na isa lamang ako sa kanyang flavor of the month.

Siya mismo ang nagsabi nun kaya hindi dapat ako mag e-expect ng sobra. Hay. Ewan. It just all happened so fast.

"Addelyn! Paturo naman nito." tanong ng kaklase kong' lalaki. Marami nga namang hindi nakaintindi sa explainations ng teacher kanina pero buti nalang may naintindihan ako kahit konti. Tuloy tuloy naman kasi mag letions walang preno o paintindi samin.

"Ganito lang yan..." halos tumagal si Ryan sa tabi ko. Kung hindi lang siya siniko ng isang kaklase naming' lalaki at hinila ay hindi pa siya umalis.

"Mga galawan mo ah!"

Nagtawanan sila kaya napairap ako. Mabuti nalang rin at hindi na ako tinatarayan lagi ni Annika. Minsanan ko rin na nakikita silang dalawa ni Karen.

Nag aayos ako para mag lunch ng tumunog ang aking cellphone. Ito yung cellphone na binigay ni Felix. Ang hightech nga naman ng cellphone niya.



"Hello?" kumakalabog ang dibdib ko ng sagutin ko ang tawag niya.

"May inaayos lang ako ngayon. I paid the restaurant for your food. Dadalhin na diyan."

"Huh? As in dito sa classroom?"

"Yes."

Umirap ako at tumango nalang.

"Sige."

"Hmm, I know what you are doing right now Addelyn."

Umawang ang labi ko. Nakakatakot talaga ang lalaking ito!


Nagpapasalamat ako dahil hindi ko siya makikita ngayong araw. Dala ko nga rin pala ngayon ang jacket ng lalaking nagpahiram sakin nito. Nagbabakasakali akong makita siya mamaya sa shed.

Pero kung hindi naman siya magpakita ay ayos lang pero mas maigi na maibalik ko itong jacket niya dahil ilang araw ko na itong tinatago na hindi makita nila nanay at tatay. Baka kasi ano pang masabi sa akin.


Si tatay pala, mukhang ayaw narin pag usapan si Felix. Ni hindi na niya iyon tinanong pa sakin.




Nang mag dismiss ng hapon ay nakita ko sila Annika at Karen na nag uusap. Ngumisi sakin ang dalawa kasama pa ang iba nilang barkada.

Kasapi parin si Karen sa fraternity. Maging si Annika ganon rin. Hindi ko nga lang nakikita ang ginagawa nila dahil sa ayaw ni Felix na makita iyon. Buti nalang, hindi na nila sinasaktan si Karen.



"Addelyn!" tinawag ako ni Karen. Nagtawanan sila.


Lumapit ako sa kanya at nilahad niya sakin ang mga libro niyang bitbit. Pito iyon lahat at may bag pa.


"Ano to?"

"Gamit ko. Hindi ako uuwi. Mga eight pako uuwi. May birthdayhan kasi kina Annika kaya ikaw na muna ang umuwi niyan sa bahay ha? Salamat!"

Sabay tapik niya sa pisngi ko.

"Teka! Mahihirapan ako nito Karen!"


Hindi na siya sumagot pa sakin at dumiretso na sila sa labas ng gate.




Napakamot ako sa ulo at walang nagawa. Mahal ang rent ng books sa library kaya hindi puwedeng pabayaan ko ito.


Nahirapan ako sa paglabas ng eskwelahan. Pinagtitinginan ako ng mga lalaki at umiwas rin sila. Alam ko na takot sila kay Felix kaya walang tumulong sakin. Hay. Ang pangit talaga ng mga ugali ng mga estudyante dito.



Mabigat pa naman itong bag ko dahil sa malaking jacket ng lalaking iyon!


"Hay! Ito talagang si Karen isusumbong ko na iyon!" himaktol ko habang nahihirapan sa pagkarga ng mga libro at bag ni Karen.


"Isusumbong ko kay tita na hindi na siya virgin! Ay hala!"

Nahulog isa isa ang mga libro kaya lumuhod ako para makuha ang mga iyon! Nasa waiting shed na ako e! Nahulog pa!


"Here..."


Pamilyar na pamilyar sakin ang boses na iyon!

"I-Ikaw nga!"


Binigay niya sakin ang mga libro at nilingon ang kanyang sasakyan.

"Hatid na kita."

Kinagat ko ang labi at namangha. Hay. Ang guwapo naman. Parang si Felix lang!


"Naku huwag na. Tsaka pala ito oh..." kinuha ko ang jacket at binigay sa kanya. "Nilabhan ko na yan. Ano pala ang pangalan mo?"



"Armando."


Tumango ako at uminit ang pisngi dahil titig na titig siya sakin.

"Come on, hatid na kita. Napadaan lang ako dito dahil may tiningnan saglit." titig na titig siya sakin.


"Naku huwag na talaga. May pamasahe ako pauwi. Tsaka alam mo na..uso rape ngayon at hindi kita kilala."


Malutong siyang tumawa at namaywang. Nakakahiya talaga minsan itong bibig ko!



"Uh-"


"Alright...."

Nakita kong dumaan sila Borge at nakatingin sakin. Ang titig nila ay may babala. Kinabahan ako bigla.


"Ah, pasakay nalang? Tara na!"


Nakita kong seryosong nakatitig rin si Armando kina Borge bago niya ako pinagbuksan ng pintuan ng kotse niya.


Mabait si Armando at hindi gaanong pasalita. Nasa malapit na kami sa bahay ng tumawag si nanay.

Napatingin ako sa cellphone ko at gayon din si Armando. He craned his neck like he's investigating my cellphone. His jaw clenched.


"Nay?"

"Jusko Addelyn! Nasaan kana? May sumabog raw na bomba doon sa school niyo! Sa may waiting shed! Nag alala ako!"


"Po?!" nagimbal ako sa binalita ni nanay at tumindig ang balahibo!

"Oo! Ngayon ngayong lang! Nakita namin sa balita!"


Hindi ako makapagsalita. Nandoon ako kanina sa waiting shed. Nakatayo ako doon at kung hindi ako pinasakay ni Armando...baka...baka....

Continue Reading

You'll Also Like

298K 11.1K 78
"Leave, you're free. Don't ever come back here again." She said, hoping he wouldn't return and she'll get to live Hael was shocked, "Are you abandon...
801K 52.1K 57
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...
566K 35.2K 48
𝐈𝐧 𝐭𝐡𝐞 𝐓𝐚𝐧𝐠𝐥𝐞𝐝 𝐰𝐞𝐛𝐬 𝐨𝐟 𝐇𝐞𝐚𝐫𝐭𝐬, 𝐚𝐧𝐝 𝐩𝐮𝐫𝐬𝐮𝐢𝐭 𝐨𝐟 𝐓𝐫𝐮𝐭𝐡𝐬, 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐰𝐞𝐚𝐯𝐞𝐬 𝐢𝐭𝐬 𝐦𝐞𝐬𝐦𝐞𝐫𝐢𝐳𝐢𝐧𝐠 �...
3.1M 129K 59
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...