Sitio Series 3: Scheming List...

By oootksm

4K 424 85

[FIN] | Unedited Sitio Series 3: A typical highschool setting story. A girl who chases someone she admire for... More

Sitio Series 3
Synopsis
Prologue
Mayor
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Mayor
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Epilogue
Mayor
Special Chapter I
Special Chapter II

Chapter 21

49 6 4
By oootksm

Plant tito

“Gremory has a lot of red flags.. A walking red flags..” Deiry said while sipping her tang juice. Kailan pa siya naging fan ng Tang Juice?

I smirked, “flag pole ako. Kung siya red flag ako flag pole...”

Deiry rolled her eyes.. “Smooth for a tanga like you.”

Nanlaki ang mata ko. “Hoy! Foul ‘yon ah!”

“Strike ‘yon kung ganoon. Sapol sayo ano?”

Naimulat ko ang aking mata at nagising ang diwa sa pagkakatulog ng maramdamang may yumuyugyog sa akin mula sa marahan ay naging marahas. “Dorothy, ” tawag nito. “Anak gumising ka na..” Napaungol ako. “Dorothy, anak may maghahanap sayo sa sala..Hinihintay ka niya, gumising kana..”

Bumaling ako sa kabilang dako ng kutson. “Ma, limang minuto pa po..” Muli kong binalak na matulog pero kusa nalamang akong mapabangon ng marinig ang pangalang iyon.

“Gremory... Gremory ang pangalan nung naghihintay sayo..” Shit!Nanlalaki ang mga mata kong nakatitig kay mama. “Ang aga niyang tumatawag sa may gate ma nga ala sais trenta palang ay kumakatok na siya.. Tinanong ko kung ano ang kailangan,” hindi ako pumayag ah! “Sabi niya tutor mo raw siya anak..”

Nababaliw na ‘tong si Gremory! Talagang nananadya dahil bigla nalamang niyang inilapag sa desk ko ang mga notes at libro niya.

Maling desisyon talaga ang pananalangin na sanay maging kaklase ko siya. Aba sino ba naman ang hindi matutuwa kung kaklase mo ang crush mo? Pero kung ganito rin naman siya... Mas mabuting ‘wag nalang.

“Aanhin ko ‘yan?” Malamig kong tugon.

Bahagya pa itong nagugulat sa pag akto ko. Hindi ba’t ito ang gusto niya? Iyong kalimutan ko nalang lahat ng nararamdaman ko sakanya, iyong lumayo nalang? Kung kailan sinusunod ko ang mga gusto nito saka pa lapit ng lapit.

Siya ata ang may aning sa aming dalawa!

He is clearly annoyed based on his expression. “Reviewers. Tommorow at 6 am we're going to study. ” 

I crossed my arms, “alam mo Gremory salamat nalang pero ‘wag na. Ang kulit mo,” I glared at him. “Hindi mo ba maintindihan na ayaw ko? Kaya kong mag-aral mag-isa. Pambubully nga sa akin noon na kaya ko hindi ba?”

Hindi ito nakasagot nanatili lamang nakatingin sa akin. “And then what? Magpapaturo ka kay Rodriguez? Paano ka niya tuturuan kung kayong dalawa ang naguunahan sa rankings ng mga bagsak?”

Mas lalong nalukot ang mukha ko. Ako na ang nagkusa! Sinunod ko na ang gusto niya para iwas gulo na rin kina Rafiya na hanggang ngayon nagpapa victim pa rin at si Stacy na hindi maka move on sa buhay dahil ang daming inggit sa katawan..

Habang ako? Maraming sama ng loob.

“Wala ka ng pake kung parehas kaming bagsak. Atleast tinry ‘di ba?” Ani ko at aalis na sana ng higitin nito ang kamay ko dahilan upang mapaharap ulit sakanya.

“And now you're giving up, huh? After years of plotting your crazy antics, chases and even trying to put love potion on my drink?” Tiim bagang nitong tanong. Matangkad si Gremory dahil mukhang mabangis ang genes.

Tiningala ko siya. “Past is past move on na ako sayo. Actually may new crush ako, ano ka sinuswerte kung sayo lang ako magiging patay na patay?” Ani ko. “Habang may buhay may bagong crush, at may bagong kalandian. ”

Nagkukumahog akong maligo kahit na hindi iyon mabuti sa kalusugan habang si mama ay nagpaalam na magluluto ng almusal at dito nalamang papakainin ang bwisita. Isang over size na t-shirt na kulay lavender ang isinuot ko na may naka imprentang “Survivor of love”  at isang  jogging pants na nabili ko sa shoppe noong 6.6 midyear sale.

Pagkatapos ay sinuklayan ko ang buhok at iniligpit ang hinigaan namin ni mama. Natapos ako ng wala sa oras, iniisip kung anong sumapi sa lalaking iyon at parang ang lakas ng trip sa buhay.

Ang gulo niya. Sala sa lamig, sala sa init.

Ang hirap niyang basahin, ang hirap makilugar sakanya. Isa sa sign ng red flag? Ewan.

Nakakunot noo kong sinalubong ang tingin nito. Imbes na kiligin ay  naiinis ko itong tiningnan tila sa isang iglap nawala ang Dorothy na patay na patay sakanya at napalitan ng ibang katauhan. “Anong ginagawa mo rito?” Pasinghal kong sabi.

He's wearing a white t-shirt and a black khaki shorts. Gremory looks like a typical bad boy with eye glasses. “Goodmorning.” Sa tabi nito ang maliit na back pack. “I have the reviewers with me. Iniwan mo kasi sa desk mo.”

“Umuwi ka na.”

“Not gonna happen. I told you ma'am told me to teach you kapag hindi ka pumasa ibig sabihin ay hindi ko sineryoso ang utos nito.”

Sasagot pa sana ako ng nakangiting nilapitan kami ni mama, “mga anak kain na..” Ayaw kong maging bastos at ipagtabuyan na ng tuluyan si Gremory dahil unang-una kahit gaano ako kagalit ay hindi ako ganoong tao, pangalawa madre si mama at alam kong ikakagalit niya ang magiging asal ko kung sakali at pangatlo mukha kasing hindi pa nakakapag-almusal si Gremory..

Gremory shook his head. “U-Uhm, thank you po pero hindi na kailangan. Hihintayin ko nalang po si Dorothy matapos..” Tunog mabait pero hindi naman.. Ay sa akin lang pala siya hindi mabait.

Mama Karina chuckles when we all heard Gremory's growling hungry tummy proving that this guy is lying. “Naku iho kumain ka na. Mukhang hindi ka pa nag-aalmusal..” Nakangiting anyaya ni mama kaya't napasunod na lamang ito.

Nakaupo si mama sa harapan habang magkatabi kaming dalawa ni Gremory. Wala sa sariling hinapagan ko ito ng kubyertos bagay na nakasanayan ko na dahil kina Tiya Mercedes. “U-Uh.. Sige ikaw na..”

Tumango ito. “T-Thank you..”

Mayamaya‘y nagsimula na kaming kumain. Pinagmamasdan ko ito, bawat kilos niya ay tila kalkulado na bawal siyang magkamali pati na ang pagnguya, paglapag ng kutsara ay perpekto. Ano siya nasa training?

Abala si mama sa pagsubo ng kanin, binalingan ko si Gremory. “Hoy, ” bulong ko.

“Hmm?”

“Easyhan mo lang. Masyado kang kabado.” Sambit ko dahilan para mapangisi ito bigla at mapailing.

“Yet you told me you found another crush, huh?”

Natigilan ako, sinamaan ko siya ng tingin. “Kainis ka.”

“I know and I'm sorry.”

Nagkibit balikat nalang ako para hindi na humaba ang usapin. Bahala siya, magsorry siya ng magsorry kung ilang beses niya gusto. Nakakasawang pakinggan.

Ay, pangalawang beses na pala niya akong sinabihan.

___________________

“Lagyan mo ng highlights yung mga important details para madali mong ireview.”

“Isulat mo sa sticky notes lahat ng importante tapos idikit mo sa pader o sa lagi mong tinitignan.”

“Wrong. Next problem.”

“I said–––”

Puno ng inis kong hinarap siya, “oo na, oo na!” Kanina pa siya salita ng salita halos hindi na ako makapag concentrate sa pinapaaral niya.

Tumikhim naman ito at tumayo siguro oorder ulit ng pagkain. Nag-aya kasi siyang sa isang cafè na free wifi nalang kami mag-aral nakakahiya naman daw sa bahay, kaya kahit tinatamad ay sumunod nalang ako. Gusto ko ngang ayain si Deiry kaso busy ata. Pagkatapos ng remedial pasahan na ng grades ibig sabihin nun graduation na namin.

At SHS na. Saglit akong natigilan ano nga bang strand ang kukunin ko? Nalilito at mas lalong natakot dahil hindi ko alam kung ano bang gusto ko. Ayaw kong magkamali, ayaw ko ring magkaroon ng maling desisyon..

Bahala na..

Inabala ko ang sarili at sinunod ang mga instructions ni Gremory nakakatawa na para bang mas lalo akong nagsipag kahit hindi ko man aminin. Napaangat ako ng tingin nang ilapag nito ang isang cheesecake at tubig sa harapan ko. “Wala akong pamabayad..” Katwiran ko.

Tinaasan niya ako ng kilay, “hindi kita sinisingil.”

Nakanguso akong nag-iwas ng tingin. “Right. Ayaw mo nga pala sa babaeng nagfi-first move,” it was bitter when it came out on my mouth.

Gremory sat down, his stares were intense that made me uncomfortable. “Why would a girl make a move if I can do it first?” He smugly said. “I should do the first move..”

I crossed my arms doing my best not to be affected on him, “ego? Kung kaya ng lalaki, kaya rin ng babae. Hindi porket kami ang unang gumalaw ay desperada na. Palibhasa porket babae ang nanligaw agad niyong babatuhin ng mga salitang desperada, ang pabangit tignan, walang delikadesa at iba pang mga negatives comment.” Saad ko. “Oo na kayo na ang cool, kayo na ang hinahabol. Shuta,”

He sighed. “Okay, I'm sorry for judging and throwing some harsh opinions I should keep it on myself.”

“Aba dapat lang.”

“Like what I've said I didn't mean to offend you.”

“Ay hindi lagi mo akong inooffend maladas sadya mo.”

“Dorothy..”

“Bakit?”

“Just focus on your reviewers. We should argue in front of food and things needed to be done.”

I rolled my eyes again and did my thing. Wala akong ideya kung saan ko nakukuha ang lakas ng loob magtaray samantalang sa loob-loob ko’y nanlalambot dahil sa lapit namin ni Gremory.

Binalot kami ng katahimikan naco-concious ako sa tuwing mag-aangat ng tingin tapos magsasalubong ang mga mata namin. Naka lagay ang pisngi sa kamay nito at mariin akong pinapanood, nakakalunod bawat tingin.. Nakakatakot..

Tuwing napapansin niyang aware ako sa pagtitig nito’y mag-iiwas siya ng tingin pero maya’t-maya nandiyan na naman.

“Dorothy,” tawag na naman nito.

“Ano na naman?”

He sighed again, “why did you wear that?” Turo nito sa shorts ko.

Ibinaba ko ang ballpen, “above the knee. Hindi naman masyadong maikli––”

He cut me off. “–Pero kapag umuupo ka kita ang legs mo. ” At biglang napunta ang tingin sa kabilang table. Napansin ko ang mga kalalakihang sing edad namin ang nagtatawanan sabay titingin sa amin at higit sa lahat sa legs ko.. “Tayo.”

“Huh?” Lutang kong ani.

He looked so pissed. “I said stand up.” Sumunod na ako. “There.” Medyo hindi ako nakasagot sa mga inaasal niya ngayong araw!

Naningkit ang mga mata ko at may mapaglarong ngisi, “siguro nagseselos ka o kaya naiinis kasi nakikita nila legs ko ano?”

Hindi siya umimik. “No, as if.” Laglag ang balikat ko at hindi pinahalata ang pagkadismaya. “I’m just a plant tito kaya kita pinalipat...” Aniya at bumaling sa katabi nitong paso na may bulaklak––kanina na katabi ko sa pwesto. Dekorasyon ng cafè. “I just want to appriciate the beauty of this plant that's why. Y-Yes I'm a plant tito.”

_____________
#Plant Tito

A/N: Xerxes=Concern Citizen
Rossweisse= Makata
Gremory= Plant Tito

Continue Reading

You'll Also Like

26M 779K 76
"You are mine!" He roars. "I will do whatever it takes to make you know that. Whether it means I lock you up in a prison and throw away the key." Foo...
6.5K 892 64
[FIN] Sitio Series 2: Rossweisse Seth Victoria a basketball player and Mr. Friendship of the campus. Inspired by her mother's profession, he loves t...
55.3M 1.8M 66
Henley agrees to pretend to date millionaire Bennett Calloway for a fee, falling in love as she wonders - how is he involved in her brother's false c...
10.2M 639K 168
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...