High Wind and Waves (Provinci...

By Lumeare

135K 4.7K 527

The Wattys 2022 Winner! Category: Romance Campo Razzo has always been a refuge for animals and for Adamaris S... More

Disclaimer
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Wakas

Kabanata 5

2.9K 105 17
By Lumeare

Kabanata 5

High Wind and Waves

Basang-basa ako nang bumalik na kami sa farm. Busangot ang aking mukha habang nasa unahan ni Reeve na ngayon ay basa rin ang damit. Nang bumagsak ako kanina sa tubig ay naabot siya ng malalaking talsik kaya nabasa ang pang-ilalim na suot.

"Kapag ako nagkasakit, ikaw ang sisisihin ko!" sambit ko habang papalapit na kami sa farm dahil nanginginig ako sa lamig.

"What? It's not my fault Little Ada! You're just clumsy, admit it."

"Clumsy? Hindi ako clumsy!" giit ko kahit hindi ko naman maintindihan 'yong sinabi niyang salita.

Bakit ba ako ini-English ng mga ito? Naiintindihan ko 'yong iba sa kanilang sinasabi kasi inaaral naman 'yon sa school. Talagang minsan mahina lang ang pang-intindi ko.

"If you say so..." ganti ni Reeve at mukhang wala na ring pakialam.

Mas lalong lumalim ang simangot ko lalong lalo na nang makababa na kaming dalawa sa kabayo. Nandoon na si Papa at mukhang hinahanap ako. Agad na lumapit si Papa sa akin nang makitang halos 'di ako makagalaw sa lamig.

"Ada! Bakit basang-basa ka?" si Papa.

"Tito Manny, I'm sorry po. Dinala po namin siya roon sa creek," pinangunahan ni Isidore iyon.

"Natapilok po siya roon sa bato at bumagsak sa tubig kaya po siya basa." Si Reeve ang tumapos ng sasabihin ni Isidore.

"Ganoon ba?" Bumaba ang tingin ni Papa sa akin at nagpakawala ng hininga. "Sa susunod kasi ay mag-ingat ka Ada. Paano 'yan? Kailangan mong umuwi ngayon kasi wala kang dalang damit."

"She can borrow my clothes, Kuya Manny. Kasya iyon sa kaniya," singit ni Reeve na ikinasalubong naman ng aking kilay.

Lumingon ako sa kaniya. "Huh?"

Dumapo ang tingin niya sa akin. "I said you can borrow my clothes, para hindi na kayo umuwi ng Papa mo. Isidore wants you to visit the mansion, right? So it's your chance, too."

Ah, ganoon pala 'yon. Eh bakit kailangan kong humiram ng damit sa kaniya? Pwede namang damit ni Isidore na lang ang ipahiram sa akin. Sigurado ako na kakasya rin naman sa akin.

"Sigurado po ba kayo, Sir?"

"Opo. Isasama na lang po namin si Li—Ada papunta sa mansyon."

Pumayag naman kaagad si Papa kay Reeve. Isinama nga nila ako papuntang mansion na dalawang beses ko na ngayong mapupuntahan kung saka-sakali.

Agad kaming dinaluhan ng isa nilang kasambahay nang nasa entrada na kami ng mansyon. Hindi kami pumasok agad. Nag-utos si Reeve na kumuha muna ng towel para sa akin. Buti naman at napansin niyang nilalamig ako sa suot kong damit! Baka talagang sisipunin ako nito kapag nagkataon.

"Are you okay, Ada? Are you still cold?" magaang tanong ni Isidore sa akin. Ang mga mata niya ay puno ng pag-aalala nang ibalot ko ang tuwalya sa aking katawan.

"Okay lang. Salamat!" Ngumiti ako para ipakita na ayos lang ako. Buti at nabawasan ang panginginig ko sa lamig. Kung sana ay mas maaraw ngayon, baka kanina pa natuyo ang damit ko.

Si Reeve ay lumitaw mula sa kung saan dala ang mga damit na siyang pagpapalitan ko.

"Come on. There's a common bathroom in here," aya niya sa akin. Mukhang mabait siya ngayon. Aba, dapat lang! Talagang sinisisi ko siya kung bakit ako nabasa. Kung hindi ba naman dahil sa kaniya ay hindi naman ako susuong sa tubig at gaganti.

Pero sadyang hindi lang ako nag-iingat.

Iniwan ko si Isidore sa may garden nila at sumunod kay Reeve na hanggang ngayon ay dala-dala ang mga damit.

"Bakit kailangang ikaw ang magpahiram sa akin? Bakit hindi si Isidore?" habol kong tanong.

"Sid's clothes won't fit on you," anito.

"Ha? Payat naman ako! Kakasya iyon!" iginiit ko.

"Maliit iyon." Hinarap niya ako at ibinigay sa akin ang mga damit. "That's the bathroom. There's already a soap inside if you want to take a bath."

"T-teka! Iiwan mo ko rito?" Wala kasing katao-tao at kung umalis man si Reeve ay baka matakot lang akong lumabas.

Kumunot ang noo ni Reeve. "What? No. I'll be a few feet away so you can have your privacy."

Nakahinga ako nang maluwag. Buti naman! Alam kong tapang-tapangan ako pero kapag iniwan akong mag-isa ay natatakot ako. Kahit maliwanag pa ang araw, basta't nag-iisa ako, natatakot ako.

Dati na akong naiwan nina Mama sa bahay noon. Umalis sila ni Papa nang hindi nagpapaalam sa akin at lahat ng pinto sa bahay ay naka-lock. Hindi agad-agad mabubuksan dahil pwedeng ma-ikandado iyon sa labas. Buong araw akong iyak nang iyak noon kasi nga wala sina Mama at Papa. Kapag may tumatawag sa bahay ay hindi ko sasagutin dahil baka may kung anong gawin sa akin.

Nasa labas naman si Reeve ngayon kaya kahit papaano ay ayos lang.

Naligo ako saglit. Tama nga siyang may sabon doon, may shampoo rin. Siguro ay may gumagamit din ng banyo dito kaya naman kumpleto ang gamit. May salamin pang naroon kaya natingnan ko nang maayos ang aking damit na suot.

Kasya sa akin ang damit ni Reeve pero medyo mahaba. Siguro nga kapag isinuot ko ang damit ni Isidore ay bitin iyon sa akin. May shorts ding kasama ang damit ni Reeve kaya isinuot ko rin dahil kahit mukhang dress naman ang damit niya, lumalabas naman nang kaunti ang pwet ko.

Nang lumabas ako ay nandoon si Reeve, ilang talampakan lang ang layo sa pinto ng banyo. Inangat niya ang tingin sa akin nang bumukas ang pinto. Agad niyang hinagod ng tingin ang aking suot na damit bago niya inangat ulit ang tingin sa aking mukha.

"Sala—" naputol ang sasabihin ko nang bumahing ako sa harapan niya. Saktong nasalo niya iyon nang hindi sinasadya.

"Yuck, Little Ada!" reklamo niya. Agad kong tinakpan ang aking ilong at bibig. Pakiramdam ko nga ay may tumalsik na laway sa kaniya.

"Sorry!" Naalarma ako. Baka mahawa ko siya dahil doon!

"Ramdam ko pa ang laway mo. Ew." Pinahiran niya ang mukha. Hindi ko napigilan ang paghagikgik kaya sinamaan niya ako ng tingin.

"Sorry!" Tawang-tawa na ako. "At salamat na rin sa damit!"

"Whatever." Tinalikuran niya ako. "Let's go."

Buong araw akong nanatili sa mansyon ng mga Camporazzo. Doon na rin ako nananghalian kasama nina Sir Julio. Ang Mama nina Isidore na si Ma'am Letitia ay kasama rin namin at agad siyang nagalak nang makita ako sa bahay nila.

Nanuod kami ng TV ni Isidore doon sa malaking sala nila. Ang kaniyang Kuya ay hindi ko na nakita matapos naming kumain ng pananghalian. Siguro ay umakyat na sa kwarto at nagmukmok roon.

Napaghalataan kong mas close si Reeve kay Sir Julio. Si Isidore naman ay sa kanilang ina. Mas madalas kasing mag-usap sina Sir Julio at Reeve gaya nang kung paano mas madalas ring kausapin ni Ma'am Letitia si Isidore. Kaya rin siguro malambot si Isidore sa akin kasi nga babae ako at mas malapit siya sa kaniyang ina.

Lumipas ang mga araw at natapos na ang aking bakasyon. Hindi ko agad namalayang first day of school ko na bilang grade 5. Medyo nakakalungkot iyon dahil hindi na ako masyadong makakabisita sa farm at bilang lang ang araw na makikita ko si Isidore at makakausap.

Transferee ang tanyag nila sa akin sa school. Bukod sa bago ako, maliit ako kumpara sa iilang kaklaseng babae pero maganda naman ako kumpara sa iilan sa kanila. Okay na 'yong maliit basta't maganda.

"Adamaris, sa'yo na lang 'tong baon kong sandwich. Ayaw ko kasi ng palaman na nilagay nina Mama diyan." Inilahad sa akin ni Mabel ang nakabalot sa tissue na sandwich.

"Bakit? Ano bang flavor?"

"Peanut butter. Ayaw ko kasi dumidikit dito oh." Itinuro niya ang bubong ng dila.

"Sige, salamat!"

Si Mabel ang una kong naging kaibigan sa school. Bukod sa magka-klase kami, magkatabi rin kami sa upuan. Matangkad siya kumpara sa akin at makinis ang balat. Mabait ang mga mata at magaan din ang kaniyang ngiti. Mukha nga siyang anghel eh. Hindi ko alam kung bakit gusto niyang makipagkaibigan sa akin eh mukha nga akong naghahanap ng away.

Mabuti na rin iyon kaysa wala akong kaibigan. Okay na rin ang isang kaibigan sa akin at saka, kaibigan ko na rin naman si Isidore kaya dalawa na. Wala na akong problema roon. Kapag maraming kaibigan, magulo.

Mabilis lang na nagpalit ang mga araw. Hindi ko namalayang Sabado na at excited akong sumama kay Papa sa farm. Gaya ng sabi ni Isidore ay tinapos ko muna ang mga assignments ko para naman makatagal ako roon sa farm.

"How's your first day, Ada?" bungad niya agad sa akin nang makarating kami sa farm ni Papa.

"Okay naman! Tinatawag nila akong transferee, Isidore. Pero nagkaroon naman ako ng kaibigan."

"Really?" mangha siya sa akin. "I bet it's a girl."

"Oo! Mabel ang pangalan niya. Mabait din siya. Binigyan niya ako ng sandwich noong nakaraan."

"That's good, then. Buti at mayroon ka ng kaibigan sa school."

Next week pa magsisimula ang kina Isidore dahil nasa pribadong paaralan. Talagang hindi kami nagkakasabay kahit doon kaya pwedeng-pwede siyang pumunta sa farm kahit anong oras nitong mga araw kasi wala pa siyang pasok.

"Diba ang kuya mo ay high school na?" tanong ko.

"Yep! Kuya's now a grade 7."

Napanguso ako. Ang swerte naman! Excited na nga akong mag-high school eh. Kung hindi sana ako tumigil edi sana grade 6 na ako ngayon sa pasukan. Naiintindihan ko naman sina Mama pero talagang nasasayangan ako sa isang taong iyon. Pero masaya naman ako kasi kung hindi rin naman siguro ako tumigil, hindi ko rin naman makikilala si Isidore.

Mas naging maayos ang pagkakaibigan namin ni Isidore. Bukod pa sa pareho na kami ng grade ngayon ay mas nagkakasundo na kami sa mga bagay-bagay. Kaya kapag nahihirapan ako sa isang subject ay nagpapatulong ako sa kaniya. Medyo huli nga lang 'yong kanilang lesson pero nahahabol niya naman ako.

"Matalino ba ang Kuya mo?" kuryuso kong tanong dahil wala akong kaalam-alam  tungkol kay Reeve. Basta ang alam ko lang ay nakakainis siya at ang sarap burahin ng mukha.

"Yep! Kuya's on top of his class though, I heard that a lot of his classmates hate him because he's greedy."

Umalon ang aking noo. "Greedy? Bakit daw?"

"Because he doesn't give answers to their tests! Kaya nga nagtataka ako bakit nila tinatawag na gano'n si Kuya. He's doing the right thing naman. If Kuya will give them his answers and he gets caught, Kuya will receive a punishment."

May punto nga naman si Isidore. Na-guilty tuloy ako! Kasi naman...gawain ko 'yon sa school eh. Gaya nga ng sabi ko, hindi naman ako matalino, maganda lang. Nakasanayan ko na ang manghingi ng answers sa mga kaklase ko kasi nagbibigay naman sila palagi. Nagsisikap naman akong mag-aral sadyang mapurol lang ang utak ko.

Kahit papaano rin pala ay lamang sa akin si Reeve. Biruin mo 'yon? Ganoon ang ugali pero matalino pala! Ewan ko lang kung bakit hindi niya iyon nagagamit sa tuwing nakikipag-usap sa akin.

"Good morning, Little Ada." Awtomatikong umikot ang mga mata ko nang marinig iyon. Alam ko kapag may mam-b-bwisit na sa araw ko.

"Walang good sa morning kapag ikaw ang bumati," ganti ko sa kaniya at humarap na.

Nasa garden na ako ng kanilang mansyon. Sabado ulit kaya dito ang pasyalan ko. Pagkatapos ko kasi sa kaunting gawaing bahay ay pinapayagan na ako nina Papa na kahit mag-isa lang ay pwede akong pumunta kina Isidore. Tuwang-tuwa nga sina Sir Julio kapag dumarating ako. Paminsan-minsan ay hinihiram din ako ni Ma'am Letitia para bihis-bihisan ng kung anu-ano.

Mahinang tumawa si Reeve. Naupo siya sa upuang nasa tapat ko. Walang hiya-hiya ring kumuha ng cookies na nandoon sa baso habang ang mga mata ay nasa akin.

"You should smile, Little Ada," aniya pa habang nasa akin pa rin ang tingin.

Bumusangot ako lalo. "Bakit naman ako ngingiti?"

Nagkibit-balikat siya habang ngumunguya. Pinagmasdan ko lamang si Reeve na hindi ko nakita ng isang linggo. Mukhang mas tumangkad pa nga siya sa tingin ko at parang mas lalong nadepina 'yong pangangatawan niya kahit na grade 7 pa lang.

Siguro ganoon naman talaga kapag athlete, ano? Ang sabi sa akin ni Isidore ay naglalaro ito ng basketball sa school. Proud na proud pa nga si Isidore sa tuwing ikinukuwento sa akin ang tungkol sa Kuya niya na wala naman akong interes.

Mas gusto ko kasi talagang makinig na lang kay Isidore na magkuwento ng kahit anong bagay...huwag lang ang tungkol kay Reeve. Talagang wala naman akong pakialam sa kuya niya kasi naiinis ako.

"Have you adjusted to your new school?" tanong niya sa akin, ilang minuto ang lumipas.

"Oo naman. Marami na nga akong kaibigan," pagmamayabang ko.

"Hmm, really?"

"Oo nga! Kulit mo! May isa na akong bestfriend na babae at tatlong kaibigang lalaki."

"Bakit hindi mo best friend din ang mga lalaki?" nagtaas siya ng kilay.

"Kasi hindi naman kami masyadong close kaya kaibigan lang muna. At isa pa, magiging best friend ko rin sila sa susunod." Umikot ulit ang mga mata ko. Siguro kapag tinuloy-tuloy ko 'yon ay baka mawala na lang bigla ang mga mata ko.

"You're too positive about that. Boys your age are all childish."

"Ka-edad ko lang din naman si Isidore, ah?"

"Kaya nga. He's also childish." Ngumisi siya. "Maybe that's why you both flock together 'coz you're both childish. I guess what the saying says is true."

Ewan ko sa'yo. Kung anu-ano na lang palagi ang sinasabi. Pakialam ko ba riyan sa opinyon niya?

"Anyway, Little Ada." Tumayo siya at pinasadahan ako ng tingin. "That dress looks good on you. Not gonna lie."

Iyon lang at tinalikuran niya na ako. Nagsalpukan na naman ang aking kilay sa kaniyang sinabi. Bumaba ang tingin ko sa aking dress na suot.

Ito 'yong dress na binigay sa akin ni Ma'am Letitia last week. Kulay maroon at may desinyong puting bulaklak. Simple lang naman ang tabas at kasyang-kasya sa akin. Gaya ng sabi ko ay mahilig akong bihisan ni Ma'am Letitia kapag nahihiram niya ako. Pagkatapos niyan, ibibigay niya sa akin ang iilang damit na nabili para magamit ko raw sa pagbisita rito o sa kung anumang party ang gaganapin nila.

Pinamulahan agad ako nang mapagtanto ang sinabi ni Reeve sa akin.

Huh?!

Continue Reading

You'll Also Like

182K 2.9K 47
[Imperfect Girls Series #2] Jade Emersyn Cuevas has always been played by her past boyfriends. She either gets cheated on, beaten up, or treated wron...
8.5M 265K 70
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
192K 754 16
WARNING!! (SPG AHEAD) This is for matured content only young reader is not suitable here. #ONGOING.
3.5K 100 33
Kirsche Artemis Sanchez was taught to value her family above all. And she brought this learning with her till she grew of age. Anything she does, she...