Cherish You

By AyhenPey

45.9K 856 370

Serah Cristobal is not your typical girl. She devoted all her life in serving God. Until a turn of events, ha... More

Cherish You
Chapter 1: Transfer
Chapter 2: 3rd Building
Chapter 3: Zachary
Chapter 4: TMI
Chapter 5: Journalism Club
Chapter 6: Bethina
Chapter 7: Please
Chapter 8: Dare
Chapter 9: I do (Cherish You)
Chapter 10: Acquiantance
Chapter 11: Flirt
Chapter 12: Demon's child
Chapter 13: Travis
Chapter 14: Iba ka na ngayon
Chapter 15: Serah
Chapter 16: Panget ba ako?
Chapter 17: A, M, & Z
Chapter 18: Bato
Chapter 19: Baby
Chapter 20: Kiniss sa lips
Chapter 21: Stay with me
Chapter 22: Ferris Wheel
Chapter 23: Do something
Chapter 24: Inaabangan kita
Chapter 26: Why you can't hug me?
Chapter 27: Kenn
Chapter 28: Hindi ko naman siya gusto
Chapter 29: Papel
Chapter 30: End-of-the-world
Chapter 31: Harana
Chapter 32: Small world
Chapter 33: Pustahan
Chapter 34: I'm sorry
Chapter 35: Snob, Jealous
Chapter 36: Hinahanap ko siya
Chapter 37: Partner
Chapter 38: Problem
Chapter 39: Holding hands
Chapter 40: Pulis at Kriminal
Chapter 41: Zarah
Chapter 42: His face, hug & kiss
Chapter 43: Friend-zoned
Epilogue
S P E C I A L Chapter
Special Chapter

Chapter 25: Selos

809 15 8
By AyhenPey

Chapter 25

"NARINIG MO BA YUN?!" biglang sumigaw si Bethina at tumingin sa bintana. Nakita ko si Zac na nakasilip doon at biglang nag thumbs up kay Bethina. Naku!!! Narinig nya? Waaaaaaaaaahh!!!

Napatakip na lang ako ng mukha sa sobrang kahihiyan. Totoo ba yung nasabi ko kanina? Totoo? Hindi nga, pero wala ng bawian nasabi ko na eh. At ang masama pa doon narinig nya, naku! Nahihiya ako! Hindi ko na kayang makipag-usap kay Zac nito.

Tapos biglang hinawakan ni Bethina ang kamay ko.

"Tanggalin mo nga yan." hinigpitan ko lang ang pagtakip ko sa mukha ko. Nahihiya ako!

"Eh nakakahiya!" sagot ko.

"Wala na sya, kaya tanggalin mo na yan" sabi nya, kaya tinanggal ko na. Tumingin ako sa bintana at wala na siya.

"Bethina, bakit ka naman ganoon?" tanong ko sa kanya, alam kong hindi maganda ang pakitungo nya sa akin noon, at ngayon lang kami naging mag kaibigan. Pero bakit naman kailangan nyang gawin sa akin ito. Haysss...

"Hmm, wala lang! Naaasar kasi ako sa mga kaibigan ko ginaganyan din nila ako kapag dumadating si Travis eh" tapos nag pout siya, ewan ko nung binanggit nya si Travis parang wala na sa akin. Noon kasi may nararamdaman akong iba na.. Basta! Guni-guni lang siguro iyon.

"Kayo na ba?" bigla na lang lumabas sa bibig ko kaya bigla kong tinakpan ang bibig ko. Naku, Serah! Ingatan mo nga ang sinasabi mo. Baka magalit sa akin nito si Bethina, wala akong karapatan mag tanong ng ganito lalo na kung sa kanya. Waaah, mukhang mawawala ata ang pagiging Friends namin ngayon pa lang. Kasi kumunot ang noo niya at tumingin sa akin ng masama. Lord, hindi na po sana mag sabi sa akin ng masasama si Bethina. Gustong-gusto ko siyang maging kaibigan. Pero ngayon mukhang hindi na mangyayari.

Tinignan lang ako ng masama ni Bethina.At nagulat ako dahil sumigaw siya.

"MUKHA BA KAMING MAG SYOTA?! HA?!" kaya napaatras ako sa upuan ko at di ko namalayan nahulog pala ako sa sofa. Lumapit sa akin si Bethina kaya ako naman napapaatras nakakatakot kasi ang itsura nya, parang sasaktan ako.

"Eh.." sagot ko at tinaas ko ang kamay ko na parang sinasabing suko na ako. Bigla na lang hinawakan ni Bethina ang kamay ko at hinigit ito.

"Tumayo ka nga dyan, pati wag na nating pag usapan si Travis kumukulo lang ang dugo ko!" kaya naman tumayo na ako at umupo sa tabi niya. Hayss, ilang oras pa kaya kaming uupo dito? Ilang subjects din ang namiss ko kahit Minor lang yun. Mahalaga pa din iyon lalo na kapag related ang course na kukunin mo doon sa college.

At dahil bored nga ako, "Bakit ba galit na galit ka kay Travis?" nakalimutan kong ayaw na nya palang pag-usapan si Travis tapos ngayon I bring it out. Naku, mukhang masisigawan na naman ako >_<

"Damn! Ang kulit mo! Sabi nga ayaw kong topic yun eh!! Pero sige na nga ikwe-kwento ko na, kaasar para ka ding si Travis eh! Well, nag simula lang naman akong magalit doon noong Tour, total disaster talaga ang Field Trip ko noon dahil sya na nga ang katabi ko sa Bus tapos yung mga Friends nya pinag tripan siya nung gabi na. Pinapasok nila si Travis sa kwarto ko na exclusive lang para sa akin. Nag rent kasi ako ng pangsarili lang. It turned out. Sinet up kami ng mga magulang namin sa iisang kwarto! Sabi niya doon din daw ang kwarto niya dinala lang siya ng mga kaibigan niya doon kasi mag-isa siya sa kwarto at kakatapos lang nilang mag kwento ng kakatakutan. Ah basta! I hate Travis to the moon and back! " 

Nag nod na lang ako sa kanya pero deep inside natatawa ako, ewan ko ang cute lang kasi ni Bethina na maasar kay Travis. Sayang at di ko nalaman yung buong storya siguro tatanungin ko na lang si Travis kapag nagkalakas ako ng loob. Hindi naman kasi nag kwe-kwento iyon tungkol sa mga ganito eh. Di ba sabi nila 'The more you hate, the more you Love' mukhang alam ko na ang susunod sa dalawang ito.

Nanahimik na lang ako di ko na kasi alam ang ito-topic ko kay Bethina. Nang bigla siyang mag salita muli,

"Serah, gusto mo sumama ka na lang sa aming Group" bigla akong napatingin sa kanya, totoo? Isasama nya ako sa grupo nila. Hindi naman sa ayaw kong sumali pero kasi sila yung tinanungan ko nung First Day about doon sa Room namin. Pero ang ginawa nila tinignan ako mula ulo hanggang paa at nilait. Kaya hindi ko talaga maisip na sasama ako sa mga iyon.

"Uhmmm" yan na lang ang nasabi ko. Tapos nag sigh naman si Bethina. "--hayss, I'm going to sleep muna!" tapos bigla siyang humiga sa sofa tapos bigla nyang pinatong ang paa niya sa Lap ko.

"Nakaharang ka sa hinihigaan ko kaya sorry ka na lang!" at dinilaan nya ako sabay pikit. Ganito pa si Bethina, hindi ko maisip ang other side nya na ito. At dahil wala na din akong magawa pinikit ko na lang ang mata ko at natulog ng nakaupo habang nakadantay ang paa ni Bethina sa Lap ko.

- - - -

Naramdaman kong may umaalog sa balikat ko, minulat ko ang isa kong mata at napaisip sa nakita ko. Nanaginip lang ako, di totoo na sya yun. Kaya pinikit ko ulit ang mata ko, pero inalog na naman nya ang balikat ko and this time mas mabilis na. Minulat ko na ang dalawang mata ko kahit naaasar ako, ang ganda kasi ng panaginip ko biglang naputol.

"Nagising ka din, 2 hours ng tapos ang detention niyo ni Bethina, iniwan ka na lang niya. Sarap daw kasi ng tulog mo eh" sabi nya at umupo naman siya sa tabi ko. Ngayon ko lang narealize ang sakit pala ang left side ng batok ko. Kasi naman nakatulog ako sa ganoong pwesto eh. Pero parang may kulang...

Tinitigan ko lang yung box sa malayo, may something akong gustong alalahanin eh. Ano ba yun..

"Serah, pansinin mo ako"

Anong oras na? Bakit nandito ako sa lugar na ito? Wait, nasaan na pala si Bethina? Pati ilang subjects na ba ang na cut ko? Waaah! Lagot ako nito kay Mama kapag nalaman niya ang nangyari sa akin - Detention. Kailangan kong malaman ang oras! Tama, ano bang oras na? Baka mahabol ko pa yung mga classmate ko para matanong ko sila. Kaya tumayo agad ako, pero.

Biglang may humigit sa kamay ko ng malakas kaya napaupo ulit ako. Pero parang matigas ata ang naupuan ko.

"Kanina pa kita kinakausap, space out ka naman" at ngayon ko lang narealize kung sino ang nagsasalita. Si Zac! Biglang bumalik sa isipan ko yung mga nasabi ko na narinig nya.. Hala, napatingin ako sa likuran ko.

Napaatras ako dahil ang lapit ng mukha nya sa akin, nakaupo pala ako sa lap nya na ngayon ko lang din narealize. At dahil nga napaatras ako nahulog ako sa sahig. Mabilis naman syang tumayo at tinayo ako.

"Salamat," bigla kong natungo ang ulo ko pagkatayo nya sa akin. Isa lang ang pumapasok sa isipan ko na dapat kong gawin. Kaya naman habang may pagkakataon pa ako, tumakbo ako palabas ng Stock Room. Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa nakarating na ako sa Third Building. Tumingin ako sa orasan at 1:35 p.m na, hindi pa pala ako nag l-lunch. Tapos bigla namang kumulo ang tiyan ko, mabuti na lang walang tao dito sa Corridor kung hindi nakakahiya ang tunog noon.

"Narinig ko yun! HAHA" napalingon ako sa likuran ko at nakita ko si Zac na palapit sa akin. Waah nakakahiya na talaga ito! Kaya naman kahit rude na pumasok sa room namin habang may klase na. Dali-dali akong pumasok doon. Pero pagkapasok ko sa loob, isang tao lang ang nakita ko doon.

Nakaupo siya sa dulo kung saan nakaupo si Zac.

Si Mara, yung girl na nagsabi sa akin na magaling daw akong kumata, siya din yung nagbukas nung room na kinatok ko noong nasa Baguio kami at sya din yung kasama ni Zac kanina.

Bumilog ang mga mata nya nung nakita nya ako.

"Hi," bati nya sa akin.

"Nasaan sila?" tanong ko, ang tinutukoy ko yung mga classmates ko.

"Uwian na kanina pa.."

"Eh?" nagulat ako sa sagot nya, uwian na? Ang aga naman ata, 3 or 4 pm kasi kami umuuwi eh ala una pa lang naman ah. Uuwi na nga lang din ako lumapit ako sa kanya syempre sa tabi nya naka pwesto yung bag nya. Nag aalangan pa akong kunin yung bag ko kasi gusto ko siyang tanungin kung bakit siya nandito. Baka, inaantay nya --

"Serah!" napalingon ako sa may pintuan. Si Zac pala, napatingin naman ako kay Mara nakatingin siya kay Zac hindi ko makita ang buo nyang expression kasi naka side view siya.Bahala na, kinuha ko na ang bag ko at lumakad. Nung nadaan ako sa harapan ni Mara

"Mara, alis na ako.Bye"

"Sige" nagpatuloy na ako sa paglalakad kahit alam kong nakaharang si Zac sa pintuan. Nung nandoon na ako, hindi ba naman umusod.

"Padaan ako" hindi ako nakatingin sa kanya, sa lupa lang ako nakatingin.

"Ayaw ko" sagot nyang mabilis.

"Ano ba.. Uuwi na ako.."

"Hatid na kita," bigla akong napatingin sa kanya at ngumiti naman siya sa akin. Eh si Mara? Nandito si Mara ah... Napalingon ako kay Mara at nakatingin siya sa amin, hindi ko masabi ang expression ng mukha nya.

"Wag na.." may nararamdaman ako sa dalawang ito eh, may something. Di ba kanina magkasama sila? Tapos ngayon naman nasa room namin si Mara. Hindi naman namin siya kaklase, so anong ginagawa nya dito? At sa dami dami ng uupuan nya bakit sa upuan pa ni Zac?

Tinulak ko na lang si Zac kasi ayaw pa din nya akong padaanin nung nakadaan na ako, mabilis akong tumakbo. Mabuti na lang konti lang ang laman ng bag ko. Tumakbo ako ng mabilis pababa ng hagdan at nung nakababa na ako tumatakbo pa din ako palabas ng gate. Ayaw ko na sundan ako ni Zac, samahan nya lang si Mara. Mukhang may issue sa kanilang dalawa eh.

Hindi muna ako dumeretso sa sakayan ng jeep, ewan ko dinala na lang ako ng paa ko dito sa malapit na Coffee Shop sa School namin. Naririnig ko din kasi ito sa mga Classmate ko na masarap daw yung Foods dito. Ma-try na din, mabuti na lang may naipon akong pera. Sayang! Dapat nasama ko sila Carla, Hannah dito, para mas masarap ang kain ko.

Pumasok ako sa Shop at Wow, nakakawala ng stress ang ambiance nung Shop. Lumapit na lang ako sa Counter at napatingin sa taas. Nagulat ako sa presyo ng mga paninda. 45 pesos ang pinaka mura, Juice lang iyon. Waah! Ang mahal pala dito. Parang gusto ko ng umuwi. Pero nakakahiya na, kasi

"Ano po order nyo?" tanong sa akin nung Barista, kaya no choice ako. Umorder na lang ako ng Caramel Frappe. Kahit ang mahal nung presyo, akala ko sa halagang iyon makakain na ako ng Meryenda with Drinks. Dapat nag fishball na lang ako. >_<

"Sige po, serve na lang po namin." kaya humanap ako ng upuan, umupo na lang ako doon sa malapit sa counter para madali akong mahanap. Tumingin tingin ako sa paligid at nakita ko sa dulo si Travis at Bethina! Magkaharapan silang magkaupo pero mukha namang hindi nila napansin. Hindi ko na lang din sila tatawagin, baka makaistorbo ako sa kanila eh. Ayieeeh.

Dumating na din yung Frappe ko :3 Parang ayaw ko ng kainin, ang ganda kasi nung pagkadesign sa ibabaw. Pero sayang naman ito blessing sa akin ito ni Lord, mula sa pera ng magulang ko, tapos naging baon ko na naipon ko tapos ito na ngayon yun. Hehehe. Inip-ip ko na, at napapangiti ako. First time ko lang kasi itong matikman! Ang saraaaaap!

Tapos narinig ko yung Barista

"Welcome po" may pumasok kasi sa Shop hindi ko na lang tinignan kung sino iyon. Enjoy ako sa pag inom ng Frappe ko eh. Ang tamis! Parang LOVE lang ni God sa atin super sweet! Hehehe, hayss. Nahahawa na ako sa Kuya ko, naririnig ko kasi minsan iyon nagpipick up line sa phone. Kausap siguro ang girlfriend nya.

Tapos may tumapik sa balikat ko. Pagtingin ko doon. Si Zac at Mara magkasama. Napa blink pa nga ako eh. Tapos napatingin ako sa braso ni Zac naka abresyete si Mara doon. Ewan ko bigla ko na lang hinawakan yung Frappe ko, at tumayo. Mabuti nakasukbit na ang bag ko.

"Uupo ba kayo? Sige dito na lang kayo umupo. Aalis na din ako eh.." napatingin ako sa orasan nung Shop at 5:15 p.m na. Akala ko kanina ala una pa lang? Ano yuuunnn.. Ibig sabihin mali pala ang oras nung orasan na tinignan ko kanina. Hayss, lagot na ako nito kay Mama. Dapat kasi maaga akong umuuwi. Kaya ako nadaan dito sa Shop kasi akala ko madami pa akong oras.

Hayaan tuloy, nakakakita pa ako ng nagpapabago sa nararamdaman ko.

Iniwan ko na lang sila doon. Tapos napalingon ako kila Travis, nakatingin sila sa aking dalawa. Ngumingiti na lang ako sa kanila, wala na ako sa mood.

"Thank you for coming" sabi sa akin nung Barista, hindi ko na din siya nilingon kasi hindi ko maexplain ang nararamdaman ko.Lumabas na ako at naglakad. Malayo layo din ng konti ang paradahan ng jeep eh.

Akala ko ba seryoso si Zac sa akin? Liligawan nga daw nya di ba ako sa ayaw at sa gusto ko tapos ngayon nakita ko silang dalawa ni Mara. Hindi naman sa nag-iisip ako ng iba pero kitang-kita naman kasi na may something sa kanilang dalawa. Yung kanina na magkasama silang naglakad, tapos sa room at ngayon naman sa Coffee Shop magkasama pa din sila. Anong iisipin ko doon?

At hayss, what do I expect naman kay Zac? For sure madami yang nagiging girlfriend kasi sikat sya, Madami sa kanyang nagkakagusto, si Bethina nga eh, EX nya. Edi si Mara girlfriend nya ngayon at AKO? Ewan ko..

Isa lang ang alam ko,

Niloloko lang ako ni Zac!

Nandito na ako sa paradahan, wala pa ding Jeep. Mag-aantay pa ako. Nakatingin lang ako sa malayo, doon sa dalawang bata na naglalaro ng takbuhan. Nang biglang may humigit sa braso ko at pagkatingin ko doon.

"Bakit?" iritado kong tanong, muntik na din kasing mahulog yung hawak kong Frappe sa sobrang lakas ng hatak nya.

"Hey, bakit ka umalis kaagad?"seryoso ba siya sa tinatanong nya?

"Eh sa uuwi na ako eh" sagot ko sa kanya na kinagulat nya, pati ako nagulat din sa sagot ko. Hindi ko kasi mapigilan ang sarili ko eh, nagagalit ako sa kanya. Niloloko lang nya ako.

"Ano bang nangyayari sayo, kanina mo pa ako tinatakbuhan" tinanggal ko naman yung kamay nya nakahawak sa braso ko kasi kanina pa nya hawak iyon eh. Naiilang lang ako may mga taong nakatingin sa amin, yung mga nag-aantay din ng jeep.

"Hmm, ewan ko" yan na lang nasagot ko. Dumating na kasi yung Jeep eh, sumakay na ako doon. At naiwan naman si Zac na nakatayo pa din. Mabuti na lang nung nakasakay na kami, aalis na kaagad yung Jeep.

Si Zac naman hindi sya sumakay, so ibig sabihin babalik pa pala siya sa Shop. Syempre, nandoon si Mara eh. Nung umandar na yung jeep. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Naiiyak ako. Siguro dahil siguro ito sa hangin, malakas ang ihip ng hangin eh. Tama, yun nga siguro yun.

Pero ayaw pa din tumigil lalo na ng maalala ko na magkasama sila. Tapos yung driver nagpatugtog. Umpisa pa lang nung kanta alam ko na.. Nagsibalikan na naman yung mga alala ko sa kantang ito..

All I am, I'll be

Everything in this world

All that I'll ever need is in your eyes

Shining at me

When you smile I can feel All my passion unfolding

Your hand brushed mine

And a thousand sensations seduce me cause I

I do cherish you, for the rest of my life. You don't have to think twice. I will loved you still, from the depths of my soul it's beyond my control . I've waited so long to say this to you... If you're asking do I love you this much...

I do...

Kinanta nya sa akin ito noong Acquaintance at nasa room kami, dahil sa ganda ng boses nya inantok na ako. Ito rin yung kinanta nya nung nagalit ako sa kanya kasi binato nya ako ng bato para humingi ng sorry. Tapos sabi niya sa akin He will cherish me daw, kasi ako si Serah. Eh parang hindi naman kasi, ah basta! Sabi nya ihahatid daw nya ako, pero hindi naman kasi bumalik pa siya sa Shop. At hayss, oo nga pala sabi ko sa kanya wag na nya akong ihatid. Ano ba naman itong iniisip ko.

Kailangan ko ng tanggapin na may Mara na sya na mas mahalaga kesa sa akin.

Tapos nag chorus na naman yung kanta, kahit ayaw kong kumanta napapasabay ako

I do (cherish you), for the rest of my life

You don't have to think twice

I will loved you still, from the depths of my soul

It's beyond my control

I've waited so long to say this to you...

If you're asking do I love you this much...

I do...

Hanggang ngayon tumutulo pa din ang luha ko, kasi naman ang tagal ko ng hindi maamin sa sarili ko. Ngayon ko pa lang din aaminin, siya naman ang parang umayaw na. Paano na ito, may gusto na ako sa kanya.

- - - -

Recess time na namin, kanina pa ako kinakausap ni Zac pero hindi ko siya pinapansin ang tangi ko lang nasasabi sa kanya. "Si Ma'am" mabuti na lang badtrip ang mga teacher namin kanina para makaiwas ako kay Zac.

"Serah" hindi ko siya pinansin at dumerecho ako palabas ng room. Pupunta ako sa Journalism Club, hindi naman ako gutom. Mag sasagot na lang ako ng mga letters doon. Pagkadating ko doon, wala sila Hannah. Hmm.. Kaya ako lang mag-isa ang nandito.

May letter akong napansin na pumukaw sa attention ko. Nakalagay kasi sa likuran nung envelope, --Mara. Kaya naman dali-dali kong binasa ang sulat nya

Dear: Teacher

Naalala ko noon sumulat ako sayo kung ano dapat kong gawin sa Love kong guy na hindi na ako pinapansin after kong gawin yung gusto nya na mag transfer ako dito para malapit sa kanya. Well, gusto ko pong mag thank you sa inyo kasi sabi nyo noon. Wag ko siyang i-give up kasi pwede pa kaming mag work out. At iyon nga po ang ginawa ko, I confessed to him nung isang araw habang nag p-practice sila (Kasi po singer po siya eh ehehe) and I'm so happy hindi nya ako tinurn down. Sana nga po ligawan na nya ako kasi I'm giving him now a motives na gusto ko siyang maging Boyfriend. Basta po Teacher thank you po! :*

-Mara

Napacover up ako sa mouth ko pagkabasa ko sa letter nya, it can't be. Naalala ko nga yung letter nya noon na sinagot ko. She's giving now a motives kay Zac? Kasi umamin na naman siya doon at hindi naman siya tinurn down.

"Ate Serah" bigla akong napalingon sa nagsalita sino pa ba iyon syempre si Carla. Binalik ko na lang sa Envelope yung letter ni Mara at humarap kila Carla

"Oh?"

"Alam mo ba yung Korean Tea?" napaisip naman ako sa tanong nya.

"Hmm, hindi eh"

"Yun yung binabayaran mo sa Meralco" sagot naman ni Paula, tapos nag sink in sa utak ko yung sinabi nya kaya natawa ako. HAHAHA

"Korean Tea = Kuryente HAHAHA" tawa ko naman.. Sila din natawa na din.

"Mabuti pa si Ate Serah may sense of humor!" sabi ni Carla

"Kaya nga, group hug!" sabi naman ni Hannah kaya nag group Hug kami. Habang magkakayakap kami may narinig kaming katok sa pintuan. Pagkatingin namin doon, halos mapaupo na sa sahig ang mga kasama ko kasi nagpapanic sila.

Si Zac ba naman kumatok sa Club Room namin eh.

"Pwede ko bang ma-excuse muna si Serah?" tanong nya kila Hannah ng nakangiti. Wag kayong papayag Hannah please..

"Sige!" sagot nilang lima.

"Di ba marami pa tayong gagawin?" tanong ko sa kanila, umoo kayo please! Ayaw kong kausapin si Zac.

"Wala naman eh" sagot ni Abby sa akin. Waah. Tapos lumapit sa akin si Zac at hinigit ako palabas ng room

"Wala naman pala kayong gagawin eh" hindi na ako sumagot at nagpahatak na lang sa kanya, no choice eh. Hawak nya ang wrist ko at ang masama pa doon nakatingin sa amin yung mga students na nadadaanan namin. Saan naman ako dadalhin nito? At nasagot ang tanong ko nung umakyat kami sa hagdanan.

Nasa Rooftop kami ng Third Building. Malakas ang hangin, pero hindi ko iyon napansin kasi nagulat ako sa nakita ko. May table at dalawang chair sa gitna nung rooftop. Para saan naman kaya iyon?

"Serah," sabi niya sa akin tapos hinigit niya ako palapit doon, pinaupo pa nga niya ako sa chair. Tapos siya naman umupo sa harapan ko. Kaya ngayon magkaharap na kami.

"Serah, please don't run away" mabilis nyang sinabi sa akin habang nakatitig sa mata ko.

"Anong bang gusto mo?" ngumiti naman siya ng nakakaloko.

"IKAW"

Namali pala ako ng tanong sa kanya. Dapat ang tinanong ko 'Ano bang gusto mong gawin ko' Hayss.

"Seryoso na Serah.."

"Ikaw naman dito ang hindi seryoso eh"

"So seryoso ka sa akin?"

Akala ko ba seryoso. Hayss, pati ano bang ginagawa namin dito? Wala naman kaming pag-uusapan eh.

"Hindi seryoso na talaga," huminto siya sandali at tumingin sa akin. "-Sorry" bigla nyang sinabi.

"Para saan?" sagot ko, bakit sya nag s-Sorry? Naiintindihan ko naman na si Mara na talaga eh. Ah alam ko na kung bakit siya nag so-sorry. Kasi si Mara na nga ang pinili niya, yung panliligaw niya sa akin for sure ititigil na niya at kalimutan na iyon.

"Kasi---" hindi ko na siya pinatuloy sa pagsasalita.

"I got it na, wag ka ng mag explain dyan. Kaya ka nag so-sorry kasi yung panliligaw mo sa akin, ititigil mo na, kasi narealize mo na mas gusto mo si Mara. Di ba yun un?"

"Wait--" pinutol ko na naman

"Well, ok na din naman iyon kung si Mara na. Di ba nag confessed na siya sayo? So, bakit ka pa manliligaw sa akin? Bakit hindi na lang sa taong may gusto sayo?"

"Serah--"

"And one more thing, yung tanong mo sa akin kung bakit ako lumalayo sayo? Kasi hindi kita gusto." napatayo na ako sa upuan at tumalikod. I almost lied sa mga sinabi ko. Sorry Lord, for sure ang dami ko ng kasalanan sa iyo. Nagbago ako simula ng dumating si Zac sa buhay ko. Sana po ilayo nyo ako sa kanya, kasi hindi maganda ang napapakita ko sa inyo eh. Sorry po talaga.

Dali-dali akong bumaba sa hagdan. Hindi pa ako nakaka step sa susunod na hakbang may humila na sa kamay ko at pagkaharap ko doon niyakap niya ako.

"Unang-una hindi ko pinipili si Mara, wala akong gusto sa kanya at kung iniisip mo kung may something sa amin, wala. She's just my Manager's sister! Siya ang lumalapit sa akin, hindi ako makaayaw kasi sisiraan nya ako sa Manager kong mala Commander. At kahit sinabi niya sa akin she loves me, hindi sapat sa akin iyon para lumayo sayo at hindi ka na ligawan. At kahit sabihin mo sa akin na hindi mo ako gusto. Hindi ako titigil sayo, hangga't hindi ka din sa akin nahuhulog at mapapasaakin. And sorry about yesterday.

Mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin. Ewan ko napangiti na lang ako sa mga sinabi niya.

"Sabi di ba sa, 1 Peter 4: 8 - Above all, love each other deeply, because love covers over a multitude of sins. So, kung mamahalin ko ang mga taong sumusuporta sa akin, matatakpan ko ang mga kasalanan ko?" tanong niya sa akin. Tapos hinarap niya ako sa kanya.

"Serah, bat ganyan ang mukha mo?"

"Nagbabasa ka ng Bible?!"

Continue Reading

You'll Also Like

19.2K 510 34
May kahahantungan kaya ang love story nila MJ at Eireen o may bagong papasok sa buhay nila? Ang tanong ? Sila parin kaya sa huli o hindi? Paano ka...
104K 252 5
Isang babaeng ubod ng yaman lahat ng gusto niya ay makukuhty da niya. Pero iba siya, para sa kanya lahat ng tao ay pantafy-pantay lang walang mahirap...
1.1M 22.2K 32
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
10.1K 357 25
Si Heylie Romero, isang maganda, masayahing at mabait na babae. Pero nagbago ang buhay nya ng mawala ang mga taong mahal nya, dahil sa isang aksident...