[DIANNE'S POV]
It's the beginning of the work week, as usual on time ako sa office.
I checked on a few patients, did a few rounds, stopped for a coffee break, and read a few paper works.
Ganun ang usual routine ko sa Saint Andrews. Full time ako sa hospital, kasi alaga ako dito, spoiled kaming mga doctors na mgaganda eh hahaha
At siyempre kasi magaling akong doctor, operahan pa kita jan.
Masakit na yung mga mata ko dahil sa binabasa ko sa laptop ko. Karamihan kasi ng patient records naka-transcribe na sa database.
For easy access nga naman and para walang ma-mimissplace na records.
O diba? Sosy kasi kami. Pacheck up na samin magaganda ang mga doctors dito.
Madalas tumatambay ako sa mga ka-chismisan ko sa nurse's station. Dun lang naman exciting ang mga nangyayri like kita mo yung totoong drama ng buhay. Naks pang teleserye! Bentang benta. Joke!
Glass kasi yung taas na part ng wall kaya kita namin yung mga nangyayari sa labas pero tinted kami from the hallway kung sisilipin mo kami.
Ayiee sige silip lang ng silip. Joke
Siyempre bawal yun. May counter sa harap for inquiries.
Dito ko nakita yung boyfriend ni Dani. Nagtatanong siya dati kung nasaan yung magaling niyang girlfriend na pakalat kalat sa hospital nung panahong yun.
Masayang tumambay dito dahil sa damay ka kapag may food na dadating or may mga kasabay ka magpa-deliver ng food kapag umay ka na sa cafeteria.
Magka-kalahati na yung araw ko pero wala pa akong nakikitang bagay na exciting. Mamaya pa kasi ulit ako bibisita sa mga patients ko. Wala din akong scedule for operation kaya boring ang buhay sa ospital.
Nag-eenjoy kami ni Dani sa ER minsan para mag-patay ng oras. Pero ngayon hindi ako pwedeng mawala sa second floor dahil baka may tumawag na patient sakin.
Batong bato nako. Baka basagin na ako ng shockwave.
Saksakin ko kaya yung katabi ko para may magawa naman ako sa buhay kong boring?
Wag bad yun.
Naiisip ko yung nangyari kahapon.
Grabe, never ko naisip na pwede kong makita ulit si Dave.
Ex ko siya.
We had so much fun dati.
I mean, I had so much fun pala.
Palagi ko kasi siyang kasama at hindi siya himihindi sakin.
He told me he loves me and he wanted me to be his girl.
I responded with a "yes I love you too".
Wala lang trip lang sakin yun.
Gaga kasi ako.
Palagi ko kasi siyang kabiruan noong time na yun.
He took things seriously.
Sobrang bait niya, wala akong masabi.
He's the epitome of a good boyfriend.
The best one I mean.
Baka nga sinangla na niya yung bahay nila, palagi kasi akong may gift galing sa kanya.
Tinago ko naman lahat yun.
Siyempre sayang eh.
At points for the effort.
He said he wanted to marry me.
I responded with a "Yes I want to marry you"
He's hands on with the preparations
I watched and went with everything he plans.
The date was set
The preparations were ready
Pero the night before the wedding I felt scared.
Parang hindi ko kayang maging 'wife'
Marami pa akong balak gawin sa buhay ko
I wanted to become a surgeon, the best one there is
A working individual, earning money independently.
While he wants a family with a wife who'll stay at home
Hindi ko kayang maging yun sa ngayon.
Hindi pa ako handa
At higit sa lahat hindi ako yun
Iba ako.
Hindi ako tatagal sa gusto niyang mangyari
The moment I say "I do"
I'll get locked up in his dreams while I throw away mine.
Magiging puro "SIYA"
Mawawala sakin yung "AKO"
Hindi ko kaya.
Natatakot ako.
The day of the wedding came.
Binigay na sakin nung coordinator yung cue
I started to walk down the isle
I looked at the altar where my future husband is standing
He's smiling
He's very proud
It's like nothing can ruin this day.
Hindi na matutupad ang mga balak ko sa buhay.
Hindi ako magiging masaya sa ganun
I stopped walking.
I backed out.
Then I ran.
I ran as fast as I could
Kailangan kong makalayo
Makalayo sa lahat
Hindi pa ako handang i-give up ang mga pangarap ko para sa kanya
Lumayo muna ako
pero a few weeks later, nabalitaan kong dinibdib niya yung pagka-wala ko
Hindi na daw siya nakakapagtrabaho ng maayos
Lagi daw siyang lasing
Pinagpatuloy ko yung pangarap ko at itinapon ko yung meron kami.
Pero walang araw na hindi ako ginulo ng konsensha ko
Nalaman ko nalang umalis pala siya ng bansa.
Hindi manlang ako nakahingi ng kapatawaran niya.
And now here he is.
He got married at may 'Avie' siya.
I bet he's happy, was happy at least dahil wala na yung asawa niya.
Pero may anak siya, si 'Avie'. Ang cute ng batang yon.
Nakakatuwa siya.
Ako eto, umuuwi sa bahay na walang kasama, nagdidinner mag-isa.
Ang consolation ko lang,
Maganda ako.
At magaling akong surgeon
Hindi lang ako puro salita when I say that. I'm one of the best the Philippines has
Kasama kami ni elise sa elite set of doctors na pinadala ni Dani sa US
For the special training. Bumalik ako agad dahil gusto kong dito mag-work
"Hoy babae!" sigaw ni Dani sa ear ko.
"Ay kabayo! Dani naman!"
Tawa ng tawa si Dani.
"Natutulala ka jan, anong problema mo?" tawa parin ng tawa si Dani
"Ikaw babae nagka-boyfriend ka lang ng demi-god ha" sabi ko
"Ay bitter? Ampalaya lang? Narinig mo na ba yung tungkol sa bata sa baba? Yung naghahanap ng mommy niya" sabi ni Dani
"Sino daw?" kinutuban ako
"Anna daw yung name ng mommy niya doctor daw siya, wala namang doctor na Anna yung name dito, umiiyak na nga eh di naman alam yung gagawin sa kanya"
I ran papunta sa baba at tumingin sa desk ng guard.
Damn! I think it's Avie!
When I got there nakaupo siya sa upuan ng guard at kalong yung backpack niya.
Nakita niya ako.
"Mommy!" bumaba siya at tumakbo papunta sakin.
Nagtinginan yung guards sakin.
"Kuya ahm. Kasi .. Ahhhh... Sige alis na kami! Bye! "
Binuhat ko si Avie para mablis kaming maka-alis.
Binaba ko si Avie sa hallway
"Avie what are you doing here?! Papano ka nakarating dito?! May kasama ka ba?!" hawak ko si Avie sa dalawang balikat.
Tears started to fall from her eyes. "Mommy aren't you happy to see me?"
I wiped her tears.
"No Avie, Of course I'm happy to see you" I smiled at her.
Grabe naman 'tong batang to. Sobrang desperate sa mommy.
"Why aren't you calling me 'baby'?" sabi niya. I let out a sigh
"Baby papano ka nakarating dito" tanong ko
"I rode in the back of daddy's car when he said he's going to the hospital. Mommy diba po you said you're a doctor? Sa hospital po nagwwork yung doctors. Daddy didn't see me kaya bumaba ako" sabi niya
"Your daddy's here?" I remember him saying 'see you tomorrow' pero bakit naman? Ang weird talaga ng mga pangyayari.
"He left na po kanina" ayun lang edi kailangan ako ni Avie. Hindi siguro alam ni Dave na nandito si Avie.
Hindi siya nakita ng daddy niya.
But what was he doing here?
Saan ko naman hahanapin ang daddy niya para ibalik siya?
Ayun tumakas pala si Avie.
Ano bang gagawin ko sa batang 'to.
Pero lunch time na baka gutom na siya.
"Baby kumain ka na?" I looked down on her.
Umiling siya and then she smiled at me. "Baby's hungry"
"Let's get you something to eat. What do you want?"
"Baby wants mashed potatoes" she rubbed her tummy
Walang mashed potatoes sa cafeteria kaya I took her sa Kenny's. Hindi naman masyadong malayo kaya mabilis kaming makakabalik.
Parang gutom na gutom si Avie habang nilalantakan yung mashed potatoes niya
"How long have you been sitting there waiting baby?" I asked while I wipe the gravy off her.
"Since this morning po" tinuloy niya yung pagkain nung side dish.
"Do you want another one baby?" I offered her mine nahiya naman ako parang bitin pa sakanya eh.
She smiled and nodded. Parang ako talaga siya noong bata ako.
Inabot ko sakanya yung akin tapos nilantakan niya agad.
Kawawa naman si Avie talagang miss na niya yung mommy niya.
"Baby you cried daw kanina?" tanong ko
She nodded "Kasi po they said wala daw pong 'Anna' na doctor dito. E diba po mommy dun kayo nagwwork"
Buti nalang pala sa hospital namin pumunta si Dave kung hindi baka napunta na sa kung saan 'tong batang 'to, marami pa namang sindikato ngayon.
"Baby they know me as 'Dianne' sa hospital"
"Baby will ask for 'Dianne' po next time"
Next time. Feeling ko wala na nun.
"Ok, next time find Doctor Dianna Marie Costello, here's my card, show this to them and tell them you're my baby then they'll take you where I am, Ok ba yun?" I handed my calling card.
She took the card. "Parang magic key po?" her eyes widened.
"Yes like a magic key baby" I smiled at her.
"Finished na!" Ubos lahat ni Avie yung nasa plate niya.
"Let's go na"
Umalis na kami and bumalik sa hospital.