One More Time (Ghost Series #...

By Justt_Stranger

442 76 33

[ON-GOING] Greg Clark Sy, the only soul under the power of Regina who survived from the killing mission. He... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23

Prologue

233 15 21
By Justt_Stranger

December 3, 2019

Kimbria Jeanette Green's POV.

"Sumama ka samin! Dali!" Mabilis kong hinablot ang kamay ni Greg kahit pa busy sya sa paglalaro ng kung ano mang nilalaro nya dito sa timezone ng mall.

"Anong--- Hoy! Ano ba yan?!" Agad din nyang binawi ang kamay nya mula sa akin.

"Please! Please, Greg! You have to come with us! Kailangan mong magtago, please.. Wala na tayong oras." Nanginginig ang mga kamay kong hinawakan muli ang isang kamay nya.

Kunot ang noo nyang pinagpalit-palit samin ni Jin ang paningin nya. At nang hilahin ko sya ay hindi na rin naman sya pumalag pa. Agad kaming tumakbo palabas ng mall na iyon at isinakay sya sa van ni Jin.

Wala din syang kaalam alam sa nangyayari. Pinakiusapan ko lang syang isakay kami at ibaba sa ligtas na lugar kung saan hindi agad ito matutunton ng kung sino man sa kanila.

Hindi ito pwedeng malaman ng kahit sino lalong lalo na si Jom.

Kailangan kong makarating doon sa tamang oras kun'di ay baka mahalata nila 'ko. Hindi nila pwedeng makuha si Greg. Hindi sya masamang tao.

Hindi sya tulad ng mga kaklase nya. Hindi nya alam ang tungkol sa misyon nilang pagpatay kay Rein kaya hindi sya pwedeng madamay sa kung ano mang gagawin namin mamaya.

"Ano bang nangyayari?" Bakas ang pag aalala sa kanyang muka nang harapin nya ko.

Ngumiti ako at kinagat ang pang ibabang labi para pigilan ang nagbabadyang luha sa mga mata ko.

"Maglalaro lang tayong hide and seek."

Ngunit hindi nagbago ang reaksyon nya. Mas lalo syang sumeryoso. "Ano nga, Kim? Anong nangyayari?"

I can't tell him..

Pinilit kong kumbinsihin ang sarili sa pamamagitan ng pag iling. Muli ko syang nginitian.

"Malalaman mo bukas." Unti unti kong inangat ang kamay ko at hinaplos ang kanyang muka. Laking pasasalamat ko na lang at wala syang ginawa para pigilan ako. "Magbakasyon ka muna ng ilang oras."

"May bakasyon ba namang ilang oras lang kun'di ka tanga?" Inis nang tanong nya.

"Alam mo? Manahimik ka na lang bago ka pa mauna."

Tumahimik ako buong byahe at dumistansya na rin ng upo sa kanya. Nasa labas ang paningin ko pero nasa kanya pa rin ang atensyon ko. Hindi ko alam kung paano nya tatanggapin o matatanggap. Alam ko kung gaano sya kasaya sa school dahil hindi naman nya nagagawa sa kanila ang mga nagagawa nya doon.

Alam ko kung gaano sya kasaya kasama ang mga kaklase nya.

Pero alam ko ring hindi na sila pwedeng manatili pa dito. Hindi na sila pwedeng magtagal pa dito dahil maya maya lang din ay mawawala na kami.. Maiiwan si Rein at malaya nilang magagawa ang balak nila.

"We're here." Umayos ako nang upo sa anunsyong yon ni Jin. Tumalikod sya para humarap sa amin. "Kailangan nyo ba ng kasama?"

"Hindi na." Umiling ako at nginitian din sya. "Thank you."

Tinulak ko pa si Greg palabas dahil ayaw pa nyang buksan ang pinto eh nasa side nya yon. Ano? Tatangahan lang nya 'ko dito?

At nang makalabas kami ay agad din syang humarap sakin. Ipinalibot nya rin ang tingin sa buong lugar at ganoon din ako. Hindi ko alam ang lugar na 'to pero ayos lang. As long as he's safe.

"Bakit ba kailangan nating magtago dito?"

"Ikaw lang. Kailangan mong maiwan dito kung mahal mo pa yang buhay mo."

Walang katao tao sa buong lugar at napakatahimik. Magdidilim na. Malapit na..

"Iiwan mo 'ko dito?" Kunot noong tanong nya.

"Hindi ba't ayaw mo din naman akong kasama?"

"O-oo nga, pero..." lumingon sya sa likod at sa gilid bago muling tumingin sa akin. "..baka may multo d-dito eh.."

"Meron nga.." Inangat ko ang kamay kong unti unti nang bumabalik sa pagiging kaluluwa.

"Kim.."

Hindi ko na napigilan ang sarili kong yumakap sa kanya. Humigpit ang kapit ko sa bewang nya na mas lalong nagpaluha sa akin.

Sa dalawang taon naming magkasama sa classroom kahit hindi naman nya 'ko nakikita, hindi ko inakalang mapapalapit akong muli sa kanya gaya noong mga bata pa kami.

Alam kong hindi nya 'ko naaalala. Alam kong hindi nya ko nararamdaman dahil manhid sya. Hindi ko rin naman kayang sabihin dahil natatakot ako. Hindi ko kayang sabihin yung mga nararamdaman ko.

"Mamimiss kita.." Humihikbing bulong ko.

Hinayaan nya 'kong yumakap nang ilan pang segundo at maya maya lang din ay bumitaw na 'ko. At nang tignan ko syang muli ay nakatulala lang sya sa akin. Agad kong pinunasan ang mga tumulong luha ko.

"Aalis ka?"

Napayuko ako at mahinang tumawa dahil sa naiimagine kong pipigilan nya 'ko.. Imposible yon.

"Kim, aalis ka?" Muling tanong nya.

"Kailangan na naming umalis." Tumingala ako para harapin ulit sya at ngumiti.

"Bakit? Ayaw mo na ba dito? Saan ka pupunta?"

"Patay na kami, Greg." Masakit na sa akin mismo nanggaling ang salitang yon. "Hindi na kami pwede dito."

"Pero bakit sila? Bakit yung iba? Bakit yung mga nasa BU? Ilang taon na sila dito ah? Tapos kayo dalawang taon pa lang, hindi na agad pwede dito?"

"H-hindi ko alam.." Umiiling na tugon ko.

"Hindi ba pwedeng i-extend?"

"Greg---"

"Hindi ba pwedeng dito na lang kayo?"

Natigilan ako sa naging tanong nyang 'yon at hindi agad nakasagot. Masyado syang seryoso ngayon, bagay na hindi ko nakasanayan sa kanya.

"I have to go.." pamamaalam ko na bago pa magbago ang isip ko.

Agad akong tumalikod sa kanya. Pero bago pa man ako tuluyang makapasok nang van ay naramdaman ko ang kamay nyang pumigil sa akin. Hinatak nya ang kamay ko pabalik at sya naman ngayon ang yumakap.

Hindi ko iyon inaasahan. At dahil nabigla ako sa kanyang ginawa ay hindi agad ako nakakilos manlang.

"Babalik ka, diba?" Narinig kong nabasag ang boses nya. "Hihintayin kita.."

At mas lalong hindi ko inaasahang iyon ang sasabihin nya. "G-greg.."

"Kapag hindi ka bumalik, sasama ako sayo."

Agad akong kumalas sa pagkakayakap nya at sinamaan sya ng tingin kahit pa lumuluha na ang mga mata ko. "Greg, naman!"

"Kapag hindi ka bumalik, maghahanap ako ng ibang babae.." Nakasimangot pang patuloy niya.

Ayoko non.. Pero kung yun ang ikakasaya nya, bakit naman ako tututol?

"Ayos lang." Labag sa loob na sagot ko.

"Hindi," umiling sya. "Dapat babalik ka."

Lalo akong napasimangot sa sinabi nya. Lalo lang nya 'kong pinapahirapan. Parang hindi ko na gustong umalis pero alam kong kailangan.

"I really have to go na.." Paatras akong lumapit sa van habang nakatingin pa rin sa kanya. "I'll be your guardian angel, don't worry." Nakangiti pang dagdag ko bago tuluyang sumakay na sa van.

Kasabay ng pagsara ko ng pinto ang pag alis ko ng aking paningin sa kanya. Si jin naman ang hinarap ko.

"Maya maya na kayo umalis. Idiretso mo na sya sa bahay nila bago ka pumunta sa GU." Bilin ko sa kanya.

"Saan ba kasi kayo pupunta? Bakit kailangang nandito sya? May tinatakasan ka ba?"

"Kailangan kayo ni Rein.. You have to stay with her."

Hindi ko na hinintay pa ang isasagot nya at iniwan na sya doon. Dahil isa na kong kaluluwa ulit, kaya ko nang magpunta sa kung saan ko gusto.

Ngayon ay kasama ko na ang buong section namin. Kanya kanya kami ng punta sa mga kaklase ni Rein na ngayon ay nasa bingit na rin ng kamatayan. Kami ang pumalit sa mga lalaking nakahawak sa kanila.

At saktong si Mj ang natapat sa akin. Isa rin sa mga matatalik kong kaibigan. Ako mismo ang papatay sa kanya.

"Kate, open your eyes.." Lumapit si Jom kay Rein na ngayon ay nakagapos lang sa isang poste at mukang wala syang balak na kumawala. "Kate.."

Mangiyak ngiyak kong tinignan si Mj na ngayon ay umiiyak na rin sa harap ko. Humigpit ang hawak ko sa kanya.

"Anong inginingiti-ngiti mo dyan? Kate, wake up!" Doon pa lamang nya iminulat ang kanyang mata.

"A-anong nangyari sayo?" Gulat syang tumingin sa aming lahat ng mapansin ang pagbabago sa mga katawan namin.

"We're leaving.. Maya maya lang, mawawala na kami, Kate.."

"N-no.." Naguguluhan nyang tinitigan ang kaharap. "N-no, Jom.. P-please, don't say t-that.."

"K-kim.." Nakagat ko ang labi ko nang ako naman ang balingan nya.

Hindi ko rin gusto 'to.. Hindi namin gustong iwan ka ulit. Pero ano nga bang magagawa ko?

"I'm sorry.." Ang tanging nasambit ko.

Lalo syang nagulat sa sinabi ko.

"A-ayoko, Jom! Hindi ko kaya! H-hindi ko kakayanin!"

"Sorry.." Dahan dahang tumayo si Jom sa pagkakaluhod sa harap nya. Tumalikod sya at humarap sakin. "Ready.." Tumango ako.

"A-anong ginagawa nyo?!"

"R-rein.. I'm sorry.." Muli akong napapikit nang marinig ang malakas na iyak ni Mj. Ayoko syang bitawan.

"K-kim, ano ba?!" Hindi ko na sya pinansin pa. Hindi ko alam kung bakit pinapatagal pa namin ito. Mas lalo lang ako nahihirapan.

"Kaming lahat.. Kaming lahat ang pumapatay sa kanila." Pag amin sa kanya ni Jom.

"Patawarin nyo 'ko.. Sorry sa ginawa ko sa inyo. Ako ang may kasalanan kung bakit kayo nagkaganito.. Ako ang may kasalanan kung bakit kayo namatay.."

Kahit kailan ay hindi namin inisip yon. Hindi sya ang may kasalanan. Ginusto naming lahat 'to at ngayon ay kailangan naming pagbayaran ang pagtakas na ginawa namin noon.

"Pero, please.. Wag nyo silang idamay.. Wala silang kasalanan. Ako na lang ang patayin nyo. Pahirapan nyo 'ko. Lahat ng gagawin nyo tatanggapin ko.. Wag nyo lang silang idamay.."

"We're doing this for you.." Dinig kong bulong ni Jom. "I love you." Bago nya kami senyasan.

Sabay sabay naming binitawan ang mga hawak namin, kasabay nang sabay sabay din naming paglalaho.



































Greg Clark Sy's POV.

Pagpasok ko ng classroom kinabukasan ay agad akong natigilan nang makitang walang tao sa loob. Kumunot ang noo ko at dahan dahang lumapit at binuksan ang pinto.

Wala bang pasok? Hindi naman ako nainform na holy day pala..

Babalik na sana ako nang makita ang isang babae sa loob. Kaya naman pinihit kong muli ang door knob at dire-diretsong pumasok.

Agad kong nilapitan si Rein. Sya lang mag isa dito. Tulala sya at hindi ko alam kung nakikita ba nya 'ko.

"Wala bang pasok?" Agad na tanong ko.

"Meron." Malamig na sagot nya.

"Eh nasaan sila?"

"Wala na sila." Diretsong sagot nya. Kumunot ang noo 'ko. "Patay na silang lahat."


















I RECOMMEND READING GHOST SECTION AND GHOST UNIVERSITY FIRST BEFORE THIS.

This is a work of fiction. Characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Typos, grammatical errors and bad words ahead.

All of your votes, comments and follows are deeply appreciated.

THANK YOU!

- Justt Stranger

Continue Reading

You'll Also Like

196K 8.6K 23
စံကောင်းမွန် + တခေတ်ခွန်း ငယ်ငယ်ကခင်မင်ခဲ့တဲ့ဆက်ဆံရေးကနေအကြောင်းတစ်ခုကြောင့်စိတ်သဘောထားကွဲလွဲပြီး ပြန်တွေ့တဲ့အချိန်မှာသူဌေးနဲ့အလုပ်သမားဆက်ဆံရေးဖြစ်သွ...
56K 2.9K 35
• Ranbir a cold hearted person , have a anger issue • Prachi a kind hearted person , the most stubborn girl both are different in their ways what w...
48.8K 4.9K 101
A story following a young hunter named Jay. He has grown up in a world where dungeons, monsters, and humans with leveling systems are a cultural norm...
81.6K 7K 46
What if Arnav gets a chance to rectify all his mistakes? What if he gets a chance to avoid such situations? What if he gets to know Khushi is his wou...