Amore and Vains (Lover Series...

By celestinair

3.7K 271 12

Impediment and Betrayal. More

zero
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51

37

10 3 0
By celestinair


"Tanga ka na," tumawa ako at umaktong ihahampas sa kanya ang bouquet.



"Tagal na," he shrugged.


"Gutom na ako. Nasan ang food? Huwag mong sabihin na uupo lang tayo rito?"



"Masarap kayang umupo," tumawa siya.



"Lalayasan kita dito,"



"Na naman? Kababalik mo nga lang sa'kin, aalis ka na naman?" he look down.



"Lalayasan kita dito, yun ang tinutukoy ko. Huwag mo'kong dramahan. Ilabas mo na ang pagkain," mataray kong sagot.



"Oo na, sandali kukunin ko lang." natatawa siyang tumayo sa pwesto nya.



"Nasaan ba ang pagkain? Parang wala naman dito," sinimangutan ko siya.



"Wala nga, kukunin ko pa sa baba."



"Tangina?" I glared at him, frowning.



"Ano na namang ginawa ko?" nagsalubong din ang kilay nya.



"Nasa baba? Alam mo bang nasa tuktok tayo ngayon? Bakit hindi mo na lang agad ipinaakyat dito kanina?" reklamo ko.



"Kung hindi mo'ko sinikmuraan kanina, baka naalala ko agad," sumagot siya ng sarkastiko.



"So kasalanan ko pa?"



"Hindi," napahilot siya sa sintido nya. "Kasalanan ko boss, kasalanan ko talaga. Pasensya na."



"Ano pang itinatayo tayo mo diyan? Dapat kanina ka pang bumaba para makuha na yung pagkain," sermon ko.



Nakita kong napaawang ang bibig nya at mas lalong kumunot ang noo. "Kinakausap mo'ko eh, malamang hindi ako aalis kasi sasagot pa ako,"



"So kasalanan ko na naman?" pinaningkitan ko siya ng mata.



Humakbang na siya paatras habang sapo ang ulo, halatang naiinis na. Nakatingin lang ako sa kanya habang pinipigilan ang pagtawa.



"Ibang klase ka talaga," naiiling na natatawa nyang sagot bago maglakad palabas ng pinto.



May mga kasama na siya pagbalik dito sa rooftop, marami silang bitbit na pagkain, may kasama rin siyang violinist. Habang nakain kami ay tumutugtog ito sa likuran namin, hindi ko alam kung anong kanta 'yon pero maganda naman. Hanggang sa matapos kami ng pagkain ay hindi ko siya pinapansin, nasa pagkain lang ang buong atensyon ko.



"Kailangan ka huling kumain?" tanong ni Samuel habang umiinom na ako ng tubig.



I put my hand under my jaw and look above, thinking. "Ah, kagabi ata."



"Ano?"



"Anong ano? Kagabi nga ang huli kong kain,"



"Bakit?"



"Marami akong ginagawa, nawala na sa isip ko." kaswal kong sagot at tamad na sumandal sa upuan.


"Nagpapakamatay ka?" he mouthed sarcastically.



"Teka, inaano kita?" napadiretso ako ng upo at mataray siyang tiningnan.


"Hayaan mo, simula ngayon hindi ka na makakapagpalipas ng gutom," he smirked. "Mark my words."



"By Justin Bieber?" I mocked.



"Ibuhos ko sa'yo 'tong wine,"



"Taray mo naman, manang mana ka sa'kin. Bestfriend nga talaga kita," pang aasar ko pa.


"Bestfriend ampota," sumeryoso ang mukha nya.



"Hindi pa ba tayo uuwi? Marami pa akong gagawin." tumayo ako at inayos ang ibabang bahagi ng skirt ko.



"Ihahatid na kita,"



"Parehas tayong may kotse, bakit kailangan pang maghatidan?" I frowned.



"Hindi ko dala ang kotse ko," napakamot siya sa batok nya. "Nasiraan ako kanina, nirerepair pa."



"Ohh, so ihahatid mo'ko gamit ang sarili kong kotse?" I chuckled. "Let's go, ako na ang maghahatid sa'yo."



"Pero --"



"Kokontra ka pa? Tumigil ka nga, wag mo na akong kontrahin," pagputol ko sa sasabihin nya.



Hinila ko na siya paalis doon, nagpupumilit pa ito na siya na lang daw ang magdadrive hanggang sa unit nya pero hindi ako pumayag kaya hanggang sa makarating kami sa condo nya ay nagmamaktol pa rin siya.



"Bye, bestie," I opened my side window while laughing at him.



He gave me a serious glare, "Seryoso ako sa sinabi ko kanina. I'm going to court you, Ms. Mendez."



"Court my ass," I rolled my eyes and quickly start the engine to leave.



I'm sipping a warm coffee in my living room when I received an email, wala naman akong inaasahan na work emails ngayon dahil ang alam ko ay nacheck na 'yon ni Allyson. I screamed in surprise when I read the letter.... madam approved my leave. Yun na lang ang hinihintay ko dahil naayos ko na ang schedule ko sa company namin. Agad kong tinawagan si Allyson para maipagpabook na ako ng flight, 1 week pa bago magpasko pero gusto kong makauwi ng maaga para mas makapagbonding kami ng matagal.



"Ayaw mo talagang sumama pauwi?" tanong ko kay Denice ng puntahan nya ako dito sa unit, day off ko ngayon habang siya ay kagagaling lang sa opisina, dito ko na siya pinadiretso.



"Malabong iapprove ang leave ko, lalo na ngayon na aalis ka." she shrugged, alam kong gusto nya ring umuwi.



"Sinubukan mo ng magfile? Kakaapproved nga lang ng akin kanina,"



"Nagfile ako last month pero nireject din agad ni madam," she looks pissed. "Lakas mangreject ng leave, ayaw na mawala ako sa paningin nya tapos hindi naman nangpopromote."



"Malay mo next year, ikaw na pala ang maging assistant designer," I smiled.



"How I wish. Marami na rin tayong mga junior designer, baka mamaya mas mauna pa ang promotion nila kesa sa'kin," she laughed but I know that it kinda affects her, kaya pala hindi siya masyadong nambibwiset nitong nakaraan, dinadamdam pala ang pagreject sa leave nya.



I know that sometimes, she's too hard-headed to follow my instructions because she has her own ways and stratigies, and gladly, her work never failed to amaze me. It's not what we planned but it turns out to be much better. I already witnessed her hardwork these past few years even when I'm not being promoted yet. She deserve to be appreciated and acknowledged.



Little did she know that madam and I had a meeting with the board of directors last week. The old assistant designer decided to work for other company so we need to find a replacement as soon as possible. And of course, I didn't slept the chance to recommend Denice, I compiled all of her records these past few years and presented it to the board firmly and clearly, enough to make sure that they can see Denice the way that I saw her.



She have no idea about anything, but I hope she likes this christmas and new year present of mine. It will be announce after our holiday break.



Well deserved. Denice is the new assistant designer.



"Try mo kaya ulit?" pangungulit ko sa kanya dahil gusto kong may makasama sa pag uwi.



"Next year na lang siguro, ipapadala ko na lang sa'yo yung mga regalo ko kina mama. Hindi ka naman mabibigatan dun dahil konti lang,"



"Okay, no problem."



Nakapila na ako dito sa airport gate ng maramdaman kong may kumulbit sa'kin mula sa likuran, I was shocked when I saw Samuel behind me, may dala rin siyang isang bag at maleta.



"Teka.... paanong --"



"Tinanong ko sa secretary mo," mabilis nyang sagot bago ko pa matapos ang sasabihin ko.



"Close kayo?" I raised my brow.



"Selos ka?" he smirked.



"Ulol!"



"Makikipasko muna ako sa bahay nyo, alam kong namimiss na rin ako nina tita," he whispered while laughing.



"Kapal ng mukha mo," mataray kong sagot at hinila paabante ang maleta ko.



"Ako na," kinuha nya ang maleta ko pati na rin ang handbag na dala ko, isinabit nya 'yon sa balikat nya.



"Pwede ng katulong," I teased.



"Okay lang, atleast ikaw ang pagsisilbihan." he winked before walking pass at me, kanina pa palang nakaabante ang nasa unahan ko.



Talagang sakto pa na magkatabi ang nakuha naming pwesto, nasa window seat ako habang siya ay malapit sa aisle kaya nangungulit siyang magpalit kami.



"Bakit kasi yan pa ang pinili mong pwesto!? Ang dami pang bakante sa likuran oh," naiinis kong tinapik ang kamay nya paalis sa braso ko dahil kanina pa nyang pinipisil dala na rin ng pangungulit.



"Edi hindi kita katabi?" he pouted.



"Corny mo, wag mo ng pisilin ang braso ko!! Ang pula na kaya,"



"Palit muna tayo,"



"Ayoko. AYOKO." pagmamatigas ko at isinuot ang airpods para hindi ko na marinig ang mga sinasabi nya.



Inalis nya ang airpods sa tenga ko at siya ang tumapat doon, nagsimulang kumanta.



"The hell are you doing!?" I glared at him in disbelief.



"Hindi kita titigilan hangga't di ka pumapayag. Nahihilo na rin ako, bahala ka kapag nasuka ako." reklamo nya.



"Tangina naman," I whispered before standing and leaving my sit, mabilis rin siyang lumipat doon habang nakangiti na akala mo ay nanalo sa contest.



Hindi ko siya kinakausap buong byahe, nung una ay nagtutulog tulugan lang ako pero di nagtagal ay napahimbing na ang tulog ko. Buti na lang at pagdating namin sa airport ay nandoon na ang grab na pinabook ko, hindi alam nina dad na makakauwi ako kaya sigurado akong masusurprise sila. Kagabi lang ay nangungulit pa sila sa'kin ni mom habang magkavc kami, pero di nila alam na nag iimpake na din ako nung mga oras na 'yon.



Bukas ang main door sa living room pagdating namin, nakasunod lang sa'kin si Samuel habang tinutulungan siya ng guard sa mga dalang gamit. I was stopped when I heard voices that laughing inside, parang maraming tao sa loob.



Napaawang ang bibig ko ng maabutan sina mom at dad na masayang nakaupo sa couch habang kausap sina Harriet at September. Tila napako silang lahat sa kinauupuan ng makita ako. Si September na saktong umiinom ng juice ay natigilan rin at dahan dahang ibinaba ang baso.



"T-tracy.... anak," dad called my name and immediately leave his sit to walk towards me.



"Hi, dad. Sorry, hindi ko alam na may bisita pala kayo," tiningnan ko sina Harriet at tipid na nginitian.



"Bakit hindi mo sinabi na uuwi ka, anak? Sana ay nasundo ka namin," nilapitan rin ako ni mom at niyakap ng mahigpit. "Wait, where's your luggage?"



Sakto namang pumasok na rin sa pinto si Samuel, hindi nya agad kami napansin dahil busy siya sa paghila ng maleta ko papasok sa pinto, halatang pagod na siya.



"I'm with Samuel, by the way," I looked at them and smile.



"Samuel, hijo!!" mom exclaimed, mukhang mas natuwa pa siyang makita si Samuel kesa sa'kin. Awit, favoritism.



"Tita kong napakaganda!!" masiglang bati rin ni Samuel, abot hanggang tenga ang ngiti ng salubungin siya ni mom ng yakap.



"Hijo, masaya ako at sinamahan mo itong si Tracy sa pag uwi dito," dad smiled at tinapik ito sa balikat.



"Hayaan nyo po sa susunod, pati sa pagtanda sasamahan ko na rin siya," Samuel said proudly na lalong ikinalaki ng ngiti ni mom, si dad naman ay napakunot ang noo.



"Dadaan ka muna sa butas ng karayom bago mo makuha sa'kin itong dalaga ko," dad urged in a strict voice.



"Ikaw naman, ayaw mo ba 'non? Kilalang kilala na natin ang makakatuluyan ng anak mo," mom giggled.



Nakataas lang ang kilay ko habang pinapanood ang pag uusap nila. "Baka nakakalimutan nyong nandito ako,"



"Kj mo," pang aasar pa ni Samuel. "Hindi mo lang matanggap na mas namiss nila ako kesa sa'yo,"



"Kapal talaga ng mukha mo," I said sarcastically while clenching my jaw na lalong ikinalakas ng tawa nya. "Magpapahinga lang ako saglit. Pakiakyat na lang ng gamit ko, Samuel."



"Sige anak, ipapasunod ko na sa maids ang mga gamit mo," mom kissed me on the cheek.



"Hindi sa maids, ma. Si Samuel ang gusto ko," pagkontra ko.



"Sabi ko na eh, gusto mo'ko," Samuel's smirk widened.



"Gustong mag akyat ng gamit," madiin kong sagot. "Makapal na nga ang mukha mo, feelingero ka pa."



"Ayan, tito, ganyan nya talaga ako kung tratuhin. Napakabait ko naman sa kanya, pagsusumbong nya at pumunta pa sa likod ni dad.



Siniringan ko na lang siya at mabibigat ang hakbang na umakyat sa hagdan. Nadaanan pa ng tingin ko ang living room kung nasaan sina Harriet, alam kong nakatitig sila sa'kin.



Napabangon ako sa kama ng biglang bumukas ang pinto, nakita kong pumasok doon si Samuel at ang isang maid, dala ni Samuel ang gamit ko habang ang maid ay may dalang isang baso ng juice. Pabagsak ulit akong humiga sa kama at itinakip ang braso sa mukha ko, I feel so uncomfortable kanina pa lang na pagdating namin.



"Are you okay?" I heard him asked kaya inalis ko ang braso sa mukha ko at walang emosyon siyang tiningnan.



"Ewan, s-siguro.... hindi ko alam," tumawa ako ng mahina.



He sat beside my bed and started caressing my hair that makes me feel lighter, "It's okay if you're not ready to face them, especially Sept. Give yourself enough time."



"I already forgive her a long time ago, kahit hindi kami nakapag usap bago ako umalis o kahit hindi ko siya narinig na humingi ng tawad," I forced to smile. "I thought it ends there. I thought that my pains are all gone kasi napatawad ko na siya. Kasi mas pinili ko na lang na tanggalin sa sistema ko ang lahat ng ginawa nya. Pero nung nakita ko siya, nasaktan na naman ako. Naalala ko na naman yung noon, kung paano humantong sa ganoon ang lahat, nagawa nya akong saktan ng ganoon kalala. Tinatanong ko na naman sa sarili ko kung ano bang nagawa kong mali o sobrang sama ko bang tao para gawin sa'kin 'yon ng kaibigan ko? At hindi lang basta kaibigan, itinuring ko na siyang kapatid."



"Ria," Samuel called me. "Ikaw ang pinakamabuting tao na nakilala ko, kaya wag na wag mong iisipin na masama kang tao. Hindi mo alam kung anong klaseng kabutihan ang naidulot mo sa buhay ng mga taong malalapit sa'yo, at maniwala ka man o hindi, alam kong pare-pareho kami ng tingin sa'yo. Palagi mong tatandaan yan."



"A-ang gusto ko lang naman ng mga panahong 'yon, maging masaya siya.... sila. Kahit hindi ko na intindihin yung mararamdaman ko.... basta okay sila, okay na rin sa'kin." my eyes started watering, "Alam ko kung anong klaseng buhay ang kinalakihan niya, alam kong kaming mga kaibigan nya ang pinaka itinuturing nyang kakampi sa buhay, kaya gusto ko lang na maging maayos siya palagi. Sa loob ng maraming taon na kami ang palaging magkakasama, wala naman akong ginawa na makakasama sa kanya ah? Naging mabuting kaibigan naman ako di'ba?"



"Of course, of course you did. Hindi ka lang nya basta naging kaibigan, lagi mo siyang sinasagip, hindi mo nga rin siya magawang tanggihan kahit pati sina Harriet ay nagtatampo na sa'yo. Wala kang ginawang mali, hindi ka naging mali. Siguro, mali lang na sinanay mo siya na palagi kang nandiyan. You've been so selfless."



"Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin ngayon," I let out a heavy breath.



"Magpahinga ka, yun dapat ang gawin mo ngayon," Samuel gave me a quick kiss on my forehead.



Lumabas na siya sa kwarto ko kaya bumangon na ako at pinahid ang konting luha sa pisngi ko. Nagpalit muna ako ng damit at umidlip saglit. Nagising lang ako sa katok sa pinto, pinakiramdaman ko muna ang katok dahil mahina lang ito tapos biglang mawawala, ilang beses pang ganoon kaya bumangon na ako para buksan 'yon.



"H-hi," I remained standing with a blank face ng makita ko si September sa labas ng pinto, may dala siyang tray ng pagkain.



"Do you need anything? Pwede bang mamaya na lang? Umiidlip pa ako," diretso kong sagot habang walang patinag na nakatingin sa kanya.



"S-sorry, I didn't know. I just want to bring you some food kasi hindi ka na bumaba simula kanina,"



"I'm still full, thank you for the concern," I gave her a small smile at akmang isasara na sana ang pinto ng harangan nya ito gamit ang isang paa.



"Can we talk?" she quickly asked me ng padabog kong buksan ang pinto para tingnan kung bakit nya iniharang ang paa sa pinto.



"Matutulog pa ako," tipid kong sagot.



"Your sleep can wait. This is more important,"



"Pati naman pagpapahinga ko papakealman mo rin?" I laughed sarcastically.



"I know that you're mad, Ria. That's why I want to talk to you, dapat matagal ko na 'tong ginawa kaso nung huling beses na umuwi ka rito, hindi na kita naabutan."



"Ano bang gusto mo?" tinalikuran ko siya at diretsong umupo sa silya na nasa harap ng vanity ko.



"Forgiveness," she mouthed.



"I already did that," I answered simply. "Yun lang ba ang kailangan mo? Kasi kung yun lang, makakaalis ka na."



"I'm sorry for everything that I've done to you," her voice broke. "I missed my bff so much,"



Tahimik lang akong nakatingin sa sahig, hindi ko alam kung anong sasabihin ko.



"I was so stubborn, selfish, stupid, lahat lahat na ng masasamang katangian nasa akin na," she bit her lower lip to stop herself from crying. "I hope you still forgive me even tho it's too late for me to face you and apologize for all of the pain that I've caused you and your family."



"You ruined my life," I whispered, still looking on the floor.



"Walang araw na hindi ko pinagsisihan ang nagawa ko noon. All the karma in this world already happened to me, I already lost everyone. Walang araw na hindi ko pinagbabayaran ang lahat ng kasalanan ko, even in my sleep, hindi pa rin ako patahimikin." her shaking voice hurts me. "I hope that you still find a forgiveness in your heart. I know that I can't bring back the time, 'cause if I can, I already did that a couple of times. When you left, it feels like everyone left me also, pakiramdam ko ay nawala na ang lahat sa'kin. You're the only person who never gave up on my attitude, always put me first even if it takes sacrificing yourself. What I did was unpayable, but I'm willing to pay it with all of my life until you gave me the forgiveness that I'm wishing."



"Paano mo nagawa sa'kin 'yon?" diretso kong tanong na nag echo sa buong kwarto. I saw her playing her fingers while looking down. That's her mannerism everytime na nasasaktan siya o kinakabahan.



"Jealousy consumed me, Ria. I was so mad that time because of too much rejections that I got, I was scared to end up alone again," she covered her face with her hands.



"Why didn't you tell me? You're not alone, you know that I'm always there for you!" I exclaimed.



"I'm sorry, I'm really sorry...." she slowly bend on her knees while crying. "I will never lose hope until you forgive me, I will never get tired of apologizing, Ria. I'm so sorry from the bottom of my heart."



"Stand up," I uttered while wiping my watering eyes.



She raised her look at me and stand up, still crying. Mabilis ko siyang niyakap ng tuluyan ko siyang makapantay ng tayo, I continue sobbing on her shoulder.



"Namiss kita, gaga ka!" I forced to laugh but I'm still crying at the same time.



"I'm sorry," she whispered and tightened our hug.



"I know, I know. It's okay, tama na."



Parehas kaming nagulat ni Sept ng makarinig kami ng kumalampag sa pinto, pagtingin namin ay nakatayo doon sina Harriet at Samuel habang abot tenga ang ngiti.



"I can't believe this, akala ko talaga ay hindi ko na ulit kayo makikitang ganito," Harriet walk towards us at niyakap kami.



"Sampalin mo nga ako, baka panaginip lang 'to," siniko ni Sept si Harriet.



"Sampal lang?" Harriet chuckled.



"Just kidding. Oh my gosh, I can't believe this!!" Sept is laughing pero tumutulo pa rin ang luha. "I've waited this moment for a long time."



"Tears of joy?" I teased her.



"Parang tears of joy na may iba pang dahilan," Harriet looked at her meaningly.



"O-of course n-not!" mabilis na kontra ni Sept.



"Kulang pa kayo ng isa," napalingon kaming tatlo kay Samuel na nakasandal sa pader. Pare-parehas kaming nagkatinginan, mukhang iisa lang ang naiisip namin ngayon.



Nasa backseat kaming tatlo nina Sept at Harriet, si Samuel naman ang nagmamaneho. Papunta kami ngayon sa unit ni Raven, hindi ko na rin siya nakausap pa simula nung umalis ako, matagal tagal ko rin siyang tiniis na huwag pansinin.



Ilang beses pa akong kumatok sa pinto bago ito bumukas, hindi na sumama si Samuel dahil tinatamad daw siyang umakyat. Bumungad sa'min si Raven na may hawak pang pizza at akmang isusubo na nya pero natigilan ng makita kami, nagpalipat lipat ang tingin nya sa'ming tatlo habang gulat na gulat at parang nakakita ng multo. Harriet snapped her fingers in front of her face, doon lang siya natauhan at agad napaatras ng tayo.



"Grabe namang reaction yan, mukha ba kaming multo?" Harriet giggled at diretsong pumasok sa loob kaya sinundan namin siya. Nilingon ko si Raven at nakita kong nakatayo pa rin siya doon na parang napako na ang mga paa.



"What's with the face? You have your period ba?" Sept raised her brow.



"A-anong.... p-paanong.... b-bakit kayo nandito?" nauutal si Raven.



"We're just visiting our baby sister. Bawal ba?" I smiled.



Mabilis na lumambot ang ekspresyon ni Raven, pinipigilang humikbi. Patakbo siyang lumapit sa'min at isa isa kaming niyakap. Huli nyang nilapitan si Sept, sandali pa silang nagtitigan bago sabay na yumakap sa isa't isa, nagkatinginan na lang kami ni Harriet habang magkayakap ang dalawa.



"Namiss ko 'to.... namiss ko kayo," she pouted.



"Any plans sa 24? Sa mansion na kayo magspend ng christmas eve, magpapaparty ako," I spoke.



"Hindi ko tatanggihan yan!!" Sept replied excitingly.



"Of course, hindi ko rin palalampasin yan!! Ako na ang bahala kay dad," Harriet laughed.



"Aba, obvious naman kung anong sagot ko. Ilang taon na rin akong nagpapasko na mag isa dito," Raven uttered.



"What? Hindi ka ba pumupunta sa mansion or umuuwi kina tito?" nagtataka kong tanong.



"Basta, mahabang kwento. Tsaka na lang natin pag usapan," she gave me a small smile.



Mabilis na lumipas ang mga araw. Lahat kami ay nag aayos na ngayon dito sa guest room dahil malapit na ang christmas eve, pare pareho ang kulay ng suot naming dress nina Harriet, color green na iba't iba ang style. Raven is wearing an off-shoulder top with a connecting strap underneath her fitted skirt just above her knees, Sept is looking more softy with her sequin party dress that reveals her curvy back, Harriet is enjoying her sleeveless assymetrical hem while I picked this strapless bodycon with a small slit on the right knee.



"Pool party di'ba? Bakit tayo nakadress?" tumigil sa pagsusuklay si Raven at matiim kaming tiningnan.



"Hindi ba pwedeng magpalit after? Syempre pangpicture taking muna itong mga dress," Harriet replied while putting her lipstick.



"Mabanas," pagmamaktol ni Raven.



"Still hot? Babe, you're wearing an off-shoulder dress that almost reveal all your skin," napataas ang kilay ni Sept.



"Ang kati," reklamo nya ulit.



"Mag bra at panty ka na lang," I laughed. "Hindi ka nga lang makakasama sa picture taking,"



"Grabe kayo sa'kin,"



"Maarte ka eh," Harriet frowned.



Almost midnight na ng makababa kami sa garden, nakahanda na ang pagkain sa mahabang lamesa. Naabutan namin sina mom at dad na kausap si Samuel, halatang naiinip na sa paghihintay sa'min. Lumapit ako sa pwesto nila habang sina Sept ay dumiretso sa poolside, biglang itinigil ni Samuel ang sinasabi nya kina dad na parang ayaw nyang marinig ko kung ano 'yon.



"Ganda talaga," bulong ni Samuel sa'kin ng kabigin nya ako papunta sa tabi nya para doon paupuin.



"Tagal na," I giggled.



"Kaya naman mahal kita eh,"



"Thanks," muli akong tumawa kaya napasimangot siya.



"Ehem. Ehem. Nandito kami nina tita oh, pwede namang mamaya na maglandian," hinigit ako ni Harriet patayo at hinila ako papunta sa poolside kung nasan sina Raven.



"Hiniram ko muna kay Samuel, mukhang naabala ko pa," sabi ni Harriet kina Sept ng makarating kami sa tabi nila, parehas lang na napataas ang kilay ng dalawa habang pinipigilan ang pagngiti.



"Ang issue mo," I rolled my eyes.



"Ang harot mo," she fired back at mabilis na kinuha ang dslr camera nya na nasa ibabaw ng upuan malapit sa pool. Aba't hindi man lang humanap ng mas safe na papatungan.



"Hoy, Morgan!! Ikaw magpicture sa'min," sigaw ko kay Samuel na kausap na naman sina mom.



"May ginagawa ako!!" sagot nya pabalik.



"Wala naman eh!! Dali na, punta ka na dito!!"



Natawa kami nina Raven ng makitang padabog na tumayo si Samuel at naglakad na papunta sa'min. Nakailang ulit pa siya sa pagpipicture dahil puro pangit ang anggulo, aba kasalanan rin naman nya kung bakit siya umuulit. Pagkatapos ng makapigil hiningang picture taking ay kanya kanya kaming post sa ig, saktong nag 12 am na rin.



Nang matapos kami sa pagkain ay nagkanya kanya na kaming kuha sa mga panregalo namin, inuna kong ibigay kina mom at dad ang regalo ko. My eyes sparkled when I opened their gift to me, it's a gold necklace again!!



"Angel," I smiled while tracing the pendant.



"Well, you're our angel," mom hugged me, sumali na rin si dad.



Pabulong akong inaya ni mom na samahan siya sa kwarto dahil nandoon daw ang panregalo nya kay dad, medyo mabigat daw kaya kailangan nya ng tulong. Pagbalik sa garden ay natigilan kami at napalingon sa boses ng nagsalita, natanaw namin si Samuel sa tabi ng pool habang nakamic. Nakatayo sa tabi ng lamesa sina Raven, ganoon din si dad, nilingon nila kami ni mom habang nakangiti kaya lalo akong nagtaka.



"Ako na anak, sige na, lapitan mo na si Samuel." mom kissed me on the cheek at pumunta na rin sa tabi nina dad.



Kahit naguguluhan pa din ay naglakad ako papunta sa tayo ni Samuel, he's staring at me intently, medyo naawkward tuloy ako. May maliit na lamesa sa likuran nya, merong bouquet doon at isang bote ng wine.



"Anong meron?" nagsalubong ang kilay ko at nilingon rin ang pwesto nina Raven. Parehas na nakalabas ang phone ni Harriet at Raven habang nakatapat sa'min, mukhang vinivideohan kami. Sept is just smiling beside them, ganoon rin sina mom.



"Merry Christmas," Samuel spoke kaya bumalik sa kanya ang atensyon ko.



"Ah, Merry Christmas din?" nag aalangan kong sagot.



"Bakit ka kinakabahan?" he teased.



"H-huh? H-hindi ah, tanga ka." umiwas ako ng tingin.



"Bakit ka nauutal?"



"A-anong nauutal? Malamig lang ang panahon kaya medyo naapektuhan boses ko," palusot ko. Lalo akong kinabahan.



"I love you," he said in a soft voice and gently held my right hand.



"H-huh?" parang nabingi ako sa narinig ko.



"Mahal kita," aba tinagalog pa.



"Tinagalog mo lang eh,"



"Oh, narinig mo naman pala, ipinaulit mo pa," he chuckled.



"So kasalanan ko?" I frowned.



"Bwiset. Huwag mong sabihin na mag aaway pa tayo dito?" napakamot siya sa batok nya.



"Ready naman ako anytime," pang aasar ko pa.



"Seryoso na," mabilis nyang sagot. Nagulat ako ng lumuhod siya sa harapan ko, may inilabas na box galing sa bulsa nya. Binuksan nya 'yon at nakita ko ang isang minimalist gold necklace na may pendant na isang maliit na star.



"Ano --"



"I love you, Ria. I love you ever since I was 10." he gave me a sweet smile.



"Samuel," wala akong ibang masabi, tumingin muli ako sa direksyon nina mom at natanaw ko ang malalaki nilang ngiti. Sina Harriet ay naghahampasan na sa kilig.



"Will you be my girlfriend?" tanong ni Samuel habang nakamic kaya narinig ko agad ang tilian nina Raven.



"K-kasi, a-ano, b-bakit --"



Naputol ang sasabihin ko dahil sumagot na siya agad.



"I promise, I'll take care of you. I'll be a good partner, I won't do anything that can hurt you. I promise, Ria. I'll do my best, just trust me." Samuel said with full of emotions, even his eyes speaks for his self.



But I can't feel anything when I look in his eyes. Kahit kailan, wala pang kahit sino ang nakapagparamdam sa'kin ng kakaibang sensasyon gaya ng naramdaman ko kay Trevor noon.



Kahit matagal ng nawala ang lahat sa'min.... alam kong wala pa ring makakahigit sa kanya.



"Sagot na babe!! Oh my gosh!!" Harriet said excitingly habang kinukunan pa rin kami ng video.



"Go for the gold, ate!!" Raven giggled, nagvivideo pa rin. Mukhang pinagplanuhan talaga ang sabwatang ito ha.



Tumingin ako kay Sept at nakita kong nakangiti lang ito habang nakatingin rin sa'kin, simpleng nakatayo lang siya doon at hindi nakikisali sa pagwawala nina Raven sa tabi nya. She looks so calm and just genuinely happy for what she's seeing. Alam kong malaki na rin ang ipinagbago nya. Of course, for the better. Ibinalik ko ang tingin kay Samuel na nakaluhod pa rin sa harapan ko, naghihintay sa isasagot ko.



I don't want to hurt him.... so I decided to give this a chance. I know he's a good man. He will be good for me and to my family.



I can handle myself, I can handle my feelings. Maybe someday, I can also love him the same way he did to me. He's not hard to love.



I gave Samuel a firm smile, "Yes."



"A-ano?" nauutal nyang tanong.



"I said yes," I smiled.



Mabilis siyang tumayo at niyakap ako. Hinalikan nya ako sa noo at umikot sa likuran ko para isuot ang kwintas, pagkatapos ay kinuha ang bouquet na nasa tabi at ibinigay sa'kin.



"She said yes!!" Samuel exclaimed in delight habang nakatingin sa direksyon nina Raven. Mas lalong lumakas ang sigaw nila, sina mom at dad naman ay nakita kong magkayakap. I know that they are happy about my decision, at masaya na rin ako doon.



Itinaas ko ang bouquet habang ipinapakita sa kanila. Samuel pulled me close to him and quickly gave me a smack on my lips, nagulat ako sa ginawa nya pero hindi ko ipinahalata, tumingin na lang ulit ako kina mom.



"I love you," he whispered.



I didn't answered back and just gave him a small smile.


_____________________

________________________________


- new love. 

ew.

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 36.2K 61
WATTYS WINNER When her fiancé ends up in a coma and his secret mistress, Halley, shows up, Mary feels like her world is falling apart. What she does...