*title ---> This means may special chapter na attached sa external link :)
--------------------------------------------------------------------------------------------------
[DIANNE'S POV]
"I think I've finally had enough, I think I maybe think too much
I think this might be it for us (blow me one last kiss)
You think I'm just too serious, I think you're full of sh-t
My head is spinning so (blow me one last kiss)
Just when I think it can't get worse, I had a sh-t day (no!)
You had a sh-t day (no!), we've had a sh-t day (no!)
I think that life's too short for this
I'll pack my ignorance and bliss
I think I've had enough of this, Blow me on last kiss"
BLOW ME (ONE LAST KISS) - PINK
Bongga lang! Walang basagan ng trip na matindi!
Tinuloy ko lang yung pag-kanta sa loob ng car. Buti nalang hindi traffic. Nasa SLEX ako ngayon, papunta ako sa Laguna para bumisita sa bahay ng tita ko. Miss ko na kasi sila.
Weh? Hahaha ang totoo mang-gugulo lang ako since sunday naman saka nag-promise ako sa mga pinsan ko na dadating ako dun.
Maganda ang mood ko today dahil kumpleto ang tulog ko. Naks 8 hours, kahit dapat 6 lang.
Bumibigat na kasi ang pakiramdam ng tao kapag sobra rin sa tulog.
Pero sa mga tulad kong sleep deprived ok lang yan.
Bawi bawi din.
I'm Dianne Costello.
Hindi man halata, pero I'm a doctor. Mukha lang talaga akong model pero promise doctor ako.
Surgeon pa nga ako eh
Operahan pa kita jan!
Joke lang! Pero sige magdecide ka lang kung anong tatanggalin ko.
I work sa Saint Andrews Medical Hospital sa Manila.
I live alone sa bahay ko sa Taguig.
Hindi naman ako alone in this world. May parents ako at two siblings.
They just live abroad. At naiwan ako dito dati dahil nag-aaral ako noong time na umalis
sila.
Sina tita ko sa Laguna yung closest and I mean literally closest relatives ko. Yung iba kasi nasa probinsya pa ng Quezon kaya mejo malayo layo rin.
Nagugutom nako, kaninang madaling araw pa kasi ako nagbreakfast.
Gumilid ako then I slowed down para pumasok sa mga gasoline stations sa gilid ng SLEX.
I stopped to buy food sa isa sa mga restaurants doon.
Buti nalang naisip nila na hindi umiinom ng gasolina ang mga tao.
Thank God at naisip nila yun!
Akalain mo?
Joke lang.
Pero salamat din sa mga negosyanteng nakaisip na maglagay ng mga restaurant nila.
Bibili pa ako ng pasalubong sa mga bata ko pang pinsan kaya pang take-out nalang yung food.
Sa car nalang ako kakain, tutal sandwich naman yung kakainin ko.
Two bags yung nasa kamay ko. Tapos may dala din akong boxes ng doughnuts.
Malamang mahirap magbukas ng pinto ng sasakyan.
Nilagay ko muna sa ibabaw ng hood ng sasakyan yung box para ma-open yung door.
"Avie! Avie! Baby wake up! Avie!" I saw a woman holding a kid in her arms sa loob ng car na nakapark katabi ng car ko.
Wala yatang malay yung bata.
I rushed to them after ko ilagay sa loob ng car yung pinamili ko.
Hindi naman ako OA para tumakbo dahil hindi ko rin naman sila kilala. Malay ko ba kung nang ttrip lang yung bata.
I know because I was a kid once and I still am, at heart. Hahaha.
"Ano pong nangyari? Doctor ho ako" sabi ko sa babaeng may hawak nung bata habang nakasilip ako sa bukas na pinto ng car nila. Nagpapanic na yung babaeng naka-uniform. Feeling ko yaya siya nung bata.
"Bigla nalang siyang hinimatay" nakita kong maputla na pala yung bata when I came closer to examine her.
"Kasama niyo po ba yung magulang ni Avie?" I'm not deaf not to hear what the kid's name is.
Oh great, the yaya said susunod daw sa venue yung daddy ni Avie.
Seriously?! Who lets his/her child travel alone with a yaya and a driver?
Tsk. Yung mga ganyang klase ng magulang hindi dapat binibiyayaan ng anak.
Haha makapag-salita naman ako akala mo I'm a good parent kahit hindi pa ako nagkaka-anak.
I held the kid's hand and checked her pulse.
Mahina yung pulse ng bata.
It felt weird nung hinawakan ko yung kamay nung bata.
Para kasing may kakaiba sa kanya.
"Sino po yung nagddrive ng sasakyan?" I asked the yaya.
May tinawag siyang lalake na nakaputing polo na agad namang lumapit samin. Kausap niya yung daddy ng bata sa celphone niya. Nagrereport siguro.
"Ikaw yung driver? Sundan mo ako papunta ng hospital." I closed the car door kung saan ako naka-silip kanina and rushed to my car. Buti nalang malapit lang yung hospital.
Buti nalang hindi ako nasabitan sa likod ng sasakyan nung driver nila.
OA siya, ang sabi ko lang 'sumunod' hindi 'dumikit'.
Wala nang safe distance kanina yung cars namin.
Mahal pa naman ang bumper nung Lexus ko. Hahaha mayaman ako eh
Ako na yung nagbuhat sa bata papasok sa ER pagka-dating namin ng hospital.
The staff attended to us immediately.
Binaba ko sa stretcher si Avie.
Weird talaga yung feeling. It's like I know her. Pero imposible yun, hindi pa ako nago-opera sa bata. At mas lalong hindi ko pa nagiging pasyente itong batang 'to.
Avie opened her eyes. Tapos tumingin sakin parang familiar na familiar talaga sakin yung bata.
"Mommy..." her weak hands held mine. Nagulat ako. I didn't know what to say. I just held her hands.
"Shhhh... Rest ka lang muna. Your daddy will be here soon" ayun lang nasabi ko. Para safe. Baka kasi umasa yung bata na may parent na siyang kasama. Hindi pa naman ako paasa. She closed her eyes again pero hindi niya ako binibitawan.
A nurse came para lagyan siya ng IV sa kabilang hand. Umiyak agad si Avie kahit dini-disinfect palang yung kamay niya. Iniwas niya yung kamay niya at agad tumagilid si Avie payakap sakin.
"Mommy no no... don't let the lady hurt me..." umiiyak si Avie habang naka-yakap sakin.
"Avie you need the medicine" pagka-sabi ko inabot nung nurse yung kamay ni Avie.
Umirit si Avie, naawa ako. Malambot talaga ako sa mga bata. Lalo pa yung naka confine at walang daddy na dumarating. Papagalitan ko talaga mamaya yung daddy ni Avie.
"Miss doctor ako, pwede bang ako nalang mag-lagay?" I asked the nurse pumayag naman si nurse pero manonood siya.
I looked down on Avie. "Avie si mommy nalang maglalagay? Ok ba yun?" kinikilabutan ako sa pagkakasabi ko ng 'mommy'. Lalagnatin yata ako.
Pero I need her to trust me para mailagay ng maayos yung IV. Kita naman na may trauma siya. Dun lang naman nagkaka-trauma yung mga nilalagyan ng IV, sa maling pagkaka-lagay kaya masakit.
Parang nagiisip pa si Avie. Hindi na pwedeng tumagal pa baka hindi kayanin ng katawan ni Avie.
"Baby kapag nalagay na natin mas mabilis tayong makaka-alis dito. We'll go out. Where do you want to go?" parang nagliwanag ang mga mata ni Avie sa sinabi ko.
"Kasama po si Daddy?" tanong ni Avie parang naniniguradong hindi joke lang yung joke ko.
"Sige when he gets here" Avie sat on the bed and hugged me with one arm.
Willing na siya dahil inabot na niya sakin yung kamay niya.
Inabot sakin nung nurse yung bulak and I used it to wipe the area kung saan ko itutusok yung IV. Humigpit yung yakap sakin ni Avie.
"Baby I promise you won't feel a thing, relax lang" I patted her back then I placed the IV.
Mahigpit parin yung yakap ni Avie. "Baby tapos na. Open your eyes na" parang iniintay niya parin yung sakit.
Tiningnan ni Avie yung IV na naka-kabit sa kanya.
"It didn't hurt! Ang galing mo mommy!" she hugged me. Feeling ko ang galing galing ko.
Oo naman magaling ako, operahan pa kita jan.
"Baby lie down na" sumunod naman agad si Avie. Nakakagiliw naman si Avie. Ang saya siguro ng parents niya.
"Ang cute po ng baby niyo Ma'am" sabi nung nurse tapos umalis na.
I took a good look at her habang nakahiga siya.
She looks like me when I was her age. Ganun lang siguro. Pero she perfectly looks like me.
Parang akong ako siya noon!