When A Fan Falls In Love (For...

Von tinybobble

11.5K 150 13

Pinili ni Shamy na magpakabaliw sa isang tao na di naman siya kilala. Pinili niyang mawala ang kaisa-isang ta... Mehr

Characters
UNDER REVISION!
CHAPTER 1 Reminiscence
CHAPTER 2 The Mania
CHAPTER 3 The Disclosure
CHAPTER 4 The New Dawn
CHAPTER 5 The Cross Roads
CHAPTER 6 The Real Fantasy
CHAPTER 7 The Chase
CHAPTER 8 The Remembrance
CHAPTER 9 The Affection
CHAPTER 10 The Night
CHAPTER 11 The Trust
CHAPTER 12 The True Color
CHAPTER 13 The Pain
CHAPTER 14 The Hatred
CHAPTER 15 The Time to Shine
CHAPTER 16 The Flower
CHAPTER 17 The Come Back
CHAPTER 18 The Sweet Song
CHAPTER 19 The Forgiveness
CHAPTER 20 The Heart Beat
CHAPTER 21 The Weirdo
CHAPTER 22 The Deal
CHAPTER 23 The Simplicity
CHAPTER 24 The Hidden Beauty
CHAPTER 25 The Sincerity
CHAPTER 26 The Rivalry
CHAPTER 27 The Kiss
CHAPTER 28 The Hide
CHAPTER 29 The Enlighten
CHAPTER 30 The Change of Heart
CHAPTER 31 The Broken Fate
CHAPTER 32 The Battle
CHAPTER 33 The Acceptance
CHAPTER 34 The Duet
CHAPTER 35 The Divulge
CHAPTER 36 The Emotion
CHAPTER 37 The Lost Fate
CHAPTER 38 The Bad News
CHAPTER 39 The Fighter
CHAPTER 40 The Heart Pain
CHAPTER 41 The Poser
CHAPTER 42 The Sweetest Reveal
CHAPTER 43 The Unattended
CHAPTER 44 The Traitor
CHAPTER 45 The Regret
CHAPTER 46 The Box
CHAPTER 47 The True Friendships
CHAPTER 48 The Basted Hero
CHAPTER 49 The Surprise
CHAPTER 50 The Face Up
CHAPTER 52 The Awards Night
CHAPTER 53 The YE SO CL
CHAPTER 54 The Last Bond
CHAPTER 55 Kislap
Author's Note
I CHANGED THE ENDING!

CHAPTER 51 The Reason

96 3 0
Von tinybobble


*After Few Days*


September 18, 2014

Events:


*RACKYLOVER FOUR YEAR ANNIVERSARY


*MUSIC VIDEO SUBMISSION OF ENTRY

DoubleEm's Resorts Manila

SHAMY's POV

Akalain mo yon ang date ng anniv namin at ang date ng submission of entry ay iisa lang pala hahaha. Halos ilang araw din naming pinag-isipan ang celebration nato. Nag invite kami ng mga Rackylovers para makasama sa anniv namin. Syempre marami ang nag confirm na pumunta, at ngayon for the first time magsasamasama kami in TWO BIG EVENTS!

Alam niyo napanoud na namin ang buong video kahapon at ang ganda pala! Bagay pala talaga kami ni Racky noh? Hahahaha.

Sa ngayon nandito kami sa DoubleEm's Resorts Manila, dito ang venue ng anniv namin, sosyal diba? Hehe. Minsan lang naman ito kaya hayaan niyo na, pero di biro ang inambag namin sa party nato ha, 700 pesos lang naman tig-isa samin. Ang mahal kasi ng reservation sa resort na ito, buti na ngalang at umambag pa si Racky halos kalahati nga yung sa kanya. Pero di naman kami nagsisi kasi maganda naman talaga dito, pati ang mga round table nila pang sosyal, pati upuan. Pati mga decors bongga, para lang nga kaming nasa debut.

Halos lahat ng mga Rackylovers andito na naghahanda na sa pagdating nina Racky galing sa submission. Naka-upo silang lahat sa kani-kanilang upuan. Tatlong tao yata ang magka-kasya sa isang round table. Pero ang totoo hindi naman ako ang nakaisip nito eh, kundi ang candies. Ako lang ang nag organize.

Maya-maya pa magsisimula na ang party, sa mismong pagdating nina Racky at Chris.


Hay nako, parang kailan lang nung una ko siyang nakilala, pero ngayon...

Napansin ko ang box sa ibabaw ng mesa. Ito yong box na alam niyo na! Hahaha. Ibibigay ko to kay Racky mamaya at balak ko nang aminin sa kanya ang tungkol sa nakaraan ko.

Nilagay ko narin dito yung bracelet na binigay sakin ni Racky. Baka kasi mawala ko pa kung suot-suot palagi. At saka kasama na to sa outlet ng dating ako. Yung dating patay na patay sa isang rapper na walang kamalay malay na malaki pala ang naging epekto niya sa buhay ko.


"AAAHHH! ANDYAN NA SI RACKY! AAAHHH!"


Tilian ng LAHAT! Alam niyo ba halos mangiyak na yung iba kasi nakita na nila sa personal yung iniidolo nila. :-)

"MAGANDANG UMAGA SA LAHAT!!"


Sabi ni Racky na nakatungtong na sa mini stage. Ako naman nandito lang nakatayo malapit sa pool. Wala lang pinili ko lang mapag-isa, kasi gusto ko lang manoud sa kanila oh eh di ata masusukat ang kasiyahan nila haha.

"HAPPY ANNIVERSARY RACKYLOVERS!"


Sabi niya tapos nagtilian na naman ang mga fans niya.


"Apat na taon na tayong nagkakaisa, apat na taon na tayong nagmamahalan!"


Matapos nun mas lumakas pa lalo ang tili nila hehehe. Akala ko nga magagalit sila nung nalaman na may girlfriend si Racky, hindi naman pala. Masaya nga raw sila para kay Racky.


Yan ang tunay na supporter. Pero speaking of girlfriend eh nagtataka nga siguro kayo kung ba't wala si Charie. Alam niyo kasi nung isang linggo pa siyang wala dito, alam niyo na busy yon sa trabaho. Kung di niyo naitatanong, sikat na sikat na ngayon ang shop niya at puntahan na yon ng mga sikat na celebrity. Lalo na ngayon na mag sa-star magic ball? Nako eh sigurado sa kanya lalapit ang mga stars ng Abs.

"At dahil dyan itong kanta na kakantahin ko ay para sa samahan at pagkakaibigan nating lahat! Para sa inyo po ito!"

*clap clap clap*

At yan nagrap na si Racky ng SANIB PWERSA. Tungkol sa solid na pagkakaibigan at samahan ng mga katropapips.

Napansin ko sina Glenda at Chris nakaupo na magkahawak kamay habang nanonoud kay Racky. Alam niyo sila na nung birthday ni Chris, hehehe. Nakakatuwa nga eh kasi sinunod ni totoy ang payo ko, na dapat buksan niya ang puso niya sa iba, dahil kaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay sa kanya. Oo umamin sakin si Chris, sa text nga lang, pero mabuti at nakinig naman siya sakin. Di ko nga akalain na nagustuhan niya ako. Hehehe parang natawa nga ako eh nung nalaman ko.

Haist mabuti pa sila lumalovelife na noh? May CHACKY at GLERIS na sa group. Eh ako kaya, kailan ko kaya mahahanap ang para sakin noh?

"Oy Shamy!"


Tawag ni Vem habang papalapit sakin at kasama niya si Meilyn.

"Bakit nagsosolo ka dyan?" - Vem


"Wala lang! Kayo naman."


"Oh! Para ata sayo yan."


Sabi niya sabay bigay ng bulaklak sakin.


"Kanino galing to?"


"Eh YE SO CL nakalagay dyan sa card eh." - Meilyn


"Ano kamo!?"


Sabi ko tapos tinignan ko ang card.

To: Shamy

Kamusta kana nalulungkot karin ba? Sana ay kapiling kita...

FROM: YE SO CL

*dug dug dug dug*

Natulala nako tapos di na nakapagsalita. Sino ka ba talaga? O_o HANGGANG KAILAN KA MAGTATAGO SA LIKOD NG MGA BULAKLAK NA ITO?

"At ngayon tunghayan natin ang isang dance number mula sa grupong CANDIES!"

Oh nakalimutan kong ikwento may inihanda pala kaming sayaw, ako, sina Glenda, Meilyn, at Vem. At nakakahiya mang sabihin pero ako ang leader hehehe. Eh sa ako raw ang sikat eh kaya dapat ako ang nasa unahan. Huhuhu.

Nilagay ko ang bulaklak sa table namin tapos pumunta na kami sa unahan. Matagal-tagal narin akong hindi sumasayaw ha. The last time na sumayaw ako, college pa ako nun, way back three years ago.

Timber pala ang sasayawin namin, simple lang naman yung steps. Sa youtube namin kinuha hehe.


RACKY's POV


Matapos kong kumanta at magbigay ng message eh pumunta ako dito sa may kwarto sa bandang likuran ng resort. Andito kasi nagtatago si Miler eh kanina pa nga siya nandito.

"Sigurado ka ba na ngayon mo na haharapin si Shamy?"


Tanong ko.


"Oo, sobrang miss na miss ko na siya. Kung alam mo lang ang nararamdaman ko!" - Miler


"Ito nagdrama pa, pero basta wag mong sisirain ang plano natin ha? Pinagbigyan na kita sa gusto mo kaya dapat mag behave ka."


"Oo na! Pasalamat ka at laki ng utang ko sayo. Kung hindi, nako baka."


"Baka ano ha?"


"Hahaha WALA, pero salamat brad ah?"


"La yon."


Tapos nag shakehands kami at nag aper pagkatapos.


"Eh teka yung bulaklak nabigay mo na?"


Tanong ko.


"Oo naman magaling ata ang runner natin."


Sabi niya kaya natawa lang kami pareho.


"At ngayon tunghayan natin ang isang dance number mula sa grupong CANDIES!"

"Oh sasayaw na sila lika na labas na tayo!"


"Teka lang brad. Kinakabahan ako."


"Sigurado naman ako na matutuwa sayo si Shamy kaya wag ka nang ma tense."


"Eh hindi naman yon ang problema eh!"


"Kung di yon, ano?"


"HINDI AKO MARUNONG SUMAYAW." -_-


"Hahaha, okey lang yan, cute kanaman oh, bagay na bagay sayong maging mascot."


"Nang iinsulto ka ba? Kahit kailan hindi ko pinangarap maging HELLO KITTY!"


"Wala kang karapatang magalit, ginusto mo yan. Hahaha."


"F*ck!"


Sigaw niya. Si hello kitty nagcucurse na?

Matapos nang asaran namin eh lumabas na kami.

Nakita kagad namin sina Shamy na sumasayaw, pero ang mata ko na kay Shamy lang. Grabe magaling pala siyang sumayaw? Ang lambot ng katawan tapos may pitik oh. Tapos ang ganda pa niya, tsk ang swerte naman ni Miler.

"Naks brad wala akong masabi. Ang ganda na talented pa."


Sabi ko pero di lang siya nakaimik.

"Hoy!"


Sabi ko sabay hampas sa kanya. Mukhang natulala yata oh.


"Ang init-init naman brad.


Sabi niya.


"Pano naman na di ka maiinitan eh naka mascot ka nga! Kaw talaga. Ang mabuti pa sumali kana dun sa sayawan para nang sa ganon eh mabawasan yang pagkamiss mo kay Shamy."


Sabi ko kaya ayon tumakbo na siya papunta sa unahan na may dala-dalang isang bulaklak na rose. Hahaha, ang kyut niya oh, nagtaka naman sila kung bat nagkaroon ng mascot na hello kitty sa event nato, hahaha. Imba kami eh.


SHAMY's POV


Sa kalagitnaan ng sayaw namin, napahinto ako dahil may napansin ako na isang mascot na hello kitty na papalapit samin. Yahaha ang cute naman!Favorite ko pa naman si Hello Kitty.

Pero mas nagulat pa ako nung lumapit sya samin at sumayaw din! Hahahaha, loko to nadistract tuloy kami.

"Wahaha, sige pa sayaw pa/"


Sabi ko sa mascot pero bigla nalang akong napatigil kasi inabutan niya ako ng bulaklak na rose.

*dug dug dug dug*

Napatulala nalang ako tapos ang puso ko, grabe kinikilabutan ako. Hindi ko maintindihan. Parang katulad ang feeling sa tuwing nakakatanggap ako ng bulaklak galing kay YE SO CL.

"Salamat ha?"


Sabi ko tapos nagsmile. Ang ginawa niya naman nag thumbs up sakin tapos natawa naman ako.

"Ang sweet mo naman hello kitty!"


Sigaw ni Vem tapos parang kinikilig pa silang tatlo nina Glenda at Meilyn. Hay nako sila talaga oh. -_-

Kaya ayon natapos na nga ang sayaw namin hehe. Napagod ako dun ah. Pinagkaguluhan nga yung Mascot daming nagpapapicture, pero maya-maya pa eh nagpaalam narin siya. Tapos si Racky pa nga ang nag escort sa kanya palabas eh. Ang special naman ng mascot na yon. Pero, sweet siya ha.

MILER's POV

Gusto ko siyang yakapin, gustong-gusto ko na talaga na kunin ang ulo ng mascot para makita na niya ako, kaso baka di pa talaga yon ang tamang panahon.

"Oh ayos kana?"


Tanong ni Racky.


"Oo brad. Sige na bumalik kana dun sa loob."


"Sige brad sa susunod nalang ulit ah?"


"Syempre, salamat."


Sabi ko sabay tap sa balikat niya.

Matapos nun pumasok na siya sa loob. Hanggang ngayon di parin ako makapaniwala sa mga nangyayari. Tapos si Racky pa pala ang tutulong sakin para makabalik kay Shamy. Ito ba ang tinatawag nila na tadhana?


"Oh are you joining the party? Rackylover karin?"


Tanong ng isang babae na bigla nalang sumulpot sa harapan ko. RACKYLOVER DAW, ANO AKO BAKLA!?

"Ah no, napadaan lang ako."


Sabi ko sa kanya at natawa lang siya dun. WHAT'S FUNNY?


"Sige ah mauna na ko?"


Sabi ko. Pero parang nakita ko na siya eh, san nga ba?


"Ah wait, let me introduce my self first. I am Charie Parker, Racky's Girlfriend. Nice to meet you mr?"


Sabi niya sabay abot ng kamay para makipagshake hands.

Ah kaya pala familiar siya! Naalala ko nakita ko siya dun sa lumang building kasama ni Shamy, dun sa kidnap scene.

"Mike Tyler Pretta."


Sabi ko tapos nagshake hands kami. Infairness kay Racky magaling siyang pumili ha.

"AHA! I KNEW IT! IKAW YUNG ONE AND ONLY TRUE LOVE NI SHAMIA RIGHT!?"


Sabi niya. ONE AND ONLY TRUE LOVE!?


"Ahh hehehe, sige ah alis nako."


Sabi ko sabay talikod.


"AHH TEKA SANDALI!"


Sigaw niya kaya napatigil ako. Ang kulit naman ng babaeng to!


"BAKIT?"


"BAGAY SAYO ANG GET UP MO NICE JOB! HAHAHA. BYE MR. CUTIE."


Sabi niya kaya napatingin ako sa sout at, OPS. DI KO PA PALA NAHUBAD ANG COSTUME KO! F*CK! -_-


RACKY's POV


"WAHAHAHA!"


Napatingin ako dun sa tumawa na kakaupo lang sa tabi ko.

SI CHARIE! HALA nandito siya? At parang nababaliw na oh anyare!

"Baby girl!? Akala ko ba may work ka?"


"Haha, wala baby boy. Pinilit kong makahabol dito sa party mo eh alam ko naman na important sayo to haha."


Sabi niya na natatawa. Nakakatawa ba itsura ko?


"Thank you baby girl ha?"


Sabi ko sabay hawak sa kamay niya.


"Your always welcome my baby hahaha."


"Oh bakit ang saya mo yata ngayon?"


"Ha? Kasi ano eh. Guess what, nakasalubong ko sa labas si Miler tapos... hahaha."


"Oh tapos?"


"Kasi he did not even notice na hindi niya pa pala natatanggal yung mascot costume niya hahaha. Diba is it really funny?"


"HAHAHA! Si Miler talaga! Sa sobrang kaba siguro kaya naging mali-mali na!"


"Hahaha! Alam mo he is cool and a cutie, bagay sila ni Shamy. Imagine how they look together, a perfect reflection of fate."


Sabi niya.


"Eh tayo? Anong tawag mo sa love story natin?"


"Kislap."


Sabi niya tapos ngumiti.


"Kislapina."


Sabi ko sabay kindat sa kanya. At natawa lang kami pareho.

Matapos niyan tinawag na ako para sa picture taking. Syempre papalampasin ba namin to na walang picture2x?

Matapos ng masayang kulitan eh autograph signing naman. Ibubuhos ko na to sa kanila para sulit naman ang pagod nila sa pagpunta rito. At napansin ko lang puro pala mga babae fans ko noh? Ang gaganda pa oh.

Sa ngayon nakaupo ako sa isang table tapos nagsasign ng mga stuffs na inihanda nila para sakin. Ang haba nga ng pila oh, pero ayos lang, masaya naman ako na napasaya ko sila.

.


.


.


.


.


.


.


.


.


.


.

"NEXT."


Sabi ko habang nagpipirma, matapos niyan may naglagay ng malaking box sa mesa ko.

Napakunot ako ng noo kasi kilala ko ang box nato eh. Ito yung box ni Shamy na ayaw niyang pahawakan sakin! Teka ano ni SHAMY?

Tumingala ako sa naglagay at... Oh si Shamy nga!

"Autograph please."


Sabi niya sabay ngiti.


"Oy babae anong trip yan?"


Sabi ko. Kasi naman eh ba't pa siya magpapa-autograph sakin eh close na naman kami, diba?


"Anong trip? Hoy Racky nagpakahirap akong pumila rito tapos yan lang sasabihin mo?"


"Bakit sinabi ko ba na pumila ka dyan? Parang di tayo magkasama sa iisang bahay ah."


"Eh sa gusto kong pumila at magpa-autograph sayo eh! Katulad ng mga literal mong fans."


"O-okey?"


Sabi ko kasi parang hindi ko alam ang sasabihin ko sa sinabi niya.


"Hehehe, sige na buksan mo na."


"Sigurado ka ba na pwede ko nang hawakan to?"


Sabi ko. Ang tinutukoy ko ay ang box. Baka naman kasi magalit na naman siya eh.


"OPO!"


Sigaw niya. Kaya ayon binuksan ko na.

Ang laman ng box ay...


.


.


.


.


.


.


.


.


.


.

MGA STUFFS KO! At matagal nato ah mga around 2010 pa!

Mga pictures ko, magazines, ballers, t-shirt, whip cap, pati album ko noon tapos mga posters andito rin! Abay kompleto!


"Shamy saan mo nakuha ang mga to?" O_o


"Binili ko. Alam mo dati di ako tumitigil hangga't di ako nakakabili ng mga gamit mo."


Pagsabi niya yan bigla akong kinabahan tapos nagulat sa sinabi niya.


"Ha? Eh bakit?"


"Kasi Racky hindi lang simpleng paghanga ang naramdaman ko sayo dati eh. Kundi minahal kita kahit alam ko na imposible, kahit alam ko na mali na ang mga ginagawa ko, wala akong pakialam, basta ang alam ko lang, mahal kita kahit sa TV lang kita nakikita."

Pagkasabi niya yan bigla akong napatayo tapos tumingin sa kanya ng diretso.

"Shamy..."


"Tapos nung nagkita tayo, naisip ko na baka tinadhana talaga tayo eh hehe. Kasi pinagtagpo tayo sa di inaasahang pagkakataon. Pero hindi pala may mahal kana palang iba kaya ako naman tudo pigil ng nararamdaman ko. Hindi ka kasi mahirap mahalin."

OMG ano bang nangyayari sakin? Parang di ako makagalaw, tsk parang sasabog ang puso ko sa mga naririnig ko ngayon!

"Pero nung una Racky pinilit kong hindi mapalapit sayo kaya sinusungitan kita palagi. Natatakot kasi akong mangyari ulit ang nangyari sakin noon. Natatakot akong mahulog sayo dahil baka masaktan lang ulit ako. Eh sa na-inlove ako ulit sayo eh kaya ayon nasaktan nga ako. Ang kulit ko naman kasi eh sinabi na ngang masasaktan lang ako kung mamahalin ka eh tinuloy ko parin!"

"Ano!? Te-teka Shamy hindi kita maintindihan!"

Sabi ko kaya hinawakan niya ang kamay ko. Ang lamig nga ng kamay niya.

"Kasi Racky ikaw ang dahilan kung bakit kami nagbreak ni Miler!"

Kasi Racky ikaw ang dahilan kung bakit kami nagbreak ni Miler!

Kasi Racky ikaw ang dahilan kung bakit kami nagbreak ni Miler!

"ANO!? AKO!? BAKIT!? PAPANONG!?" O_o

Sabi ko tapos hinawakan siya sa magkabilang braso.

"Kasi nawawalan na ako ng pagmamahal sa kanya dahil sayo ko na binuhos lahat! SA ISANG CELEBRITY NA KAHIT KAILAN HINDI NAMAN AKO MAMAHALIN!"

Sabi niya na parang naiiyak. Wala na akong alam na dapat gawin kundi ang yakapin siya.

"I'm sorry."

Sabi ko.

"Hindi Racky wala kang kasalanan."

Sabi niya tapos humigpit pa lalo ang pagkakayakap niya sakin.

"Wag kang mag-alala, gagawin ko ang lahat para maitama ang nangyari dati."

"Thank you sa lahat Racky."

Sabi niya tapos hinalikan ko lang siya sa ulo. Pakiramdam ko na saming dalawa ang spot light, kami kasi talaga ang pinagtitinginan ng mga nandito sa party. Nagtataka nga ang iba kung ano ang nangyari samin, lalo na si Charie.

Napatingin ako sa box tapos umagaw ng atensyon sakin ang bracelet na binigay ko sa kanya dati. Bigla nalang akong nakaramdam ng lungkot tapos narealize ko na ang manhid ko para di maramdaman at mahalata ang pinapakita ni Shamy, na minahal niya pala ako!

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

36.5K 1.3K 98
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"
12.1K 1.7K 45
true love is just around the bend but lovers find it hard to get one...
55.1M 1.8M 66
Henley agrees to pretend to date millionaire Bennett Calloway for a fee, falling in love as she wonders - how is he involved in her brother's false c...
113K 2.1K 19
They told me to be grateful for the roof above my head, food on my table, affording hundreds of thousands of tuition fees, and all the other luxuriou...