When A Fan Falls In Love (For...

By tinybobble

11.5K 150 13

Pinili ni Shamy na magpakabaliw sa isang tao na di naman siya kilala. Pinili niyang mawala ang kaisa-isang ta... More

Characters
UNDER REVISION!
CHAPTER 1 Reminiscence
CHAPTER 2 The Mania
CHAPTER 3 The Disclosure
CHAPTER 4 The New Dawn
CHAPTER 5 The Cross Roads
CHAPTER 6 The Real Fantasy
CHAPTER 7 The Chase
CHAPTER 8 The Remembrance
CHAPTER 9 The Affection
CHAPTER 10 The Night
CHAPTER 11 The Trust
CHAPTER 12 The True Color
CHAPTER 13 The Pain
CHAPTER 14 The Hatred
CHAPTER 15 The Time to Shine
CHAPTER 16 The Flower
CHAPTER 17 The Come Back
CHAPTER 18 The Sweet Song
CHAPTER 19 The Forgiveness
CHAPTER 20 The Heart Beat
CHAPTER 21 The Weirdo
CHAPTER 22 The Deal
CHAPTER 23 The Simplicity
CHAPTER 24 The Hidden Beauty
CHAPTER 25 The Sincerity
CHAPTER 26 The Rivalry
CHAPTER 27 The Kiss
CHAPTER 28 The Hide
CHAPTER 29 The Enlighten
CHAPTER 30 The Change of Heart
CHAPTER 31 The Broken Fate
CHAPTER 32 The Battle
CHAPTER 33 The Acceptance
CHAPTER 34 The Duet
CHAPTER 35 The Divulge
CHAPTER 36 The Emotion
CHAPTER 37 The Lost Fate
CHAPTER 38 The Bad News
CHAPTER 39 The Fighter
CHAPTER 40 The Heart Pain
CHAPTER 41 The Poser
CHAPTER 42 The Sweetest Reveal
CHAPTER 43 The Unattended
CHAPTER 44 The Traitor
CHAPTER 45 The Regret
CHAPTER 46 The Box
CHAPTER 47 The True Friendships
CHAPTER 49 The Surprise
CHAPTER 50 The Face Up
CHAPTER 51 The Reason
CHAPTER 52 The Awards Night
CHAPTER 53 The YE SO CL
CHAPTER 54 The Last Bond
CHAPTER 55 Kislap
Author's Note
I CHANGED THE ENDING!

CHAPTER 48 The Basted Hero

49 3 0
By tinybobble

Music Bar

SHAMY's POV

"CHEEERS!!!"

Sabi namin.

Oy tubig lang ang iniinom ko ha? Yong tatlo beer talaga yung sa kanila hehe. Di kasi ako umiinom eh, di ko kaya ang pait at ang panget ng lasa, hahaha.

Magkatabi sina Charie at Racky samantalang kami naman ni Chris ang nasa harapan nila; table ang nakapagitan samin.

Ito naman ang dalawa sobrang sweet sa isa't-isa, parang nakalabas sila sa lungga eh.

"Congrats pala sa inyong dalawa ha?"

Sabi ko.

"Thank you *chup* AHHH BABY BOY ANO BA! YAHAHA."

Sabi ni Charie sabay kiss sa kanya ni Racky.

At dito pa talaga nila napiling magharutan ha? Hahaha!

"Ang bango naman ng baby girl ko."

Sabi ni Racky.

Dahil diyan napatingin kami ni Chris sa isa't-isa.

"Baby boy and baby girl? Sila na ang sweet!"

Sabi ko.

"Baduy kamo." -_-

Sabi ni Chris habang nakatingin sa kanila.

"Oy narinig ko yon ah! Mas baduy nga yung sa inyo eh, manang tapos totoy? Bwahaha."

Asar ni Racky kay Chris.

"Okey lang yon! Di naman kami couple eh!"

Tama! Ikumpara ba naman kami sa kanila?

"Yan ang problema. Tsk!"

Sabi ni Racky tapos nag shook lang siya ng ulo.

"Oo nga eh."

Sabi ni Chris tapos tinignan niya ako.

Nagsmile lang ako sa kanya tapos napainom ako ng tubig. Nakatitig kasi silang tatlo sakin eh! Di panaman ako kumportable na tinititigan ako. Parang gusto kong takpan ng tissue ang mga mukha nila.

"OY ANO MAY DUMI BA AKO SA MUKHA?"

"Wala ah, di ka lang kasi nakakasawang tignan."

Sabi ni Chris. Nagsmile lang ako tapos uminom ulit ng tubig tapos kumuha ng barbeque tapos kinain ito. Woohoo ang init!

"AYEEEH SO CHEESY!"

Asar ng dalawa kaya dahil dyan muntik na akong mabilaukan. Mga pasaway talaga! Huhuhu.

"Teka maiba lang ako, kamusta pala yong pagbibigay mo ng statement sa mga pulis?"

Tanong ni Racky kay Charie. Ay oo nga, kahapon pala siya pumunta sa presento.

"Okey lang. Sinabi ko lang naman ang mga nakita ko."

Sabi niya kay Racky.

RACKY's POV

"Okey lang. Sinabi ko lang naman ang mga nakita ko."

Sabi ni Charie. Naalala ko kasi na nasa presento siya kahapon, ni hindi manlang niya ako sinabihan kagad, pumunta siya dun ng mag-isa ha. Kinabahan nga ako eh, kasi baka hindi nag tugma ang sinabi niya dun, sa sinabi niya kanina sa press con.

"Sigurado ka baby girl ha? Baka diniin mo si Chris dun magiging problema yan."

Sabi ko sa kanya. Alam niyo naman ngayon lang siya umayos kay Chris. Nung mga nakaraang araw, matigas talaga siya eh.

Buti nalang nga kanina, narealize niya na hindi masama ang magbigay ng second chance. :) Mabait naman si Charie eh, kaso napang-uunahan lang talaga siya ng emosyon, hehehe.

"Don't worry baby, I know of what I am doing."

Sabi niya habang nakangiti.

"Salamat talaga Charie. Utang ko sayo ang lahat ng ito."

Sabi ni Chris. Bakas sa mukha niya ang kasiyahan.

"Alam mo, bayad ko yan sayo, sa pagliligtas ng buhay ng baby boy ko, kaya wala kanang utang sakin, kwits na tayo."

Sabi ni Charie sabay abot ng kamay niya kay Chris for shake hands.

At yon nag shake hands nga sila, hehehe.

"Alam niyo, may isa pa nga akong pinagkaka-utangan maliban sa inyo."

Sabi ni Chris.

"HA SINO?"

Tanong naming tatlo.

"Ang mga pulis! Syempre kung di sila dumating siguro patay na ako ngayon. At hindi lang ako, baka kayo napahamak narin."

"Oo nga eh, buti na ngalang at tamang-tama lang ang dating nila."

Sabi ko.

"Pero di ba kayo nagtataka?"

Sabi ni Charie. Mukhang may iniisip siyang iba ah.

"Sa ano?"

Tanong ko.

"Kung sino ang tumawag ng mga pulis. Diba wala namang ni isa satin ang nakapagreport sa kanila?"

"Hala oo nga noh? Alam mo ngayon ko lang napansin yan."

Sabi ni Shamy.

Oo nga may point siya. Paano nila nalaman ang lugar kung saan kami dinala ni Jadfor? Paano ngaba nalaman ng mga pulis ang tungkol dun?

Napaisip ako. What if may tumulong samin? O may nakakita?

"Baka may mga device sila na ginagamit para madetect kung may mga kriming nagaganap sa isang lugar. Diba high tech na tayo ngayon?"

Sabi ni Chris.

"Baka nga."

Sabi ni Shamy sabay nod.

"Maybe, thats the reason."

Sabi ni Charie. Pero iba ang kutob ko, at di ko malalaman kapag di ko susubukang alamin, diba?

"Ahm, baby girl wala ka bang may napansin na kakaiba nung mga nakaraang araw?"

"Parang wala naman baby boy. Bakit?"

"Eh ikaw Chris?"

"Ha? Wala rin eh."

"Eh ikaw Shamy?"

"Ako? Hmnf..."

Napaisip siya.

"Aha! Meron!"

Sabi niya kaya bigla akong kinabahan.

"ANO!?" O_O

Tanong ko.

"Nung pumunta kasi ako sa bahay mo, may dala ako nung box. Tapos pagkakidnap sakin, na bitawan ko yun sa harapan mismo ng bahay."

*FLASHBACK*

Siguradong magugulat sila kapag nakita ako, hahaha. Hindi ko nalang hinintay ang tawag ni Racky, excited na ako eh, hehehe.

*diiing doong*

Hay nako nakakailang door bell na ako wala paring may nagbubukas. Baka walang tao?

"Miss sinong hinahanap mo?"

Tanong ng isang lalake na bigla nalang sumolpot sa tabi ko.

"Uhm, kina Racky po."

"Sina Racky? Nako wala sila diyan."

Sabi ng lalake na sumolpot sa kanan ko.

"Ho? Eh san sila nagpunta?"

"Sumama ka samin para malaman mo!"

Pagkasabi niya yan hinigit nila ang kamay ko kaya na bitawan ko ang bitbit kong box.

"AYOKO!!!!! WAG!!! TULONG!!!!! HMMN!!! HMMN!!!!"

Nagsisisigaw ako pero tinakpan nila ang bibig ko tapos pinasok na sa van.

"SHAAAMY!!!"

*END OF FLASHBACK*

"Oh? Pagkatapos ano na ang nangyari sa box na yan?"

Tanong ko.

"Tapos, nung araw na nagbigay ako ng statement sa mga police, dun ko na ulit nakita ang box."

"Ano?!! Eh sino ang nagbigay sayo?!!"

"Ang mga police syempre! Nagtataka nga ako eh kung bakit napunta sa kanila yon kasi diba ang sabi niyo di naman kayo nakapagreport kagad?"

Agad akong tumayo.

"Maiwan ko na muna kayo ha? May gagawin lang ako!"

"Wait baby san ka pupunta?"

"Basta, I'll talk to you later, kapag sure nako. Bye."

Sabi ko tapos tumakbo na ako palabas.

Pero syempre bago yan, nagkiss muna ako sa aking baby girl, pwede bang hindi? Haha.

SHAMY's POV

"Ang mga police! Nagtataka nga ako eh kung bakit napunta sa kanila yon kasi diba ang sabi niyo di naman kayo nakapagreport kagad?"

Sabi ko. Yan lang naman ang napansin ko eh, pero parang hindi naman masyadong big deal kaya hinayaan ko nalang.

"Maiwan ko na muna kayo ha? May gagawin lang ako!"

Sabi ni Racky.

"Wait baby san ka pupunta?"

Sabi ni Charie. Oo nga parang nagmamadali eh.

"Basta, I'll talk to you later, kapag sure nako. Bye."

Sabi niya sabay kiss kay Charie tapos tumakbo na siya palabas. Ano kaya ang problema nun?

Police Station

RACKY's POV

"Oh Racky! Ano ang maipaglilingkod ko sayo?"

Sabi ni mamang police. Pumunta kasi dito para sa isang pinaka mahalagang impormasyon.

"Chief paano niyo po nalaman ang tungkol sa pag kidnap samin?"

"Ha? Bakit di mo alam? Eh akala namin kaibigan niyo yong tumulong sa inyo."

"Ho?!! Sino?!! Wala naman po kaming sinabihan tungkol dun ah."

"Sandali lang."

Sabi niya sabay kuha ng record.

"Ito oh, si Mike Tyler Pretta."

Sabi niya sabay pakita sakin ng record.

"Nako chief, baka nagkakamali lang po kayo eh wala po akong kakilala na Mike Tyler Pretta."

"Ganon ba? Eh parang kilala niya kayo eh."

"Hahaha, syempre po sikat kami eh!"

Asar ko sa kanya.

"Oo nga noh? Hahaha."

"Teka, chief siya rin po ba ang nagbigay ng box sa inyo?"

"Ahh, oo/"

"Talaga?!! Eh pano po napunta sa kanya yon?"

"Ang sabi niya, napadaan lang siya dun sa bahay mo, tapos nakita niya si Shamy na dinakip ng dalawang lalake, siguro dun din niya napulot ang box."

"Pagkatapos niyan umalis na ba siya tapos pumunta sa inyo?"

"Hindi pa kasi sinundan niya ang van kung saan sinakay ito. Plano pa nga niya na siya nalang ang magligtas sa inyo pero maraming mga tauhan ang nakabantay at aminado siya na di niya yon kaya, kaya nagreport nalang siya samin. Ang sabi ko nga sa kanya, it is a good decision."

"Kung ganon, malaki pala ang utang na loob namin sa kanya. Uhm, sir wala po ba kayong address niya? Kung san siya nakatira, para makapagpasalamat naman ako ng personal."

"Teka lang, parang naiwan niya rito ang I.D niya eh."

Hinanap niya sa drawer.

Sana andyan pa.

"Oh heto, ikaw nalang ang bumalik sa kanya."

Sabi niya sabay abot sakin.

"Yeah! Salamat po chief."

Sabi ko sabay salute.

Ang laki naman ng I.D nato, mukhang name tag lang eh.

eXemplar

Guitar School

Mike Tyler Pretta

School Owner

Huwaw mayaman pala ang Mike nato. May ari siya ng isang guitar school! Magpaturo kaya ako sa kanya?

Tinignan ko ang likod. Oh malapit lang pala ang bahay niya ah! Puntahan ko na ngayon.

-------------------------------------

Miler's House

MILER's POV

Nagtataka siguro kayo kung bakit nandito pa ako sa Pilipinas, well hindi ako natuloy nung araw ng pag-alis ko kasi nalaman ko na may problema si Shamy.

*FLASHBACK*

l Insan papunta na akong airport. See you soon. l

Text ko kay Steffon. Ang sabi niya kasi dapat ipaalam ko raw sa kanya kung aalis na ako. Pero bago ang airport na yan, dadaan nalang muna ako sa bahay nila Shamy. Last nalang talaga to! Last goodbye.

.

.

.

.

.

"Grabe ang daming reporters sa bahay nila."

"RACKY ISANG STATEMENT LANG PO!!!"

"PLEASE PO, RACKY GUSTO LANG PO NAMING MALAMAN KUNG ANO ANG TOTOO!!!"

"MARAMING MGA FANS NIYO PO ANG NAGTATANONG!"

"RACKY!! YUHOO?!!"

Blah blah blah. Di sila tumitigil sa kakasigaw. Ano kayang kailangan ng mga to at parang ikamamatay nila pag di lumabas ang panget na yon?!!

"Sa tingin ko, guilty siya kasi kung wala siyang kasalanan, haharapin niya tayo!"

Sabi ng lalaking reporter.

"Tama! Namamaos na ako sa kakasigaw dito di manlang siya naaawa satin."

Sabi nung isa pang lalaki.

"Bakit?!! Pinilit ba kayong magpakahirap dyan?!!"

Sabat ko sa kanila.

Nasa loob ako ng kotse at nakabukas lang ang bintana.

"Wow may pretty man pala rito."

Sabi ng babae.

"Oo nga, baka kapatid ni Racky o pinsan?"

Sabi ng isang bakla.

"Ano bang nangyayari?!!"

Tanong ko.

"Uhm, gusto lang naming makuha ang panig niya tungkol sa kumakalat na issue."

Sagot ng bakla.

"HA?!! ANONG ISSUE YAN?!!"

"Ang issue na two timer si Racky!"

Sabi ng babae.

"ANO TWO TIMER?!!"

Sigaw ko.

Ibig sabihin niloloko lang niya si Shamy?!! Walang hiya ka malalagot ka sakin hayop ka!

Lumabas ako ng kotse. Parang umakyat na naman ang dugo ko!

"Oo, pero hindi pa naman po sigura/"

"TABI!!!"

Sigaw ko kaya dali-dali silang pumunta sa gilid.

"LUMABAS KA RACKY HAYOP KA HARAPIN MOKO!!!"

Sigaw ko sabay doorbell.

*diiing dooong*

"HOY LUMABAS KA!"

*diiing dooong*

"MANLOLOKO KA BWISIT!"

Sabi ko sabay hampas sa gate.

"Sir tama na po. Di panaman napapatunayan na totoo eh."

"Oo nga po sir!"

Tumigil ako sa pagwawala at lumakad papunta sa kotse.

"Humanda ka Racky kasi kung totoo, magbabayad ka!"

Bulong ko.

"Wow ang gandang scop nito ah. Siguradong bebenta to, hahaha."

Sabi ng lalaki habang natatawa sa pinapanood na video. Vinideohan pala nila ako ah at parang may balak pa siya na ipagkalat ito!

Hinigit ko ang camera tapos tinapon. Nabasag at nagkanda pira-piraso ito.

"WAAAH ANG CAMERA KO! HUHUHU."

Sabi niya sabay pulot nung wasak na camera.

"SUBUKAN NIYO LANG NA I-UPLOAD ANG VIDEO AT MALILINTIKAN KAYO SAKIN!!"

"O-OPO!!!"

Sabi nilang lahat habang nakayuko. Mabuti naman at madali silang kausap!

Pumasok nako sa loob ng kotse tapos mabilis na pinaandar.

"Ito ba Shamy ang gusto mong buhay?!! Magulo?!!"

*END OF FLASHBACK*

Matapos niyan, di muna ako tumuloy sa Thailand. Hinintay ko muna na malaman kung totoo ba ang issue o hindi.

Lumipas ang dalawang araw, naging okey na ang lahat. Napag-alaman ko na, nalinis na ang pangalan nila. Na, hindi totoo ang kumakalat na issue, kaya nag decide na ako na umalis.

Kinaumagahan dumaan muna ako sa bahay nila para makita kung wala nang mga reporters, na kung napatunayan na talaga na hindi manloloko si Racky.

*FLASHBACK*

MILER's POV

Driving the car

Parang wala na namang mga reporters sa harapan ng bahay nila. Pero parang may natatanaw akong tatlong tao na parang nag-aaway.

Nang nakalapit na ako, WAAAH! Si Shamy pinasok ng dalawang lalaki sa van!

Dali-dali akong lumabas sa kotse.

"SHAAAMY!!!"

Sigaw ko habang tumatakbo pero di ko na sila naabutan!!!

Napansin ko ang box sa daan kaya kinuha ko tapos pumasok na ako sa kotse.

Dali-dali kong pinaandar at pinaharorot para maabutan ko sila!

Sh*t! Shamy hintayin mo ako at ililigtas kita!!!

Nasundan ko sila sa isang abandonadong gusali. Gusto kong sumugod sa loob pero ang daming mga bantay!!! Pano kung makita nila ako?!! Wala akong laban sa kanila! F*ck!

Pumunta ako sa police station para mag report sa mga pulis. Tapos bumalik ako sa gusali na kasama na sila!

Iniwanan nila ako sa labas. Hindi raw ako pwedeng pumasok sa loob kasi dilikado. Pero di ko kayang tumunganga nalang dun na wala manlang gagawin! Kaya sinundan ko sila sa loob!

Nakita ko na nakadapa na ang ibang mga tauhan! Kinakapkapan na sila para makuha ang mga baril o kutsilyo. Pero asan si Shamy?!! Di pa nila nakikita?!!

May nakita akong maliit na kwarto sa itaas at papalapit na dun ang mga pulis.

*boogsh*

May narinig kaming putok ng baril at nanggaling dun sa kwarto!

"SHAAAMY!!!"

Sigaw ko sabay takbo papunta sa itaas, pero hinigit lang ako ng mga police.

"Kami nalang ang bahala dito!!!" - Police

"BITAWAN NIYO AKO!!!! SHAAAMY!!!!"

Nagpupumiglas ako pero hinihila lang nila ako papalabas.

Nang nasa labas nako binantayan ako ng dalawang police para hindi na makapasok.

"GUSTO KONG MAKITA KUNG LIGTAS SI SHAMY KAYA PWEDE BANG PAPASUKIN NIYO AKO!!!!!"

"Sir ligtas na raw sila pwera sa isang lalaki na tinamaan ng bala."

Sabi ng police na lumapit sakin.

"ANONG SILA ANG PINAGSASASABI MO?!!"

Tanong ko tapos sumilip ako sa loob. Nakita si Shamy na akap-akap ang kasama niyang babae habang umiiyak.

Tapos nakita ko si Racky na nakahiga dun sa stretcher na walang malay!

Hindi lang pala siya ang na kidnap?!! Pati ang Racky nandito rin?!! Eh pano kung di ako dumating?!! Sino ang tutulong sa kanila?!! At mabuti nalang hindi pa ako huli! Grabe hindi ito ang buhay na pinangarap ko para sayo Shamy!!!

Dali-dali akong pumasok sa kotse tapos pinaharorot.

Ligtas na naman siya, kaya wala nang rason para manatili pa ako dun!

*END OF FLASHBACK*

Matapos ng araw na yan, kinabukasan tinawagan ako ng mga pulis para magbigay ng statement. Dun ko narin binagay sa kanila ang box ni Shamy. Alam niyo, dahil sa box na yun, napatanuyan ko talaga na di niya tinigilan si Racky. Nagpatuloy parin siya sa pag idolize dun kaya siguro gumawa talaga siya ng paraan para mapalapit sa idol niya. Siguro pinagtatawanan na niya ako ngayon.

Andito pala ako sa bahay ko, nagpapahinga kasi parang masama ang pakiramdam ko eh.

*diiing doong*

Oh ang aga namang nakauwi nila mama. Himala pa sa himala ah!

------------------------------------

RACKY's POV

*diiing doong*

Nag door bell ako. Haist sana naman nandito siya ngayon, medyo malayo pa kasi ang shop niya rito eh.

Maya-maya pa, bumukas na ang gate.

"Hi magandang tanghali!"

Sabi ko.

"Ra-racky?!!" O_O

Parang gulat na gulat siya ah.

"Ikaw ba si Mike?"

Tanong ko.

"Oo, bakit anong kailangan mo?"

"Nandito ako para makapagpasalamat sayo sa pagliligtas mo ng buhay namin. Salamat brad ah?"

Sabi ko sabay abot ng kamay ko for shake hands.

"Ginawa ko lang ang tama! Sige at makakaalis kana!"

*boogsh*

Sabi niya sabay sarado ng malakas ang gate.

Ano bang problema niya? Walang galang! Siya ba talaga ang nagligtas samin? Sobra pinahiya niya ako! Di niya ba ako kilala?!! Ang kapal ng mukha!

"Kung di lang malaki ang pasalamat ko sayo pinatulan kita!"

Sabi ko tapos pumasok na sa kotse.

------------------------------------

MILER's POV

"Kung di lang malaki ang pasalamat ko sayo pinatulan na kita!"

Sabi niya.

Bwisit pano niya nalaman ang bahay ko?!! Nakakainis! Hindi niya ako pwedeng makausap ulit! Kailangan ko na talagang lumayo dito. Ayokong umasa pa kay Shamy! Ayoko na!

*cough cough*

Parang lumalala ata ang pakiramdam ko ah! Sh*t pag minamalas ka nga naman!

-------------------------------------

Racky's House

SHAMY's POV

Nainip kami sa kakaintay sa kanya sa bar kaya umuwi nalang kami.

Kasalukuyang nag-ja-jamming kami dito sa sala, hehe. Ako ang nagigitara tapos sina Charie at Chris ang kumakanta. Kanina pa nga nagwawala tong dalawa eh, hehehe.

"Oh ano na naman kakantahin natin?"

Tanong ni Chris.

"Happy birthday nalang, hahahaha."

Joke ko.

"Naalala ko, Chris birthday mo na pala sa linggo ah!"

Sabi ni Charie.

"Woah talaga? Eh tamang-tama lang pala ang happy birthday!"

Sabi ko.

"1, 2, 3! Happy birthday, happy birthday, happy, happy, happy birthday. Happy birthday, happy birthday, happy, happy, happy birthday."

Kanta namin ni Charie. Pa rap yung beat niya.

"Hehehe, salamat."

Sabi niya sabay kamot ng ulo.

"Oy mag i-18 na siya."

Sabi ko sabay sundot sa kanya.

"Debut mo na pala? Hehehe."

Asar ni Charie.

"Kayo talaga."

"Eh anong wish mo sa birthday mo?"

Tanong ko.

"Simple lang."

"Na ano?!!"

Tanong namin ni Charie.

"Sana magka girlfriend na ako."

Tumingin siya sakin tapos ngumiti.

"Wow ha?!! Kung ganon liligawan mo na si Glenda? Yahahaha, ngayon palang kino-congratulate na kita! Hehehe."

Sabi ko.

Nagtinginan silang dalawa tapos sumimangot. Bakit may mali ba sa sinabi ko?

"Bakit di niyo nilalock ang gate?!!"

Sabi ni Racky na bigla nalang sumolpot galing sa labas.

"Oh baby boy nandito ka na pala."

Lumapit si Charie sa kanya tapos hinigit siya nito sa sofa.

"Brad san ka ba galing?"

"Pinuntahan ko yung lalaking tumulong satin."

"Tumulong saan?"

Tanong ko.

"Kasi Shamy may nakakita sayo nung dinukot ka ng dalawang lalake."

"Ha?!! Talaga?!!" O_o

Sabi ko.

May nakakita pala sakin nun?!!

"Tapos siya rin yung tumawag ng mga police kaya naligtas tayo."

"Wow grabe ang bait naman niya! Kung di dahil sa ginawa niya, napahamak na sana tayo."

Sabi ko.

"What a heroic person! Dapat makapagthank you tayo sa kanya!"

Sabi ni Charie.

"Oo nga gusto ko siyang makilala."

Sabi ko.

"Dadalhan ko talaga siya nang beer para makapag shot kami."

Sabi ni Chris.

"NAKAPAGPASALAMAT NAKO DUN KAYA WAG NA KAYONG MAG-AKSAYA NG ORAS!"

Sabi ni Racky. Mukhang galit siya.

"Pero dapat/" - Chris

"Ssshhh, wag nang makulit!"

"Eh yung tungkol sa box, siya rin ba nakakita nun?"

Tanong ko.

"Oo!"

"So kailangan ko talagang magpasalamat sa kanya!"

"Wag na kayong mag-aksaya ng panahon para kausapin yon! Sasama lang ang loob niyo."

Sabi ni Racky.

"BAKIT NAMAN?!!"

Tanong naming tatlo.

"Kasi bastos siya makipag-usap! Ni hindi nga na appreciate ang ginawa ko na pinuntahan ko pa siya sa bahay nila para lang makapagpasalamat! Kaya ayokong gawin niya sa inyo yon!"

"Ha? Bakit naman ganyan? Ang werdo ha." - Chris

"Niligtas niya tayo tapos ang sama ng trato niya sayo? So unnecessary." - Charie

Mukhang galit talaga si Racky dun. Gusto ko manlang sana magpathank you. Ang laki kaya ng utang na loob namin sa kanya.

"Kung masama ang ugali niya, bakit niya tayo tinulungan?"

Sabi ko kaya napatingin silang tatlo sakin.

"Ano pa? Edi para magpasikat! Sige magbibihis na ako."

Sabi ni Racky sabay tayo tapos pumasok na sa kwarto.

Ang init talaga ng ulo niya ngayon. Mukhang nagsasabi naman siya ng totoo, baka binastos talaga siya nung lalake.

Di naman siya magagalit kung walang dahilan.

Continue Reading

You'll Also Like

6.5M 179K 55
⭐️ ᴛʜᴇ ᴍᴏꜱᴛ ʀᴇᴀᴅ ꜱᴛᴀʀ ᴡᴀʀꜱ ꜰᴀɴꜰɪᴄᴛɪᴏɴ ᴏɴ ᴡᴀᴛᴛᴘᴀᴅ ⭐️ ʜɪɢʜᴇꜱᴛ ʀᴀɴᴋɪɴɢꜱ ꜱᴏ ꜰᴀʀ: #1 ɪɴ ꜱᴛᴀʀ ᴡᴀʀꜱ (2017) #1 ɪɴ ᴋʏʟᴏ (2021) #1 IN KYLOREN (2015-2022) #13...
122K 3.1K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
134K 4.7K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
9.9M 499K 199
In the future, everyone who's bitten by a zombie turns into one... until Diane doesn't. Seven days later, she's facing consequences she never imagine...