BABYSITTING THE MAFIA'S KID

By VictoriaGie

480K 23.1K 6.1K

May chanak -- este bata na nahulog sa kanal ang naligaw sa bahay ko. Kinupkop ko, inalagaan, pinakain, basta... More

PROLOGUE 💋
CHAPTER 1 - KNOCK KNOCK
CHAPTER 2 - FIVE HUNDRED MILLION
CHAPTER 3 - THE HIERARCHY
CHAPTER 4 - LOST TREASURE
CHAPTER 5 - FULLY LOADED
CHAPTER 6 - VINTAGIO MUSEUM
CHAPTER 7 - MEET AND GREET
CHAPTER 8 - MONEY DROP
CHAPTER 9 - GUNS AND STARES
CHAPTER 10 - STAY
CHAPTER 11 - DON'T PULL THE TRIGGER
CHAPTER 12 - A LITTLE WORRIED
CHAPTER 13 - ZOOLOGY
CHAPTER 14 - THE MASTER MIND
CHAPTER 15 - A FATHER'S LOVE
CHAPTER 16 - ORGANIZATION OF PEACEMAKER
CHAPTER 17 - BUSTED
CHAPTER 18 - AGREED
CHAPTER 19- CONTRACT AND CONDITIONS
CHAPTER 20 - THE WORLD HE BELONGS
CHAPTER 21 - WELCOME PHONE
CHAPTER 22 - KEEP LIVING
CHAPTER 23 - LUCID
CHAPTER 24 - BEAUTY IN BLACK
CHAPTER 25- JELOUS
CHAPTER 26 - UNDER THE GLASSES
CHAPTER 27- HYDRATED
CHAPTER 28- GALAXY IN HIS EYES
CHAPTER 29- SNEAK OUT
SPECIAL CHAPTER - DYTHER ICEXEL QUIGLEY ELCANO
CHAPTER 31- SEASON 2
CHAPTER 32 - ABDUCTED
CHAPTER 33 - THE OFFER
CHAPTER 34 - ONCE AN ANGEL
CHAPTER 35 - HOME
CHAPTER 36 - VERNIX
CHAPTER 37 - PARTNERS IN CRIME
CHAPTER 38 - PROJECT EXTERMINATION
CHAPTER 39- THE TRIAL
CHAPTER 40 - RUMORS UNLEASHED
CHAPTER 41 - SOMEONE'S FRUSTRATED
CHAPTER 42 - LEAVE HER ALONE
CHAPTER 43 - ADIOS
CHAPTER 44 - DO THEY BELIEVE ?
CHAPTER 45 - HEADACHE
CHAPTER 45.2 - HEADACHE AGAIN
CHAPTER 46 - BROTHERS
CHAPTER 47 - RAIN HARD
CHAPTER 47.2 - STILL RAINING HARD
CHAPTER 48 - CONFRONTATION
CHAPTER 49 - LONG AWAITED REUNION
CHAPTER 50 - CANDLE
CHAPTER 51 - STRANGE
CHAPTER 52 - MISUNDERSTANDINGS
CHAPTER 53 - BEHIND THE WHITE MASK
CHAPTER 54 - THE GLOOM THAT BLOOMS
CHAPTER 55 - BEFORE THE AUCTION
CHAPTER 56 - SIMPLE PLAN
SHORT CHAPTER - GALILEO ARTHFAEL MARCHESE
CHAPTER 57 - SMOKE
CHAPTER 58 - UNDER THE SHADOW
CHAPTER 59 - NIGHT BEFORE THE BOMB
CHAPTER 60 - FORMAL VISIT
CHAPTER 61 - BATTLE GROUND
CHAPTER 62 - COMMUNITY WAR II
CHAPTER 63 - OUT OF SIGHT
CHAPTER 64 - A PROMISE MADE TO BE BROKEN
CHAPTER 65 - HOMELESS
CHAPTER 66 - ONCE A TRUCK DRIVER
CHAPTER 67 - STABBED
CHAPTER 68 - WITH A KNIFE

CHAPTER 30 - SEASON FINALE

7.9K 396 98
By VictoriaGie

ASHARI'S POV

Kung may gusto man akong maging future, murderer nalang!

Murderer ng karne ng baboy!!!!

Antok na antok pa ako habang iniluluto ang walanjong sinigang na'to. Alas tres ng madaling araw ako nakatulog sa kaka-review...este kakatitig sa reviewer ko. Tapos gumising ako ng alas singko para abutan 'yung nagrorolling na palengke!

"Kapag ako bumagsak sa exam, tatay ko m-murderin ko!" gigil kong hinampas ang kutsilyo sa karne ng baboy! "Nakatakas nga ako't lahat sa impyernong Marchese, taga luto naman ako pag-uwi ko dito sa bahay! BWISEEETTT!"

Sa inis ko, tinadtad ko ng tinadtad lahat ng pwedeng murderin dito. Habang nagluluto, bigla kong naalala kung gaano ako kagaling sa pagtakas.

BILIB NA BILIB NA TALAGA AKO SA SARILI KO MWAHAHAHA! I'M SO GREAT.

Tinapon ko lang naman ang isang drum ng wine na 50 years na ang edad at doon ako nagtago sa pinaglagyan. Noong huminto ang magaling na truck ng wine sa labas ng Marchese, ayon sumibat na ako! Ganon lang kasimpleng sumibat sa napaka higpit na mansion ng Marchese. PANIS!! WAWENTA SECURITY NILA MWAHAHA!

"Mukhang hindi pa nga nila alam na nawawala ako MWAHAHAHA! Mga mahihinang nilalang!" e kasi kung alam na nila na nawawala ako, for sure may mga armadong lalaki na ang kumidnap sa akin para ibalik ako doon sa impyernong mansion na'yon.

E wala. WALA PA!

Pagkatapos kong magluto ng pabibong sinigang na nananapak sa asim kasing asim ng putok ng nagbabasa nito charot, kumain ako saglit at gumayak na para pumasok.

Aish, papasok nanaman ako. Makikita ko nanaman ang pagmumukha ng mga kaklase kong sipsip at mga teacher kong nagpapasipsip.

At kung sa kinamalasan, baka makakita ko pa ang mukhang pinya kong gangster wannabe na ex na si Tony!

Susginoo, ayaw kong mabahiran ng kamalasan ang mata ko ngayong araw dahil kaylangan kong galingan sa pangongopya!

--

Kasalukuyan akong naglalakad sa iskinita na short cut papunta sa 24/7 na ATM BANK!

ANO GAGAWIN KO DON?

SIMPLENG SIMPLE LANG NAMANNNN!

I-che-check ko lang kung legit na sa ATM na ibinigay sa akin ni Uranggu iniligay yung 5 Million na sweldo ko sa pagpapanggap ko bilang jowa ni Easton Isprikiton.

"Ihhhhhh kasiiii namannnn!" maiihi na ako sa kilig dito sa iskinita dahil na-i-imagine ko na ang bubusog sa mata ko mamaya! Ang 7 digits na numero ng kayaman kooo!

Nasa kalagitnaan ako ng pagkakilig sa sarili kong imagination ng bigla akong makaramdam na para bang may sumusunod at para bang may nakamata sa akin.

"Hoy kung sino ka man, lumabas ka diyan!!!!" sigaw ko.

Kagabi pa 'yan e! Pakiramdam ko may nakatingin sa bintana ko kagabi. Hanggang ngayon ramdam kong may umaaligid sa akin!

Tumalon ang isang pusa mula sa kabilang bakod. "Leche pusa lang pala!"

Imagination lang ng illuminati 'yung may sumusunod sa akin.

"Moneyyy kooo! Here I comeeeee!"

Pera nalang talaga nagpapakilig sa akin. Hikhok.

At pagdating ko nga sa ATM machine. Kulang nalang sumabog ako sa tuwa. "LEGITTTTT!" sigaw ko sabay suntok sa hangin. Sumayaw sayaw pa ako sa sobrang kilig.

"Hmmm, magkano kaya iwi-withdraw ko?"

Mga sampong isip bago ako nagwithraw ng 50,000. Accckkk! Sobrang baryang barya lang yung 50000 sa 5 Million ko! Pwedeng pwede na akong hindi bumalik sa Marchessee.

Pero sayang yung 500 million.

Babalik din naman ako kapag tapos na exam ko, promisess.

Kinuha ko sa bag ko ang iphone kong bagong bagoooo. Sininghot ko, angg bangoooo, amoy sinigang! Tumingin ako sa oras.

"AHHHHHH!" walanjo, sa sobrang ligaya ko sa 5 million, 10 minutes nalang start ng exam ko.

Late na akoooooo!!!!!

Mabilis pa sa paglubog ng jerbax ko sa inidoro ang takbong ginawa ko maka-abot lang sa exam.

Argh, ang layo pa naman ng college department ko sa main gate!

Wala ng mga studyante na pakalat kalat sa mga college buildings at sa mga hallway.

"Kasalanan 'to ng magaling kong tatay! Mabilaukan sana siya kapag kinain niya 'yung sinigang na'yon!!!" asik ko!

Pagdating ko sa pintuan ng klase, agad ko iyong binuksan. Wala ng pagdadalawang isip pa , letse late na nga ako e!

Pagbukas ko ng pinto, naagaw ko ang atensyon ng mga kaklase kong nasa kaniya kaniya ng upuan, one seat apart.

"AYM BACKKKK!" sigaw ko on the top of my lungs!

"Booooh! Pumasok na ang bruhildang maldita!"

"Arghhhh! Ashari bakit ngayon ka pa pumasok? Wala na gugulo nanaman dito."

"Uwi ka nalang, tahimik buhay namin nung absent ka."

Pinagtaasan ko sila ng kilay isa-isa. "Papanget ng ugali niyo e nangongopya lang din naman kayo hmp. Kala mo kung sinong mga malilinis ang budhi!"

Inirapan ko sila, kitams, wala ding kwenta ang mga kaklase ko. Mga basher ko sila!

Well, hindi ko naman sila masisisi kasi masama akong tao at hindi ako friendly.

Lahat sila ginawan ko ng masama kaya kebs lang na ganyanin nila ako.

Hindi ko na sila pinansin at tumingin nalang ako sa teacher ko.

Nakatayo 'yung dragona kong teacher sa gitna at nagpapamigay na ng test papers.

"You're late, Ashari!" seryoso at sobrang sungit ng tono ni Maam. As always naman, ano pa aasahan mo e menopause na'yan.

Hindi ko siya sinagot, inilibot ko lang ang tingin ko sa classroom. Naghahanap ng mauupuan.

"Wala nang vacant seat, Maam." ani ko.

Sinadya nila 'yan for sure!

Inilibot din ni Maam ang tingin niya at doon lang niya narealize na kulang nga ng isang upuan sa klase niya.

Ha! Alam ko naman na sinadya talaga nilang hindi maglagay ng upuan!

"I thought you won't make it today. You are always absent these past few weeks. Kumuha ka nalang sa kabilang classroom, make it fast, huwag mong idelay ang exam dahil lang sa isang silya!" inismidan ko si Maam bago pumunta sa kabilang room at kumuha ng upuan.

Bakit parang kasalanan ko pa na kulang kulang ang silya sa classroom?

Mga bwisit talaga sila! Porque obob ako at nangongopya lang, hindi na nila ako paglalaanan ng upuan?

Pag yaman ko, gagamitin ko lahat ng pera ko, hindi ko ipapalagay nga mukha nila sa Golden Grain!

Syempre pagpasok ko bitbit ang upuan, tumabi akong pilit sa pinakamatalino naming kaklase.

"Pagyaman ko, ikaw una kong bibigyan ng bahay at lupa kaya pakopyahin mo ako okey?" bulong ko sa katabi kong matalino.

Ito palaging Dean's Lister e. Di nawawala sa listahan kaya di din lumipas ang mga exam na hindi ako tumabi sa kaniya. Kita mo naman ang pagmumukha, nerd na nerd. Matalinong matalino.

Nakaglasses at naka full bangs ang maikling hanggang balikat na itim na buhok. Kita din mga tigidong niya at malalim na eyebags kaka-aral.

"Hinahanap ka ni Tony araw-araw sa akin. Pwede bang sabihan mo 'yung ex mo na huwag ako ang guluhin niya?"

Ngumuso ako at humarap kay Kiffy. "Sige sasabihin ko..." kung magkikita kami noh, psh, at wala akong planong makita siya kaya sorry nalang Kif!

Siya ang pinakahuling tao na hindi ko gugustuhing makita ngayong araw na'to!

Bumuntong hininga siya. "Ashari, please tell him. I hate attraction and you know that! Tuwing pumupunta siya dito, everyone is simping on him, telling him he's handsome as greek gods and everyone is mistakenly concluding that he is into me...palagi nilang sinasabi na why a person like Tony goes to me everyday...a nerd and weird like me...without them knowing na ikaw naman talaga ang ipinunta niya dito."

Nagtaas ako ng kilay. "Kakalbuhin ko 'yung pinyang 'yon!" asik ko.

Atsaka!

Sinong bulag ang magsasabing gwapo si Tony Perez aber??? E mukha ngang pinyang bulok 'yon!

Isisigaw ko sana kay Kiffy 'yan kaso um-epal na 'yung teacher namin.

"Mamaya ka na gumawa ng kalokohan Ashari. Mags-start na ang exam." Inabot niya ang test paper sa aming dalawa ni Kiffy. Pinanlisikan pa niya ako ng mata na para bang sinasabi na umayos ako at huwag akong mangongopya.

Edi waw maam!

"Start your exam. Ang mahuli kong mangopya, ibabagsak ko."

Owkey, mamaya na si Tony. Sa exam muna ako mag fofocus.

Tandaan mo Ashari, tumakas ka sa Marchese para dito! Iniwan mo si Gali kapalit nito. Buhay at kayamanan mo ang itinaya mo para lang makapasa ka!

Kaya huwag mong subukang ibagsak ang exam na'to!

Dahil first year BS Archeology nga ako, halos dumugo ang utak ko sa mga chem, bio, at physics na subject. Walanjo, kaya nga ako kumuha ng Archeology kasi akala ko wala ng ganito. Nakalimutan ko na bachelor of Science nga pala! Science nga eeee! Sana pala BA ang kinuha ko buset! Ngayon talaga ako nagsisisi.




"Pass your papers." first subject done.

Ayaw ko na, ang sakit na ng mata ko.

"Pen's up. Pass your papers." second subject done...

Sino ba naka-imbento ng exam? Masyadong pabibo at paladesisyon sa buhay ng may buhay e!

"10 minutes break." para sa mga taong mag c-cr.

"Pass." third paper, done.

"Ok, go have your lunch and come back here before 1 pm."

SA WAKASSSSSSS!

Kalahating delubyo nalang ang kaylangan kong suongin at makakabalik na ako kay Gali!

"Argh." ibinagsak ko ang ulo ko sa table desk. Puyat na nga ako, natorture pa ang mata at utak ko. Ansaket ng buhay!

Nakalapat ang pisngi sa table na humarap ako kay Kiffy na nag-aayos na ng bag niya.

"Libre kita lunch Kif?" mayaman na ako ngayon, manlilibre ako mwahaha!

Tumingin naman siya sa akin. "Ayaw kitang kasabay mag lunch." walanjo, napakasakit talaga magsalita ng isang 'to. Wala manlang pasintabi. "You have lots of eyes prying on you because of your silly mouth and attitude. I don't want them to think that you are my friend..." kita mo? Napaka tabil ng dila! Walang halong kaplastikan.

"Besides..." at may katuloy pa? "Ayaw kong ma-involve sa kagaya mo na may connection sa kagaya ni Tony. Tell him to stop pestering me about you." seryoso niyang sabi bago lumayas.

Napangiti ako sa likod ni Kiffy. Sa lahat ng tao dito, siya lang ang hindi plastic kaya bet na bet ko siya. Siya lang ang natatagalan kong kausapin sa skwelahang 'to...pero syempre kabaligtaran yon sa kaniya, ayaw na ayaw niya akong kinakausap.

Naiwan akong nakatulala habang nakadapa ang kanang pisngi sa table.

Wala ng tao sa classroom at naiwan akong mag-isa.

E ano naman kung ayaw nila sa akin?

Like duh, mayaman ako di ko sila pipilitin na gustuhin ako hmpf.

Kumain ako sa canteen ng mabilis kasi may dapat pa akong puntahan. Mamayang hapon babalik na ako sa Marchese kaya ito nalang ang time ko.

Letse, sabi ko hindi ko kikitain si Tony Perez pero ito ako ngayon, binabaybay ang napakalayong department ng Engineering.

Bwisit, araw-araw niyang nilalakad ang ganitong kalayo para lang puntahan ako sa classroom, hindi ba siya nananawa!

Kagigil yang Tony na'yan e. Kung bakit kasi niloko niya ako 5 years ago tapos parang tanga na namemeste ngayon.

Pagpunta ko sa Engineering department, pinagtanong ko kung nasaan si Tony. Nagulat pa yung iba na hinahanap ko siya. Himala daw at ako ang nanghahanap sa kaniya ngayon.

Oo himala talaga! Hihimalain ko mukha non kapag nakita ko siya!

Itinuro ako ng mga kadepartment niya sa canteen ng Engineering. Doon daw siya nag-l-lunch. Malamang, saan pa ba?

Pagdating ko sa mataong kainan, nanghahaba ang leeg na hinanap ko si Tony.

"AHA!" kita mo, ganyan kababaero 'yang gangster wannabe na'yan!

Nasa gitna siya ng canteen at napapalibutan ng mga babae at mga kabaklaan ng taon na halatang nilalantod siya.

O diba, hindi ko alam kung anong mata meron ang mga tao dito sa University na'to at feeling nila e napakagwapo ni Tony.

Haler, mukhang PINYA 'YAN! MUKHANG PINYAAAA!

Hindi ko din alam kung bakit sikat na sikat siya letse, e gangster lang naman 'yan sa kanto malapit sa tindahan ni Aling Marites.

Lumapit ako sa kaniya, sa table pala nila ng mga concubines niya char sa concubines.

"Oi Tony." tawag ko sa kaniya kasi hindi niya napansin na nandito ako.

Nag-angat siya agad ng tingin. Pagtama ng mata namin parang bigla akong nagsisi na pumunta ako dito.

"ASHARI!"

Parang gusto kong magpalamon muna sa lupa.

"ASHARI TOTOO BA 'TO? NANDITO KA NGAYON?"

Argh, makakasapok ako ng pinya!

Tumayo si Tony at iniwan ang mga babae niyang ang sasama ng tingin sa akin. Lumapit siya sa akin.

Nanlaki ang mata ko ng bigla niyang kunin ang dalawa kong kamay.

"Ashari, ilang linggo kitang hinanap at inintay. Hindi ako nagsisi na hindi ako tumigil. Nagbunga lahat ng paghihirap ko, ikaw na ang pumunta sa akin ngayon. Isa itong himala."

Nanlaki din ang butas ng ilong ko ng bigla niyang halikan ang dalawa kong kamay.

YUCKKKK! YUCCKKKK ARRGGH!

"Kadiri ka! Bitawan mo nga kamay ko!" singhal ko sa kaniya atsaka siya pinukpok sa ulo.

Wapakels ako sa mga galit na mata ng mga nilalandi niya.

"Acck! Ashari sige pa, saktan mo pa ako. Alam kong ganyan ka magparamdam ng pagmamahal. Mas masakit, mas masarap---"

Walang hiya! Isang malakas na batok ang huli kong ibinigay sa kaniya bago ako tumigil.

"Bakit ka huminto Ashari ko?"

EWWWWW!!!!!!

Lumingon ako sa paligid. Susginoo, lamunin muna ako ng lupa please lang! Lahat ng tao ay nakatingin sa akin...sa amin ng pinya na'to.

"Mag-usap tayo, may sasabihin ako." inis na sabi ko sa kaniya bago ko siya hinila paalis sa canteen.

"Yieeeehhh! Sasabihin mo ba na babalikan mo na ako at tatanggapin mo na ang patawad ko?" pami-mwisit niya habang hila hila ko siya.

Siya lang ang nakakapagpa-stress sa akin ng ganito leche.

"Manahimik ka diyan, pinya!" lalo kong binilisan ang paghila sa kaniya kasi bukod sa pinagtitinginan na kami e baka kung ano pa isipin nila! Lam niyo na, ma-i-issue ang mga tao sa earth.


--

Dinala ko si Tony sa likod ng building ng Engineering. Dito tambakan ng mga sirang silya at kung ano anong lumang gamit. Dito lang walang pumupunta kaya dito ko siya dinala.

"Ano sasabihin mo Ashari ko? Sabihin mo na daliii, excited na ako."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Limang taon." nagcross arms ako. "Limang taon na akong nagtitimpi sa'yo Tony! Arrgghh--ginigigil mo na ako e."

Para naman siyang tuta na nagpa-awa. Sarap ikiskis ng mukha niya sa pader. "Limang taon na din akong nagmamaka-awa sa'yo na patawadin at balikan mo na ako Ashari ko."

Lalo akong naningkit sa sama ng tingin ko sa kaniya. "Diba sinabi ko na sa'yo na napatawad na nga kita."

"Pero hindi mo ako binalikan."

"May mga bagay na hindi na binabalikan, Tony." dahil isa kang malaking pagkakamali na ginawa ko sa tanang buhay ko!

"Hindi ako titigil hanggat hindi mo ako binabalikan, Ashari ko."

"Pwede ba tigilan mo nga ako sa kaka 'Ashari ko' mo, hindi ako iyo bwisit!"

"Maliban sa honey booo boo boo loves na call sign natin, nasanay na ako na 'yun ang tawag ko sa'yo, Ashari ko."

Walanjo, kinilabutan ang buong pagkatao ko ng binanggit niya ang forbidden word.

Honey boo loves? YUCKKKK! Naalala ko tuloy bigla 'yung panaginip ko noong nakaraan!

Eww!

"Magtigil ka nga. Kadiri ka Tony!" singhal ko. "Astaka pwede ba, nandito ako para sabihin sa'yo na huwag ka ng pumunta sa Arche Department. Huwag mo na akong hanapin kay Kiffy. Ginugulo mo 'yung taong nananahimik."

Sandaling tumahimik si Tony. Nagpapa-awa pa ang sad boi! Nakapout pa ang kadiri! Inirapan ko nga.

"Tumatawag kasi ako sa number mo pero cannot be reached ka na, wala ka din sa bahay niyo, kaya kay Kiffy na kita hinahanap. Alam ko kasi na wala kang ibang ka-close na kahit sino. Si Kiffy lang 'yung alam ko na kinakausap mo. Nag-a-alala lang naman ako sa'yo Ashari ko."

Ako naman ngayon ang natigilan sa sinabi ni Tony. Bakit ba mukha siyang iiyak, para tuloy siyang kinakawawa ko.

"Ah basta huwag mo ng kakausapin si Kiffy."

Since nasabi ko na ang gusto kong sabihin, lalayas na ako kasi magt-time na at malayo layong lakaran pa pabalik ang tatahakin ko.

Akmang lalakad na sana ako para lampasan si Tony ng kunin niyang bigla ang braso ko at pigilan ako sa pag-alis.

"Hindi ko na kakausapin si Kiffy..."

"Edi goods. Bitawan mo na ko."

Naramdaman ko na humigpit ng beri layt ang hawak niya sa akin.

"Pero sa isang kondisyon Ashari ko..."

Kumunot ang noo ko. "Anong kondisyon?"

"Number mo. 'Yung bago mong number, ibigay mo sa akin."

Bumagsak ang panga ko. Haler, bakit sa dinami dami pa ng hihingin niya e yung number ko pa?

BAWAL!

HINDI PWEDE!

MALALAGOT AKO KAY EASTON ISPRIKITON KAPAG NALAMAN NIYANG MAY TUMATAWAG SA AKIN GALING SA LABAS.


"Ako nalang tatawag sa'yo para masave mo number ko okeh? Mga mamayang gabi hehe."

"Ayaw. Gusto ko ngayon, ngayon mo ako tawagan Ashari."

Napakamot ako sa ulo sa inis. "Oo na sige na nga. Bitawan mo na ako!"

"Tawagan mo na muna ako."

Inis na kinuha ko ang phone ko sa bulsa. "Wow iphoneeee sosyal ka na ngayon Ashari ko. Binili mo? Binigay sa'yo ni Tito? Ang yaman naman!"

"Nakaw lang 'to kaya manahimik ka diyan kung gusto mong tawagan pa kita. O itype mo number mo."

Binitawan niya ako at para siyang bata na kinuha ang phone ko sa akin.

Dinial niya ang phone niya na nasa bulsa ng pants niya. Nung nagring ito, sinagot niya atsaka niya ibinigay ang cellphone sa akin.

"Pwede ka na umalis Ashari ko. Huwag mong papatayin 'yung tawag ha." nakangiting parang bata na binigyan ng cotton candy na wika niya sa akin.

"Neknek mo." pinatay ko din 'yung tawag dahil regular load ang gamit ko. Huwag siyang magmaganda. Hindi porquet mayaman na ako ngayon e magwawaldas nalang ako ng pera sa load. "Maayos usapan natin, Tony ha. Huwag mo ng kakausapin si Kiffy."


Sumaludo naman siya. "Yes ma'am! Alam kong nagseselos ka kapag may ibang babae akong kinakausap kaya hindi ko na kakausapin si Kiffy! Pangako 'yan."

Binato ko ng silya na sira si Tony. Kadiri, selos niya mukha niya!




---

Natapos ang exam ko. Nag-inat-inat ako at nang makita kong nag aayos ng gamit si Kiffy, mabilis ko ding inayos ang gamit ko.

"Kiffy!" tawag ko sa kaniya sa hallway.

Hindi niya ako pinansin, snobber ang nerd, feeling maganda hmpf!

"Kif!" nilampasan ko siya at humarang sa dadaanan niya.

Seryoso niyang sinalubong ang tingin ko. "Bakit?"


"Naka-usap ko na si Tony na pinya. Hindi ka na niya guguluhin."

"Mabuti naman." ngumiti ako kay Kiffy. "Ikaw naman ngayon ang huwag manggulo sa akin. Excuse me." nilampasan ako ni Kiffy.

Tinawag ko ulit siya. "Kiffy."

Huminto naman siya at lumingon sa akin. "Ano?"

Ngumiti ako ng matamis sa kaniya. "Thank you sa sagot mo kanina ha. Dahil sa'yo papasa talaga ako. Hayaan mo, kapag nakuha ko na ang 500 Million ko, bibigyan kita ng jacket bahay at lupa."

Kay Kiffy lang ako mabait kasi always niya ako pinapakopya! Siya lang ang hindi nagbibigay ng stress sa akin sa mundong 'to.

"Just don't talk to me..." yan! Yan ang magaling niyang sagot bago lumayas.

Nagkibit balikat naman ako bago tiningnan ang oras...


"Uhuyyyyy. 4:30 palang!"

Maaga pa para bumalik ako sa Marchese!

At dahil diyan, kakain ako sa jollibee!

'Yung pinakamahal bibilhin ko dahil mayaman na ako ngayon!

--

Naglalaway ako habang pinagmamasdan ang isang katerbang pagkain na inorder ko.

Sa hirap ng exam ko, kaylangan ko ng reward!

Pinagtitinginan din ako ng mga tao dito. Feeling siguro nila patay gutom ako. O ano, inggit kayo? Madami akong pagkain belaattt! Mayaman na ako e! Hmpf.

Nagniningning ang mata ko na kinuha ang isang aloha burger. Limang ganito ang inorder ko, at hindi ako magtitira ng kahit katiting. Pera ko ang ginastos ko dito kaya dapat sa tiyan ko ito mapunta.

Ngumanga ako ng malaki para isubo na ang masarap na masarap na burger ng biglang....

"Ate! Ate!"

May kampon ng chanak ang nasa labas at kumakatok sa glass wall nitong Jollibee. Sumisigaw siya para marinig ko at nanlilimos pa nga!

Sinamaan ko ng tingin "Bakit? Inggit ka? Edi bumili ka ng para sa sarili mo." wika ko ewan ko kung narinig niya basta ako kakain.

Akmang isusubo ko na ulit ang burger ng bigla nanaman siyang kumatok. "Ate pagkain lang po, gutom na po kami ng kapatid ko."

Dahan dahan akong lumingon ulit sa chanak na nasa labas. Itinuro niya yung kapatid niyang babaeng chanak din na nakaupo sa gilid ng plant box, parang nanghihina na ito dahil sa gutom.

Umirap ako. "Sa mga magulang niyo kayo manghingi ng pagkain wag sakin!" sorry, mali kayo ng taong hiningan ng tulong. Madimot ako!

Sa pangatlong tangka ko ng pagkagat sa aloha burger, inis na ibinaba ko na ang burger sa plato ng makita ko na bumulagta na 'yung batang babaeng chanak sa sahig.

Nagtatakbo 'yung kapatid niyang lalaki palapit sa kaniya.

Nakita ko na ginigising niya 'yung babaeng chanak pero hindi ito nagdidilat ng mata.

Nagsimula na siyang umiyak. 'Yung lalaking chanak na nagmamakaawa kanina.

Nakagat ko ang labi ko! Bwisit na bata, bakit sa dinami dami kasi ng paghihingian niya ng pagkain e ako pa. Inggit na inggit ba siya sa pagkain ko ha????

"Waiter!" tumawag ako ng waiter at sinabing ite-take out ko nalang lahat. Nag-inarte pa 'yung waiter kasi daw hindi ko naman nabawasan edi sana daw tinake out na niya kanina pa, napaka dami pa naman daw ng inorder ko.

Daming arte edi magsara na sila!

Lumabas ako bitbit ang limang paper nag ni Jubali, may dalawa pa akong bitbit na coke.

Lumapit ako sa dalawang chanak.

"Crispin, saglit nalang makakakain din tayo! Idilat mo na mata mo."

"K-kuya Basilio, gutom na po ako."

Luh! Ang mga nawawalang anak ni Sisa, natagpuan na.

"Oi bata, ayos lang ba'yang kapatid mo?" tanong ko.

Nag angat ng tingin si Basilio, nagpalit ang tingin niya sa mukha ko at sa hawak ko.

"P-pagkain po." walajong bata 'to, tinatanong ko siya kung ok lang ba 'yung kapatid niya e! "Hinimatay po sa gutom 'yung kapatid ko. Nagmamakaawa po ako, bigyan niyo po kami ng pagkain. Madami naman po kayo e, hindi naman po kayo mamamatay kung di niyo kami bibigyan."

"Wow, bakit parang obligasyon ko na bigyan kayo ng pagkain?" iba na talaga ang mga bata sa panahon ngayon.

"Sige na po." pagmamakaawa ni Basilio.

"A-a-ate, bigyan niyo na po kami pagkain ni kuya. Gutom na gutom na po ako, tatlong araw na po kaming hindi kumakain."

Ilang taon na ba 'tong mga batang to? Si Basilio, mga nasa 9 siguro? Six naman 'tong si Crispin.

Hays, si Gali kaya ano ginagawa ngayong oras na'to? Natutulog pa kaya siya? Siguro hindi, baka kumakain na siya ng breakfast niya ngayon.

Kung kasama ko si Gali ngayon, sure ako na siya mismo ang mag aabot ng mga pagkain na bitbit ko sa dalawang batang 'to. Hindi siya magdadalawang isip na bigyan sila.

Kaso...

Kaso hindi ako si Gali.

Bruha ako kaya nagsampong isip muna ako bago ko kinuha ang isang aloha burger at isang inumin.

Inilagay ko iyon sa isang paper bag.

"Yan lang po ibibigay niyo sa amin? Ang kaunti naman po."- Basilio

Nagtaas ako ng kilay.

"Hindi pa ko tapos mag ayos ha, bat ba mapagpasya ka? Ikaw na nga lang nanghihingi ng pagkain e ikaw pa choosy."

Inis na ibinigay ko sa kanila lahat ng paper bag na bitbit ko. Iniwan ko sa akin 'yung aloha burger at drinks.

"Ayan, chibugin niyo! Mga patay tomguts." inirapan ko silang magkapatid at tumalikod na para umalis ng bigla nanaman akong kalabitin ng batang lalaki. "Ano??!!!"



"Ate ate, penge din pera."



Kung hindi lang kasalanan ang sumakal ng bata, kanina pa ako nakasakal.



Para tigilan na ako ng bata batuta mukhang muta, binigyan ko siya ng 10k lang naman. Oo mayaman ako at nagpapamudmod ako ng pera sa mga pinagkaitan ng kaswertehan na kagaya nila. Buti nalang nung nagpaulan ng swerte, nasa labas ako at sinasalo lahat ng swerte gamit timba.

Kasalukuyan akong nagpapamudmod ng kayamanan ng biglang mag ring ang phone ko.


Unregistered number pero kilala ko dulo ng number na'to.


"Nakapagluto na ako ng sinigang mo. Umuwi ka na sa bahay." pagsagot ko sa magaling kong tatay.


"Ma-l-late akong umuwi. Matutuloy ka bang mag stay sa kaklase mo na hindi mo kaibigan?"


"Oo kaya di mo na ako maaabutan sa bahay."

Habang kausap ko ang magaling kong tatay, pakiramdam ko talaga hanggang ngayon e may sumusunod sa akin.


Mag-a-alas sais pa man din ng gabi, palubog na ang araw kaya mejo na-a-alarma ang pwet ko.


"Geh, aalis din ako kinabukasan. Mag-iiwan nalang ako kay Marites ng allowance mo. Kunin mo nalang sa kaniya."


Luminga ako sa paligid. May nakasunod talaga! "Sige na, bye na nga!"


Ibinaba ko ang tawag atsaka dahan dahang naglakad.


Pakiramdam ko may mga Marchese na na nakasunod sa akin. Ramdam ko lang ha, pilingera ako e.

Pero hindi malabo e, panigurado nag report na 'yung Uranggu na'yon kay Easton kaya may mga nakasunod na sa akin ngayon.



"Bakit hindi pa nila ako kunin?" takhang tanong ko sa sarili ko. Diba dapat sumulpot na sila ngayon sa harapan ko at kidnapin ako para ibalik doon sa mansion.


Ha!

Alam ko na, pinapabantayan siguro ako nung Easton Isprikiton na'yon.

Malamang sa alamang.

E kung bwisitin ko kaya siya?

E kung bukas na kaya ako bumalik sa mansion tutal mukhang ok lang naman na gagala gala ako dito basta may mga matang naka bantay sa akin.


Tama! Tama 'yarn Ashari.



Bukas na ako babalik.


Inismidan ko 'yung isang Caporegime na nakatago sa isang poste. Bahala kayo diyan, kung hindi niyo ako kukuhanin, gagawin ko ang gusto kong gawin!





Manonood ako ng kdrama MWAHAHA!


--

Kasalukuyan akong nag iintay ng jeep sa waiting shed. Ang tagal! Napaka tagal talaga ng jeep dito nakaka-inis. Kung hindi punoan, mga hindi naman papunta sa bahay.

Tumingin ako sa oras, alas syete na ng gabi. Walanjo! Gutom na ako.

Buti nalang may isa pa akong Aloha burger na itinira.

Argh, lalo akong ginutom nung buksan ko at maamoy ko ang halimuyak ng burger.

Ibinuka ko ng malaki ang bibig ko at akmang kakagatin na ang burger ng biglang may nagsalita sa tabi ko.



"Ija, baka pwedeng sa akin nalang 'yang pagkain mo. Gutom na gutom na ako, nanghihina na ako sa gutom."


Wala na, nasira na ang sikmura ko sa sandamukal na pa-epal sa pagkain ko ng burger!

Bakit ba ang hirap kumain ng burger sa panahon ngayon?

Nanlilisik ang mata na tumingin ako sa nagsalita. Isang matandang lalaki na pulubi. "Argh, bakit ba ang lapitin ko sa mga pulubi?"

"Sige na ija, burger lang."

Bumuntong hininga ako at inabot sa kaniya ang aloha burger ko. "Ayan, iyo na. Mabusog ka sana!" Masama kalooban ko kaya huwag na niya akong kakausapin ha!

"Ija, baka may pera ka diyan. Pamasahe ko lang pauwi."


Nanlaki ang butas ng ilong ko. "Akala ko ba burger lang?"


"E mukhang mabait ka naman at mayaman kaya sige na, penge pera."


"Wow!" hindi ko makapaniwalang ani sa pulubi. Kumuha ako ng pera sa bag ko, di ko na alam kung ilan 'yung binigay ko basta dumampot nalang ako e. O diba, ang sarap maging mayaman, dampot dampot lang MWAHAHAHA!


"Naku ija, pagpalain ka nawa."

Ngumiti ako ng pilit. "Ang tagal ng jeep." gusto ko ng umalis dito at baka iba na hingin ng pulubing 'to.



"Ija, isa kang mabuting bata...nakikita ko iyon sa pagkatao mo."

Hindi ko na sana papansinin 'yung pulubi pero dahil sa sinabi niya, pinagkunutan ko siya ng noo. "Ako mabuti? Patawa ka ba lolo? Akala mo lang 'yon, masamang tao ako kaya pwede ba wag mo na ako kausapin kung ayaw mong bawiin ko pera"


Ngumiti naman si pulubi. Eww, bulok ipin! "Ija---"



"O siya tama na drama, andiyan na 'yung jeep ko." tumayo na ako at ayaw ko ng marinig pa sasabihin ng pulubing matanda.



"Ija, sa susunod nating pagkikita may ipapakilala ako sa'yo."


Hindi ko na pinansin si lolong pulubi. Bukod sa ayaw ko ng siyang makita, mukha din ba akong interesado sa ipapakilala niya? No way!







--

Bumaba ako sa jeep at medyo naglakad ng very light papunta sa bahay namin.

Ramdam ko pa din ang mga nakasunod sa akin.

Parang sinasadya na nga nilang iparamdam na sinusundan nila ako e.

For sure kung lilingon ako ngayon sa likod ko, makikita ko sila. Pero wala ako sa mood kaya nagdirediretsyo lang ako sa paglakad.


Nakarating ako gate ng bahay, nawala na 'yung nakasunod sa akin. Nagkibit balikat ako at pumasok na loob ng bahay.



Pagpasok ko....



Nakabukas ang ilaw sa kusina.


"Akala ko ba mal-late siya ng uwi?"

Hindi ko yan nakalimutang bukas kaya alam ko na may tao na dito sa loob na nauna sa akin.


Naglakad ako papasok sa kusina. Nandoon pa din 'yung sinigang na nakatakip, walang bawas.

"Oi tay, kainin mo 'tong sinigang na'to! Madaling araw palang nakikipagbuno na ako sa baboy. Huwag mong subukang panisin 'to!" sigaw ko sa buong bahay.


Naramdaman ko na may naglalakad sa likudan ko papunta din dito sa kusina.

"Scammer ka talaga, akala ko ba late kang uuwi--" humarap ako sa taong naglalakad palapit sa akin.



Pagharap ko, isang bagay lang ang biglang sumagi sa utak ko.



Hindi siya si Tatay!



At alam kong hindi rin siya myembro ng kahit sino sa Marchese.



"S-sino ka? S-sino kayo?" oo, hindi lang isa kundi tatlong lalaki ang isa isang lumalabas mula sa madilim na sala papunta dito sa kusina.






Hindi nila sinagot ang tanong ko. "AHHHH TU---"


Magwawala palang sana ako para marinig ako ng mga kapitbahay o kung sino mang mga nakamasid na Marchese sa akin kanina pero naramdaman ko ang mabilis na paghampas ng isa sa batok ko at tuluyan na akong nawalan ng malay.


Pagdilat ko ng mga mata ko....




Nasa isang kwarto ako. Alam ko na hindi ito basta kwarto. Umaalon ang paligid...nasa dagat ako. Nasa barko, malaking bangka, yate o ewan ko. Basta alam ko na hindi ito basta kwarto ng hotel o condo.




Nakaupo ako sa malaking kama, nakatali ang kamay at paa. At sa harapan ko ang isang lalaking prenteng prenteng naka-upo sa sofa.











"You're finally awake, Ashari."



Tandang tanda ko ang nakakalokong boses na'yan! Sino bang hindi makakakalimot sa bawat tono ng pananalita niya? Siya lang ang may boses na ganiyan, boses na dadalhin ka sa kailaliman at pilit kang ibabaon sa takot at pangamba.


Hinding hindi ko makakalimutan 'yung pa-cellphone bomb niya at ang namatay na maid na spy!


"Rebel..." halos manginig sa muhi at galit ang buong kalamnan kong banggit sa pangalan niya.



Bakit?



Bakit ako nandito?




Anong kaylangan sa akin ng psychopath na'to?








💋💋💋💋💋💋💋💋💋💋💋💋💋💋



YES IT'S A SEASON FINALE! FINALLY! ASHARI AND GALI AND FRIENDS PLUS EXTRAS WILL BE BACK SOONNNNNN!

JUST HANG IN THERE BABYSITTERS, MEDYO PAG-IINTAYIN KO LANG KAYO NG VERY LIGHT SA NEXT UPDATE HAHAHAHA! LOVE LOVEEE! 💓💓💓

Continue Reading

You'll Also Like

106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...
11.9M 284K 55
Nagpakasal ang isang man-hater na si Sapphire sa isang super "friendly" na lalaki na si Johann for the sake na makuha niya ang mana niya. Magkasundo...
11.3M 482K 32
Hanapan ng girlpren si bitter bestfriend na friendzoned since birth? Game!
15.6M 364K 71
JAGUARS' SERIES 1: Shieldler John Wright Highest Rank: #1 in School #2 in Humor Si Hannah makulit, laging naka-smile, may pagka-engot sa mga simpleng...