Amore and Vains (Lover Series...

By celestinair

3.7K 271 12

Impediment and Betrayal. More

zero
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51

36

18 3 0
By celestinair


"Congratulations, Ms. Mendez!!" my boss happily greeted while giving me a handshake. Kahit ang mga katrabaho ko sa paligid ay nagpapalakpakan rin.


I just got promoted. I'm the new head designer!! Oh gosh, what a dream!!



"Thank you so much," I can't express what I'm feeling right now.



The project that we handled a few days ago ended very well kaya malaki ang naging kickback sa image ng company. Dahil doon ay nagtuloy tuloy rin ang pagkakaroon ko ng magandang record, ganoon na rin ang buong team ko. Kami na ngayon ang nangunguna sa pinakamaraming naaccomplish na projects sa loob lamang ng maikling panahon, and I'm proud to say na kahit isa sa mga 'yon ay hindi kami nagkaroon ng problema. Sobrang sulit pa rin ang lahat ng pagpupuyat at pagod, lahat ng pinaghirapan namin ay nagkakaroon ng magandang resulta.... sana magtuloy tuloy na ang ganito. Kahit nabawasan na kami ng isa, wala pa ring nagbago sa quality ng trabaho namin. Alam ko naman na maganda na rin ang trabaho ni Samuel sa nilipatan nyang company, balita ko ay napromote din siya.



Araw-araw pa rin nya akong sinusubukang suyuin, kahit alam kong busy rin siya sa trabaho, hindi siya pumapalyang mag effort para makuhang muli ang loob ko. I witnessed how sincere he is and I appreciate everything that he did just to gain back my trust again, but I need more time for myself.



Self love is a must, especially these days.



Katatapos ko ng ilipat ang mga gamit ko dito sa sarili kong office, head designer na ako kaya kailangan may sarili ng private place. Hayy, mamimiss kong batuhin ng lapis si Denice sa desk nya kapag puro pagpapaganda lang ang inaatupag at hindi ang dinedesign nya.



Ilang buwan na rin ang nakakalipas noong bumalik ako dito sa London.... ilang buwan na rin noong huli ko siyang nakita.



"Kamusta naman ang aming bagong head designer?" nakangiting sabi ni Denice pagpasok pa lang nya sa pinto, hindi man lang kumatok.



"Excuse me? Diba dapat kumatok ka muna? Duhh, head designer's office 'to." I mocked while keeping a serious face.



"Ay wow, teka lang naman, pasensya ka na ha? Sige, take 2," pamimilosopo din nya at muling lumabas ng pinto, maya maya ay narinig ko na ang katok nya. Hindi lang basta katok, parang anytime ay mababasag na ang glass door.



"Pasok," natatawa kong sagot dahil palakas ng palakas ang katok nya.



"Magandang hapon po madam, maaari ko po ba kayong makausap?" pormal nyang bati kaya mabilis kong dinampot ang folder sa lamesa ko at ibinato 'yon sa kanya.



"Tumigil ka nga, di pala bagay sa'ting maging pormal. Kadiri," I frowned.



"Aray naman! Ang baduy mong maging boss, nananakit ka." umarte siyang humahawak pa sa dibdib habang nakahikbi, akala naman nya doon siya natamaan nung folder.



Hindi naman sa dibdib tumama, sa mukha.



"Hindi ba pwedeng magkasama na lang tayo dito sa office? Maluwag pa naman oh," sumimangot ako.



"Para kang tanga, di naman pwede 'yon, wala ka pang isang araw dito pero namimiss mo na agad ako," Denice chuckled. "Tsaka isang silip mo lang naman sa labas ng pinto, matatanaw mo na agad ang desk ko. Huwag ka ng mag inarte diyan."



"Sabagay. Oo nga pala, anong oras ng uwi mo mamaya? Sabay na tayo."



"I don't know, pero patapos na naman yung mga nakasched kong design ngayon, baka makauwi ako ng maaga." she shrugged, tamad na umupo sa swivel chair ko.



"Tapusin mo na agad, dinner tayo mamaya, celebration na rin for my promotion."



Gulat siyang tumayo at nakakunot noong tumingin sa'kin, "Alam mo bang katapusan na ngayon? Wala akong pera, alam mo namang ibinili ko ng van sina mama kaya mas nadagdagan ang mga gastusin ko."



"Celebration ko nga diba? Syempre, treat ko. Sobrang oa mo, bakit hindi ka mag artista?" siniringan ko siya.



"Ah, libre mo ba? Ikaw naman kasi, hindi mo agad linawin. Don't worry, kaya kong tapusin yung designs ko within an hour. Watch and learn," hinampas pa nya ako sa braso habang nakangiti ng nakakaloko. "Tsaka, masyado akong maganda para maging artista lang 'no!"



"Sige na, lumabas ka na bago pa magbago ang isip ko. Pinapainit mo ang ulo ko, Denice Kate Vanidestine." I rolled my eyes.



"Kapag inis, inis lang dapat, walang banggitan ng full name. Pinapainit mo din ang ulo ko eh," she fired back.



"What?" tinaasan ko siya ng kilay.



"Eto na, lalabas na. Pangit mo," she chuckled before slamming the door outside.



Magkasunod ang kotse namin ni Denice papunta sa fine dining restaurant na pinareserve ko, meron ring bar sa 2nd floor non kaya tuwang tuwa si Denice, psh, mukhang mag aalaga na naman ako ng lasing mamaya. Pagka park ko ng kotse ay kasunod ng dumating ang kotse nya at ipinark din katabi ng akin. Paglabas ko ng kotse ay nagtaka ako ng makita ang isa pang kotse na halos kasunod lang ni Denice. Shit, I knew that car.



"Ria babe!! A-ano, t-tara na!!" Denice exclaimed, an optimistic one.



"Anong ginagawa nyan dito?" tinaasan ko siya ng kilay at padabog na isinara ang pinto ng kotse ko.



"Ria.... congratulations," Samuel handed me a bouquet of flowers, as usual. Hindi ko alam kung paano nya nalamang nandito kami, o siguro alam ko pala. Iwas na iwas nga ang tingin sa'kin ngayon.



"Talaga ba, Denice? Talaga ba?" I mocked sarcastically while giving her a narrow smirked.



Palipat lipat ang posisyon ng tinitingnan nya, nagpapatay malisya. "Bakit? Ano na namang ginawa ko?"



"Magbayad ka ng sarili mong bill," simpleng sagot ko at mabilis silang tinalikuran para pumasok sa resto.



Narinig ko ang mabilis nyang pagmamaktol habang hinahabol ako. Dumiretso ako sa pwestong nakareserve sa'min, kaya naman pala ayaw ni Denice na pangdalawang tao lang ang ireserve kong lamesa, yun pala may pinaplano na naman siya. Pang apatan na tao ang nireserve ko kahit nagtataka ako sa mga palusot nya kanina, kesyo ayaw daw nyang masikipan siya, kesyo baka daw mapagkamalan kaming may something. Parang tanga lang.



"Ikaw kasi! Naikwento ko lang naman sa'yo ah, hindi ko naman sinabing sumama ka dito!" nagmamaktol pa ring sabi ni Denice kay Samuel ng makarating sa pwesto nila.



"Sinisisi mo lang naman ako dahil hindi ka na ililibre. Kawawa ka naman." pang aasar ni Samuel na lalong nagpasama sa mood nito.



"Ang sama ng ugali mo!" Denice rolled her eyes at nagdadabog pa ring umupo sa harapan ko.



"Ang kuripot mo," Samuel chuckled.



"Umalis ka na kaya? Baka sakaling magbago ang isip nitong si Ria, ilibre na ako." ngumiti siya ng nakakaloko habang palipat lipat ang tingin sa'ming dalawa.



"Hayaan mo na, nandito na siya eh, sayang naman ang effort," tamad kong sagot. Parehas na kumislap ang mata nilang dalawa, nakangiti habang gulat na gulat.



"Sigurado ka?" Samuel asked. Tumango lang ako at binuksan na ang menu na kanina ko pang hawak.



"Hep! Dun ka na sa tabi ni Ria, wala akong papatungan nitong bag ko," napataas ang kilay ko dahil sa malakas na boses ni Denice.



Nang itaas ko ang tingin sa kanya ay nakita ko ang pagpipigil nya ng ngiti habang inaayos ang pagkakapatong ng bag nya sa katabing upuan. Nakatayo sa tabi non si Samuel, mukhang plano nya na doon pumwesto pero hinarangan nitong si Denice.



Napabuntong hininga na lang ako dahil sa mga paandar ng babaeng 'to, "Dito ka na lang sa tabi ko," tumingin ako kay Samuel.



"Okay lang?" nag aalangan nitong sagot.



"Hindi. Pero wala kang choice, maraming kaartehan sa buhay iyang tatabihan mo."



"Ang bigat kaya nitong bag ko," Denice urged, umarte pa itong binuhat ang bag at nabigatan siya. Ang dami talagang alam.



"Magbayad ka talaga ng sarili mong bill. Enjoy ha," I smirked. Nagsimula na naman tuloy siyang magmaktol, tumigil lang siya ng dumating na ang mga inorder namin.



As expected, nang matapos kaming makapagdinner ay dumiretso na kami dito sa 2nd floor, kung nasaan ang bar. Nasa bar mismo si Denice habang kami ni Samuel ay nandito sa isang lounge. Hindi masyadong umiinom si Samuel dahil maaga daw ang pasok nya bukas, hindi siya pwedeng magkaroon ng hangover. Hindi talaga pwede, psh. I knew him, kapag may hangover 'to, kulang pa ang buong maghapon para makarecover siya, kasabay pa non ang sobrang pagsakit ng ulo nya at pagsusuka.



"Bakit hindi kayo umiinom? Nakailang bote na ako ng alak tapos hindi nyo pa rin nauubos 'tong isang bote? Ang kj naman," reklamo ni Denice ng lapitan nya kami dito sa pwesto namin, may hawak pa siyang isang bote sa kamay nya, medyo mapungay na ang mata nya at hindi na diretso ang lakad.



"Huwag ka ngang magpakainom, magdadrive ka pa." tamad kong sabi sa kanya habang nakasandal sa upuan at nilalaro ang isang bote sa kamay ko.



"Libre 'to eh, dapat sulitin ko na." tumawa siya habang sinisinok sinok pa.



"Ako na lang ang maghahatid sa kanya kung sakali," pagpepresenta ni Samuel sa tabi ko kaya hindi na ako muling umimik pa.



Sinimangutan lang kami ni Denice bago bumalik sa bar, napailing na lang si Samuel dahil sa naging asal ni Denice, alam nyang hindi talaga 'yon magpapapigil kaya magandang ihatid na nga lang nya mamaya.



"Where are you going?" mabilis na tanong ni Samuel ng makita akong tumayo at akmang aalis.



"Kukunin ko ang bag ko sa kotse, why?" my brows furrowed.


Wala talaga akong gana uminom ng alak ngayon kaya magssketch na lang ako, ngayon ko lang din napansin na magandang inspiration 'tong bar para sa designs na gagawin ko. It's a sassy and dark collection. Loud, crowded places like this will be a great ambiance to explore.



"Ako na, just look after Denice. Give me your keys," walang patinag na tumayo si Samuel at itinapat ang kamay sa harapan ko, naghihintay na ibigay ko ang susi.



"Ikaw na lang ang magbantay kay Denice, ako na ang pupunta sa kotse." pagtutol ko.



"Just give me the keys, Ria." his serious gaze made me gave up. Epal talaga.



"The tote bag in the backseat, not the dior one. The tote bag." muli kong paalala sa kanya bago siya maglakad paalis. Dalawa kasing bag ang dala ko, baka mamaya mali pa ang makuha nya.



Habang naghihintay ay inililibot ko lang ang tingin sa paligid. Napakunot ang noo ko ng mapunta ang tingin sa direksyon ng bar kung nasaan si Denice, natanaw ko ang papungay pungay na nyang mata habang may dalawang lalaki na nasa harapan nya, parang kinakausap siya. Dinampot ko ang wallet at phone ko sa lamesa bago maglakad papunta sa direksyon nya.



"Are you with someone? Come on, we'll take you home." rinig ko ang sinabi ng isang lalaki habang hinahawak hawakan si Denice sa balikat. Tiningnan pa nito ang kasama nya habang nakangiti ng nakakaloko.



"N-no..." Denice almost whispered, now half-eye opened.



"Come on, we'll take care of you. We won't hurt you, we can give you pleasure instead if you want too," sabi naman ng isa pang lalaki at hinaplos ang buhok ni Denice. Pilit na umiiling si Denice habang inilalayo ang sarili sa dalawang lalaki.



I walked faster at marahas na tinapik ang kamay ng lalaking humahaplos sa buhok nya. Dahil dito ay parehas akong nilingon ng dalawang lalaki, gulat ang ekspresyon.



"She's with me, so don't touch her." I urged sarcastically. Napansin kong napangisi ang isang lalaki habang tinitingnan ako from head to toe.



"You look prettier. Single?" the first guy playfully touch my shoulder kaya buong pwersa ko siyang tinulak, agad kong kinuha ko ang kamay ni Denice at pwinesto siya sa may likuran ko.



"Fuck off," I hissed.



"Easy, we just want to have some fun. Come with me, I show you how it's done." he smirked and try to touch me again, he even licked his lips to show his maniac expression.



"Try to touch me again, I swear that your face will gonna hit the floor. I swear." I glared at them sharply before turning around to walk away.



Akala ko ay tumigil na sila pero naramdaman ko na lang ang isang kamay na pumulot sa bewang ko at sinadyang padaanin ang kamay sa gitnang bahagi ng binti ko. Dahil sa sobrang pagkabigla ay mabilis akong humakbang pauna para maalis ang kaway sa bewang ko, humigpit rin ang hawak ko kay Denice.



"What the fuck is your problem!?" I cursed at the guy who's still smirking while looking at us intently.


"Don't be such a kill joy, honey. We'll be quick, you look so appetizing." the other guy laughed, sounds like a demon or something underneath the soil.



"Gago ka pala talaga eh!" I step forward and harshly gave him a powerful blow in his face, immediately, he was like a building that razed on the floor because of my punch.



Napatayo ang ibang tao sa paligid habang nakatingin lang sa'min. Ang isa pang lalaking kasama nya ay mabilis siyang dinaluhan sa sahig habang nakatingin ng masama sa'kin. Umakto pa akong pinapagpagan ang kamay na pinangsuntok ko kaya mas lalong tumalim ang tingin ng lalaki, kahit nakasuntok na ako ay hindi pa rin naalis ang mahigpit na hawak ko kay Denice sa kabilang kamay ko. Denice is still sober habang minamasahe ang ulo nya, mukhang wala pa ring alam sa mga nangyayari.



"Bitch!" nanlilisik ang tingin ng lalaki sa'kin at mabilis na tumayo para lapitan ako, bahagya kong itinulak si Denice.



Bago pa ako makaiwas ay nasampal na ako ng lalaki. Mabilis kong nalasahan ang dugo sa labi ko, pinahid ko iyon gamit ang hinlalaki ko at muli siyang tiningnan ng nakakaloko. Akala nya siguro ay uurong ako dahil sa sampal na 'yon. Doon siya nagkakamali.



Natanaw ko ang lalaking sinuntok ko kanina, nakahiga pa rin ito sa sahig at hindi nagalaw, mukhang nawalan na ng malay. Akmang sasampalin ulit ako ng lalaki ng biglang may pumigil na kamay sa kamao nya kaya napahakbang ito paatras.



"Pati babae pinapatulan mo?" Samuel's voice hardened, and his face.... I never saw that kind of expression on him, never in my life.



"What?" tanong ng lalaki, magkasalubong ang kilay. Mukhang hindi naintindihan ang pagtatagalog ni Samuel.



Natagpuan ko na lang na nakabulagta sa sahig ang lalaki, katabi ng lalaking sinuntok ko kanina. Walang pakealam na nakatayo si Samuel sa tabi ko habang matalim pa rin ang tingin sa lalaki. Sinubukan pang tumayo nito pero dumating na ang mga guards at mabilis silang dinampot para ilabas doon. Muli kong nilingon si Samuel sa tabi ko, nag aalala siyang nakatingin sa'min ni Denice, ng mapadako ang tingin nya sa may labi ko ay agad siyang napaiwas ng tingin, narinig ko ang sunod sunod nyang mura.



"Ako na ang maghahatid kay Denice," walang emosyon kong sabi kay Samuel at nilampasan siya, hila ko pa rin si Denice dahil halos hindi na siya makalakad ng diretso.



"Sandali lang," Samuel grabbed my hand ng pasakay na ako sa kotse, naisakay ko na si Denice sa backseat, mahimbing na ang tulog.



"Why?" I asked confusingly.



"I'm sorry," he let out a heavy breath and gently put his thumb beside my bruised lip.



Umatras ako palayo sa kanya at pwersahang tinapik ang kamay nya paalis sa labi ko, "Ano bang ginagawa mo!? It's okay, I'm okay. Hindi naman ako nasaktan."



Nagulat ako ng humakbang siya palapit sa'kin at niyakap ako, mahigpit na yakap.



"Please, stop putting yourself in danger. Hindi ko na alam ang gagawin ko kung mapahamak ka na naman." he sobbed in my ears.



"I'm okay."



"No, you're not. Stop saying that eveything is okay, I know you.... you're just saying that because you don't want the people around you to be worried." he urged.



Pilit ko siyang itinutulak palayo, pero mas lalong humigpit ang yakap nya.



"Let me go. Pagod na ako, gusto ko ng umuwi." pagtaboy ko.



He slowly unwrapped his arms around mine, then bend on his knees to the ground. I raised my brow because of shock and confusion, he smiled at me and gently held my hand, holding the both of it tightly.



"I can't last another day, knowing that you're still mad at me. Just give me this one last shot, I'll prove myself.... I will be good, just one last time, Ria." he begged on his knees.



Hindi ako magalaw sa kinatatayuan ko, hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. He always does this, even tho I rejected him for so many times, he never gave up and leave my side.



Hinawakan ko ang mga braso nya at itinayo siya, ngayon ko lang ulit natitigan ng maayos ang mukha nya, ni hindi ko nga napansin na pumayat siya. Ang mga mata nya ay tila mabigat na kung tingnan, hindi tulad noon na puno ng kislap at sigla. Marami na talagang nagbago.



I step towards him, I tip-toed and gave him a tight hug. A long tight hug. It's been a while.



"It's alright. I understand.... it was alright." I whispered to his ear that made him sobbed even more.



"Will you give me a chance?" his voice were trembling.



"Sshh. I will, please stop crying."



"I missed you," hinaplos nya ang buhok ko at mas ibinaon ang mukha sa balikat ko.



I paused for a second. Suddenly remembering the face of someone.... someone I loved so much. But I can't think of him right now, he's not the one who's here with me. I need to respect that.



"I missed you too, Samuel." I whispered back.


"Anong nangyari kagabi? Bakit ka may sugat sa labi?" Denice sat in front of my desk while swinging her legs beside.



I rolled my eyes, "Wag mo ng alamin,"



"Bakit!? May nangyari ba? Hoy, gaga ka! Anong nangyari!? Malala ba? Muntik na ba akong mamatay?" hysterical nyang tanong.



"Medyo," tamad kong sagot at ipinagpatuloy ang pagrereview sa papel na hawak ko.



"Anong medyo? Medyong muntik na akong mamatay?" pangungulit pa rin nya.


"Ako 'tong may sugat tapos ikaw pa ang muntik mamatay? Iba ka talaga, Vanidestine." I laughed sarcastically.



"Eh, ayaw mong magkwento eh! Kanina pa akong nacucurious dito,"



"Wala ka bang trabaho? Ang alam ko, marami akong itinambak na sketches sa lamesa mo."



"Ikaw pala ang salarin sa tambak kong trabaho ngayon. Ang salbahe mo sa'kin," she pouted, still swaying her legs from back and fourth of my table.



"Tsaka mo'ko tawagin na salbahe kung di kita pinapasweldo. Lumabas ka na nga, hindi ako makafocus sa ginagawa ko,"



"Chichika lang eh, grabe naman, nagbago ka na talaga. Hindi na ikaw ang Ria na nakilala ko noon." humikbi siya at inilagay ang kamay sa dibdib, umaktong dinadamdam ang mga sinabi ko.



"Kapag hindi ka pa lumabas, dadagdagan ko yung mga papel na nasa desk mo." pagbabanta ko habang pinipigilan ang pagtawa.



Wala pang limang segundo ay narinig ko na ang pabagsak na pagsara ng pinto, ang bilis nyang tumakbo palabas. Napailing na lang ako habang tumatawa, ayoko ng sabihin sa kanya ang nangyari dahil alam kong mag ooverreact na naman siya, baka mamaya sumugod pa 'yon sa resto, siguradong gulo na naman. Hindi na nga kami nakapag apologize sa may ari ng restaurant kagabi, hindi na rin ako pinayagan ni Samuel na bumalik pa doon dahil baka kung ano na naman daw ang mangyari. Siya na lang daw ang dadaan sa resto mamaya kapag maagang natapos ang trabaho nya.



"Still have an appointment today?" tanong ko kay Allyson pagsakay pa lang namin ng elevator papunta sa office ko.



"Miss, you have a meeting at 6 pm." mabilis nyang sagot habang tinitingnan ang hawak nyang planner.



"With whom? I didn't see that in my schedule." my brows furrowed.



"I emailed it to you earlier, Miss. Their appointment was filed yesterday."



"Just update me when they arrive. I'm gonna rest in my office for a bit. I feel so exhausted." I urged with a fallen face. I'm still adjusting on my work loads.



May isang oras pa ako para magpahinga. Chineck ko muna ang email ko para tingnan kung sino ang imimeeting namin mamaya, I was shocked when I saw the business address that's written below the letter.... from the Philippines. Muli kong binalikan ang pangalan ng nagfile ng appointment, nakahinga ako ng maluwag ng makitang hindi pamilyar ang pangalan. Glad she's not related to the Carson's, sobrang kalat pa naman ang pangalan nila dahil sa success ng mga business ventures nila all over the world.



["Hello, Miss? The clients just arrived in the board room, they are waiting for you."] Allyson informed me in the telephone.



"I'm coming, just give me a sec." sagot ko at ibinaba na ang tawag. Kinuha ko ang compact mirror sa bag para icheck ang sarili. I need to look presentable.



Palabas na sana ako ng pinto ng biglang magring ang phone ko, mabilis ko 'yong sinagot ng makita ang pangalan ni Samuel.



"Hey," I greeted.



["Ria!? Nasaan ka? Please, tulungan mo ako!! Kailangan kita dito!! Puntahan mo ako!!"] Samuel's trembling voice made my heart jumped. Sobrang kaba ang naramdaman ko.



"W-why? What happened!?" I tried to calm myself.



"Basta, kailangan kita dito. Puntahan mo ako ngayon na, isesend ko sa'yo ang address." he's still panicking.



"O-okay, I'll be there. Wait for me," pagkasagot ko ay agad na nyang pinatay ang tawag. My heart is racing, baka kung ano ng masamang nangyari kay Samuel.



Patakbo akong bumalik sa lamesa para kunin ang susi ng kotse ko. Tinawagan ko rin si Allyson para sabihing hindi na ako makakaattend sa meeting, sila na ang bahala kung gusto pa nilang ituloy o iresched na lang.



I drove faster than usual. Buti na lang at alam ko ang address na sinend ni Samuel, napuntahan na namin 'yon dati, malapit lang 'yon sa condo ko.



Habang nakasakay ako sa elevator paakyat sa pinakamataas na floor ay hindi pa rin mawala ang kaba sa dibdib ko. Halos mapudpod na ang daliri ko kakatext kay Samuel pero hindi na siya sumasagot. Nang bumukas ang elevator ay walang pagdadalawang isip na akong naglakad papunta sa exit door na nasa pinakadulo ng hallway, ang daan papuntang rooftop. Buong pwersa kong itinulak pabukas ang bakal na pinto kahit sobrang bigat nito, naramdaman ko pa ang pagkirot sa balikat ko.



Napasigaw ako ng may magtakip ng mata ko mula sa likuran, walang atubili ko itong siniko, narinig ko ang pag aray nito kaya lumuwag ang pagkakahawak nya sa'kin, mabilis akong humakbang palayo.



"Samuel!?" I exclaimed when I saw him hugging his tummy, hindi maipinta ang mukha nya.



"Surprise lang eh, bakit nananakit?" pag angal nya.



"Surprise!? So ibig mong sabihin, wala talagang emergency!?" I shouted in disbelief.



"Tagal na," he smiled and gave me a peace sign.



"Tanga ka ba!? Alam mo bang iniwan ko ang meeting ko para lang puntahan ka dito!?"



"Talaga? Mas pinili mo ako?" Samuel is forcing not to show his smirk.



"Gago!" sigaw ko at padabog siyang tinalikuran.



"Sorry na, namiss lang naman kita," he chuckled. "Matagal na nung huli tayong nagpunta dito, alam kong hindi ka pupunta kapag niyaya kita kaya ginawan ko na lang ng paraan."



"Alam mong marami akong trabaho ngayon," naiiling kong sagot.



"Yun na nga eh, kaya ano pang hinihintay natin? Huwag nating sayangin ang pagtakas mo sa trabaho. Tara na." hinila nya ako papunta sa may likurang bahagi ng deck na malapit sa pinto.



A teasing laugh escaped my mouth when I saw many fairy lights hanging in the poles around the rooftop. There are petals of roses sorrounding the floor, following it's way to a glass table in the center with a two sits facing each other, and a bouquet of roses above the table. There are also some candlelights placing near the petals, the view is very romantic and instagramable.



"This is my first time to do something like this, don't tease me." nahihiyang napakamot sa batok si Samuel.



"What's this all about?"



"Celebration,"



"Celebration for what?" wala sa sarili kong tanong, busy pa rin ako sa pag admire ng ganda sa paligid.



"Celebration of us.... starting again,"



I was stopped because of what I heard. I slowly looked at him, and he's already staring at me. I rolled my eyes to avoid his gaze, he just giggled because of my reaction.



"Kailangan bang icelebrate 'yon?" tumawa ako.



"Hindi lang naman iyon ang dahilan," inalalayan nya ako para makaupo, dinampot nya ang bouquet na nasa ibabaw ng table at ibinigay sa'kin bago umikot sa kabilang side para umupo.



"Huh?" I peered at him with confusion while fixing the bouquet that I'm holding.



"Can I court you?"


_______________________

_____________________________________


- team Trevor pa din ako :)

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 36.2K 61
WATTYS WINNER When her fiancé ends up in a coma and his secret mistress, Halley, shows up, Mary feels like her world is falling apart. What she does...