High School Superstars [On-go...

By Akatsuki_Haru

8.9K 441 159

Basketball Superstars book 2. 1 year later.. another set of Interhigh and superstars have immerged. The young... More

Start
1. Who's That Pokemon
2. Who Is He?
3. Consciousness
4. Peaceful World
5. Jeremiah
6. Close To You
7. Annoyance
8. Sermon
9. Beg
10. The Good News
11. New Player
12. Jershey Number 3
13. Opening
14. Stephen Gets On
15. A Superstar
16. Talking While Playing
17. Balancing The Stamina
18. 5 Minutes Remaining
19. Close Game
20. Uncontrollable
21. Fake Reaction
23. Volleyball Girls

22. Road Game

13 1 0
By Akatsuki_Haru

Kinabukasan, syempre hindi mawala sa isip ko 'yung naging kagroup ko si Stephen sa hindi maipaliwanag na dahilan kung bakit ginawa 'yun ni Ma'am Butalid? Pwede naman kasing dayain na lang 'yun. Naglalakad ako pagpasok ko sa gate. Doon ako dumaan sa eskinita na napapalibutan ng room kabilaan kaya ang dami kong nasasalubong at marami ding tao ang kasabay maglakad. Hanggang sa naramdaman kong may tao sa gilid ko na sinabayan akong maglakad. Syempre lilingon ako baka kilala ko siya. Nakita ko ang matangkad na lalaki na si Stephen. Nahiya tuloy ako. Tumingin siya sa'kin, hindi ko alam kung babatiin ko ba o ano. "Kamusta 'yung usapan natin?" Tanong niya.

Usapan? "Usapan saan?"

"Sa mga tanong. Naisulat mo na ba?"

"Yun ba? Oo."

"Galit ka?"

"Hindi, bakit?" Paano ba ako sumagot. Pasuplada ba?

"May laban kami bukas." Ah bukas pala ang next game nila. "Syempre alam ko kailangan ka din doon. Hindi naman daw makaka-exam lahat ngayon kaya mas gusto ko tayo ang mauna."

"Kumpleto na ang tanong." Nginitian ko na lang siya.

"Sige, mauuna na ako, bagal mo maglakad." Ano daw? Napansin ko na bumilis ang lakad niya. Hindi ko na lang siya pinansin sa sinabi niya. "Oo nga pala." Tumigil siya sa paglalakad kaya inabutan ko siya.

"Bakit?" Tanong ko, syempre kailangan kong itanong 'yun.

"Tutal, may atraso ka sa'kin." Atraso daw. Saan, kailan? "Natatandaan mo?"

"Paano ako nagkaatraso sa'yo?" Nagtataka ako sa taong 'to.

"Pinagalitan ako nang dahil sa'yo 'di ba?"

Hindi pa pala tapos 'yun sa kaniya. Masama pa yata ang loob. "Gusto ng mga teacher na magkaayos tayo, kaya kailangang ipakita natin na okay na tayo."

"Okay na naman tayo a." Kinakabahan ako. Ano kaya ang plano nitong taong 'to?

"Doon ka uupo malapit sa bench sa laban. At ikaw ang alalay ko. Pwede ba?"

Natulala ako sa sinabi niya. Alalay? Ano ba ginagawa ng alalay? "Alalay?"

"Oo, tutulong ka lang sa team. Specially sa'kin."

Ano kaya ang pumasok sa isip nitong lalaking 'to? Akala ko ayaw na niya akong makausap. "Si-sige." Sige bahala na. Mukhang exciting naman 'yung sinasabi niya? Taga abot ng tubig ganern?

"Salamat. Aasahan ko 'yan hah," Lumakad siya ng mabilis. Nauna na siya sa'kin. "Salamat, Taba."

ANO? NANGGIGIGIL NA AKO. Pero napangiti ako. Hindi naman kasi seryoso ang itsura niya. Halatang hindi naman siya nang-iinsulto. "Taba ka diyan. Hmp." Pahabol ko pero ewan ko lang kung narinig niya.

Pumasok ako sa room at saglit na saglit lang dumating si Rachel. "Ano 'yung pinag-usapan niyo ni Damasco? Nakita ko kayo?"

Napatingin ako kay Stephen. Grabe kachsimosa naman 'to. "Ah wala. Tungkol sa groupings natin. Kagroup ko siya 'di ba? Need namin mauna mamaya kasi may laban sila bukas."

"Yehey!" Grabe si Rachel, ako nga tahimik lang tapos siya pinahalata naman niya na masaya siya. "Manonood tayo a. Ako ang bahala."

"Oo na." Umupo na ako sa tabi ni Stephen.

"Dito ka muna, wala pa ngang Flag Ceremony atat na atat ka sa upuan mo."

Nahiya naman ako. "Ilalagay ko lang 'tong bag ko. Grabe ka talaga."

Maya maya lang dumating na sila Resty at CJ. Syempre asaran na naman. At dahil may laban sila bukas, pinipressure ni Rachel si Resty. "Kayang kaya namin 'yung makakalaban." Sabi ni Resty. "Doon gaganapin sa Saint Peter Institute dahil request ng school nila."

Ah ganun ba? Pero sa natatandaan ko, hindi naman malakas ang team ng Saint Peter. "Dadayo tayo doon?" Tanong ni Rachel.

"Oo. Windon sana ang makakalaban natin pero binago dahil nalaman ng namamahala ng Interhigh na malakas na team tayo. Ang mga malalakas na team ay maglalaban-laban next round."

"Teka, kailan sila dadayo dito?" Tanong ko.

"Baka next game tapos nitong laban namin. Santo Domingo ang dadayo sa'tin."

"Lagot sila sa'kin." Tumingin ng matalim si Rachel sa lahat. "Manonood tayo pagdumayo sila dito. Lahat tayo pare-pareho ng suot."

Sumingit ang isang kaklase namin. "Oo ba, basta ba sponsor mo damit namin."

Nagtawanan ang lahat. "Hindi a. Pare-pareho kulay, kaya niyo na 'yun."

Biglang bawi. Ayan kasi. Si Rachel talaga.

Mabilis na lumipas ang oras. Eto na ang hinihintay ko. Si Ma'am Butalid. "Yung mga may laban bukas, ngayon na mag-eexam a." Tumingin si Ma'am sa'min ni Stephen. "Kayo, nakagawa na ba kayo? Sino ang mag-eexam?"

"Ma'am." Sumagot si Stephen kasi sa kaniya tumingin si Ma'am. "Si Taba po gagawa ng exam." Pinandilatan siya ni Ma'am.

"Nakagawa na po ako." Pinakita ko pa ang malaking papel.

"Damasco, umayos ka a." Pagbabanta ni Ma'am. Baka ang tinutukoy 'yung pagtawag niya sa'kin ng taba. "Ayoko na ng paiiyakin mo si Cardona a."

"Okay na po kami, Ma'am." Sagot niya. Tapos tumingin siya sa'kin. Tumingin din sa'kin si Ma'am.

"Sure kayo a. Ayoko nang mga tampuhan at iyakan a!"

Nakita kong ngumiti si Stephen. "Hindi na mangyayari 'yun, Ma'am."

"SIGURADUHIN MO LANG. HAH, DAMASCO!"

Nagtawanan na naman lahat dahil kapag ganun ang boses ni Ma'am na hindi mainit ang ulo, nakakatawa lang. "Yes, Ma'am." Sagot naman ni Stephen. Alam naman niya hindi galit si Ma'am. Hmp hindi ko tuloy alam kung sa'kin sila kampi. Pero napapansin ko hindi na ako naiilang kay Stephen. Hindi ko alam ang plano niya, kung totoo ba talaga ang pinapakita niya o wala lang siyang magawa ngayon. Ayoko pa naman ng paasa.

-

Mabilis na lumipas ang isang araw. Umaga ang laban kaya sumakay na naman kami ng bus. Syempre isa kaming tatlo ni CJ at Rachel. Kasama ko sila. Nakita ko si Stephen na nakasakay sa likod. Konti lang kami dahil wala ang volleyball girls. Bukas pa ang laban nila at ang ilan. Basketball lang talaga ang meron ngayon at ang iba ay sa hapon pa. Habang nakasakay sa bus ay lingon ako ng lingon sa likod. May usapan nga pala kami ni Stephen na magiging alalay ako. Kung tutuusin dapat hindi ako pumayag pero bakit ba ang hirap tanggihan ng mokong na 'yun. At sa wakas nakarating na kami sa Saint Peter. Pumarada ang bus sa loob. Malaki din pala ang school nila. Nang makababa kami ay nagulat ako dahil ibinigay sa'kin ni Stephen ang Varsity bag niya na malaki. Hindi naman siya mabigat. "Ano 'to?" Kunyari'y reklamo ko pero syempre, alam ko na ang nangyayari. Taga-bitbit niya ako. Bakit ba ako ang napili niya? Gawain yata ng mga girlfriend 'to kaya feel na feel ko.

"Taba, dalhin mo 'yan." Grabe talaga siya.

"Hoy, taba!" Si Kuya. Grabe sila.

"Bakit?"

"Isusumbong kita kay Mommy a." Teka, akala ko maiinggit siya. Bakit niya ako isusumbong? Baka nga gawain ng mga girlfriend ito kaya lagot ako. Lumalandi yata ako.

"Edi isumbong mo!" Binelatan ko pa siya.

"Close na kayo ni Damasco?" Tanong ni CJ.

"Dalawang araw lang ang lumilipas, Taba na ang tawag sa'yo?!" Si Rachel naman.

"May usapan kasi kami. Hanggang ngayon hindi pa niya nalilimutan 'yung pinagalitan siya dahil sa'kin." Sagot ko. Ewan kung maniniwala sila.

Eto, bitbit ko ang bag ni Stephen. Nakarating kami sa gym. Hindi naman kalakihan ang gym pero ang dami estyudante. Ang konti lang namin. Hanggang may narinig kaming isang mag-aaral na tumatakbo papunta sa isang guro na nandoon. "Sir, sir!" Tawag nito.

"Bakit?" Tanong ng guro.

"May mga gustong manood na taga-ibang school."

Ano daw? Grabe sila a. Lagot sila bakit sila nandito? "Paki-sabi bawal." Sabi ng guro. "Oras ng eskwela ngayon. Kung nandito sila dapat suportahan nila ang school nila. Hindi natin alam kung nagcutting class sila o ano. Baka paalam nila pupunta sila sa AI pero dito sila sumiretso."

Bumalik ang estudyante. Pero maya maya lang ay may mga nakita kaming ibang school. Siguro mga dalawampu sila. "Sir." Lumapit ang isang teacher na babae.

"Anak ng.. bakit nandito sila. Malalagot tayo kapag kinunsinti natin sila." Sabi nito.

"Project nila na ireport ang kaganapan sa laban kaya pinayagan ko na. Mukhang nagsasabi naman ng totoo dahil pinakita sa'kin ang notebook."

Haaaay. Nakakatuwa naman. May mga ganun pa sila. "Sige, bahala sila. Isang buwan lang naman 'tong tournament. Siguro naman pwede na 'yun na maabala ang ibang subject nila." Kumamot pa ng ulo ang teacher.

Napansin ko na nakapwesto na sila sa bandang ilalim ng court. Kami naman nandito sa bench at ang ibang taga-suporta namin ay malapit lang sa'min. Kinuha ni Stephen ang bag niya sa'kin. Napansin ko na nakamedyas lang siya at jogging pants. Malamang nasa bag ang sapatos. "Diyan ka lang a." Sabi pa sa'kin. Akala naman aalis ako.

Maya maya lang ay bumalik na siya. Ibinigay niya uli ang bag niya habang nakaupo ako. "Andyan ang towel ko." Dagdag pa niya.

"Opo." Pataray kong sagot. Pero naisip ko. Paano nga pala nung wala ako? Wala siyang taga bigay ng towel o tubig. Hirap siguro siya. Nakita ko si Kuya na may dalang energy drink. Nilagay sa upuan.

"Akin na 'yan, Kuya. Babantayan ko." Sabi ko.

"Huwag na, baka inumin mo pa." Nagtawanan sila. Grabe siya.

"Ikaw na nga ang tutulungan, diskumpyado ka pa!!"

"Sige, ayan. Eto towel ko. Suportahan mo ako a." Aba at seryoso pa. Naalala ko ang sinabi ni Mommy.

"Pag may time ako, papanoorin kita."

Hindi pa ngayon. Kailan kaya? Sana naman huwag mapahiya si Kuya. "Akin na 'yan." Kinuha ni Rachel 'yung gamit ni Kuya. Ah basta, bahala sila. Habang nagwawarm-up sila ay panay na ang sigawan ng mga tao. Nakakairita na kasi kami walang magawa. Hanggang sa tinawag na ang starting 5 ng kapwa team. Excited ako mapanood ito. Hindi naman ako mahilig sa basketball pero kapag mga kakilala ko ang mga maglalaro, gustong gusto ko manood.

Nang magsimula ang Jumpball ay natapik ni Kuya ang bola hanggang makuha ni Kuya Reggie. Kaya nagsigawan na lang kami.

Third person's POV

Hawak ni Reggie ang bola at agad nakita si King sa loob na nakalusot kaya malakas na pasa ang ginawa niya. Nasalo naman ito ni King at agad tumira, sinabayan siya pero pumasok ang bola. Sigawan ang mga mag-aaral ng SJA.

"Galing ni Kuya a." Sabi ni KC habang pumapalakpak.

Hawak ngayon ng ball handler ng Saint Peter ang bola. Pinasa sa kakampi at pinasa uli. Pumasok sa loob at agad din naman nakakuha ng puntos. Sigawan ang mas maraming mag-aaral. Ngayon hawak uli ni Reggie ang bola. Tumira siya ng jumpshot pero sumablay. Nakuha ng kalaban nila ang rebound. Umiling lang si Reggie. Binantayan na lang niya ang kalaban. Umikot ang dipensa dahil pinapasa ng pinapasa ang bola. Pinapaikot ito hanggang may makatyempo at papasok sa loob, ipapasa sa mas malapit na kakampi at easy basket. Sigawan uli ang mas maraming mag-aaral ng Saint Peter.

"Lamang na sila." Reklamo ni Rachel.

"Oo nga e. Sino ba ang nakalaban nila?" Tanong ni KC.

Pero walang nakasagot ng tanong niya at abala sa panonood ang lahat. Kinuha na ni Stephen ang bola at kapapasa pa lang sa kaniya ay humihiyaw na ang mga estudyante ng Saint Peter.

"WALA 'YAN! WALA 'YAN!"

Pumasok sa loob si Stephen pero natapik ng dumidepensa sa kaniya ang bola kaya nawala ito sa mga kamay niya at nakuha ng kalaban. Agad ibinato sa kakampi na tumatakbo. Sinalo ito at konting takbo sabay lay-up. Hindi na umabot si Resty na didipensa dito. Pumasok ang tira.

6 - 2 lamang ang Saint Peter.

"Lugi tayo, sanay na sila dito. Naninibago pa si Damasco." Reklamo ni Rachel.

Hawak uli ni Stephen ang bola at pinasa kay Resty. Libre ito sa 3 point area kaya agad naman itong tumira pero sumablay. Narebound ng kalaban at ibinato na naman sa kakampi na tumatakbo. Sinalo ito pero marami na ang nakadipensa sa kaniya. Isa na dito si Stephen kaya nang tangkain niyang agawin ito ay ipinasa na agad sa kakampi. Hindi pa bumababa lahat ng player kaya maluwag pa ang loob. Nakalusot doon ang isang kalaban kaya ipinasa dito. Sinalo agad sabay tigil sa tapat ng ring at tinira. Pumasok uli. 8 - 2 na ang score.

"Focus kayo!" Sigaw ng Coach ng SJA.

"Ano ba 'yan, lugi talaga." Reklamo uli ni Rachel.

Ang lakas ng sigawan sa paligid. Tumira sa tres si Stephen pero sumablay na naman. Umiling siya at tumakbo paatras para dumipensa pero napansin niyang dumaan sa ulunan niya ang bola. Galing ito sa kalaban. Kaya tumalikod siya para tignan ang bola, kitang kita niya nang saluhin ito ng kalaban. Hinabol niya ito para supalpalan. Nilay-up nito ang bola ay tumalon siya nang mataas para maabot ang bola pero humarang ang katawan ng kalaban. Tumalsik ito at natumba. Pumito ang referee.

"Foul.." Tumingin sila sa bola. Pumasok ito. "Basket!!" Sabi ng Referee.

Sigawan na naman ang buong paligid. 10 - 2 na ang score.

To be continued ....

Continue Reading

You'll Also Like

21.4K 448 36
Zariyah Krystelle Mariano, Is In love with his dad's personal driver. She confess her feelings to him but, Giovanni Salazar's rejected her. Date Star...
35.2M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
2.8M 53.7K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...