Hatid-Sundo (To Be PUBLISHED)

By runesaito

31.9K 694 66

Ano ba ang tingin nyo sa BOKU NO PIKO? Hindi ba't isang simpleng Manga tulad ng iba? Maraming Anime Lover ang... More

Pagpapakilala
Sinehan
Bahay ni Jestoni Alcala
Tunay kong pamilya
First day with Nathan Jonnes
Ang CD ni Jes? It's a TRAP
Ang Sandwitch
Sing for Him
Confessions
Si Nathan
Di na mababawi
Chapter 11 & 12
Love or Lust
Ang nararmdaman ng magkapatid
Pag-amin sa kaganapan
White Deer
Future Holds (Blue Tear Gem)
Bakit ako pa? (Nephrite)
paghaharap
Chapter 21 & 22
You're Trying too Hard
Pagka-awa
One place three cases
Ang muling pagkikita
Maghihintay Ako
Another Hatid-Sundo 01
Another Hatid-Sund 02
Kakaibang Pakiramdam
Pagbabalik ng Ala-ala
Si Jerwin at ang kanyang nakaraan
Kami lamang ngayon(till it happened to you)
Elo
Pampublikong Tren
Walang Kwentang Palabas (Paalam Mafia)
Bahay ng Pusa
Ang Alamat at si Mico
Bakit pa?
Nathan Sees
3 Years Ago
General Fiction
Ang taong iyong Sandigan
This Ending

Unang pagkilala

4.1K 62 10
By runesaito

Hatid-Sundo

01

Unang pagkilala

Alien's PoV

"Alien, bumaba ka na nga dito! Kakain na." Paagtawag sa akin ng mama ko na si Anastasia. O mas gusto kong tawaging Ana.

Alien ang tawag niya sa akin dahil anak niya ako sa isang Scotish guy na naka-one night stand niya. Nakilala ko naman ang aking papa na si Harold McGeorge at dahil nga may lahi akong alien, kaya alien ang tawag sa akin ng aking ina.

"Opo! Nagpapa-gwapo lang po." Sagot ko sa kaniya habang nagsusuklay. Nagpupulbos din ako dahil mainit ngayon. July na kaya kailangang may anti-pawis ka para magustuhan ng mga chickas.

"Hay naku kang bata ka. Bilisan mo na dyan at nandito na si Ryan." Nagpaikot na lang ako ng mata.

Si Ryan ay grade twelve at ngayong taon ang huling taon niya sa high school namin. Palagi niya akong pinupuntahan dito at dito na rin nakikikain sa amin. Nagdadala din siya ng mga kung anu-anong bagay para daw hindi nakakahiya kay mama dahil palagi siyang dito kumakain.

Mabait naman yang si Ryan. Kapag breaktime ko, agad siyang tumatakas sa klase niya para lang mailibre ako pero dahil matalino siya nagagawa pa rin naman niyang pasahan ang mga klaseng nagka-cutting classes siya.

Bumaba na ako matapos akong makontento sa itsura ko. Maliit lang itong bahay namin. Simpleng may sementadong dingding, may dalawang pinto para sa entrance at fire exit, may panuluyan ang mga bisita pagkapasok ng pinto at may kusina at dinning table na hindi naman sobrang lapit sa isa't-isa.

"Ui, Goodmorning Honey A, kain ka na. Nagdala ako ngayon ng pritong manok sana magustuhan mo." Sabi niya na labis-labis ang ngiti.

"Ryan. Ilang beses ko bang sasabihin sa'yong huwag mo akong tawaging Honey A. Alien na lang kung gusto mong gayahin ang pagtawag sa akin ni mama." Saway ko sa kaniya.

Simula noong June na nakilala ko siya sa enrolment, naging malapit ako para sa kaniya. Hindi ko nga maintindihan kung bakit, basta ang sinasabi niya kapag tinatanong ko siya, ganoon daw talaga siya sa mga kaibigan.

Pero sa nakikita ko parang ako lang yung kaibigan niya dahil sa akin lang siya ganito.

"At ilang beses ko rin bang sinabi sa'yo na gusto kong tinatawag kang Honey A. Para sweet." Nagpaikot na lang ulit ako ng mga mata dahil sa mga biro niya.

"Oh Boy, ewan ko sa'yo. Bahala ka na nga. Maka-sweet ka d'yan. Ano ako Chicks? Tol, maraming nagkakandarapa sa'yo, hadang malaglagan ng panty sa harapan mo tapos dahil diyan sa mga sweet-sweet mo na 'yan naiirita na ako't nagtataka sa mga ikinikilos mo." Palagay naman ang loob ko dito kay Ryan dahil alam kong naiintindihan niya ang ugali ko.

Mag-pre kami. Mag-tol, Mag-bro. Pero parang hindi ko nagustuhan yang mga pagtawag niya sa akin ng ganiyan.

"Ay ganun, tampo na ako. Ayaw mo na pala sa'kin sana sinabi mo na lang. Aalis na ako." Parang bata niyang sinabi na may pagnguso pa.

Okay, hindi lang parang bata, pang kilos bata naman kasi ang mga sinabi niya. At dahil lang naiirita ako sa pagtawag niya sa akin na nagpapamukhang babae sa akin, nagtampo na siya. Ang tawag dun pagbabata-bataan.

Dapat nga ako pa ang magalit at magtampo dahil silang dalwa lang ni mama Ana sa mundong ito ang nagpapamukha sa aking mas bagay akong babae kesa lalaki.

"Alien, hayaan mo na nga lang siya. Tutal naman magkaibigan kayo kaya ayos lang yang may tawagan." Sabat ni mama ng mapansing papa-alis na nga si Ryan. Napabuga na lang ako ng hangin at pinayapay siyang bumalik dito kaya naupo na rin si mama sa kabisera at si Ryan ay nasa tapat ko.

"Oh Boy, sige na nga. Payag na ako sa pagtawag mo sa akin. Basta ba't gagamitin mo lang 'yan kapag tayo lang dalawa dre, gets?" sabi ko at ngumiti na ang loko.

"Of couse naman Honey A. Yehey. Kain na ta'yo." Sabi niya pa na abot tenga na ang ngiti.

Matapos naming kumain ay sumakay na kami ng jeep at tulad nga ng nakasanayan ito ng si Ryan ang nagbabayad ng pamasahe ko.

"Huy, ako naman ang magbabayad mamayang pag-uwi. Nakakahiya na pre." Sabi ko sa kaniya at hiwakan ko pa ang balikat niya.

"A-Ano ka ba naman Honey A, ako na lang. Pasasalamat na lang dahil pinakain niyo ako sa inyo." Umakbay siya sa akin at hinayaan ko na lang.

Gag0 talaga itong kaibigan ko. Hindi ako magtataka isang araw mangutang ito sa akin dahil naubusan na siya ng pera. Kaya naman bilang mabuting kaibigan, lahat ng natitira sa baon ko iniipon ko para kung magkataong wala siyang pera mapapahiram ko siya.

Ang bait ko talaga.

"Kapag ikaw nawalan ng baon dahil sa akin, hindi na talaga ako lalapit sa'yo." Banta ko sa kaniya kahit biro lang iyon at naniwala naman siya kaya medyo napakamot siya sa ulo dahil sa sinabi ko.

Ilang minuto pa'y nasa harapan na kami ng eskwelahan namin.

"Edi, hindi ako mawawalan ng baon para lapitan mo lagi ako Honey A." Pinaikot kong muli ang mata ko at nagpatuloy kami sa paglakad papasok ng eskwelahan.

Tulad ng nakagawian simula noong June, hinahatid niya muna ako sa room ko bago siya makapunta sa kabilang building para sa klase niya. Sinasadya ko na rin na magmabilis sa paglalakad namin para may sapat siyang oras papunta sa room niya bago mag-bell. Medyo malayo kasi ang mga rooms ng bawat year level kaya naman sinasadya kong bilisan, siya lang itong mabagal.

Sa classroom naman namin na 11-A, iisa lang ang kaibigan kong lalaki. Lahat kasi ng lumalapit sa akin ay mga babae. Ayaw din akong lapitan ng mga kaklase kong lalaki dahil nga daw may lahi ako. Hindi naman halata sa mukha ko pero kapag nagi-English ako ay nahahalata ang accent ko. Konting-konti lang yun pero parang doon naiinis ang mga kaklase kong lalaki kaya nila ako nilalayuan.

Ang naglakas lamang ng loob na makipagkaibigan sa akin dito ay si Jes. Jes, pinaikli para sa pangalang Jestoni Alcala.

Kapareho ko, wala rin gustong makipag-usap sa kaniya siguro dahil ang apelyedo niya ay katulad sa mga pulitikong tao. Wala naman siyang magawa doon dahil ang tatay nga niya ay isa sa mga pulitiko.

"Yo, Mr. McGeorge!" bati niya. Ayaw niyang tawagin ako pangalan ko sa hindi ko malamang dahilan. Mas masarap din daw bigkasin ang McGeorge kesa sa pangalan ko.

"Oh Boy, Jes-Friend. Ano na. Parang bagong kulay ang buhok mo ah." Bati ko sa kaniya. Kulay dilaw ito ngayon pero noong byarnes ay kulay itim pa ito.

Jes-Friend ang tawag ko sa kaniya kasi parang siya ang nagsisilbing best friend ko dito sa class room. Wala rin naman akong hilig magkaroon ng matalik na kaibigang babae sa sobrang dami na rin naman nila dito. Tatlumpo't apat ang mga babae dito at dalawampu't anim ang mga lalaki. Mas marami ang babae at halos lahat sila may kani-kanilang tinatawag na 'fandom'.

May mahilig sa mga thai movies, boxing, soccer, baseball, other sports, cartoon, editing, photography, at ang pinaka mataas ang porsyento sa lahat ng fandom nila ay ang tinatawag ng lahat na BL o Yaoi.

Ang sabi anime 'yon pero hindi ko na lang muna pinapanuod. Mas masarap subaybayan ang update ng Naruto sa isang site kesa sa mga fandom nila.

"Oh yes mah-friend. Nagsawa na ako sa itim. Do I look like japanse now?" natawa na lang ako't inikutan siya ng mata. Ganyan naman yan, nagiigles kapag nagustuhan niya. Bagay naman sa mukha niyang nakalamang lamang ng ilang paligo sa kagwapuhan ko.

"Mukha kang itlog na nakawala sa sisiw." Sabi ko at naupo na ako sa tabi ng kaniyang upuan. Magkatabi lang kami ng upuan at ako ang nasa may hatiaan ng classroom.

Kumamot lang naman siya sa kaniyang ulo at saka naupo na rin. Hindi niya siguro naintindihang sinadya kong maliin ang sinabi ko dahil mukha talaga siyang puting itlog na may nagpumilit lumabas na sisiw sa uluhan niya.

Cute pero in a monster way.

"What do you mean Mr. McGeorge?" minsan talaga may pagkabobo itong kaibigan ko.

"oh Boy, ibig kong sabihin ang pangit. Nangitim ka sa dilaw. Mukha ka ring may Hepa. Ipa-bleach mo na yan." Komento ko kahit na nagmukhang masama ako ang tao sa pagkakasabi ko noon. Alam din naman ni Jes na hindi na mababagong mapanlait ako kapag pangingilatis na sa sarili kong fandom ang pinag-uusapan. Kaya naman di ko na muna siya pinansin at binuksan ko yung libro niya nasa kaniyang lamesa saka ko ito ipinatong sa lamesa ko.

"What? Ipapahanap mo pa sa akin si Ichigo kurosaki para lang sa buhok ko?"

Ay tanga.

"Bobo!" Agad ko siyang hinampas noong libro niya at sabay kaming natawa. "Mga biro mo pang matalino. Hayup ka. Dre!" lalo pa kaming natawa ng umakto siyang may hawak na espada.

"Pwede na bang cosplayer?" tanong pa niya.

"Sus, di bagay mas bagay sa'yo si Kon, yung stuff toy na leon!" Biro ko na parang pabiro rin niyang ikinatamlay. May paghawak pa siyang nalalaman sa kaniyang puso para umarteng nasasaktan.

"Awwii naman Mr. McGeorge. Mayapat kyut ka at mukha kang bishonen character ganiyan ka manlait." Kumento niya. Tinaasan ko siya ng kilay. Di ko alam kung ano yung bishonen pero alam ko kung sino ako.

"Sino ba ang Otaku Fans Club presedent? Diba ako? Kung makareklamo ka parang hindi mo alam na tayong dalawa ang nagbuo noon at mas magaling akong maghanap ng babagay sa'yo sa cosplaying industries." Kumento ko na may halong pagmamalaki.

Sanayan na lang naman itong pag-aaway namin at dahil magkaibigan kaming tunay mahal namin ang isa't-isa lalo na 'pag laglagan.

Sasagot pa sana siya ng pabalang sa akin subalit dumating na ang aming guro sa unang aralin. Tungkol sa math ang tinatalakay namin ngayon. At dahil nga bobo itong katabi ko nagdo-drawing lang siya sa likod ng notebook niya.

Natapos lang ang klase namin na ako ay maraming natutunan at si Jes ay marami din, maraming naidrawing. Masasabi kong may kalidad ang mga drawing ng mokong. Hindi Chibi, hindi old school kundi 2012 edition ng animation. Ang ganda talaga subalit hindi siya marunong magkulay at dahil nga ako ang kaibigan, ako ang pinagkukulay niya ng gawa niya. Nagagawa ko naman daw ng maayos kaya napagkakakitaan namin ang mga gawa naming dalawa.

Pagdating ng luch break agad akong niyaya ni Jes na libre daw niya ako. Hindi naman ako tumangi dahil tipid ako ngayon para kay Kuya Ryan.

Tama!

Para sa akin mga tol, kuya ko siya. At minsan lang din manlibre itong kaibigan kong ito. Kapag good mood lang kaya hindi ko na tinatanggihan.

"OI!!" Agad akong napatingin sa kumakaway sa akin. Si Ryan. "Tara na mag-lunch. Dating gawi?" Di maubos ang ngiti ni kuya Ryan. Yung totoo? Sim card? Unli lang?

"Uhm, nainbitahan ko na po siya, senior Evans." Sabi ni Jes na may pag-aalangan, hindi naman kasi sila magkaibigang dalawa. Napatingin ako kay Jes na nakikipagtitigan ngayon kay Ryan.

Ramdam ko na ang tensyon kaya inawat ko na.

"Ay ganito na lang tutal andito na tayo sa harapan ng canteen, sabay-sabay na tayo. Kaniya-kaniya muna ng bayad. Isa pa, mauubusan kayo ng pera kung ililibre nyo pa ako kaya tara na." Suhesyon ko pero magkabila nila akong hinawakan sa braso.

"Nagoffer ako, pumayag ka. Ang sama naman noon Mr. McGeorge."Napalunok ako sa sinabi ni Jes. Tama nga naman siya at magaling mangonsensya.

"Ako ang palagi niyang kasama sa lunch at palagi kaming magkasama." Sabi naman ni Ryan.

"Palagi na pala kayong magkasama Senior baka pwedeng yung BESTFRIEND naman ngayon." Pinagdiinan naman nitong si Jes ang salitang bestfriend. Oh Boy. Tingin ko pag-aawayan pa nila ito at dahil nga ayaw ko ng suntukan o kahit anong pisikal na karahasan, at dahil nagugutom na rin ako'y nakaisip ako ng sulusyon.

"Ganito nalang mga Dre, libre nyo na ako pareho. Isang burger at isang spaghette. Jes ikaw sa burger, Ryan ikaw sa Spag. Pwede na ba yun? Gutom na ako oh." Sabi ko at itinaas ko pa yung polo ko para makita nilang wala ng laman yung tyan ko.

Nakita kong sabay silang napaalis ang tingin sa tyan ko tapos hinila ako papunta sa bakanteng lamesa.

"Probelema n'yo?" tanong ko pero di nila ako pinansin. Nakaupo lang ako at ngayon ay pinapanuod yung dalawang baliw kong kaibigan na paunang bumili ng pagkain. Umalis muna ako table para kumuha ng mga tubig namin at saktong pagbalik ko naroon na sila at hinahanap ako.

"Ayos ka lang ba?"-Ryan.

"I taught you left."-Jes.

"Huwag nga kayong adik. Kumuha lang ng tubig dami ng sinabi. Kumain na nga kayo mga dre." Sabi ko lang at ngsimula na akong kumain.

Matapos ang luch break nakipagbunuan naman kami sa afternoon classes at matapos ng klase nagpaalam na sa akin si Jes dahil palagi siyang sinusundo ng mga body guard niya. Ewan ko ba kung bakit over protective mga magulang nun. Magkasabay ulit kaming umuwi ni Ryan. Sumakay ulit kami ng jeep at tulad ng usapan kanina ako ang magbabayad kaya naman kumuha na ako ng pera pero bago ko pa man maiabot kay Ryan ang bayad ay sinabi niyang bayad na kami.

"Ano ka ba naman tol, sabi ko ako naman ang magbabayad 'di ba?" inis kong sabi dito.

"Ang bagal mo kasi kaya naunahan kita. Next time na lang. Itago mo na yan." Sabi pa niya at ginulo ang buhok ko.

Kahit kailan talaga itong taong ito, hindi marunong tumupad sa pangako. Oh boy, bahala ka na nga.

Continue Reading

You'll Also Like

19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...