Sitio Series 3: Scheming List...

De oootksm

3.8K 422 85

[FIN] | Unedited Sitio Series 3: A typical highschool setting story. A girl who chases someone she admire for... Mai multe

Sitio Series 3
Synopsis
Prologue
Mayor
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Mayor
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Epilogue
Mayor
Special Chapter I
Special Chapter II

Chapter 11

50 8 0
De oootksm


SL 11| Summer Vacation


Mabilis na lumipas ang panahon. Sinong mag-aakalang grade 10 na ako sa susunod na pasukan? Akala ko nga hindi ko mairaraos ang grade 8 at baka tumigil na ako sa pag-aaral pero hindi! Salamat talaga sa tulong nina mama Karina at Deiry.

Hawak ko ang sako habang abala naman si Achie sa pagtitingin ng mga boteng nakalap nila kaninang umaga. Pinayagan din ako ni mama Karina na mag gala ngayon tutal at tapos na ang mga gawaing bahay at saka nasa kumbento ito kaya mas maigi na raw na maglibang kaysa sa maiwan mag-isa aa kubo.

Tumigil sa paglalagay ng bote sa sako si Achie, "alam mo ba nakuha ng talent agency si Ernesto.." Proud na proud nitong sabi. "Sabi ko naman sakanya na sisikat siya lalo na't agaw atensyon talaga iyong bughaw niyang mga mata.."

Nanlaki ang mata ko, si Ernesto?! Sabagay hindi na rin ako magtataka. Gwapo si Ernesto, blue eyes, magaling mag english kahit hindi nag-aral at isama pang laking kalsada lang ito. "Talaga? Edi mapapanuod na natin siya sa TV?" Tanong ko.

Masaya namang tumango-tango si Achie. "Oo! Number one sup-ano nga ulit iyon?"

"Supporter?"

Tumango siya. "Oo iyon, kaya nga masaya kaming lahat nina Totoy, Betong pati rin si Gabo kahit hindi niya aminin.." Aniya. "Mag-iipon kami pambili ng cellphone para mapanood si Ernesto.."

Silang lima parang magkakapatid na ang turingan. Aakalain mo noong una'y parang leader ng kulto si Achie dahil puro lalaki ang kasamahan nito, aakalain mo ring mga batang hamog sila na nagnanakaw at kung ano-ano pa. Pero hindi, kahit mahirap ang buhay si Achie na ang pinaka positive na taong nakilala ko.

Hinawakan ko ang kamay ni Achie. "Kung gusto mo manood pumunta ka sa amin!" Galak kong sabi. "Hindi naman masungit si tita Karina. Mabait iyon sigurado pwedeng-pwede kayo sa amin saka makikinuod lang naman.." Nangningning ang mga mata nito sa sobrang saya tila batang binigyan ng matamis na candy.

"Sige! Sabihan ko sila Gabo." Awtomatikong napasimangot ito. "Oo nga pala," ngumiwi ito. "Nag-away na naman sila ni Ernesto. Ayaw namang sabihin sa akin kung anong pinag-awayan, panget ka bonding. Sila-sila lang din nagkakaintindihan."

Parang may bago pa, feeling ko nga may invisible silang alitan na kami lang ni Achie ang walang ideya kung anong nangyayari. Sila-sila lang mga lalaki.

Nauwi sa kwentuhan ang pagtatrabaho namin pagkatapos ay agad kaming nagtungo sa may gotohan ni Achie para kumain. Nung una'y ayaw pa nitong ilibre ko siya pero kalauna'y pumayag din tutal ay ipagtatake out niya raw sina Ernesto.

Magkaharap kami habang maganang kumakain. "Gusto mo raw iyong bagong lipat sa Sitio Hiyaw Pa?" Biglaan niyang tanong kaya't nabitin ang pasubo ko sanang kutsara.

Si Gremory ba ang tinutukoy niya? Hinalukay ko ang ala-ala at doon nagbalik lahat, oo nga pala. Si Gremory nga. "Oo," sagot ko, kinikilig.

Tulala ito habang pinagmamasdan ang kutsara't pinaglalaruan ang goto. "Gusto ka rin ba niya?"

Alam ko ang sagot pero parang nakakatakot sagutin. Napangiwi ako, kung mag re-real talkan kami ni Achie ay huwag nalang dahil kotang-kota na ako kay Deiry na hindi ko alam kung bakit hanggang ngayo'y hindi kasundo si Gremory at mainit ang ulo sa kaibigan ng lalaki... Kay Rossweisse.

"I don't like stupid girls."

Mga paulit-ulit na lintanya ni Gremory patungkol sa akin. "Hindi eh. Malabo pero habang may buhay keri lang. " Aniko at nagkibit balikat. "Ikaw? May nagustuhan ka na ba? Baka mayroon na," tumigil ito sa pagsubo at nanlalaki ang mga mata. "Magulat ako kung crush mo na si Ernesto o si Gabo?" Parang switch ang nga salitang iyon para mabulunan si Achie. Halos magkanda bali-bali ang ulo sa pagiling at nagkanda ubo na siya.

"H-Hindi! Magkakapatid kami! Kapatid!" Giit nito sa akin. "Ang malisyosa ng tanong mo Dorothy ah! A-At saka.. A-At saka iyong si Ernesto bagay sa mga babaeng artista.. B-Baka nga kapag sumikat na siya'y magkasyota iyon ng mabango, may punag-aralan at higit sa lahat mayaman.." Kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata niya habang sinasambit iyon. Pero teka, wala naman akong sinabing si Ernesto lang kasama kaya sa choices si Gabo.

Itinukod ko ang magkabilang siko sa lamesa at pinakatitigan siya. "Si Ernesto crush mo ano?"

"Hindi ah!"

"Oo kaya tinanong ko si Gabo o Ernesto pero yung sagot mo si Ernesto lang kahit dalawa ang tinanong ko. Alam mo Achie huli ka na!"

"Hindi nga! Kulit mo naman eh!"

Umiling ako. "Malay mo gusto ka rin nun." Matigas si Achie, parang pamilyar. "Basta safe ang secret mo sa akin kahit 'di mo aminin. Kaso halata namang gusto mo si Ernesto hindi ko lang alam kung napapansin nina Betong. " Siguro may ideya na ang nga iyon kasama ba naman nila si Achie ng 24/7 bakit naman hindi nila mapapansin.

Wala na ito sa sarili na para bang pinagsisisihan ang pagtatanong. "Kahit na Dorothy sabihin mo man o hindi," ngumiti siya ng mapait. "Kapatid pa rin ang turingan naming lahat."

Sumimangot ako. "Oh edi family stroke!"

"Hoy! 'Di ba bold 'yon?" Inosente niyang tanong. "Dinig ko kasi kina Ashong iyong kapitbahay niyo dati."

Hindi ako nakasagot. Bold ba iyon?

━─━────༺༻────━─━

Malapit na ang piyesta sa buong kabuuan ng bayan syempre dadayo kami sa Sitio Nga-Nga dahil may peryahan daw ngayon doon. Maaga akong nagpaalam kay Tita Karina kaya't siguradong maaga rin akong makakapunta sa bahay nina Deiry.

Nagkayayaan kasi kaming dalawa na mamasyal hindi ko nga lang alam kung kasama si Feitan dahil mukhang busy ito sa ibang bagay. Naka jogging pants ako at tshirt na kulay itim hindi na ako nagpantalon at blouse dahil parang hindi na pasok sa event ang OOTD ko.

"Tao po?" Sigaw ko sa may gate nina Deiry, agad namang sumulpot si Lola D na nakangiti. "Mano po lola.." Ani ko.

Nakangiti ito lagi siguradong sakanya nagmana si Feitan. "Oh ikaw pala Dorothy, hala pasok. Naroon sa loob iyong magpinsan at nagmimiryenda." Anito. Naalala ko inofferan ako dati ni lola D ng isang bagay..

Ang ampunin ako. Ilang beses niya akong tinanong kung ayos lang ba na ampunin niya ako dahil hindi na ako iba sakanila. Pero hindi ako pumayag, nakakahiya. Totoo nga iyong sabi-sabi na kung sino pa ang hindi mo kadugo ay siyang magmamalasakit sa iyo pero kapag yumaman o umangat ang estado mo. Unang lalapit at gagamit ang mga kadugo.

Naabutan ko sila Deiry na naka track suit, drama ng babaeng ito? Habang si Feitan nama'y naka khaki shorts at t-shirt. Nag-aaway ba sila?

"Mukha kang electric fan!" Ungot ni Deiry.

Nagpameywang si Feitan. "Aba pinsan hindi kita favorite ngayong araw kaya papatulan kita! Kung ako mukhang electric fan, ikaw mukha kang bentilador!" Anito.

Mukhang nagkakainitan na ang dalawa isama na rin ang mainit na panahon dahil May na. Nanatili lang kaming nakatayo ni Lola D sa may pinto, naiiling na ang matanda.

"Tanga!"


"Bobo!"


"Mukha kang pwet ng kaldero!"

"Mas mukha kang kalbo!"

Marahas na napatayo si Feitan. "Semi kalbo lang ito! Semi kalbo! Ibig sabihin may buhok pa!" Giit niya ang sagutan ay nauwi sa batuhan o mas magandang sabihin na naghahabulan na sila at nambabato ng tsinelas si Deiry.

Ang kulit ng magpinsang ito.

Napasapo ng noo si Lola D. Mukhang stress na stress sa bangayan ng magpinsan. "MAHIYA NAMAN KAYO! MAY BISITA!" Awtomatikong natigil sila sa paghahabulan ng mapatingin sa gawi namin. Nahihiya akong kumaway sakanilang dalawa, parang walang nangyari dahil kaswal na binitawan ni Deiry ang tsinelas at lumapit sa akin. Si Feitan nama'y mukhang kamatis na, namumula ang mukha, leeg at tenga kahit moreno ay halata ang pamumula.

Seryosong tumingin sa akin si Deiry. "Kalbo siya no?" Tanong niya.

"Hoy!" Sigaw ni Feitan.

Umiling na lamang ako. "Semi kalbo raw maiinit din kasi ang panahon."

Ngiting tagumpay ang lalaki habang nag-iwas ng tingin si Deiry. "Sus." Nagsimula na kaming kumain habang kinukwentuhan ni Lola D. Ng sumapit na ang alas sais ay nagpaalam kaming pupunta lang sa may peryahan.

Bilin ni Lola D kay Feitan na huwag na huwag kaming iwan ni Deiry dahil ito lang ang lalaki. Mahal na mahal ko silang lahat, si Lola D, si Deiry, si Feitan, si Achie at Tita Karina bilang pamilya. Mas mahal ko nga lang si Gremory.

Nakasakay na kami sa single na motor. Si Feitan ang nagmamaneho, ako ang katabi nito dahil baka raw mahulog ako at si Deiry ang nasa dulo. Hindi naman maselan sa probinsya kahit nga maglimang tao sa isang motor pwede, ewan ko nalang sa bayan. Tawa ako ng tawa, masaya kasi ang ganito. Iyong good vibes lang lagi.

Bumungad ang napakaraming rides na parang pang dumb ways to die na, mga nagtitinda ng pagkain, palamig at mga pagames hindi rin mawawala ang mga nagtitinda ng atik, atik o mga laruang pambata.

"Anong una nating sasakyan?" Tanong ni Feitan na mukhang manglilibre ata ngayon. Sasagot na sana ako ng bigla nalang mapaupo sa damuhan si Deiry. "Shit. Dei!" Agad siyang dinaluhan ni Feitan. "Gago, pwede ba mag-ingat ingat naman?" Anito.

Nag-angat ako ng tingin at doon nakita sina Rossweisse, Xerxes at... At Gremory.. Mukhang nabangga ni Rossweisse si Deiry base na rin sa reaksyon nito.

Natataranta si Rossweisse kung ano ang gagawin. "Sorry pre.. Sorry.." Hindi nito alam kung lalapit ba ito kay Deiry o magpapasuntok nalang. "A-Ano.. A-Ano ayos ka lang?"

Pinagpagan ni Deiry ang track suit nitong kulay itim at bughaw. "Oo." Tipid niyang sabi, bumuka ang bibig ni Rossweisse pagkuwana'y sumara rin. May gusto atang sabihin pero hindi matuloy-tuloy.

Sinulyapan ko siya as usual wala itong reaksyon, nakatingin lang sa amin. Hindi siya nakasuot ng salamin. Naalala ko nga pala iyong salamin niyang pinaayos ko hindi ko pa nga lang naibigay dahil na rin sa kumukuha ako ng tamang tiyempo. Isang taon na rin iyong na sa akin.

Litaw na litaw ang kagwapuhan ni Gremory dahil wala ng sagabal sa kanyang mukha. Parang gusto ko nalang siyang titigan buong maghapon, ang maputi nitong kutis, ang matangos na ilong, ang singkit na mga mata na may mahahabang pilik mata, kilay niyang makakapal at minsan laging magkarugtong at higit sa lahat ang labi niyang mamula-mula.

Napalunok ako ng maglandas ang tingin sakanyang leeg. May nunal kasi siya malapit sa collar bone nitong litaw sa pa v-neck na t-shirt. Kataka-taka ring hindi naka make up si Xerxes malayong mapagkamalang beki at si Rossweisse na pinapalibutan ng masayang awra.

"Sasakay din kayo sa Vikings?" Tanong ni Xerxes kaya't nalipat ang atensyon ko sakanya. At dahil lutang ako'y napatango na lamang. "Ayon pala! Sabay-sabay na tayong lahat!"


﹌﹌﹌﹌﹌﹌﹌﹌﹌
#Summer Vacation

Continuă lectura

O să-ți placă și

457K 25K 17
𝐒𝐡𝐢𝐯𝐚𝐧𝐲𝐚 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 𝐱 𝐑𝐮𝐝𝐫𝐚𝐤𝐬𝐡 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 ~By 𝐊𝐚𝐣𝐮ꨄ︎...
162K 3.1K 16
Y/n and Bill Denbrough are twins and when their younger brother, Georgie, goes missing they'll do anything to find him. Them and the rest of the lose...
6K 890 64
[FIN] Sitio Series 2: Rossweisse Seth Victoria a basketball player and Mr. Friendship of the campus. Inspired by her mother's profession, he loves t...
1.2M 29.1K 45
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...