Amore and Vains (Lover Series...

celestinair

3.7K 271 12

Impediment and Betrayal. Еще

zero
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51

35

19 3 0
celestinair


I can't sleep. Ilang oras na akong tulala habang nakaupo dito sa sahig ng balcony ko at umiinom sa hawak kong vodka, pero hindi ko alam kung bakit hindi man lang ako tinatamaan ng antok. Kung ibang pagkakataon siguro 'to, baka kanina pa akong bagsak.


Hindi pa rin mawala sa isip ko ang message nya kanina.... alam kong siya 'yon, siya lang naman ang tumatawag sa'kin ng ganoon. Agad ko rin namang dinelete 'yon dahil baka mareplyan ko pa, kahit gustong gusto ko, hindi ko na pwedeng gawin.... ayoko na. Ilang linggo na rin ang nakalipas noong iniwan ko siya sa New Jersey, simula non ay wala na akong narinig na balita tungkol sa kanya, hindi ko na rin naman sinubukan pang alamin kung nasaan siya o kung ano na bang nangyari sa kanya simula nung umalis ako. Ano pa bang dahilan para alamin ko ang lahat ng 'yon?


I know that he's doing fine right now..... I hope he's doing fine.



Sinubukan kong mag umpisa ng sketch kanina pero hindi ako makafocus, pakiramdam ko'y distracted ang utak ko, hindi ko alam ang dahilan. Muli akong uminom ng vodka at padabog na isinandal ang ulo ko sa saradong glass door, naramdaman kong masakit ang pagkakauntog ko pero hindi ko na 'yon ininda, sa lahat ba naman ng sakit na naramdaman ko, dun pa ako magrereact?



Para akong lantang gulay na nakalupagi dito sa sahig, tahimik ang paligid, wala akong ibang nararamdaman kundi ang pagdampi ng malamig na hangin sa balat ko. Nagtry ulit akong tawagan si Lara kanina para kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko pero hindi talaga siya sumasagot. Pupuntahan ko na siya sa ospital bukas, maganda na rin na hindi muna nya alam para surprise.



Dala ko ang isang pink teddy bear at dalawang paper bag habang naglalakad sa hallway ng ospital, I'm so excited to see her. Dumiretso ako floor kung nasaan ang kwarto nya pero nagtaka ako ng matanaw kong bukas ang pinto nito at tila may inilalabas na mga gamit. Mas binilisan ko ang paglalakad at sinilip ang loob ng kwarto ni Lara, halos bakante na ang buong kwarto, wala na ang mga gamit nya at iba na rin ang cover ng bedsheets. Isa isa na ring inilalabas ng mga nurse ang machines na noon ay ikinakabit kay Lara sa tuwing may sumasakit sa kanya.



"Hi, excuse me," bati ko sa babaeng nurse na lalapitan sana ang isa pang nurse para tulungang ilabas ang isa pang machine, "Uhh, alam nyo ba kung nasaan yung dating nag ooccupy ng room na 'to? Saan siya inilipat?"



"Ah, pasensya na po mam, hindi po namin alam. Nautusan lang kami na ilabas itong mga equipment dahil may iba ng gagamit nitong kwarto. Kung gusto nyo po, itanong nyo doon sa main reception." magalang na sabi ng nurse at ipinagpatuloy na ang ginagawa.



"O-okay, thank you." huli kong sagot at ngumiti lang ito bilang pagtugon.



Habang nakasakay ako sa elevator ay naramdaman kong unti unting bumibigat ang pakiramdam ko. Kinakabahan ako, sana walang nangyaring masama. Sana wala.



Pagbukas ng elevator ay agad kong natanaw ang isang pamilyar na mukha, may kausap ito at mukhang pormal. Mabilis akong lumabas sa elevator at naglakad palapit sa kanya. Yes!! I remember her, siya ang nurse ni Lara, siya ang nagtutulak sa wheelchair nito noong makita ko siya sa garden.



"Hi, excuse me," I greeted in a formal voice ng tuluyan ko siyang malapitan, napatingin siya sa'kin at saglit pa akong tinitigan bago ngumiti, mukhang natatandaan na nya ako. Nagpaalam na rin siya sa kausap nya.



"Hi.... Ms. Victoria?" she asked, mukhang nagulat.



"Yeah, and just call me Victoria, hindi naman kailangang maging formal," I smiled, "Ikaw ang nurse ni Lara diba? Saan ang new room nya dito? Pinuntahan ko na kasi yung dati nyang room kaso lang may iba na palang gagamit. How is she? Is she recovering already?" sunod sunod kong tanong dahil sa excitement.



Her face immediately turn pale and lost the bright expression that she has minute ago. She gave me a tiny smile before looking away.



"Tara umupo," pag aaya nya at naglakad papunta sa bench na malapit sa hagdan. Sinundan ko siya kahit puno pa rin ako ng pagtataka.



"May problema ba?" tanong ko ng makaupo na rin ako sa tabi nya.



"You look very happy and excited to see Lara, and I don't want to ruin it.... but I need to tell you this." her voice broke.



"Huh? What do you mean? What are you talking about?" ramdam ko na ang mabilis na kabog sa dibdib ko.



"She's gone, Victoria," her eyes watered. "Lara didn't survive the operation.... I'm sorry."



Lumuwag ang pagkakahawak ko sa mga dala ko, pumatak 'yon sa sahig. "Joke ba 'to? Huwag namang ganyan, kung kasabwat mo si Lara sa joke na 'to, wag mo ng ituloy. Ano ka ba," I faked a laugh.



"This is not a joke," nakatingin na siya sa sahig sa harapan nya. "H-hindi kinaya ng katawan nya ang operasyon..... hindi pa natatapos ang operasyon ay bumigay na ang katawan nya. Hindi na siya naisalba ng mga doktor. Maraming sumubok na iligtas siya, lahat ng tao sa operating room, sinubukan nila. Inilaban nila ang buhay ni Lara."



"N-no," I shook my head. "It can't be.... s-she's too young.... s-she's too precious to lose,"



"I know. Sobra din akong nasaktan, ilang taon ko siyang inalagaan dito, itinuring ko na siyang nakababatang kapatid."



Saglit pa kaming natahimik bago siya magpaalam dahil magrarounds pa siya. Naiwan akong tahimik pa din at walang kibo, hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Ako dapat ang magsusurprise sa kanya eh, pero bakit ako ang sinurprise nya?



"This is her files, pwede ko itong ipahiram sa'yo saglit para malaman mo pa ang ibang tungkol sa kanya," napatunghay ako ng muli siyang makita sa harapan ko. "I hope you feel better, I hope we all be."



"T-thank you," pinilit kong ngumiti.


"Kahapon siya inilibing, hindi na pinatagal ang burol nya dahil ayaw ng may ari nitong ospital." dagdag pa nya. Sinong may ari? Si Trevor?



"Sinong tinutukoy mo?"


"Si Mr. Carson, sa aming lahat dito, siya ang pinakaclose kay Lara kaya naiintindihan namin kung bakit ganoon na lang ang epekto sa kanya." she pat my shoulder. "I gotta go, ingat ka."



Binuklat ko ang envelope na ibinigay nya sa'kin, nasa pinakataas ang full name nya.


'Laraislinn Garcia'


I smiled when I saw her name, such a cute combination. Lara means protection, and Aislinn means dream. Lara is indeed the protector of her own dream, she really is. My chest gripped again when i remember the last time we talked, her smile and expression is always priceless.



I paused for a while when I saw her surname. Garcia? Related ba siya kina Trevor or Dylan? Ang alam ko, magkakilala lang sila. Nagpatuloy akong tingnan ang mga nakasulat kahit nagtutubig na ang mata ko.



'11 years old'


'Time of death: 9:14 pm'


May isa ring piraso ng papel na nakasingit sa pages, address kung saan siya nakalibing.



Hindi ko alam kung paano ko pa nagawang maglakad papunta sa kotse, pakiramdam ko'y nabigla ang buong katawan ko sa mga nalaman ko at hanggang ngayon ay hindi pa rin magsink in sa'kin ang lahat. Bago ko iistart ang kotse ay nilingon ko muna ang backseat kung saan nakalagay ang teddy bear at mga pasalubong na dapat ay ibibigay ko sa kanya, muli na namang tumulo ang luha ko.



Dumaan muna ako sa flower shop para bumili ng bouquet of white rose, bumili rin ako ng mga white balloons. Pagpasok ng sasakyan ko sa gate ng memorial park ay nahirapan pa akong hanapin kung nasaan ang kay Lara, buti na lang at may natanong ako na tagalinis kaya naituro nya din sa'kin agad.



My feet is getting heavier as I walk towards her grave, it's already dark and the wind is making my whole body shivers. Besides the moon, the light post along the pathway is the only thing that makes the vicinity visible. I'm holding the flowers and balloons in my right hand, the other one holds the teddy bear. When I reached her grave, my legs quickly collapsed that make me slowly get down in the grass, my body feels so weak. This is not what I expected when we see each other, I atleast expected to see her warm and bright smile welcoming me when I get inside her room.... made me bought an ice cream because she keeps on reminding me how she hates the bitter taste of vegetables.... or actively show me her drawings and other stuffs that she made while taking the process of recovery and while waiting for me to visit her.



"Hello there, my Lara." my voice were shaking as I touch her grave, hoping that she could hear me from above.


Ipinatong ko sa gilid ang bulaklak at teddy bear. Mayroon ring kandila at posporo sa tabi non. Kinuha ko ang isang bato sa gilid at itinali doon ang balloons para hindi liparin. Sinindihan ko ang kandila at muling hinaplos ang pangalan nyang nakaukit sa marmol na bato.


"Y-you didn't even wait for me...." a single drop of tear fell down to my cheeks. "I hope you're doing well up there.... we all hope you're doing well. Don't worry about us, we're okay.... w-we will be okay."



Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa at pinunasan ang pisngi ko. Dinampot ko ang bouquet at marahang itinaas, parang ipinapakita ko sa kanya.



"Here, I bought some flowers, they look so peaceful, right? It reminds me of your face, calming and peaceful to stare." I looked above, the moon and stars is too much pleasing to watch. "Laraislinn, my precious girl with a lot of dreams that she wanted to achieve in life.... your Atori will always be here.... you know that I'm invariably at your back, smiling and cheering for you. May you rest in peace, my angel...."



I let out a huge amount of breath, still staring at her grave. I force myself to smile, because Lara wouldn't be glad if she saw me in this state, she hates seeing me sad, or anyone around her. Consistently, her jovial aura and positive mind will be remembered. Lara will always be with me, she will always be.


She used to count stars.... now she's among them.



"Trace..." I froze when I heard someone's voice behind me. I don't know if it's just an imagination or someone is really behind my back. Is he behind me?



Hindi ako kumibo at saglit pang nakiramdam. Dahan dahan akong lumingon sa likuran, nakita kong nakatayo doon ang kahuli hulihang tao na gusto kong makita ngayon, ang taong pilit ko ng kinakalimutan..... kailangan ko ng kalimutan.


"A-anong ginagawa mo rito?" I met his cold gaze. He's also holding a bouquet of rose.



"I always visit her," diretso nyang sagot at tinanaw ang puntod ni Lara, inilapag nya iyon sa tabi ng kandila at muling humakbang paatras, halos nasa gilid ko lang siya.



Tinalikuran ko siya at muling iniayos ang upo, ibinalik ang atensyon sa nasa harapan ko. Nakatitig lang ako sa harapan habang nakikiramdam kung aalis na ba siya o hindi.



"I'm so sorry." his tired voice slap me, feels like it's breaking me in half. "For everything that I've caused you.... and for failing to save her."



I gently tilt my head to face his direction. I look up at him, he's not staring at me this time, he's directly staring on Lara's grave, the dark sky is making his deep brown eyes flicker.... flicker in pain. Does he think that I'm blaming him for the death of Lara? I'm not blaming anyone.



"I made a promise to myself, that I will do my best to take good care of her at all cost. To protect her, and love her as my own little sister." his serious gaze met mine but he quickly gave away. "T-that little girl saved me. She was the only one who made me believe in myself again, to continue in striving harder even tho everyone around me already left, she gave me hope.... she made me live again."



"E-everyone left?" hindi ko napigilang magsalita pero nanatili akong nakatingin sa harapan.



"Maybe you, leaving me all the time.... is a curse." he urged in a sarcastic way.



"What?" I frowned confusingly.



"E-everytime you leave me.... something like this happen. When you left 5 years ago to stay in London, it was hard, because at the first place, I don't agree on the idea of you, leaving. But I have no choice, it's your father who begged, he wants me to let you go. That time, when I'm still trying to accept the fact that you left.... the death of my mother follows. Imagine, the two woman who holds a huge part in my heart, left me at the same time," he faked a smile and look away. "Then weeks ago, you left me again. I lost you again.... and at the same time, I lost Lara."



"It was not your fault.... hindi mo hawak ang buhay nila. Sa tingin mo ba na kapag bumalik ako sa'yo ngayon, babalik rin sila? Walang kinalaman ang pag alis ko sa mga nangyari."



"Are you that mad at me? That you can't even look straigh into my eyes?" a narrow smile form in his lips.



Padabog akong tumayo at lumapit sa kanya, halos ilang pulgada na lang ang layo namin sa isa't isa.



"Pagkatapos ng lahat.... sa tingin mo ba, gugustuhin ko pang tingnan ka ng diretso sa mga mata? Ang mga mata mong minsan ng nagsinungaling sa'kin? Na ilang beses akong pinagmukhang tanga?" my voice were trembling.



"Mahal kita," mabilis nyang sagot.



"Mahal mo'ko? Bakit ka nagsinungaling?"



"It's for your own sake!" his voice risen. "It's funny how you can just forgive other people easily. I get it, I understand."



"Huwag mong idamay ang pamilya ko dito," I looked at him sharply.



Ngumisi siya at napasabunot sa buhok nya. "Kahit kailan, hindi ko dinamay ang pamilya mo. Hindi mo alam kung anong mga nangyari noong umalis ka, wala akong idinadamay na kahit sino, lahat sinalo ko..... Trace. Alam kong mali ang ginawa kong pagsisinungaling, pero kung yun lang ang tanging paraan para hindi ka masaktan..... handa ko yung gawin ng paulit ulit.



"Bullshit," sagot ko at nilampasan na siya para umalis doon.



"Kahit ilang beses ka pang umalis, nandito lang ako. May babalikan ka pa rin.... hindi ako mawawala." kaswal nyang sagot kaya napatigil ako sa paglalakad.



"Huwag ka ng maghintay," I keep a straight face kahit nakatalikod ako sa kanya. "Kung may babalikan man ako dito, ang pamilya ko lang 'yon, walang ibang dahilan.... kaya huwag ka ng magsayang ng oras..... huwag mong sayangin ang buhay mo ng dahil lang sa'kin."



I immediately broke down the moment I get inside my car. The death of Lara already wounded me.... then I saw him again.... it crushed me to the deepest part of my soul.



We already suffered a lot, both guilt and sorrow. I can't take another day or months seeing him in that state again, we've had enough. He had enough.



He is serenity in a world full of madness. He was my exquisitely told story that was never written.


_______________________

___________________________________


:)

Продолжить чтение

Вам также понравится

When Mary Met Halley lynn sabrina

Художественная проза

1.1M 36.2K 61
WATTYS WINNER When her fiancé ends up in a coma and his secret mistress, Halley, shows up, Mary feels like her world is falling apart. What she does...