My Immortal Crush

By unfoldedcap

112K 4.9K 580

Eternity Series #2 This is how an immortal fell in love with a mortal. Despite all of the truths they knew, w... More

Beginning
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47

33

1.9K 110 16
By unfoldedcap

Jema's POV

"And her girlfriend."

At tumigil ang mundo...

Parang binuhasan ako ng nagyeyelong tubig pagkatapos kong marinig ang mga katagang yun.

"T-That's good to know hehe." I don't know why but I felt awkwardness after what happened.

So sila pala? Pero totoo naman na mas mabuti kung ganun. Atleast pwede na kaming makapag-usap ni Deanna ng maayos nang hindi binibigyan ng malisya ng ibang tao.

I want to ask if since when but duh! It's their privacy at baka isipin pa niya na interesado ako sa relasyon nilang dalawa. And I don't care.

I gave her a forced smile and looked away. I sighed.

So ano hanggang ganito na lang kami mamaya? Dapat pala hindi na ako nagtanong huhuhu.

"So how's your company going so far?" She broke the silence.

Tinignan ko siya at nakangiti pa rin ito.

Weird.

Pero ayun nga, sinabi ko na okay pa rin naman ang takbo ng kumpanya at mas naglalagay ng effort ang bawat isa sa amin dahil nandito na ulit ang WTV pero syempre hindi ko sinabi yung last ha.

Tinanong ko rin siya about sa company nila hanggang sa nagring yung phone niya.

"Hello?" Bungad ni Michelle.  "You sure 'bout that?... Okay I'll just tell her. Love you."

Napaiwas na lang ako ng tingin nang i-end niya yung call. I'm sure that is Deanna. May pa 'Love you' e.

"I'm sorry CEO Galanza but CEO Wong can't make it. She did an important thing." She apologized.

Wow, pinaghintay lang ako dito para sa wala pero okay na rin yun. Baka sakalaing makahinga pa ako ng maluwag pagkaalis ko sa lugar na ito.

"It's okay. Maybe we can settle another appointment next week. Is that okay?" I asked and she nodded.

Tumayo na kami at nakipagshake hands naman siya sakin.

"It's nice to meet you CEO Galanza and thank you for the small talk. Sorry din kung pinaghintay ka namin hehe." Kamot-batok niyang wika pero umiling ako.

"I don't mind Miss Cobb." I told her and went out of the office.

Hindi na siya nakasunod sakin sa elevator kaya naman napabuga ako sa hangin. Para lang talaga akong nakawala sa selda haha but I will still meet her because that is what Papa wants to. Sa ibang araw nga lang.

Pero ngayon may iilan na akong alam tungkol kay Deanna. It's obvious that she changed a lot pero hindi ko pa masasabi ngayon kung ano ba yung mga bagay na nagbago sa kanya at kung ano ang nagpabago sa kanya. Napanood ko kasi ulit yung conference niya last time. Ibang-iba na yung Deanna na nakilala ko. Mukha siyang strikto na hindi marunong tumawa kapag sa harapan ng camera at maraming tao maybe because she was known for that, for being cold and emotionless.

Why am I even talking about her in my mind? Argh!

Dahil wala naman din akong gagawin dito sa WTV, babalik na lang ako sa GTF.

Pagkapasok ko pa lang ng building namin, binati na nila agad ako at ganun din ang ginawa ko. Hapon pa lang naman kaya madami-dami pa rin ang mga employees namin na nandito.

I went to the 9th floor to check my friends.

*Ting!*

"Good afternoon CEO."

"Hello po ma'am."

"Magandang hapon po."

Mga bati nila sakin nang makalabas ako ng elevator. Kinamusta ko ang ilan sa kanila at tumungo sa mga kaibigan ko.

"CEO Galanza!" Nakangiting bati ni Eya sakin at sinalubong ako ng yakap.

"Miss na miss ha. Parang di naman nagkikita araw-araw." Bulong ni Yumi kaya nakatanggap siya ng malutong na batok mula kay Eya.

"Eh bakit ba?" Pairap na tanong ni Eya.

"Kamusta lakad?" Fhen asked. "Nakausap mo ba yung gago mong ex?"

Agad naman siyang hinampas ni Mika sa braso.

"Wag ka ngang ganyan. Nasa opisina tayo at baka may marinig pa sayo. Malalagot tayo." Mika told her.

"Eh sa nagsasabi lang ako ng totoo." Sagot pa ni Fhen kaya umawat na ako.

"Hay tama na yan. I wasn't able to talk to her because she did something important daw sabi ng sekretarya niya." Sabi ko.

"Si Ponggay?" Ej asked but I shook my head.

"Michelle Cobb daw ang pangalan." Hindi ko alam kung sasabihin ko din bang girlfriend siya ni Deanna. Pero tutal wala namang mawawala kung sasabihin ko, sinabi ko na.

"Edi quits naman pala kayo. You have Cordova and she have Cobb. Fair." Sabi ni Eya. Tumatango-tango naman ang iba sa sinabi niya.

"See? Gago talaga. Iniwan ka na nga tapos pinagpalit ka pa." Nasapo ko na lang ang aking noo dahil sa patuloy na pananalita ni Fhen.

"Fhen enough. It's all in the pasy and we're happy now. Alam kong galit ka pero ilagay mo sa lugar." Panenermon ko kaya natahimik siya at padabog na bumalik sa kanyang ginagawa.

Napansin kong tahimik lang si Ken na nakikinig samin kaya nilapitan ko siya.

"Is there a problem Ken?" I asked him but he gave me a scared look. "Nakakita ka ng multo sis?"

"Eh paano naman kasi, kanina daw na pumunta siya sa office mo para ireport yung nangyari sa airport, stress ka daw at maraming ginagawa kaya hindi mo sinasadyang masigawan si Kenneth. Of course he did not expect that but I told him that yun nga na stress ka lang at marami ka pang kailangang tapusin. " Kwento ni Mika kaya ngumiti ako kay Kenneth at pasimpleng ginulo ang kanyang buhok.

"Pasensya ka na sa inasal ko kanina. Tama naman si Mika but I still have to control my emotions towards to the other people." Sabi ko kaya napangiti na rin siya.

Nagpaalam muna ako sa kanila para makapabalik na sila sa ginagawa nila kanina at para na rin macheck ko sina Ate Jia at Kyla sa itaas.

Even if this is my office, I still knocked and waited them for me to enter.

"Pasok lang!" Rinig kong sabi ni Kyla kaya pumasok na ako.

Sabay silang natigilan atsaka sakin tumingin.

"Ikaw lang pala Jemalyn. Bakit ka pa kasi kumatok?" Tanong ni Kyla.

Binaba ko muna ang bag ko atsaka umupo sa aking office chair.

"Manners." I shortly replied and leaned my head.

"Oh what happened to your appointment?" Ate Jia asked and started to do the paperworks again.

So for the second time, kinwento ko sa kanila lahat ng pangyayari at pareho lang sila ng reaksyon kina Mika, Eya, Ej, Ken at Fhen. Unexpected happenings occur nga naman.

Sinabi ko na lang sa kanila na tapusin ang iba sa mga ito para mabawasan na ang gagawin bukas. It's been hours since we ate and I'm sure Ky is hungry.

Patay gutom to eh hahaha joke.

"Ate Ji, pwede pasama? Bili tayo sa Mini Mart." Sabi ko atsaka tumayo.

"Okay." Ginawa din ni Ate Jia ang ginawa ko.

Tumingin naman samin si Kyla na para bang iiyak na.

"Paano ako? Iiwan niyo ako dito?" Nakanguso niyang tanong kaya mahina ko siyang sinampal.

"Baliw! Bibilhan ka nga namin ng pagkain e. Dito ka na lang atsaka magpahinga ka muna. Mamaya na natin itutuloy yan." Tukoy ko sa mga paperworks at tinanguan naman niya ako.

Nang makalabas kammi ng building, ginamit na lang namin yung sasakyan ko papunta sa Mini Mart tutal nakapark lang ito sa harap ng mismong building at para mas mabilis. Ten minutes drive lang naman yata yung Mini Mart mula dito sa amin.

Nag-uusap lang kami ni Ate Jia tungkol sa business at sa pamilya namin habang bumabyahe. Quality time lang haha.

Pagdating namin, agad na bumaba si Ate Jia at ang bilis niyang makapasok haha. Parang mauubusan siya ng pagkain.

Ako? Chill chill lang. Kumuha ako ng mga chichirya tulad ng Nova, Piatos, Cheezy, at hindi mawawala yung V-Cut. Mas dinamihan ko ang V-Cut para hindi ako agawan ni Ky. Nilagay ko ang mga ito sa basket. Sunod akong kumuha ng mga juice kasi masama din ang puro softdrinks pero syempre kumuha pa din ako ng softdrinks hehe stock ko sa bahay.

"Oh yan na ba lahat?" Tanong ko kay Ate Jia habang nakatingin sa basket niya.

"Hindi pa wait lang. Kukuha lang akong ice cream para dun sa iba." Sabi nito.

Hinayaan ko lang siyang pumunta sa may mga ice cream. Ako naman, pumunta sa mga chocolates kasi paniguradong namiss din kumain ni Mafe ng ganito.

Cadbury, Toblerone, M&M's, Ferrero Rocher, Reese's Peanut Butt—

"Choco...lates!" Napatingin ako sa isang batang patalon-talon habang nakatanaw sa mga chocolates.

Ang cute!

Lumuhod ako para mapantayan siya.

"Hi." I greeted him.

"E-Elow." Dahan-dahan siyang kumaway sabay ngiti.

"Ang cute mo naman." Sabi ko atsaka ginulo ang buhok. "Do you want those chocolates?"

"Mmm." He hummed as he glanced again to the chocolates.

"Where are your paren—"

"Eri!"

"Chief!" Mabilis na tumakbo ang bata papunta sa isang babae.

Tumayo naman ako at humingi ng paumanhin.

"I'm sorry. Akala ko kasi nawawala siya kaya kinausap ko muna." Sabi ko pero nakatalikod yung babae habang chinecheck ang anak niya.

Binaba niya muna ito atsaka hinawakan sa kamay.

Nang humarap siya...

"Deanna?"

Nawala ang ngiti sa kanyang mga labi at ganun din ako.

"Jema, what are you doing here?" She asked.

Malamang bumibili, duh!

Hindi ko pinansin yung tanong niya at tinignan ulit yung bata. Masaya lang siyang nakatingin pa rin sa mga pagkain.

"He's so cute." Bulong ko pero parang narinig niya.

"Of course, he's my son."

Wait w-what?



——————————

Gaiz sorry kung maikli lang to. Pabonus ko  lang po sa inyo to hehe but hope you still enjoyed this one.

Reminder lang po: Most of the upcoming chapters will be Deanna's POV and flashbacks.

ABANGAN!

Continue Reading

You'll Also Like

179K 5.4K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
121K 4.5K 43
Is it worth it to invest feeling to someone who never appreciate your existence? On-going
340K 7.7K 33
Bored ako