12

2.8K 117 3
                                    

Jema's POV

| Fast Forward |

"JESSICA!!" Napabalikwas ako mula sa pagkakatulog nang makarinig ng sigaw.

Dali-dali kong binukas ang mga mata ko at hinanap ang taong umistorbo sa tulog ko.

"What the-anong ginagawa mo ditong bruha ka?!" Inis kong tanong sa babaeng nakangisi at nakasandal sa pintuan.

"Ano pa ba? Edi ginigising ka." She sarcastically replied and rolled her eyes.

"It's too early!" Bumalik ako sa pagkakahiga at binalot ang buong katawan sa comforter.

Naramdaman ko namang palapit siya sakin at hinila paalis ang blanket kaya nakita kong nilagay niya ang mga kamay sa bewang.

"Yeah you're right. It's too early kasi maaga yung flight natin." She replied with sarcasm in her voice.

Ilang minuto pa ang nakalipas nang magsink in sakin ang ibig niyang sabihin.

"Oh my-I almost forgot! What time is it?!" Taranta kong at dali-daling tumayo.

She looked at her watch then looked at me with her blank face. "12:15 am."

Napakalma ako. Hay buti na lang hindi pa ako ganun kalate nagising.

Ngayon na kasi ang alis namin papunta sa New Zealand. Expenses, flight, clothes, everything is settled. Kasama din namin si Mama sa bakasyon namin doon. Magkikita-kita kami sa company building at sabay-sabay na pupunta sa airport. Nakakahiya nga dahil halos lahat ng gagastusin namin para sa short break na ito ay si Deanna lahat ang nagbayad.

I'll just make it up to her.

"Thanks for waking me up, Ky. Pero buti nandito ka? Natulog ka ba?" Tanong ko sa kanya habang inaayos ang susuotin ko.

"Actually nagising ako because someone asked me a favor. Hindi naman ako makakatanggi dahil boss natin siya and she told me that she will treat me when we are already in New Zealand." Parang bata niyang sabi at ang ngiti niya ay abot hanggang tenga.

Pero teka, sinong tinutukoy niya? At anong favor nun? Atsaka sabi niya 'she' and 'boss'?

"What do you mean Kyla? Sino namang tao ang manggigising sayo ng ganitong oras? Who asked you a favor and who is that person?" Sunod-sunod kong tanong at tumungo na sa pintuan ng cr.

"Basta makikita mo rin siya mamaya. Bilisan mo dyan para makasabay ka saming kumain." She quickly went out of my room.

Napabuntong-hininga na lang ako atsaka naligo.

It took me more than thirty minutes to prepare myself. I checked my phone and it's 12:45 am so may oras pa naman ako para kumain dahil 2 am pa naman ang flight namin. We decided na agahan yung flight para may oras pa kaming makapagpahinga pagkarating doon at makalibot naman kahit sandali lang.

I'm just wearing a blue tie dye shirt, jeans and sneakers. I also brought my tie dye hoodie jacket that Solid Seven Volleyball Team gave me when I am still playing volleyball.

Agad akong nakarinig ng tawanan nang makababa ako. Surprisingly, Deanna is eating with my family here in our house.

So siya yung tinutukoy ni Kyla kanina? I didn't expect that she's talking about Deanna.

Wow. Just wow.

"Oh magandang umaga anak. Kain na." Aya sakin ni Mama.

"Good morning my little COO. Come and join us." Sabi naman ni Papa.

My Immortal Crush  Where stories live. Discover now