2

3.3K 140 6
                                    

Jema's POV

Nandito ako ngayon sa bahay at kakauwi ko lang galing sa trabaho atsaka galing na rin sa resto dahil nagkakayaan ang team na kumain muna bago umuwi tutal gabi na rin.

I have scheduled a meeting tomorrow with a client dahil malapit nang matapos ang buwang ito. Well, not really a client but papa told me na isa ito sa mga makakasama namin once na na-approve na ang partnership nila sa sinasabi niyang company.

"Oh anak, nandito ka na pala. Bakit hindi ka naman nagsasabi na nakarating ka na pala?" Bungad sakin ni Mama nang makita niya akong kumukuha ng tubig mula sa ref.

"I don't want to disturb you Ma. Alam ko namang nabe-beauty rest ka." I joked and laughed.

Natawa rin siya. Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.

"Kumain ka na ba? Kung hindi pa, ipagluluto na lang kita dahil pinauwi ko muna si Rita kanina so that she can take a rest." Sabi ni Mama at tumungo sa kusina pero agad ko siyang pinigilan.

"Wag na po Ma. We already took our dinner before we went home po." I replied and she just answered me back with a nod.

Si Manang Rita nga pala ang nag-iisang maid namin dito. Actually, madalang lang siyang nags-stay dito dahil kadalasan si mama pa rin ang gumagawa ng mga gawing bahay kahit na may ibang pwede namang gumawa ng mga yun.

"Kumusta naman po kayo dito mama? Nakakausap at nakakasama niyo pa rin ba si papa?" Tanong ko atsaka uminom.

She took a deep breath and gave me a bitter smile.

"No that much anak. Masyado nang nagiging busy ang papa mo. To the point na hindi na niya ako nakakamusta at nakakausap kahit isang segundo man lang hindi tulad ng dati." She answered in a sad tone but she afford gave me a smile.

Yung totoong ngiti niya.

"But don't worry anak, I'll make sure that we will have some time to bond with your father, okay?" Dagdag pa ni mama at tumango naman ako sa kanya.

"Where is your sister pala?" She asked atsaka tinignan ang buong bahay.

Masasabi ko na malaki ang bahay na ito dahil sa mga top engineers and architects pinagawa ni papa ang bahay na itong so called 'mansion'.

"May tinatapos pa po yata siya sa office niya Ma. Sabay na lang daw po silang uuwi ni Papa." Sagot ko sa kanya at tumungo sa living room.

She just followed me.

"Ikaw? Kumusta naman ang napakaganda at napakasipag kong panganay?" Malambing na tanong niya habang sinusuklay ang aking buhok gamit ang kamay niya.

"Hay nako, si Mama ay nambobola na naman." I replied that made her stop.

Pinaayos niya ako ng upo at sinabihan akong tignan siya.

"That's not true anak. Nagsasabi ng totoo si Mama. Aba syempre maganda ka dahil kanino ka ba magmamana? Edi sa sobrang ganda mong nanay." She proudly said while waving like she won in Ms. Universe.

Mama talaga oh. Hindi pa rin kumukupas ang pagiging palabiro.

"Oo na po Ma. Ikaw na pong maganda." Sagot ko bilang pagsuko at tinawanan siya dahil patuloy pa rin siya sa pagkaway.

"Ma! Stop doing that as if you won the Ms. Universe title. Hindi mo bagay." Pang-iinis ko pa sa kanya kaya tumigil siya sa kanyang ginagawa.

"Ikaw talaga." Naiiling niyang sagot. "Osya sige, magpahinga ka na dahil alam kong pagod na pagod ka na."

Napangiti ako kasi kahit hindi ko na masyadong nakakasama at nakakausap si mama, hindi pa rin talaga mawawala ang pagiging sweet at maalaga niya sakin.

My Immortal Crush  Where stories live. Discover now