18

2.5K 95 7
                                    

Jema's POV

| Christmas Eve |

Kasalukuyang naming inaayos ni Mafe ang Christmas tree nang puntahan kami nila Mama dito na mukhang may kasama.

"Anak, nandito na si Kyla." Sabi ni Papa kaya tumigil muna ako saglit at nakita ko si Kyla na may mga dala pang regalo.

"Ky!" Naglakad ako palapit sa kanya atsaka niyakap siya.

"Grabe makayakap Jems ha! Namiss mo naman yata ako ng sobra." Confident niyang sabi kaya humiwalay ako sa kanya.

"Wag kang feeling Atienza." Pairap kong sagot at binalingan ang mga bitbit niya. "Oh why did you brought some gifts pa?"

"Naku naman Jema, hinayaan niyo na nga akong makisama sa inyo ngayong pasko. Pambawi na lang ang mga ito." She replied and raised the gifts.

Hindi kasi siya makakauwi sa kanila dahil sa sobrang dami ng mga bumabyahe ngayong pasko kaya tinanong niya ako nung minsan na kung pwede ba daw ba eh dito na lang niya icelebrate ang pasko kasama kami. Wala namang problema samin yun e. The more the merrier kasi. Yun nga lang, yung iba kong kaibigan ay umuwi sa kani-kanilang probinsya pero okay lng. May pamilya din naman sila. Naisip ko tuloy kung kamusta na kay sila Deanna sa bahay nila. Mas okay siguro kung nandito din sila noh? Pero okay lang din naman basta magkakasama silang tatlo and I'm sure they are happy naman.

Napabuntong-hininga na lang ako at kinuha ang mga bitbit ni Kyla. Inayos ko sila sa ilalim ng Christmas tree. Sobrang dami na ng nakalagay dito. Namili na kasi kami ng mga pangregalo kahapon pa para hindi hassle. Tinapos na namin ang pag-aayos ng tree hanggang sa may nagdoorbell. Si Kyla na ang nagpresintang lumabas at hinayaan namin siya. Tumungo naman ako sa kusina para ilagay na ang mga pagkain sa dining table at saktong pagpalag ko nito ay ang pagdating ng kung sino.

"Wazzup Galanza's Estate?!" Bea shouted and she's with my girlfriend and Ponggay. Katulad ni Kyla, may mga dala rin silang mga regalo.

Hay nako🤦‍♀️

Binati ko muna silang dalawa at kinuha naman ni Mafe ang mga dala nila.

Aftet that, tumakbo naman ako palapit kay Deanna at sinalubong siya ng yakap. Naamoy ko na naman ang sweet scent niya tapos ang papi pa niya sa suot niyang long-sleeves, ripped jeans and timberland shoes. Ugh, namiss ko agad siya.

"I miss you bub!" Sabi ko at mas siniksik pa ang sarili sa kanyang leeg.

I heard her giggle and she let go of our hug.

"Really bun? We didn't see each other for just three days but you already missed me?" Natatawa niyang tanong kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Ikaw naman, nagtatanong lang e. Of course I missed you too." Pagsuko niya sabay akbay sakin pero agad din niyang tinanggal dahil niyakap niya din sila Mama at Papa including Mafe.

Taka akong tumingin sa kanila kasi walang nagsabi sakin na dito rin pala sila magpapasko pero binigyan lang ako ni Papa ng 'Siya na ang bahalang mag-explain sayo' look. Niyaya muna niya ang iba para bigyan kami ng private time ni Deanna.

"Bakit pala hindi ko alam na dito pala kayo mag-cecelebrate ng Christmas?" I asked her as we sat on the couch.

"Oo nga, kaya pati ako nagulat kaninang nakita ko silang nasa labas ng bahay niyo e." Napatingin kami ni Kyla na mga dala nang pagkain.

"Am I interrupting something?" She asked so I gave her a death glare. "Sabi ko nga. Sorry naman hehe sige una na ako. Baka mamatay ako ng dahil sa tingin ng isa dyan." Nakapeace sign niyang sabi atsaka umalis.

My Immortal Crush  Where stories live. Discover now