4

3.1K 136 11
                                    

Jema's POV

Pagkatapos naming magmall kanina, Kyla and Ate Jia decided to buy some foods and stay in our house muna. Gusto muna daw nilang tumambay at manood ng movie for an hour. Ako naman? Eto hindi pa rin mapakali simula nung may makabangga sakin kanina sa H&M. I don't know why pero parang I want to know and meet tha person. It's really weird tho kasi hindi ko pa naramdaman yung ganun.

Nandoon naman si Papa sa sarili niyang office dito sa bahay dahil may kailangan pa daw siyang tapusin. Napag-isipan niya kasing magpalagay na lang ng office dito para hindi na siya laging pumupunta sa company building unless it's urgent.

"Jessica Margarett!" I stopped thinking about it when they shouted at me.

Inis naman akong tumingin sa dalawang kumakain pa ng chips.

"What the hell is your problem?! Kailangan niyo pa talaga sumigaw?!" Bulyaw ko rin sa kanila sabay hablot ng chips.

Kumuha ako nito atsaka sinubo.

"Isn't it bad to steal our food?" Kyla asked me and grabbed the chips from me.

"Isn't it bad to shout at me too?" Sarkastikong sabi ko atsaka binalingan na lang ang pinapanood naming 'The First Purge'

We chose to watch this one because this movie is more about killing. Ginawang legal ng president ng New York yung pagpatay for how many days. Ito daw kasi yung mga klaseng, klaseng movie na gusto nilang dalawa kaya pumayag na lang din ako sa gusto nila.

"Ayan na naman po siya. Nakikipag-usap na naman sa kanyang sariling isip." Pagpaparinig ni Ate Jia at nahuli ko pa siyang umirap.

Aba pakialam ba nila ha?! Eh sa mas maayos at matino pang kausap yung sarili ko kesa naman sa dalawang kasama ko dito noh.

"At least mas maayos namang kausap yung isip ko." I replied.

"Hay nako, pinagtataka ko tuloy kung paano ka naging anak ng multimillionaire or should I say billionaire business man at kung paano mo nagagawang makapag-isip at makapagsalita ng tuloy-tuloy sa harap ibang tao." Saad pa ni Ate Jia habang umiiling.

"Mga kaibigan ko ba talaga kayo ha? Ako din nga pinagtataka ko kung paano ko kayo naging kaibigan." Panggagaya ko sa kanya sabay irap.

Sasagot pa sana siya pero may nakauna na sa kanya.

"Ang ingay niyo naman! Hindi ko na tuloy maintindihan itong pinapanood ko." Iritang sabi ni Kyla na mukhang papatayin pa kami dahil sa sobrang talim at sama ng tingin niya samin.

"Eh eto kasing si Ate Ji—" I didn't finished what I was saying because she interrupted me.

"Hoy anong ako?! You're always spacing out kaya ka—" Hindi na rin siya natapos because she was cut off by Kyla.

"Aish! Can you please stop arguing with some nonsense topic of yours." Seryoso niyang wika na nagpatigil samin ni Ate Jia.

Uh oh. She's really dead serious right now.

"Yes boss." Yan lang ang nasabi ko atsaka nagpipigil ng tawa dahil putlang-putla na si Ate Jia.

Alam na kasi namin ang pwedeng mangyari once na naging seryoso si Kyla.

Few hours and minutes have passed, the movie was over. Balak pa sana nialng dalawa maglinis at magligpit muna dito sa kwarto ko bago sila umuwi pero hindi ako pumayag. Bisita ko sila at dapat ko silang pagsilbihan.

"Mabait ka na nyan Jema?" Pang-aasar ni Ate Ji.

"Matagal na." I proudly replied.

"Ang hangin naman talaga oh." Pagpaparinig na naman ni Kyla pero inirapan ko lang siya.

My Immortal Crush  Where stories live. Discover now