45

708 56 6
                                    

Payton's POV

*gunshot*

That's was actually a great shot. Ang putok ng baril na iyon ang dahilan kaya bumagsak si Bea mula sa kanyang kinatatayuan.

*gunshot*

I shot Jhoana because she attempted to shoot us as well.

Dali-daling pumasok ang mga kasama naming SWAT at chineck ang mga nakahandusay na kung sinuman pati na rin si Bea at Jhoana. Nilapitan ko si Deanna na yakap-yakap si Eri. Tangina. Puno siya ng pasa at dugo sa katawan. Anong ginawa nila sa kanya?

"Dean—" Natigilan ako nang makita ang itsura niya matapos niyang humarap sakin.

"Payton...help—"

"Deanna!" Dali-dali ko siyang sinalo nang mawalan ito ng malay. "Luigi. Pakialalayan muna si Eri. I need the medical team!"

Sinadya kong lakasan ang boses ko para marinig nila na kailangan ko ng tulong. Hindi naman ako nabigo sapagkat sila ay mabilis na rumisponde at sinakay si Deanna sa ambulansya.

Alam na nila ang gagawin kaya nagpaiwan muna ako dito para maghanap pa ng mga evidence. Si Luigi ang may trabaho nito kaya pagkatapos niyang maalalayan si Eri kanina ay nagpaiwan din siya. Kahit na obligasyon ni Luigi ito, ayokong tumayo at maghintay na lamang ng mga sasabihin niya.

"Ang nakapagtataka lang, bakit may hospital bed dito?" Basag ni Luigi sa katahimikan.

Sakin pa siya nagtanong ha. Ako ba nagplano nito?

Kidding aside.

Inikot ko ang bodega. Malaki ito at malabong may makarinig sayo mula sa loob nito. Naagaw ng atensyon ko ang isang syringe na nasa sahig.

I picked it up and there's still some fluid left in it. Hindi ko alam pero baka sakaling makatulong ito kaya ibinigay ko iyon kay Luigi at nilagay niya naman ito sa zipper bag.

Pagkatapos naming masigurong nakuha lahat ng mga ebidensya, sumunod na kami sa hospital.

Alam kong nagtataka kayo kung paano namin nasundan at nalaman kung saan itinago sina Deanna. Bago siya umalis ay nilagyan ko siya ng tracker nung pinigilan ko siya para sagutan ang tumatawag sa telopono niya. Nagplano muna kami ni Luigi kung paano namin papasukin ang bodega dahil hindi kami pwedeng basta basta na lamang susugod papunta roon. Paniguradong madaming alagad at bantay ang kumuha sa kanila which is sina Bea. Tinignan namin muna sa tracking system at hinack ang mga cameras malapit dito para malaman namin kung saan pwedeng makalabas at makapasok ang mga SWAT na ipapadala namin doon. Nang masiguro namin na okay na ang isasagawa naming plano, pumunta muna kami ni Luigi sa lugar na iyon at patagong minanmanan ang bodega. Mahigit dalawang oras din ang ginawa naming paghihintay dahil kumukuha pa ng tiyempo ang mga tao dito. Maaaring gawin nilang hostage sina Deanna na nasa loob kapag kami ang unang sumugod kaya mas mahihirapan kami kapag minadali namin ang plano. Dali-dali namang itinumba ni Luigi at ibang pulis ang mga nagbabantay sa labas ng warehouse dahil nakarinig na kami ng putok ng baril. Akala namin yun na ang huli pero may mga sumunod pang putok kaya ako na ang unang pumasok at doon ko na nakita si Bea na may hawak na baril na nakatutok sa dalawa. So ayun, you know the rest.

I am so damn mad and I wanted to kill them when I saw Deanna's friend, Maddie. Wala nang buhay pero alam kong hindi sa ganung paraan ang gustong mangyari ni Deanna kina Bea.

"Joceph, I'll leave you here for a while. Kailangan kong malaman ang tungkol sa mga nakuha natin. Bibisitahin ko naman si Deanna at Eri pagkatapos namin." Sabi nito nang makarating kami sa hospital.

"Sige. Please make sure that Bea and Jhoana are still in a good condition. I don't want them to be dead and I'm sure Deanna doesn't want that to happen as well." Tumango naman ito atsaka umalis.

I asked their room numbers pero ang sabi sakin ay nasa ICU si Deanna samantalang nasa isang room naman si Eri at doon daw nagpapahinga.

ICU? Bakit nasa ICU si Deanna? Anong nangyari sa kanya?

Pinuntahan ko muna si Eri. Mahimbing siyang natutulog. Mas maayos na ang itsura nito kumpara kanina. He looked so scared and his eyes were swollen. Kawawang bata. He experienced this kind of situation at a very young age. Wala ring awa sina Bea na gumawa nito. Dinamay pa nila ang bata at ibang tao.

I stayed here for a while until someone knocked at the door. Iniluwan nito si Luigiat bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala.

"Payton." Naramdaman ko rin ang kaba sa boses niya.

"Anong balita?"

"Si Deanna..." Naluluha na ang mga mata niya.

Ano ba mag-ooverthink na ako.

"Ano??" Inip kong tanong.

"Yung syringe na nakita natin kanina, itinurok iyon sa kanya..."

"And I never expected it to be this worse..."

——————————

Jema's POV

"CEO Galanza, Mr. Galanza is on the lobby." Wika ni Jade.

"Sige susunod na ako. Thank you."

Pagkababa ko ng telepono ay niligpit ko na ang gamit ko at bumaba sa lobby. I don't have any idea why does my father decided to visit here.

"Hi Pa." I hugged him.

"Hmm kumusta na ang anak ko?" Tanong nito at kumalas sa pagkakayakap.

"Papa naman, magkasama pa lang tayo kaninang umaga."

"Haha I know I know. Nagpunta ako dito dahil may gusto lamang akong itanong." Medyo nag-iba ang ekpresyon ng mukha ni Papa na ipinagtaka ko.

"Ano po iyon?"

"Bali-balita raw na ilang linggo nang walang paramdam ang CEO ng WTV?" Oh, hindi ko alam na ito pala ang pakay ni Papa.

Uhm sabagay oo nga. Kahit sino sa mga businessman ay mag-iisip kung napano siya. Madalas ang sekretarya o 'di kaya yung kaibigan niya ang humaharap sa mga conference na naganap dahil ayun nga, she's MIA for weeks. Maski yung anak niya, si Eri ba yun ay wala rin. Sinasabi rin nila na walang katao-tao sa bahay nila at medyo magulo raw ito.

Aish! Hindi ko alam.

"Totoo nga po ang usap-usapan Pa. Pero bakit niyo po naitanong?"

"Hindi ka ba nag-aalala?" Tanong niya na nakapagpatigil sakin.

Argh Papa, ano bang iniisip niya? Bakit ako mag-aalala dun? Hindi ko na problema kung anong nangyayari sa buhay niya.

Siguro mga 5%. Hindi! Magtigil ka Jessica.

"Bakit naman po ako mag-aalala?" Natatawa ko ring tanong. "Dapat nga po maging masaya ako and I should take this opportunity to bring our company back to the top and overcome their company."

Narinig ko itong bumuntong-hininga. Ngayon ko na lang muli nakita si Papa na nag-aalala na may halong lungkot.

"Wala akong itinurong ganyan sa inyo ng mga kapatid mo, Jema. Alam ko na gustong-gusto mong manguna ulit ang GTF pero hindi natin maipagkakaila na mas mataas at mas magaling talaga ang kumpanya ng mga Wong. And I know that you still care for Deanna, even if just a little. May pinagsamahan kayo at alam ko rin sa apat na taong wala siya rito ay hindi mo naiwasang isipin siya. Am I right?" Pa, ano bang sinasabi mo?

"Hahaha you don't have to answer me. I just want you to be open. Kitang-kita sa mga mata mo na mas naguguluhan ka ngayong nagbalik siya. You love Trevor, I know. But you can never love him the way you loved Deanna."

My Immortal Crush  Where stories live. Discover now