5

2.9K 121 14
                                    

Jema's POV

"Good morning, COO Galanza." Kenneth greeted me when he entered my office.

"Good morning too Ken. What can I do for you?" I asked him and continued to sign the papers above my table.

"CEO Galanza wants to send you to his office right now. He will discuss something to you daw po." He politely answered.

"Okay." Tumayo na ako at inayos lang saglit ang mga papeles.

Hindi talaga ako nauubusan ng gagawin dito sa office. Everday, laging may bagong gagawin. Buti na lang laging pirma ko lang ang kailangan. Kung hindi naman, kailangan kong bumyahe at pumunta sa mga traveling sites namin like yung mga airports namin.

Unang lumabas si Ken samantalang sumusunod lang ako sa kanya.

Nang makapunta kami sa floor ng office ni Papa, siya ang kumatok at unang pumasok.

"Sir, your daughter is with me na po." Magalang na sabi ni Ken sa ama kong abala din sa pagsusulat.

"Thank you, Ken." My father replied. Ken slightly bow down his head and went out of the office.

"Oh anak, maupo ka muna dito. I have something important to tell you Jema." He said in a serious tone so I sat down.

Nakatitig lang ako sa kanya at hinihintay ang sasabihin niya.

"What is it Papa?" Hindi ko na napigilang magtanong.

I heard him took a deep breath.

"CFO De Leon wants to take you out for a lunch. Actually she asked me first kung pwede ka ba daw bang kumain sa labas kasama niya." He started that made me a little bit shock. "Hindi naman ako tumanggi dahil baka mag-usap kayo about sa business."

"Kami lang po bang dalawa?" Kunot-noo kong tanong.

"She didn't mentioned something about anak. Sabihan mo na lang si Mafe or si Kyla to take charge with the rest of your paperworks. Focus with CFO De Leon muna, okay?" Sabi niya sakin pero hindi pa rin ako makapag-isip ng maayos kung bakit naman ako biglang yayaing lumabas ni CFO De Leon.

"Jessica, are you with me?" Bumalik ako sa katauhan nang tanungin niya akong muli.

"Y-yes po Papa." Pero sa totoo lang ay hindi.

"Okay then." Saktong matapos ang usapan namin ni Papa ay ang pagtunog naman ng phone niya.

Tinignan niya ito at mukhang may binabasa.

After he read something, he looked at me with a smile in his lips.

"Nasa WDLG'S Royale Restaurants na daw siya. You can go anak. Kumalma ka lang ha? Alam ko namang hindi masamang tao si CFO De Leon." He joked and giggle.

"Papa naman e." Maktol ko at tumayo. "Sige po Pa. Mauuna na po ako. Baka mainip na po yun doon."

Tumango lang siya sakin atsaka niyakap ako. Pagkalabas ko ng office niya, dumaan muna ako sa floor kung nasaan ang mga kaibigan ko.

"Oh Jems, buti naparito ka? Wala kang ginagawa?" Ate Jia asked me when she saw me entered their office.

"Hmm wala. Actually pinapaasikaso na lang ni Dad yung mga natitira kong paperworks kina Mafe at Kyla dahil niyaya daw ako ni CFO De Leon na sumama sa kanyang kumain sa labas." Paliwanag ko sa kanya at pabagsak na umupo sa couch nila dito.

"Aba aba, mukhang may ibang intensyon yata ang CFO De Leon na yan sayo ah." Singit ni Fhen sa usapan at mukhang ready to fight na.

"Hoy Emnas, wag mo ngang isipin yung tao ng masama. Hindi ba pwedeng about sa business stuffs lang ang pakay niya?" Tanong sa kanya ni Ej.

My Immortal Crush  Where stories live. Discover now