SYMPATHY FOR THE DEVIL (COMPL...

By helene_mendoza

269K 14.5K 2K

I was the bad guy. The monster that people hate. I was the reason why some agents died in the line of duty. I... More

AUTHOR'S NOTE
CHAPTER ONE (Remission)
CHAPTER TWO (New Mechanic)
CHAPTER THREE (New Job)
CHAPTER FOUR (Car Trouble)
CHAPTER FIVE (Realty Agent)
CHAPTER SIX (The Witness)
CHAPTER SEVEN (The Job)
CHAPTER EIGHT (Her End)
CHAPTER NINE (First Time)
CHAPTER TEN (Road to Recovery)
CHAPTER ELEVEN (Faces of the Monsters)
CHAPTER TWELVE (New Name)
CHAPTER THIRTEEN (The Trainer)
CHAPTER FOURTEEN (Trainings)
CHAPTER FIFTEEN (Changes)
CHAPTER SIXTEEN (Practice)
CHAPTER SEVENTEEN (Mouth to Mouth)
CHAPTER EIGHTEEN (Stop thinking about me)
CHAPTER NINETEEN (Broken)
CHAPTER TWENTY (The Brothers)
CHAPTER TWENTY ONE (His move)
CHAPTER TWENTY-TWO (Face to Face)
CHAPTER TWENTY-THREE (Back Job)
CHAPTER TWENTY-FOUR (Favor)
CHAPTER TWENTY-FIVE (Her Nightmare)
CHAPTER TWENTY SIX (Cleaning Up)
CHAPTER TWENTY-SEVEN (Start of war)
CHAPTER TWENTY-EIGHT (Police Investigator)
CHAPTER TWENTY-NINE (Wake)
CHAPTER THIRTY (Cold Case)
CHAPTER THIRTY-ONE (Nightout)
CHAPTER THIRTY-TWO (Stuffed)
CHAPTER THIRTY-THREE (Pink Towel)
CHAPTER THIRTY-FOUR (Cute)
CHAPTER THIRTY-FIVE (First Kiss)
CHAPTER THIRTY-SIX (CPR)
CHAPTER THIRTY-SEVEN (Rival)
CHAPTER THIRTY-EIGHT (Visitor)
CHAPTER THIRTY-NINE (Flowers)
CHAPTER FORTY (Everything)
CHAPTER FORTY-ONE (Best night)
CHAPTER FORTY-TWO (Breakfast)
CHAPTER FORTY-THREE (Savior)
CHAPTER FORTY-FOUR (Don't want to go back)
CHAPTER FORTY-FIVE (Cracked)
CHAPTER FORTY-SIX (Plans)
CHAPTER FORTY-SEVEN (Other boyfriend)
CHAPTER FORTY-EIGHT (Riel)
CHAPTER FORTY-NINE (Start Over)
CHAPTER FIFTY (Again)
CHAPTER FIFTY-ONE (Sold out)
CHAPTER FIFTY-TWO (Loud Bang)
CHAPTER FIFTY-FOUR (Fresh start)

CHAPTER FIFTY-THREE (New case. New Location)

4.4K 334 105
By helene_mendoza

Indeed, what is to come will be better for you than what has gone by.

————————-

Martin's POV

            Hindi ko iniinda ang nakakabinging sigaw ng lalaki na nakatali sa upuan. Patuloy lang ako sa ginagawa kong pag-barena sa hita niya. Nararamdaman kong tumatama ang bala ng barena sa matigas na bagay sa hita niya. Tumatama sa buto. Hindi man lang akong nag-alangan patuloy ko lang binabaon iyon sa hita niya.

            "T-tama na... tama na... parang awa mo na..."

            Halos sa sarili lang iyon sinasabi ng lalaki. Hinintuan ko ang ginagawa ko at hinugot ang bala ng barena na nakabaon sa hita niya. Tinanggal ko iyon at pinalitan ng mas malaki. Ipinuwesto ko naman sa kabilang hita kaya nanlalaki ang mata niyang nakatingin sa akin. Pilit na gustong kumawala sa pagkakatali sa silya na iyon.

            "Maawa ka na! Patayin mo na lang ako!" Sigaw nito.

            Nakatingin lang ako sa kanya. Wala na akong nararamdamang awa. Ang tingin ko sa taong nasa harap ko ay sila Jorge, Karl at Pol. Na kahit namatay na ay kailangang paulit-ulit na i-torture dahil sa ginawa nila kay Elodie.

            Ipinuwesto ko ang dulo ng bala ng barena sa kabilang hita niya. Humahagulgol na siya ng iyak. Pinaandar ko at muli ay dahan-dahan ko iyong ibinabaon sa laman ng hita niya hanggang sa tumama sa buto, hanggang sa bumaon ng todo.

            Para na itong hihimatayin sa sakit na nararamdaman. Nang hugutin ko ay may mga nakasama pang laman sa bala ng barena. Umalis ako sa tabi niya at tinungo ang mesa kung saan nakapatong ang iba't-ibang mga gamit. Binitiwan ko ang barena at dinampot ang bote ng cognac na naroon at tinungga ko.

            This has been my life ever since Elodie died. I focused myself on my work. Twice a week ay may dinadalang mga tao dito ang mga tauhan ni Ghost. Hindi ko alam kung sino-sino. Basta may mga files lang na naroon. Babasahin ko at depende sa kaso nila ang torture na ibinibigay ko sa kanila. Kung hindi masyadong grabe ang ginawa, hindi ko naman sinasaktan ng sobra. Pero kung katulad nitong isang ito. Na nang-rape ng isang three years old na bata at pinatay pa ang ina ng bata, 'tangina niya. Lahat ng parte ng katawan niya ay bubutasan ko ng barena.

            "S-Ser... parang awa mo na... patayin mo na lang ako..." umiiyak na sabi nito.

            Tumingin ako sa kanya at natawa.

            "Patayin? Huwag. Hindi pa tayo tapos." Sagot ko at dinampot ang nail gun. Tiningnan ko pa kung kumpleto ang mga pako na naroon sa loob. Ininspeksyon ko ang size. De-kuwatro ang haba. Puwede-puwede na 'to.

            Bumalik ako sa harap niya at tumayo lang doon. Kitang-kita ko ang takot sa mga mata niya habang nakatingin sa akin. Halatang iniinda ang sakit na nararamdaman.

            "Bakit naisipan mong pati ang bata ay babuyin mo?" Pinindot ko ang nail gun at pumutok yon. Tumama ang mahabang pako sa dingding na malapit sa amin.

            Umiling-iling siya. "S-Ser. Maniwala ka. Hindi ko alam ang ginagawa kong iyon. Lango ako sa droga. Ang akala ko 'yung nanay ang niyayari ko. Hindi ko alam na bata iyon."

            Natawa ako at idinikit ang dulo ng nail gun sa balikat niya.

            "Tingnan ko ngayon kung hindi mo malaman ang nangyayari sa iyo."

            Pagkasabi ko noon ay dinampot ko ang isang bimpo at ipinasak sa bibig niya. Tapos ay binaril ko ng nail gun ang balikat niya. Isa. Dalawa. Tatlo. Umaaringking sa sakit ang lalaki. Nanlalaki ang mata at gustong-gustong sumigaw. Lalo ko pang idiniin ang pagkakabusal ng bimpo sa bibig niya tapos ay muling ibinaril ng dalawang beses ang nail gun sa balikat niya.

            Habang tinitingnan ko siya na nahihirapan ay lalo lang nabubuhay ang dugo ko sa katawan. How many demons like these am I going to torture? Okay nga lang sa akin kahit araw-araw. At least nagiging busy ako. Nawawala siya sa isip ko. Well, I am just giving them the pain that they deserve. Hindi naman ako ang tumatapos sa buhay nila. Si Ghost pa rin ang magdi-desisyon kung bubuhayin niya ang mga ganitong klaseng tao. Pero sa pagkakaalam ko, walang pang dumaan sa akin na binigyan ng second chance ng taong iyon.

            Ghost was giving second chances. If he knew that, that person deserve to have a second chance.

            Muli kong itinutok sa kaliwang balikat niya ang nail gun para iyon naman ang dudurugin ko. Pero napahinto ako nang marinig kong may sasakyang huminto sa labas ng garahe. Binitiwan ko ang hawak ko at pinunasan ang kamay ko. Baril naman ang dinampot ko ngayon at tinungo ang pinto. Binuksan ko iyon at sumilip. Kotse ni Ghost. Madalas, kapag pumunta siya dito ay mag-isa lang siya. Pero ngayon ay may pasahero siya na bumaba mula sa kotse.

            "What the-" hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang makilala ko kung sino ang bumaba doon. Tuluyan na akong lumabas para salubungin sila.

            "For real?" Natatawang tanong ko kay Ghost tapos ay tinapunan ko ng tingin si Gabriel.

            "My new recruit." Nakangiting sagot nito sa akin.

            Ngumiti ng maasim sa akin si Gabriel. Sa likod nito ay may bitbit na backpack.

            "New recruit? You jumped to the other side?" Baling ko sa kanya.

            Nagkibit ito ng balikat. "Mas masarap daw ang bawal. At mukhang totoo ang kasabihang iyon."

            Isinuksok ko ang baril sa likuran ko at naunang pumasok sa loob. Kasunod ko sila at nakita kong napangiwi si Gabriel nang makita ang lalaking nakatungo ang ulo at duguan na nakatali sa silya.

            "Shit," mahinang bulalas niya. Tiningnan pa niya ang mga nakahilerang gamit ko doon.

            "Don't ask. He's a child rapist. A killer too." Pauna ko. Naupo ako sa couch na naroon para makapagpahinga saglit. Nakakapagod din ang ginagawa ko. "Why are you here?" Kay Ghost na ako bumaling.

            "You're done." Maikling sagot niya.

            Kumunot ang noo ko. "What?"

            "I said you're done. Here. You have a new case. New location." May iniabot na folder sa akin si Ghost. Binuksan ko iyon at nakita kong ang kasong naroon ay isang taong pumapatay ng mga rapist.

            "This is a case? Hindi ba tayo magpasalamat sa taong ito dahil tinutulungan niya tayo na mabawasan ang mga demonyo sa mundo?" Ibinalik ko kay Ghost ang folder.

            "Just go there, Martin. You are done here." Tumingin ito kay Gabriel. "Can you do this kind of job? I told you, pay is good, you can do whatever you want, but I never said it would be clean. This kind of job is messy."

            Nakatitig lang si Gabriel sa lalaking nakatali sa silya. Nilapitan ito at iniangat ang mukha tapos ay binitiwan din.

            "Can I start now?" Sabi ni Gabriel.

            Mahina akong napamura. "So, papalitan niya ako dito? Ghost, you know I can do this job. I didn't let you down. Ilang tao na rin ang napaamin ko."

            Lumapit siya sa akin at marahang tinampal ang mukha ko.

            "When I said you're done, you are done. Pack your bags and go to your new location." Malamig pa sa yelo ang boses ni Ghost. At kapag ganito na ang tono ng taong ito, alam kong wala na akong magagawa.

            Napahinga na lang ako ng malalim at painis na umalis doon. Dumiretso ako sa banyo at naligo. Tapos ay isinilid ko ang mga gamit ko sa bag. Ang mga importante lang naman ang kinuha ko. Technically, Ghost still owns this house. Na ginawang technicolor ng anak niya.

            Nang bumalik ako sa garahe ay nakita kong inaayos na ni Gabriel ang mga gamit doon. Si Ghost ay nakaupo sa couch at tahimik na nagbubuklat ng mga folders.

            "And I am really done here?" Gusto kong makasiguro na hindi na niya kailangan dito ang serbisyo ko.

            Tumango si Ghost na hindi man lang tumitingin sa akin tapos ay ini-angat ang kamay at inaabot sa akin ang susi. "Drive fast. I've heard that, that person you're going to attend is a good one. Trained well from the best." Sabi pa nito na hindi pa rin tumitingin sa akin.

            Inis kong kinuha ang susi at napapailing na tumingin kay Gabriel.

            "Well, I guess this is it. Welcome to the killing club." Sabi ko sa kanya.

            Napangiti siya. "Mukhang enjoy naman dito."

            Nagkibit-balikat ako at tinungo ang pinto tapos ay muling tumingin sa kanya.

            "Can you keep the under the sea shower curtains? I like Ariel and Flaunder."

            Kumunot ang noo niya at nagtatakang tumingin kay Ghost. "Under the sea?"

            "And the flower themed plates. And the orange paint in the house. Nagustuhan ko na rin kasi. Maybe you'll like it too." Pagkasabi ko noon ay tuluyan na akong lumabas at sumakay sa kotse.

            Marahan kong hinilot-hilot ang ulo ko at nag-drive na paalis doon. Mahaba-habang biyahe ito. From Laguna ay bibiyahe ako papuntang Mexico, Pampanga. 'Tangina si Ghost. Kung ano ang maisip na ipagawa sa amin. Walang pinipiling oras.

            Wala namang gaanong traffic kaya dumating ako sa address na ibinigay ni Ghost. Nang pumarada ako sa tapat ng bahay ay sinilip ko iyon. At nag-upgrade na ng safe house si Ghost? Mukhang mamahalin ang bahay na ito. Hindi katulad ng dating tinuluyan ko sa Laguna na pinaglaruan ni Declan. This one looked like one of the houses that I only saw in magazines. Maganda ang combination ng kulay. Moderno ang disenyo. Three car garage at malawak ang garden.

            Bumaba ako sa kotse at tumingin sa paligid. Mukhang normal na neighborhood din ito. And I am going to torture someone in this house? 'Tangina, may mga bahayan sa paligid. Hindi kaya mapahuli ako ngayong gabi dito?

            Kinuha ko ang telepono ko at tinawagan si Declan. As usual, matagal na namang sumagot. Nagkakamot pa ako ng ulo nang sa wakas ay sagutin niya ang tawag ko.

            "Bad timing na naman? Let me guess. Pinaghahanap ka naman ngayon ni Stacey ng kamoteng kulay turqouise green."

            "Gago. Hindi. Naglalambing nga. Hindi ako inaaway ngayon. Gustong magpamasahe. Kaya istorbo kang hayop ka." Sagot niya.

            "Alam mo ba ang ginawa ng tatay mo? He pulled me out from my house and transferred me to another safe house. Pero 'tangina, this is a normal neighborhood. Mahuhuli ako dito kung dito ako magto-torture ng tao." Tonong nagsusumbong ako.

            "Talaga? Wala akong alam diyan. Matagal na kaming hindi nagkakausap ng tatay ko. Busy 'yon. Kung saan-saan nagpupunta."

            "Tatay mo hindi mo alam kung anong ginagawa. And did you know that Gabriel is working with him too."

            Natawa si Declan. "Nagseselos ka? Kasi hindi na ikaw ang favorite ni Ghost?"

            "Ulol. Ang ibig kong sabihin, how can he trust that guy? Pulis iyon. Malay niya kung nag-a-undercover lang iyon tapos sa huli ay ilalabas ang lahat ng ginagawa niya. Sasabit tayong lahat."

            "I trust Ghost. Alam 'non ang ginagawa niya. Saka alam mo naman na taga-sunod lang tayo sa mga utos ng matandang iyon. Sige na. Minsan lang akong lambingin ng asawa ko kaya sasamantalahin ko na. Ilang buwan na akong diyeta." Wala na akong narinig na sagot mula sa kanya. Napailing na lang ako. Kahit kailan walang matinong sagot na nakukuha sa animal na si Declan.

            Mahina akong napamura at isinuksok ang telepono sa bulsa ko. Kinuha ko ang backpack sa likurang bahagi ng sasakyan at isinukbit sa balikat ko. Muli akong sumilip sa bahay at binuksan ang gate. Hindi naka-lock. Tuloy-tuloy akong pumasok hanggang sa loob ng bahay.

            And the house felt like a home. Hindi katulad ng dating tinuluyan ko na parang wala lang. Parang tulugan lang. This one welcomed me with a warmth feeling. Siguro dahil maaliwalas ang hitsura ng loob. Completely furnished ang loob. Halatang mamahalin ang mga sofa, ang mga gamit. Pati ang pintura na ginamit ay masarap sa mata. Hindi kulay orange. White na binagayan ng brown and black accents. Pagdating ko sa kusina ay maayos din ang mga gamit. Walang flower themed plates. Ang mga paintings na nasa dingding ay gawa ng isang sikat na painter.

            Tinungo ko ang banyo. At hindi ko alam kung bakit parang nakahinga ako ng maluwag nang wala akong makitang under the sea na shower curtain. Glass partition ang naroon. Pati shower na ginamit ay halatang mamahalin.

            Fucking weird. Mag-ama talaga si Ghost at si Declan. Parehong weird.

            Lumabas ako at ibinaba ko ang bag ko sa sofa. Tumunog ang telepono ko at si Ghost ang tumatawag sa akin.

            "Are you there?"

            "Kakarating ko lang. Are you sure the new safe house is here? Ghost, this house is inside a village. With lots of houses around."

            Natawa siya. "Improvise. Kaya mo naman gawin iyon."

            Napahinga ako ng malalim. "Where is the subject?" Kinuha ko na ang baril sa bag ko at tiningnan ang magazine na nakakabit doon.

            "Did you check the close door garage?"

            "You left the subject here like a waiting duck? Paano kung nakatakas iyon?"

            "Goodbye, Martin. We are busy here." Magsasalita pa sana ako pero pinatayan na ako ng call ni Ghost.

            Napabuga ako ng hangin at tinungo ang close door garage na sinasabi niya. Madilim doon. Nang buksan ko ang ilaw ay nakita kong may taong nakatali sa silya sa gitna noon. Nakasuot ng itim na pantalon, boots at polo. May nakatabon na itim na tela sa ulo nito.

            All right. I guess my job was still the same. Tumingin ako sa paligid at napangiwi ako. True enough, I needed to improvise in this place. Wala akong magagamit na torture device dito.

            Inilapag ko ang baril sa mesang naroon at hinubad ang polo kong suot.

            "And what is your case?" Sa sarili ko lang nasabi iyon habang naghahanap ng kung anong magagamit ko sa kanya. "Sabi pumatay ka daw ng rapist."

            Binuksan ko ang cabinet na naroon at nakaramdam lang ako ng frustration dahil wala akong makita na kahit anong puwede kong gamitin. Insecticide ang nakita kong naroon at ibang gamot na panlinis sa bahay. Am I going to use this to torture this one? Hindi naman lamok itong sasaktan ko.

            "Because those rapists deserve to die."

            Napahinto ako sa ginagawa ko nang marinig ko ang boses na iyon. Biglang kumabog ang dibdib ko. Nabuhay ang lahat ng dugo sa katawan ko. Naninindig ang mga balahibo ko. Agad akong humarap at tiningnan ang taong may taklob na itim na tela ang ulo.

            "What did you say?" Titig na titig ako sa taong iyon. Wala itong kagalaw-galaw na nakaupo sa silya.

            "Rapists deserve to die." Ulit niya sa sinabi niya.

            Fuck.

            Nababaliw na yata ako.

            That voice.

            Shit. My head was just playing tricks on me. Bakit boses babae ito?

            At kaboses niya si Elodie.

            Dinampot ko ang baril ko at itinutok sa taong nakaupo sa silya.

            "Speak. Who are you?"

            Hindi sumagot ang taong nakaupo.

            "I am going to shoot you." Banta ko sa kanya.

            "What do you want me to say?"

            Shit. Tinatarantado ba ako nito? Lumapit na ako sa kanya at tinanggal ang itim na telang nakatabon sa ulo niya.

            Napaupo ako sa pagkabigla nang makita ang mukha ng taong nakaupo doon.

            Sigurado ako, nababaliw na ako. Worst, baka nasaksakan ako ng droga ng hindi ko alam kaya nagha-hallucinate ako ngayon.

            Because in front of me was Elodie.

Tied to the chair and smiling back at me.

Continue Reading

You'll Also Like

64K 587 11
[Aviator's Series #01] (THIS IS AN INCOMPLETE CHAPTERS. THE COMPLETE VERSION IS AVAILABLE IN DREAME @GORGEOUSYOOO) Synopsis I was so young when I dec...
4.4M 170K 77
He ordered two men he could trust to fetch the woman he had chosen to marry. But due to a mistake, a different woman than he expected came.... "S-sor...
73K 5.1K 56
"Marydale Morgan Entrata", I like her record. she seems like a good caretaker, I mean a good nurse. I think she can handle me", Edward retorted to hi...
649K 13.7K 25
"Hide and runaway away from me, but it wouldn't stop me from always chasing after you. And once I find you? you won't be able to escape from my grip...