SYMPATHY FOR THE DEVIL (COMPL...

By helene_mendoza

263K 14.5K 2K

I was the bad guy. The monster that people hate. I was the reason why some agents died in the line of duty. I... More

AUTHOR'S NOTE
CHAPTER ONE (Remission)
CHAPTER TWO (New Mechanic)
CHAPTER THREE (New Job)
CHAPTER FOUR (Car Trouble)
CHAPTER FIVE (Realty Agent)
CHAPTER SIX (The Witness)
CHAPTER SEVEN (The Job)
CHAPTER EIGHT (Her End)
CHAPTER NINE (First Time)
CHAPTER TEN (Road to Recovery)
CHAPTER ELEVEN (Faces of the Monsters)
CHAPTER TWELVE (New Name)
CHAPTER THIRTEEN (The Trainer)
CHAPTER FOURTEEN (Trainings)
CHAPTER FIFTEEN (Changes)
CHAPTER SIXTEEN (Practice)
CHAPTER SEVENTEEN (Mouth to Mouth)
CHAPTER EIGHTEEN (Stop thinking about me)
CHAPTER NINETEEN (Broken)
CHAPTER TWENTY (The Brothers)
CHAPTER TWENTY ONE (His move)
CHAPTER TWENTY-TWO (Face to Face)
CHAPTER TWENTY-THREE (Back Job)
CHAPTER TWENTY-FOUR (Favor)
CHAPTER TWENTY-FIVE (Her Nightmare)
CHAPTER TWENTY SIX (Cleaning Up)
CHAPTER TWENTY-SEVEN (Start of war)
CHAPTER TWENTY-EIGHT (Police Investigator)
CHAPTER TWENTY-NINE (Wake)
CHAPTER THIRTY (Cold Case)
CHAPTER THIRTY-ONE (Nightout)
CHAPTER THIRTY-TWO (Stuffed)
CHAPTER THIRTY-THREE (Pink Towel)
CHAPTER THIRTY-FOUR (Cute)
CHAPTER THIRTY-FIVE (First Kiss)
CHAPTER THIRTY-SIX (CPR)
CHAPTER THIRTY-SEVEN (Rival)
CHAPTER THIRTY-EIGHT (Visitor)
CHAPTER THIRTY-NINE (Flowers)
CHAPTER FORTY (Everything)
CHAPTER FORTY-ONE (Best night)
CHAPTER FORTY-TWO (Breakfast)
CHAPTER FORTY-THREE (Savior)
CHAPTER FORTY-FOUR (Don't want to go back)
CHAPTER FORTY-FIVE (Cracked)
CHAPTER FORTY-SIX (Plans)
CHAPTER FORTY-SEVEN (Other boyfriend)
CHAPTER FORTY-EIGHT (Riel)
CHAPTER FORTY-NINE (Start Over)
CHAPTER FIFTY (Again)
CHAPTER FIFTY-TWO (Loud Bang)
CHAPTER FIFTY-THREE (New case. New Location)
CHAPTER FIFTY-FOUR (Fresh start)

CHAPTER FIFTY-ONE (Sold out)

3.7K 263 59
By helene_mendoza

The saddest thing about betrayal is that it never comes from your enemies.
—————-

Gabriel's POV

            Dinala ko na muna si Varona sa ospital bago ako dumiretso sa presinto. Kailangan kong mag-isip. Kailangan kong makita uli ang lahat. Ang mga sinabi sa akin ay hindi ko mapaniwalaan. Tungkol kay Martin, tungkol kay Evie... Elodie. Elodie was her name. I needed to remind myself that she was alive. And those Baldomero's. Automatic na kumuyom ang kamay ko nang maalala ko ang hitsura ni Elodie nang walanghiyain ng mga tarantadong iyon.

            Diretso ako sa cubicle ko. Muling tiningnan ang case files ni Elodie. Ang case files ng dalawang namatay na anak ni Matthias. Ang report ng witness tungkol sa ginawa ni Martin. And it all makes sense now. The connections between them. It was screaming right on my face.

            Nang makita ko ang calling card ng lalaking kausap ko kanina ay napasandal ako sa kinauupuan ko. Hindi ko inaalis ang tingin doon.

            Let go of this case. Drop it. Wala ka ng magagawa dito. Hindi mo na mapipigil si Martin sa gagawin niya. Matthias and Jorge Baldomero are bound to die. And it won't be an easy one.

            But can I do it? What they were doing was against the law. I swore an oath to protect people. Can I let them to kill people without mercy? Can I let them to just play God?

            And I looked at Elodie's pictures again. Her tortured body. Her swollen face. I could picture the nightmare that happened to her. Those men who did this gruesome ordeal to her were monsters who wanted her dead.

            Tumayo ako at tinungo ang cubicle ni Varona. Naalala ko na sa kanya ko ibinigay ang case file ng witness na nagsasabing si Martin ang tumulong sa babaeng iyon. Sa dami ng inaasikaso, nagpatulong na ako sa kasamahan ko na iyon. Siya lang din naman ang mapagkakatiwalaan ko dito kaya sa kanya ko ipinagkatiwala ang witness. Kaming dalawa lang ang nakakaalam ng tungkol sa ginawa ni Martin kay Karl.

            Nagsabog ang mga papel sa mesa ni Varona. Sige ako hanap sa mga stack ng papel na naroon pero hindi ko makita ang folder. Binuksan ko ang drawers niya at napakunot ang noo ko nang makita ang isang cheke na naroon.

            Payable to Vic Varona. One hundred thousand pesos. At ang signatory ay si Jorge Baldomero.

            Kunot na kunot ang noo ko na kinuha iyon at tiningnan. Paanong magkakaroon ng ganito si Varona? At galing kay Jorge Baldomero? Hindi naman niya iyon kilala. I mean, alam niya ang tungkol sa mga namatay na Baldomero pero bakit siya bibigyan ng pera ng lalaking iyon?

            Sa isip ko ay may nabubuo na akong theory at napupuno ng galit ang dibdib ko. Padabog na ang paraan ng paghahanap ko ng papeles ng witness pero wala talaga doon. Malakas kong isinara ang drawer at ibinulsa ang cheke tapos ay tuloy-tuloy akong lumabas.

            Dumiretso ako sa ospital na pinagdalhan ko kay Varona. Ayaw pa nga akong papasukin ng nurse dahil nagpapahinga daw ito pero hindi nila ako napigil. 'Tangina, ako ang nagdala sa kanya dito at kaya ko din siyang ilabas at itapon sa kalye kung hindi niya sasagutin ng tama ang itatanong ko.

            Naabutan ko si Varona na natutulog sa hospital bed. Magang-maga ang mukha dahil sa ginawa ni Martin. Napatingin ako sa mga nakasabit na suwero sa katawan nito. Nilapitan ko siya at niyugyog ang balikat. Umungol pa ito at parang groggy nang magmulat ng mata.

            "S-Silva," tanging sabi nito at umungol dahil sa sakit na nararamdaman.

            "Did you sell out my witness?" I said that in between my teeth.

            Kumunot ang noo niya. "Ano?"

            Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko ng mariin ang hospital gown niyang suot.

            "The fucking witness. Did you sell her out? Did you tell anyone about her?"

            Painis niyang inalis ang pagkakahawak ko sa suot niya at ibinaling sa iba ang mukha.

            "Hindi ko alam ang sinasabi mo, Gabriel. Shit. Ikaw ang may kasalanan kung bakit ako nandito sa ospital. Ano ang ginawa mo? Muntik na akong patayin ng mga gagong iyon," padaing na reklamo niya.

            Dinukot ko ang baril ko at itinutok sa mukha niya.

            "And I can do that. Fuck you, Vic. Pinagkatiwalaan kita." Humihingal ako sa galit.

            Nanlalaki ang mata niyang nakatingin sa akin.

            "G-Gabriel! Ano ba? Anong ginagawa mo?" Gulat na gulat siya.

            Dinukot ko sa bulsa ang cheke at ihinagis sa mukha niya.

            "You sold my fucking witness. Sinabi mo kay Jorge Baldomero ang tungkol sa kanya kapalit ng perang ito. The fuck did you do that?" Ang sama ng loob ko. I felt betrayed. Sa totoo lang, siya na lang ang natitirang tao sa presinto na alam kong straight. Hindi nababayaran.

            Sumeryoso ang mukha ni Varona at masamang tumingin sa akin.

            "Kailangan ko ng pera, Silva. Konting information lang naman ang ibinigay ko sa Jorge na iyon. Konting information at one hundred thousand agad ang kapalit. Kung alam ko lang na ganyan ang kapalit ng mga alam ko, matagal ko ng ginawa at mas malaki pa ang siningil ko. Hindi mo ba nakikita ang nangyayari sa atin? Clown tayo sa presinto. Our bosses don't take us seriously dahil straight tayo pareho. Pero na-realize ko, 'tangina, I am putting myself on the risk just to save these people? Tapos magkano ang bayad sa atin? Hindi pa nga kayang makakabili ng isang Jordan shoes."

            Pakiramdam ko ay binagsakan ako ng langit sa narinig na sagot niya. Of all people, sa kanya ko pa iyon narinig. Siya na nakilala kong straight police officer na kahit kailan hindi puwedeng mabayaran.

            "Ano ang mga sinabi mo kay Jorge?"

            Nagkibit lang ito ng balikat. Napangiwi pa ng gumalaw.

            "Wala. Tungkol lang sa witness. Kung sino ang lalaking tumulong sa kanya."

            "Son of a bitch," sa narinig ko ay malakas ko siyang sinuntok. "Hindi mo alam ang consequence ng ginawa mo."

            "The fuck, Gabriel!" Napangiwi ito habang hawak ang pisngi.

            Magsasalita pa sana ako nang tumunog ang telepono ko. Si Cesar Valderama ang tumatawag sa akin. Nanatiling nakatutok kay Varona ang hawak kong baril nang sagutin ko ang tawag.

            "Mr. Valderama," nagngangalit ang bagang ko habang ang sama ng tingin sa lalaking nasa kama.

            "Gabriel," nanginginig ang boses nito. "I need your help. My daughter is missing."

            Kumunot ang noo ko. Shit. Hindi ba kasamahan ni Martin ang kumuha sa kanya kanina?

            "She went home. Naiwan sila dito ni Martin. Iniwan ko sila pero pagbalik ko wala na sila dito. Gabriel, baka nalaman na nila ang totoo sa anak ko." Ngayon ay tuluyan ng umiiyak ang kausap ko. "Tulungan mo ako. Sasabihin ko na lahat ang totoong nangyari sa anak ko pero tulungan mo ako."

            "Mr. Valderama, baka ho kinidnap ni Martin ang anak 'nyo. You know that asshole, ang dami kong nalaman tungkol sa kanya. Tungkol sa-"

            "No. No." Putol niya sa sinasabi ko. "He wouldn't do that. He loved my daughter. They have plans on moving away together. Ginagawan ko ng paraan. Kaya imposible ito na bigla silang aalis dito sa bahay nang hindi man lang nagsasabi sa akin? We have plans."

            Nanginginig ako sa galit at talagang si Varona ang gusto kong pagbalingan ng lahat ng galit na nararamdaman ko.

            Hindi basta-bastang tao si Martin. Natakasan nga niya kami at nabugbog niya ang kasama ko kahit naka-posas siya. At totoo ang sinasabi ni Mr. Valderama. Sa mga sinabi sa akin ng lalaking Ghost ang pangalan, hindi sasaktan ni Martin si Elodie. Mahal ni Martin si Elodie.

            "Gabriel, tulungan mo ako." Humagulgol ng iyak si Mr. Valderama.

            "I'll call you again, Sir." Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Muli kong hinarap si Varona at idiniin ang baril sa noo nito. "Ano ang sinabi mo kay Jorge?"

            "W-wala. Tungkol lang talaga sa witness ang sinabi ko sa kanya. Wala ng iba. Gabriel, maniwala ka sa akin." Nakikiusap na sabi niya.

            Umiling lang ako at parang nandidiring lumayo sa kanya.

            "Fuck you." Tinalikuran ko na siya at tinungo ang pinto. Hindi ko na kayang tingnan ang mukha niya. I lost the tiny hope that people in my office would be like me. Straight and cannot be bought and the only concern was to help helpless people.

            "Kung pupuntahan mo si Jorge, alam ko kung saan ang opisina niya. Doon kami nagkita nang mag-usap kami. Hindi sa opisina ng tatay niya."

            Napahinto ako at nilingon si Varona. Kinuha niya ang telepono at nagpipindot doon tapos maya-maya ay tumunog ang telepono ko. Address ang ipinadala niya sa akin.

            "I don't want to see your face in the office anymore. Mag-resign ka. Magpa-transfer ka sa ibang lugar wala akong pakialam." Walang emosyong sabi ko sa kanya.

            "Gabriel-"

            "Dahil kung hindi, ako mismo ang lulumpo sa iyo. And the worst I can do is to put a bullet in between your eyes. Trust me, I can do that." Walang emosyong sabi ko.

            Hindi ko na pinakinggan ang pagtawag niya sa akin at tuloy-tuloy na akong lumabas. Nagmamadali akong sumakay sa kotse ko at pinaandar paalis doon. Pupuntahan ko ang address na ibinigay ni Varona.

            Sa labas ay mukhang normal na opisina lang naman iyon. Pero parang walang mga tao. Nakita kong may tatlong kotse ang nakaparada sa labas. Agad kong kinapa ang baril na nasa likuran ko at kinuha iyon. Ikinasa. Pumasok ako sa loob. Wala namang mga CCTV sa paligid kaya dire-diretso lang ako. Pagpasok ay walang kalaman-laman ang loob. Hitsurang abandoned office pero may mga pinto. Naisip kong ito siguro ang hideout nila Jorge. Dito ginagawa ang mga kabulastugan nila ng mga kapatid niya. Nakakarinig ako ng pagkaka-ingay at napahigpit ang hawak ko sa baril ko nang makarinig ako ng tunog ng baril.

            Dali-dali akong lumapit sa pinto at binuksan iyon. Ang nakita ko agad ay dalawang lalaking naka-suot ng scrub suit tapos ay isang hospital bed na may nakaratay na lalaki. Si Martin ba iyon? Tapos ay isang babae na hawak ng isang lalaki na pilit isinusubsob sa mesa. Hinuhubaran. God damn it. It was Elodie.

            Jorge was going to rape Elodie again.

            Doon na ako pumasok at hindi ko na binigyan ng pagkakataon na makagalaw pa ang lalaking iyon. I shot him on his body. Nang makita kong babarilin din ako ng lalaking naka-scrub suit ay binaril ko din ito pati na ang kasama.

            Elodie looked like a mess. Blood was all over her face. She was beaten. Pero hindi niya intindi ang nangyayari sa kanya. Dali-dali siyang tumakbo sa kama kung nasaan si Martin and I could see blood on his body too.

            I felt a pang on my chest when I saw how Elodie was worried for Martin. She doesn't mind that she needed help too. All I could see was a devastated woman that was looking for her lover. Well, they were both looking for one another.

            Look for another woman, son. She's not going to like you. Ever. That's the reality.

            Maybe Ghost was right. Even if my intentions for Elodie was pure and true, she would never look at me the way she was looking at Martin.

            Because right now, that's what I see. Two lovers looking for each other regardless of the situation that they were facing.

            But I saw something moved. It was Jorge. He was holding a gun and in a blink of an eye, he shot Elodie. Reflex kicked in and I shot him more than once. I was shooting at him until there was no bullet left in my gun.

And when I looked at Elodie, I felt everything around me stood still. I could see blood pooling on her clothes. She doesn't realize that she's been shot until she fell on the floor.

Mabilis ko siyang nilapitan at nakatingin lang siya sa akin. Eyes were staring at me like life was beginning to fade away from her. No. She cannot die like this. She cannot leave me. Us. She cannot leave us.

Agad kong kinuha ang telepono at tumawag sa station para magpadala ng ambulansiya dito. She doesn't have time. I knew it. I can feel it.

Nang mahulog si Martin sa kama at pagapang na nilapitan si Elodie ay parang dinudurog ang puso ko. They were both shot, but all they wanted to do was to be with each other. Elodie was trying to reach for his hand, and he was doing the same. Hindi ko namalayan ang tumutulo na pala ang luha ko.

"Don't let go," Martin's voice was pleading but I saw Elodie closed her eyes.

She was giving up this time.

            "No! Don't close your eyes!"

Boses namin iyon pareho ni Martin.

But she couldn't hear us anymore. Our sobs. Our pleads for her to keep her eyes open. Her body was just lying in there. Motionless.

            I've seen people dying in front of me. I am used to see dead people every day. But it was different this time. Because the person I cared about hanging by a thread and her life was starting to fade away from her.

            I don't know it I can go on with my life after this.

Continue Reading

You'll Also Like

3.1K 682 40
People comes, people goes, as love comes, but does love goes? An infatuation become an true love that destiny can't defy. Hindi niya inakalang darati...
159K 10.2K 44
Before I became one of the best agents of XM Agency Dustin Matias, I was once Leon Deaver Kaestner first. A ruthless, violent underground cage fighte...
1.1M 34.1K 32
When the King falls in love with the right one. [ King Hyron R. Sandoval Story ] A king needs a queen. King Hyron got his heart broken that leads him...
12.9K 480 39
Maria Claudette Lopez was a self-centered lady who will do everything to experience being loved by her Father. She was alone and pressured thinking t...