SYMPATHY FOR THE DEVIL (COMPL...

By helene_mendoza

269K 14.5K 2K

I was the bad guy. The monster that people hate. I was the reason why some agents died in the line of duty. I... More

AUTHOR'S NOTE
CHAPTER ONE (Remission)
CHAPTER TWO (New Mechanic)
CHAPTER THREE (New Job)
CHAPTER FOUR (Car Trouble)
CHAPTER FIVE (Realty Agent)
CHAPTER SIX (The Witness)
CHAPTER SEVEN (The Job)
CHAPTER EIGHT (Her End)
CHAPTER NINE (First Time)
CHAPTER TEN (Road to Recovery)
CHAPTER ELEVEN (Faces of the Monsters)
CHAPTER TWELVE (New Name)
CHAPTER THIRTEEN (The Trainer)
CHAPTER FOURTEEN (Trainings)
CHAPTER FIFTEEN (Changes)
CHAPTER SIXTEEN (Practice)
CHAPTER SEVENTEEN (Mouth to Mouth)
CHAPTER EIGHTEEN (Stop thinking about me)
CHAPTER NINETEEN (Broken)
CHAPTER TWENTY (The Brothers)
CHAPTER TWENTY ONE (His move)
CHAPTER TWENTY-TWO (Face to Face)
CHAPTER TWENTY-THREE (Back Job)
CHAPTER TWENTY-FOUR (Favor)
CHAPTER TWENTY-FIVE (Her Nightmare)
CHAPTER TWENTY SIX (Cleaning Up)
CHAPTER TWENTY-SEVEN (Start of war)
CHAPTER TWENTY-EIGHT (Police Investigator)
CHAPTER TWENTY-NINE (Wake)
CHAPTER THIRTY (Cold Case)
CHAPTER THIRTY-ONE (Nightout)
CHAPTER THIRTY-TWO (Stuffed)
CHAPTER THIRTY-THREE (Pink Towel)
CHAPTER THIRTY-FOUR (Cute)
CHAPTER THIRTY-FIVE (First Kiss)
CHAPTER THIRTY-SIX (CPR)
CHAPTER THIRTY-SEVEN (Rival)
CHAPTER THIRTY-EIGHT (Visitor)
CHAPTER THIRTY-NINE (Flowers)
CHAPTER FORTY (Everything)
CHAPTER FORTY-ONE (Best night)
CHAPTER FORTY-TWO (Breakfast)
CHAPTER FORTY-THREE (Savior)
CHAPTER FORTY-FOUR (Don't want to go back)
CHAPTER FORTY-FIVE (Cracked)
CHAPTER FORTY-SIX (Plans)
CHAPTER FORTY-SEVEN (Other boyfriend)
CHAPTER FORTY-NINE (Start Over)
CHAPTER FIFTY (Again)
CHAPTER FIFTY-ONE (Sold out)
CHAPTER FIFTY-TWO (Loud Bang)
CHAPTER FIFTY-THREE (New case. New Location)
CHAPTER FIFTY-FOUR (Fresh start)

CHAPTER FORTY-EIGHT (Riel)

3.7K 261 64
By helene_mendoza

Remember. Bravery is not the lack of fear but the ability to move forward in spite of fear

————-/

Gabriel's POV

            Kahit sinabi ng lalaking narito na bitiwan ko ang baril ay hindi ko ginawa. Nakatutok pa rin sa kanya ang baril ko at talagang alerto ako sa puwede niyang gawin. Tinapunan ko ng tingin si Varona na nakalugmok sa sahig at tingin ko ay hindi na humihinga.

            "Don't worry about your friend. I just gave him a good sleep. He'll wake up later," malumanay na sabi ng lalaki at inayos-ayos ang cover ng sofa na naroon. Nagtataka pa siyang tumingin sa akin. "Hindi mo pa ba ibababa ang baril mo? I told you, I am not here to kill you." Kinuha nito ang silya na inuupuan ni Varona kanina at inilapit sa akin. "Sit down."

            Hindi ako gumalaw.

            "Come on, Gabriel Forrest Silva Alzea." Ngayon ay seryoso na siyang nakatingin sa akin.

            Sa narinig ay unti-unti kong ibinaba ang hawak kong baril.

            "What did you call me?" Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Paano niya nalaman ang totoong pangalan ko? It was sealed. The court promised me that they will seal my true identity.

            Kunwa ay nagulat pa siya sa sagot ko. "Hindi ba iyon ang pangalan mo?" May dinukot itong maliit na folder na nakasuksok sa pocket ng suit jacket na suot niya. Binuksan iyon at binasa. "Your birthday. September 16, 1992. Your parents name were Maria Silva and Crisostomo Alzea. Your father died when you were thirteen. Shot by your mother in the head." Ngayon ay nakatingin na siya ng seryoso sa akin.

            Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Paano niya nalaman iyon? No one knew about what happened to my family. What happened after that. I've changed my identity a long time ago.

            "You were adopted by a police officer who took you as his own son." Tumingin siya sa akin. "Do you still want me to continue? Or did I get your attention now?"

            Napalunok ako. Isinenyas niyang maupo ako sa upuan na ibinigay niya sa akin kaya iyon ang ginawa ko.

            Matapang akong tao. Kahit kailan hindi ako natatakot sa kahit na sinong humarap sa akin. But this guy. He looks totally calm. Bawat galaw ay may poise. But the calmness in his actions. In his voice radiates a terrifying ordeal. That he could kill without mercy.

            "But you know that was not the truth, right? Crisostomo was not your real father. Your real father abandoned you when you were still a baby. And your mother married the first man that will accept you. But that didn't happen. Wasn't it?"

            "Who the fuck are you?" Ngayon ay nanginginig na ang buong katawan ko dahil sa sinasabi niya. Paano niya nalaman ang totoong pagkatao ko?

            "You grew up in a violent family. Your so called father beat your mother up all the time. You grew up seeing your mother beaten black and blue. And then, he started to beat you too."

            "Shut up." Napapikit ako at pilit na inaalis sa isip ko ang mga alaala na matagal ko ng ibinaon sa limot. Bakit kailangan pa niyang ungkatin ang lahat ng iyon? I buried that after my mother died. I am a different person. I am Gabriel Silva, and I am a good police officer.

            "But one day, you had enough." Inilapag ng lalaki ang hawak niyang folder at pakiramdam ko ay nanghina ako sa nakikita kong litrato na inilalatag niya sa mesa. Ganito pala ang pakiramdam ng mga ini-interrogate kong suspect. Nakakapanghina. Nakakalambot ng tuhod. Nakakabaliw na maalala ang nangyari nang araw na iyon.

            "You came home and saw your mother lying on her own blood. Beaten by your father. And that's not all. She was stabbed too. That was the last straw. Right, Riel? That's what your mother used to call you. And everything went black. You went to your parent's room, took your father's gun and shot him in the head."

            Hindi ko namalayan na umaagos na ang luha sa mga pisngi ko habang nakatingin lang ako sa litrato ng nanay ko na nakahandusay sa semento. Malapit dito ay ang bangkay din ng kinilala kong tatay ko na dilat ang mata pero may tama ng bala sa noo.

            "But before your mother died, she took the gun from you and pretended that she was the one who killed your father. So, you will never go to jail."

            "Fuck you!" Gumagaralgal ang boses ko. "That demon deserve to die! He killed my mother!"

            "That's it. Let it out. Let out your emotions. Those emotions that you pent up inside you for so long. The anger. Let it out. You want to beat me. Come on. Do it." Umayos pa siya ng upo at hinihintay ako na sugurin siya. At gustong-gusto ko iyong gawin. Wala siyang karapatan na ipaalala sa akin kung ano ang trahedyang nangyari sa buhay ko. Matagal ko na itong kinalimutan. Binigyan ako ng bagong buhay ng umampon sa akin. Kaya ako nag-pulis ay para mabulok sa bilangguan ang mga masasamang taong katulad ng nakilala kong tatay. Mga taong katulad ni Martin.

            Pero hindi ako gumalaw. Nakakuyom lang ang mga kamay ko at nakayuko ako.

            "Riel, please trust me."

            "Don't call me that fucking name. I am not that person anymore. My name is Gabriel Silva, I am a police officer, and I am going to get every fucking bad guy that will come my way." Mariing sabi ko.

            "Good. Now tell me what you can say about these pictures?"

            Ngayon ay isa-isa niyang inilalatag sa harap ko ang mga litrato ng isang babae. Bugbog-sarado na nakaratay sa kama. Sabog ang mukha sa bugbog. Pati ang katawan ay balot na balot ng benda. Sa hitsura ay mukhang hindi na humihinga.

            "She was raped. Tortured. Beaten until her body couldn't take it anymore. And she was left to die." Seryosong sabi ng lalaki.

            Hindi ako kumibo at kinuha ko ang isang litrato habang titig na titig doon. Nakakaramdam ako ng awa sa babae. Pakiramdam ko ay nakikita ko ang hitsura ng nanay ko. Walang kalaban-laban na binibugbog ng mga lalaking mga babae lang ang kayang saktan. 

            "Mga demonyo ang gumawa niyan sa kanya. Mga demonyong pinatay ni Martin Atienza. Or Martin Darke. Or Teodoro Castro. His name goes on. He got a lot of aliases." Ibinato niya ang ilang mga ID's sa harap ko at naroon ang mukha ni Martin. Iba't-ibang klase ng ID's. Iba-iba ang pangalan na naroon.

            Taka akong tumingin sa kanya. Sino ba ang taong ito? Bakit ang dami niyang alam? Tungkol sa akin. Tungkol kay Martin.

            "Si Martin ang dapat na magdi-dispose sa babaeng ito. A no brainer job that he always does for the Baldomero's. But he had a change of heart because the woman was still alive. He had the chance to kill her. To finish the job but he couldn't do it. Instead, he broke his rules and save the woman."

            Nanatili akong nakatingin sa litrato. "B-bakit hindi lumabas sa media ito? Wala akong balitang nalaman na nangyari ang krimen na ito. Imposibleng hindi ko malaman 'to." Iniisa-isa ko ang mga litrato ng babae at napapailing ako sa kalagayan nito na nakikita ko. Sobra ang ginawa ng mga hayop na iyon.

            "Because she chose to keep it to herself. Like you, she chose to keep her anger inside her and that was fueling her to move on. To live after whatever nightmare happened to her. But the difference from you she didn't become a police officer like you. She became a different person. Ready to take her revenge. Ready to kill those monsters that hurt her." Ngumisi ang lalaki sa akin. "You know her. Actually, you are somewhat close to her."

            Napatingin ako sa kanya. Kilala ko ang babaeng ito? Sino 'to? Wala akong kilala na malapit sa akin na sinapit ang ganito ka-tinding krimen. At kung mayroon man, sisiguraduhin ko na hindi na sisikatan ng araw ang gagawa noon sa kanila.

            "She faked her death to have a new identity. Bilib ako sa batang iyan. Matapang. Hindi mo naman masisisi. You know people change and lose fear when you don't have any choice but to face your fear."

            "Who the hell is this?"

            Taka siyang tumingin sa akin. "Hindi mo pa rin siya nakikilala? Nandito lang siya kanina."

            Nanlalaki ang matang nakatingin ako sa kanya. "Evie?"

            "Oh, that's her new name. Evie Marie. I like it. Sounds clever. Fierce. Her real name was Elodie Yen Valderama."

            Pakiramdam ko ay nanghina ako sa narinig na sinabi niya at nanginginig ang mga kamay na tiningnan ang litrato ng bugbog na bugbog na babaeng nakaratay sa kama. Shit. I knew it. I can feel that Elodie was not dead. Marahan kong hinaplos ang litrato niya at hindi ko napigil ang hindi mapaluha habang nakatingin sa bugbog niyang mukha. She suffered this kind of pain. Just like my mother and no one helped her.

            "She was at the wrong place and at the wrong time. Witnessing a murder. Those men, named Pol, Karl and Jorge saw her. And they did rape, tortured and attempted to kill her." Patuloy pa nito.

            "They did this to her?" Hindi ako makapaniwala sa nalalaman ko. "Bakit hindi niya sinabi sa akin? I've been following her case for a long time. I knew there was something missing."

            "She didn't tell you because she chose not to. She wanted to do it by herself. Technically, she was the one who killed Pol. Martin just took it. But Karl, was his doing. Halimaw magtrabaho si Martin 'no? Aral sa akin ang batang iyon. He tortures and kills without mercy." Kumindat pa siya sa akin.

            Sinamaan ko siya ng tingin. "Pero alam mong labag sa batas ang ginagawa niya."

            "Batas? Sa linya ng trabaho namin, walang batas. We follow our own rules. We do whatever we think that is right to do. Ang kailangan lang ay may paninidigan ka sa pinaniniwalaan mo."

            "Still, mali pa rin. Kaya tayo may batas. Kaya may due process para maimbestigahan ang lahat. Para lumabas ang katotohanan." Katwiran ko.

            "Riel-"

            "I said stop calling me Riel. Hindi tayo close." Masama ko siyang tiningnan.

Sumenyas siya ng parang humihingi ng pasensiya sa akin. "Fine. Okay. But coming from you?" Hindi makapaniwalang sagot niya. "Ilang beses ka nang nagkaroon ng mga kaso na na-dismiss? Kahit kumpleto ang ebidensiya mo ay walang nangyari? Ilang beses ng may nahuli kang kriminal pero natakasan ang krimen na ginawa?"

            Hindi ako nakasagot. Dahil ang totoo ay hindi ko na mabilang.

            "You lost count already. Because that's the reality. If you have power, the connections, the money you can get away with everything. We have a fucked up justice system. The system that only works for rich and powerful people. And I know, you know that." Napahinga ng malalim ang lalaki.

            Hindi na ako kumontra sa sinabi niya at napailing na lang. Muli kong tiningnan ang mga litrato ni Evie... no. Elodie. She was Elodie. Napangiti ako ng mapakla. How many times that I wished that, that woman was alive. How many times I talked to her pictures thinking that she could hear me promising her that I could solve her case. But all along she was alive. And she was also the woman that I like.

            "Gabriel," alanganin na tumingin sa akin ang lalaki. "Did I call you right this time? Gabriel. Let go of this case. Drop it. Wala ka ng magagawa dito. Hindi mo na mapipigil si Martin sa gagawin niya. Matthias and Jorge Baldomero are bound to die. And it won't be an easy one."

            "At papayagan mong mangyari iyon?" Muli ay dinampot ko ang baril at itinutok sa kanya. "Ako. Hindi ko papayagan. Babawiin ko si Evie... damn it. si Elodie sa lalaking iyon. She is not safe with him." Humihingal ako sa galit.

            Napa-tsk-tsk. "I guess it's the jealousy that is driving you wild. Look for another woman, iho. She's not going to like you. Ever. That's the reality. That kind of love happened to my son and it didn't end for him well. It almost cost him his life. I don't want you to experience what happened to him. Because it will break you and it will be hard to pick up the pieces again."

            "Fuck you. You don't know what you're talking about. Who do you think are? Some kind of guru? Na bigla kang darating dito at kung ano-ano ang sasabihin mo sa akin. Pulis ako. Mamamatay tao ang Martin na iyon at dapat lang niya iyong pagdusahan sa kulungan."

            Natawa ang lalaki. "I like you. Hardheaded. Fearless. I like people like you in my team. Let me tell you one thing. How about you working with me, you can still catch bad guys and, you can kill even if you don't do investigations."

            Kumunot ang noo ko. "What? Pinagsasabi mo? Baliw ka ba? Hindi puwede ang ganoon."

            Lalo itong natawa. "Trust me. I can give you a new and better life. And the adrenaline rush is the best part."

            Natawa na ako sa ka-imposiblehan ng sinasabi nito.

            "Who do you think you are? God?" Tawa ako ng tawa.

            "No. Ghost." Nakangising sagot niya.

            Unti-unti akong napahinto sa pagtawa kasi alam kong seryoso siya sa sinabi niya. I cleared my throat and held my gun again.

            "Last warning, iho. Don't try to stop what will happen to Matthias and Jorge. Because if you try to interfere," napahinga siya ng malalim. "I do not have a choice but to do what I am good at."

            "And what is that?" Asar kong tanong.

            "Killing people." Seryoso siyang nakatingin sa akin nang sabihin iyon.

            Hindi ko maintinidhan kung bakit pakiramdam ko ay gumapang ang nakakakilabot na paraan ng pagkakasabi niya noon sa buong katawan ko. Pakiramdam ko ay nagtayuan ng mga bahibo ko sa batok. Literal na para akong tinabihan ng multo.

            Tumayo siya at kaswal na inayos ang sarili. Inayos ang kuwelyo, ang suit jacket na suot. Tiningnan pa kung nadumihan ang suot na balat na sapatos tapos ay may inilapag na piraso ng calling card sa harap ko.

            "I hope you choose well Riel. I want you to be on my team."

            Kahit ang paraan ng pagkakangiti niya ay nakakakilabot. Nakakatakot. Ibang klaseng kaba ang hatid ng taong ito. Kumaway pa siya sa akin at tinungo na ang pinto at lumabas.

             Tiningnan ko ang calling card na ibinigay niya. Tanging number lang ang nakalagay doon. Tapos ay ang mga litratong iniwan niya.

            Iniisip ko ang mga sinabi niya sa akin. Nagtatalo na ang isip ko, ang puso ko pati na ang konsensiya ko kung ano ba ang dapat kong gawin. Pulis ako at may sinumpaang tungkulin. Hindi ako dapat tumalon sa bangin kasama ang mga mamamatay taong katulad ni Martin.

            Pumapatay ka rin naman 'di ba? Ang kaibahan 'nyo lang may tsapa ka. Lisensiyadong pulis ka. But what's the difference? Marami pa rin kayong mga masasamang taong hindi nahuhuli.

            Parang naalala ko pa ang sinabi ni Evie kanina.

            Fuck. Not Evie. Her name was Elodie. Elodie.

            Kinuha ko ang litrato niyang nakaratay sa kama. Sa isip ko ay parang nakikinita ko ang nangyari sa kanya.

            Martin was going to kill Matthias and Jorge. And I shouldn't interfere with it. Pero hindi ko puwedeng gawin. Hindi ko kaya.

            Dinampot ko ang baril ko at ikinasa iyon.

            Hindi ko puwedeng pabayaang mangyari iyon. Hindi ako puwedeng pumayag na gawin iyon ng lalaking iyon. Pulis ako at trabaho kong magligtas ng tao. Mag-protekta sa mga taong nangangailangan. Dahil iyon ang sinumpaan ko.

            Kahit pa nga alam kong mga demonyo din ang mga iyon.

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 32.4K 40
She was the perfect student. He was the total bad boy in the university. They were the total opposite but still love brings them together. Will a...
600K 19.5K 41
Xavier Philip Costelo was looking for the perfect model for his next exhibit. Someone who could turn all his canvas full of hues. Someone who could...
36.5K 2.3K 64
Xian Marceau O. Mendoza. Born as an orphan, adopted and raised by gay parents, Xean and Marky. It was an unconventional family but he n...
606K 11.7K 26
"I don't know what's with you but you make me feel so many things I shouldn't feel. So many emotions that make me feel alive and it makes my mind emp...