Endless Love (Amity Series #1...

By Devonicaa

12.4K 422 120

She was a transfer student. She met them. She fell in love. He left her. But he stayed. How do you move on fr... More

Disclaimer
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Epilogue

Chapter 10

209 7 0
By Devonicaa

Lumipas ang mga araw at sila Brionny at Elena lang ang lagi kong kasama. Hindi ko alam kung anong pinagkakaabalahan nila Genevieve. Wala din naman akong balak alamin.

"I heard na umalis daw sila Adriel at Perse." chika ni Elena pagkaupo niya.

"Where do they go? It's not weekend pa naman ah." Friday pa lang ngayon at bukas pa ang araw na pupwede kami umuwi sa aming mga bahay.

"Baka may important matters lang." walang buhay kong saad.

"You, ha! You miss them na, 'no? Yiee." sinundot niya pa ang tagiliran ko saka umirap.

"Anong miss? Hindi ah." depensa ko. Totoo naman na hindi ko hinahanap ang presensya nila. Si Genevieve kasama ko naman sa kwarto. Hindi naman kami 'ganun ka-close ng mga kaibigan niya. Well, para sa akin.

"Diba, you're friends with them?" usisa pa ni Brionny. Nakatingin lang sa amin si Elena at nakikinig.

"Hindi, 'no. Si Genevieve siguro, pwede pa. Pwede din si Zyren at si Perse pero sila lang." she rolled her eyes 'ganun din si Elena.

"You're so humble naman." they sighed. Inirapan ko sila dahil halatang-halata ang pagiging sarcastic nila.

Pagkatapos namin maglunch ay naghiwa-hiwalay na kami. Iba kasi ang course nila sa course ko. Business ang sa kanila at Tourism naman ang akin. Syempre mayaman sila at may mga kompanya kaya iyon ang aaralin nila.

Hindi ko alam bakit parang ang bigat ng katawan ko ngayon. Nakakatamad makinig pero pinipilit ko. Sayang naman yung tuition kong napakalaki kung papabayaan ko ang pag-aaral ko.

Quality Service Management in Tourism and Hospitality ang tinatalakay namin ngayon. Madali lang naman intindihin kaso lumilipad talaga sa kung saan ang utak ko. Nasaan na kaya ang mga kumag na 'yon?

Hindi kasi ako sanay na walang nangangalabit sa akin tuwing klase. Wala din si Zyren na puro banat. Hindi ko alam kung nasaang lupalot yung mga 'yon. Iyong magkapatid naman busy sa kakaaral. Si Thor? Aba, pakialam ko 'don! Charot.

Kahit hindi naman kami madalas mag-usap ay masasabi kong...mabait siya? Ewan basta hindi siya peke.

"So, this is the situation, there is a passenger who is angry and yells at you because he doesn't like his coffee or anything. You are tired and it is irritating for him to shout because many are already disturbed. How will you handle it?"

"Sasapakin para manahimik, Ma'am!" biro ng kaklase kong lalake. Natawa naman si prof. Nakakapagbiro sila dahil mabait naman at madaling pakisamahan si Ma'am Rivera.

"But of course, you can't do that. Vilasco, how about you?" agad akong tumayo dahil sa pagkabigla. Putek, nanahimik po ako, Prof. Nasa kalawakan pa ang utak ko hindi pa siya lumalanding pabalik.

Napailing ako sa naisip saka tumingin kay prof. Nakangiti siya kaya medyo nabawasan ang kaba ko.

"Uh, of course I'll talk to him nicely. Maybe it's because he just doesn't have a good day so he's hot -headed. Even if I'm tired, I'll try to calm down because that's part of my job. I'll just change what he doesn't want so that he won't cause a scandal anymore." paliwanag ko. Tumango-tango siya saka ako sinenyasan umupo.

Natapos ang aming klase sa araw na 'yon pero hindi ko pa rin namamataan sila Zyren. Hindi naman sa namimiss ko siya pero hindi kasi ako sanay na wala 'yon sa paligid ko. Siya ang unang kumausap sa akin dito kahit na hindi maganda ang tagpo namin mahalaga na din siya sa sakin.

"Earth to Donna!" napakurap-kurap ako at tinignan ng masama ang pumingot sa ilong ko. Lalong sumama ang mukha ko ng makitang si Thor 'yon.

"Bakit nakatayo ka lang dyan?" natatawang tanong niya.

"Paki mo ba." inirapan ko siya bago ako umupo sa isang bench malapit sa amin.

"Hay. Napakataray mo talaga. Buti na lang maganda ka!" tumabi pa talaga ang mokong sa akin.

"Anong connect?" baliwalang saad ko.

"Crush pa naman sana kita kaso---"

"Pwede pakihanap?" putol ko sa kaniya.

"Ang alin?"

"Yung pake ko." ani ko at saka ko siya inambahan. Kunwari pa siyang sumalag habang tumatawa.

"Ayoko na lang talaga pumila, Donna." makahulugang sabi niya. Kumunot ang noo ko at ngumisi naman siya. Tumayo siya kaya napatingala ako sa kaniya.

"Tara. Cafeteria. My treat." inilahad niya pa ang kaniyang kamay na parang hindi ko kayang tumayo ng walang tulong niya. Tsk,tsk.

Hindi ko inabot ang kamay niya at tumayo mag-isa. Narinig ko pa ang madamdaming "ouch" niya. Bading amputa.

"You're really my type, you know. Feisty." sinuntok ko siya sa tiyan at naramdaman ang naghihimutok niyang abs.

"May abs ka pala?" tanong ko habang naghahanap kami ng mauupuan.

"Tss, ako lang 'to, Donna." mayabang na sabi niya saka ako pinaghila ng upuan. Gentleman naman po pala.

"Order lang ako." paalam niya. Tumango lang ako saka pinagtuunan ang aking cellphone.

Hindi ko pinansin ang mga babaeng bulungan ng bulungan sa paligid ko. Paulit-ulit naman ang sinasabi nila. Slut, gold digger, at kung ano-ano pa.

Hindi ko rin hinahayaan na maapektuhan ako dahil mas kilala ko ang sarili ko kaysa sa kanila. Nakakapikon nga lang minsan dahil wala silang pinipiling oras.

Pumasok na sa isip ko na bumalik na lang sa amin. Hindi ko kahit kailan naranasan ang masabihan ng 'ganung'  salita doon. Lahat sila mabait sa akin. Kilala din nila ako na taong bahay lang at tanging si Berno lang ang lalaking malapit sa akin. Well, hindi naman siya totally na lalaki. Siya daw kasi Berna sa gabi, hahaha.

Napangiti ako sa naisip. Pag-uwi ko bukas bibisitahin ko yung baklitang 'yon.

"What are you smiling at?" tanong ni Thor pagkaupo niya. Um-order siya ng sandwiches, chips at soft drinks.

"Wala, chismoso." ngumiti sya sa akin. Ang gwapo din nito, 'e. Kaso masyadong mayabang. Wala din naman akong balak magboyfriend lalo na't ang sasama ng ugali ng mga tao dito.

"Nasaan nga pala sila Zyren?" pag-uumpisa ko. Ang awkward naman kung walang nagsasalita sa amin, 'diba?

"Umuwi si Zyren sa parents niya may gagawin yata. Si Genevieve and Aiden naman siguro nasa library o nasa coffee shop,  nag-aaral. 'Yung kambal hindi ko alam. Bigla namang nawawala ang mga 'yon." nagpatuloy kami sa pagku-kwentuhan ng kung ano-anong bagay. Naikwento nya rin sa akin ang kabataan nila. Simula pala pagkabata magkakasama na sila.

"I remember Adriel having a crush on Aiden's sister. Grabe, ang bata pa namin 'nun pero parang inlove na inlove na siya." natatawang ani niya. Aiden's sister? Genevieve? Kaya pala 'ganun siya makatitig sa babae.

"Umiyak pa siya ng umiyak noon ng malaman namin na nawawala yung kapatid ni Aiden. Imagine? He cried! Damn, that must be love!" nawala pala noon si Genevieve? Sabay kaya silang nawala nung bunso nila pero siya lang ang nahanap? Gustuhin ko man magtanong ay alam kong wala ako sa posisyon.

"Now, your turn." napatigil ako sa pagnguya sa sinabi niya. "Wala naman interesante sa buhay ko." sumimangot siya kaya napilitan ako magsalita. Kawawa naman at baka naubusan na siya ng laway kakadada.

"Panganay ako, may dalawang kapatid na makulit, may mapagmahal na magulang, hindi ako pala-gala dahil mas gusto ko sa loob ng bahay. Isa lang din ang kaibigan ko sa amin. In short, boring ang buhay ko."  akala ko sapat na iyon para ipaliwanag ang buhay ko pero dahil dakilang chismoso itong si Thor ay kung ano-ano pang follow up question ang pinagsasabi niya.

"Mabait ba talaga magulang mo?"

"Anong itsura ng mga kapatid mo? Mataray din ba sila gaya mo?"

"Maganda ba sa lugar nyo?"

"Siguro mas fresh ang hangin 'don, ano?"

"Sino yung sinasabi mong kaibigan mo?"

"Bigay ko na lang sayo mga documents ko tapos ikaw na bahala umalam sa buo kong pagkatao." hayop kasi nito napakadaming tanong.

"Sorry na. Pinapakita ko lang naman kung gaano ako ka-interesado sa buhay mo!" hirit niya. Hindi ko siya pinansin hanggang sa may pumasok na ideya sa utak ko.

"Gusto mo malaman ang buhay ko?" nakangiting baling ko sa kaniya. Tumango-tango naman siya na parang bata. Tss.

"Sama ka sakin bukas? Uuwi ako sa amin."













Continue Reading

You'll Also Like

110M 3.4M 115
The Bad Boy and The Tomboy is now published as a Wattpad Book! As a Wattpad reader, you can access both the Original Edition and Books Edition upon p...