Sitio Series 3: Scheming List...

By oootksm

3.9K 422 85

[FIN] | Unedited Sitio Series 3: A typical highschool setting story. A girl who chases someone she admire for... More

Sitio Series 3
Synopsis
Prologue
Mayor
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Mayor
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Epilogue
Mayor
Special Chapter I
Special Chapter II

Chapter 6

62 13 2
By oootksm

SL 6| Cousin

Ano raw? Wait, nalilito ako kung ano ba ang unang ilalagay.. Kamot batok akong napatitig sa mga botelyang nakakalat sa maliit na lamesa rito sa likod bahay nila Deiry. Mayroong mga dahon-dahon, mga gamit na binili namin sa may albolaryo ng Sitio Ibuka/Buka.

“Deiry, ano nga ulit yung sinabi ni mang Andres?” Tanong ko, nalilito na. “Sabi ko naman kasi videohan eh,” naiiyak na ako. “Deiry!”

Inis itong napatayo halos ibato na ang monoblock sa akin, ganiyan si Deiry. Allergic siya sa maiingay, one time nga narinig ko ang panalangin niyang sana ang lalaking makatuluyan niya if ever ay yung kasing ugali nito basta hindi makulit. “Ewan ko! Ewan ko! Ako ba manggagayuma?! ” Singhal niya.

Oo, gayuma. Tinatry kong gumawa ng gayuma dahil oo, desperada na ako. Kasi naman sala sa lamig sala sa init si Gremory, hindi ko alam kung gusto niya bang hinahabol-habol ko ito lagi o ano. Pa hard to get niya!

“Huwag kang magalit kasi!” Ani ko.

Nangunot ang noo niya. “Kung ayaw mo akong magalit huwag kang makulit! Natutuyuan ako ng dugo at pasensya sa mga makukulit!” Sagot niya.


Nilista-lista ko pa naman ang mga sangkap sa paggawa nitong gayuma tapos nakalimutan ko namang isulat ang procedure. Eh, paano na iyan? Sayang effort! Nanlulumo kong sabi tinigilan ang paghalo-halo ng mga sangkap at laylay ang balikat na naupo sa tabi ni Deiry.

“Kapag hindi ka gusto huwag mong ipilit..” Sinamaan ko ito ng tingin. “Alam ko namang magmula noon hinahanap mo iyong feeling na may magmahal sayo pabalik pero huwag to the point na nagmumukha ka ng tanga..” Napabuntong hininga siya. “Hindi mo naman kailangan si Gagomory, mas deserve mo yung lalaking hindi ka sinasaktan sadya man o hindi. Iyan problema sa ibang mga babae gusto nilang nahihirapan. Bakit ba kayo ganiyan?”

May point si Deiry pero may dahilan din naman ako. “Oo..” Ani ko. “Comatose si mama, napunta ako kina Tita Mercedes––sa Sitio Ibuka/Buka naranasan kong magbanat ng buto, na bully, pagtripan sa eskwela pero alam mo ba Dei,” kahit ganito man ang nangyayari sa akin masaya ako. “Masaya ako, masaya dahil alam kong kahit na pagtripan ako sa school na roon pa rin si Gremory. Hindi ko alam bakit ang lakas ng tama ko sakanya pero alam ko sa sarili kong siya lang ang gusto ko...” Nanatiling tahimik si Deiry. “Sabi nga nila keep on trying, malay mo bigla kang gumising nacrushback ka na..”

Marami akong napapanood na telenovela sa telebisyon na sa bandang huli nagkakatuluyan sila kahit na gaano man kahirap ang sitwasayon. Ideals, dreamy, fan of happy ending––iyon ako sa aming dalawa ni Deiry ako ang laging nagtatago at umiiyak habang si Deiry ang tipo ng kaibigan na mahilig mang trash talk at real talk, hindi rin siya fan ng happy ending at mas gusto nalang manood ng crime documentary kaysa mangarap ng prince charming. Siya rin ang shield at mahilig pumatol sa mga nangbubully sa akin.

“Tangina mo kang puta ka ang panget, panget mo. ” Ani Deiry kay Stacy. “Hindi ba sayo ko tigilan mo si Dorothy? Inggitera ka ano. Pilit mong pinapansin iyong uniform niyang luma at naninilaw pero iyang panty mong hindi mo malabhan-labhan at butas hindi mo pakielaman..”

Inis na napapadyak si Stacy. “Hindi totoo iyan!”

Ngumisi si Deiry nasa likuran ako nito habang nakakapit sakanya, nagkukumpol na rin ang mga estudyante. “Oh talaga? Kwento mo sa panty mong butas.” Umani iyon ng tawanan, nabaliktad na ang sitwasyon. Kanina ay ako ang pinapahiya ngayon naman ay siya.

Hindi nagsusumbong si Deiry kasi hindi pwede.. Paano siyang magsusumbong kung siya mismo ang pumapatol sakanila? Idagdag pang hot tempered ito.

“Isusumbong kita kay daddy! Ipapa kick kita sa school!” Sigaw ni Stacy mangiyak-ngiyak, nagsisimula ng magdrama para kampihan siya. Playing the victim card.

Cross arm na nangiti si Deiry. Satisfied sa reaksyon nito. “Kahit magsumbong ka pa,” hinawakan ako nito sa kamay at akmang aalis ng bigla itong tumigil. “Arte, arte mo oily naman iyang mukha mo. Plus iyang foundation mo hindi pantay-pantay. Iyong liptint sa susunod huwag pati ngipin ang lagyan...”

Kaya siguro natatakot si Rossweisse kay Deiry na halos manginig ito sa takot kabaliktaran ni Xerxes na siyang-siya kapag pinipilit ito.

Bukas sumama ka sa akin,” napalingon ako kay Deiry. Inabot ang cellphone niya sa akin. Hindi ito latest  lagi kasi niya akong pinapahiram ng cellphone. “Darating iyong pinsan ko galing Maynila dito raw titira para may kasama kami ni Lola..” Aniya, napatango ako at nagpalit na naman ng profile.

Cellphone ni Deiry, damit ni Deiry, effort ni Deiry. Minsan nahihiya na ako dahil iyong mga branded niyang damit na ibinigay sakanya'y sinusuot o kaya'y binigay nito sa akin na pinaghahatian namin ni Achie.

Sabi ni Deiry ayos lang dahil marami naman itong damit, kahit nga si Achie ay masayang-masaya dahil pangarap niyang magkaroon ng maraming damit. Nayakap tuloy namin si Deiry ng wala sa oras.

“Anong oras, Dei?” Tanong ko.

“Ewan, dito ka nalang kumain ng hapunan at matulog siguradong hindi ka naman na makakapagpahinga sa inyo dahil sa mga tao roon. ”

Maganda ang alok ni Deiry pero nakakahiya.. Ngumiti ako ng tipid.. “Titignan ko, baka kasi magalit si Tita Mercedes..”


━─━────༺༻────━─━

Ganito pala feeling ng sumakay sa kotse. First time kong makasakay at kumain sa isang fast food chain sa pinaka sentro ng bayan. Kapwa kami kumakain ng burger ni Deiry habang nakaabang sa mga bus papunta rito sa sentro.

Sentro––ito ang parang pinaka malawak at masasabing bayan kung saan dito ka muna maglalagi bago makapunta sa mga Sitio's. Dito'y masasabing mong moderno dahil merong mga ATM machine, Terminal ng Bus, Mall at iba-iba pa. Habang sa mga Sitio ang maliit na portion o maari na ring ituring na mga baranggay ay may kanya-kanyang trade mark.

Sitio Tirik Mata- Yamang tubig, maraming beaches at ilog bagay na bagay sa summer ang kaso nga lang sobrang init sa Sitio Tirik Mata dahil talagang titirik ang mata mo sa init.
Sitio Hiyaw Pa- Ang tinaguriang flower capital ng Sentro. Meron itong malawak na flower farm, dito nagmumula ang ibang bulaklak na ieexport sa ibang mga probinsya't mga lugar, hindi lang naman mga bulaklak basta related sa halaman.
Sitio Nga-Nga- Kina Deiry, lugar naman ang kilala dito o spot. Kilala iyon dahil sa perpektong pwesto nito kung saan malaya mong makikita ang mga astrology related stuff tulad ng mga bituwin, bulalakaw o maging ang mga formation ng buwan. Maganda tumambay rito dala-dala ang telescope. Isama na ring hanggang ngayon ay may mga alitaptap na nag-iilaw sa tuwing gabi.
Sitio Ibuka/Buka- Kami... Sa palagay ko kilala ang lugar namin sa mga manggagamot o albolaryo, manghihilot mga ganoon. Lagi kasing dito ang takbuhan ng mga lugar ng kabilang Sitio kapag may nilalagnat o ano pa.

Marami pang mga Sitio pero iyan palang ang napuntahan ko.

“Ayon..” Ani Deiry, napanga-nga ako ng makita kung sinong tinutukoy ko. Tumayo na ito't hinawakan ang aking kamay para lumapit sa wari ko'y kaedad o mas matanda sa aming lalaki. “Naghihintay na sila lola sa kotse..” Imporma niya, maluwag na nakangiti ang lalaki. May band aid pa ito sa pisngi indikasyong nakipag-away ito.

Kilala ko siya.. “Geh, lang may favorite pin––Smile?!” Sigaw niya na nakapagpa atras sa akin. Napansin niya na ako! “Crush!” Anito.

Nagpalipat-lipat ang tingin ni Deiry, nalilito sa nangyayari. “Magkakilala kayo?” Tanong niya.

Ibig sabihin si Feitan ang pinsan ni Deiry?! Ibang klase nga naman ang destiny! Ang unang lalaking tumulong sa akin at ang unang kaibigan ko ay konektado, napangiti ako. Ang swerte ko sakanilang dalawa.

“Hi, Feitan!” Bati ko naging malapad ang ngiti nito. “Oo,” sagot ko naman kay Deiry. “Tinulungan niya ako dati noong grade 7...” Bagamat gusto ko pang ikwento kay Deiry ang lahat ay pinigilan ko ang sarili, baka kumulo na naman ang dugo nito kay Stacy.

Patuloy lang kami sa pagkwekwentuhan akala ko'y mao-out of place ako dito pero hindi pala. Mas na out of place si Deiry sa amin ni Feitan dahil sa kadaldalan namin.

“Saan niyo gustong mamasyal?” Ani Lola D, lola ni Deiry na kapangalan nito. “Connor ibaba mo muna ang mga bata sa mall at bibili kami ng mga gamit doon..” Nakangiti naman ang lalaki at sumunod sa utos ni Lola D.

Kapag kasama ko sila feeling ko may pamilya rin ako. Na hindi ako sampid, kapag nginingitian ako ni Lola D at inaasikaso feeling ko may sarili akong pamilya na nasa tabi ko.. Masaya ma'y hindi maialis sa akin ang inggit.

Inggit na sana ganiyan din kami kung hindi lang comatose si nanay at patay si tatay.. Siguro, ang saya namin kahit na tuyo o kamote lang ang ulam. Magkahawak kamay kami ni Deiry habang nagpapatawa naman si Feitan at akay-akay nito si Lola D.

Una naming pinuntahan ay bilihan ng damit at sapatos isama pa ang iba pang mga gamit na itinuturo ni Feitan. Hindi lang silang dalawa ang binilhan ni Lola kundi pati na rin ako.

“Lola sa world of fun tayo! ” Saad ni Feitan. “Tara lola, one on one tayo doon sa dance game. ” Nagmamayabang ito, nasapok tuloy. “Aray naman! Lola ang sakit ah!”

“Loko-loko ka kasi! ” Sita ni Lola.

Ang saya siguradong mapabilang sa pamilya nila.. “Ang saya siguro kung kapamilya ko kayo..” Wala sa sariling sambit ko na nakaagaw ng kanilang pansin.

Walang nakapag salita dahil sa biglaan kong mga salita. Si Deiry ay napakurapkurap, si Lola D ay binigyan ako ng naawang tingin habang  si Feitan ay nakalagay ang kamay sa baba nito animo'y nag-iisip.

Isang ngisi ang isinalubong nito sa akin. “Hayaan mo Smile kapag nagpakasal ka sa akin magiging official legitimate member ka ng pamilya namin. Papalitan ko ng Rodriguez iyang surname mo, ” namula ako. “Usto mo yorn?” Anito at kumindat.

﹌﹌﹌﹌﹌﹌
#Cousin

Continue Reading

You'll Also Like

4.1M 169K 63
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...
1.4M 34.8K 47
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...
20.9M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...