Fix Marriage With My Enemy (L...

By Ayanna_lhi

24.8K 857 24

Rona Serene or Rose is a daughter of a famous business tycoon in the country. Despite being the rich girl eve... More

Yanna Hearts
PROLOGUE
CHAPTER 01
CHAPTER 02
CHAPTER 03
CHAPTER 04
CHAPTER 05
CHAPTER 06
CHAPTER 07
CHAPTER 08
CHAPTER 09
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER
AUTHOR'S NOTE
VALENTINE'S SPECIAL

CHAPTER 37

408 13 0
By Ayanna_lhi

CHAPTER 37 | Pray |

Bumaba ang tingin ko sa envelope na nasa mesa. "Invitation card 'yan para sa debut ng nag-iisang anak ng mga Norriente." My jaw clenched at what my father said. I don't really like attending parties but I have no choice.

"And my amego wants to see you Prine, you'll be the 17th dance of the debutant." Mas lalong hindi ko nagustohan ang narinig.

Pagkatapos makipag-usap kay dad ay bumalik na 'ko sa kwarto ko, I tossed the invitation card on my bedside table and jump on my bed for me to sleep and have some rest.

Last month nang una naming napag-usapan ang tungkol sa fix marriage, seryuso ba sila roon?

My thoughts suddenly run on a what if, what if makasal ako sa Serene na 'yon? Hindi na masama, maganda naman siya at mayaman.

Dang you Prine! You actually consider her alluring beauty? Kahit sinong babae basta huwag lang 'yung maarte, ayoko talaga sa mga maarte!

Break time namin nang maisipan kong tumambay sa garden, marami rin ang pumupunta rito para mag-lunch dahil maaliwalas ang lugar dahil na rin sa mga puno. Hassle pumunta sa cafeteria kaya naisip kong matulog na lang dito.

Nakayuko ako sa mesa ng bench nang maramdaman kong may mga umupo sa lamesa sa likuran ko. Maingay ang pagdating nila kaya alam kong apurnado na naman ang balak kong pagtulog.

"Kakaiba talaga eh, is there something wrong Lian?" I almost straightened my back when I heard the familliar voice. Hindi ko na kailangang tingnan para kompirmahin kung siya nga 'yon.

"Wala Rose, kain ka na lang. Walang kakaiba sa 'kin 'no! Gutom lang 'yan," sagot naman no'ng tinawag niyang Lian. "Ano 'yan?"

"Niluto kong paksiw, tikman ninyo masarap 'yan!" ani ng isa pa niyang kaibigan.

"Paksiw?" Serene curiously asked, para bang panibagong salita ang paksiw nang sabihin niya 'yon.

"What made is that?" I almost scoffed, paksiw lang hindi pa alam saan galing? Isda brat! Tinawanan tuloy siya ng mga kaibigan niya.

"Bakit ganito ang amoy? Ang baho? Tas maalat Mae, pero. . . masarap naman ang after taste." Tuloyan na 'kong napangiwi sa komento niya, tss halatang sanay na sanay sa mamahaling pagkain dahil hindi nagustohan ang paksiw. Arte.

"Oh, gosh, I forgot my water guys bili lang ako sa cafeteria, ah? Dito muna kayo." Bumuntonghininga ako at binalak na lang ulit na matulog pero may umeksena na naman.

"Prineson, can I talk to you?" Pinasadahan ko ng tingin ang babaeng hindi ko kilala, matangkad siya, maputi, at makapal ang make-up.

"You're already talking," masungit kong ani. It's like her confidence were not shaken, mas lalo pa siyang napangiti at malakas ang loob na umupo sa katapat kong upuan.

"I'm Shayi, crush na kita back then, I'm a transfery student anyway."

"And so?"

"I like you, they say na masungit ka and it's true nga. But I like you more because of it." She smiled at me.

"I don't like you." Napa-awang ang labi niya sa deritsahan kong sinabi.

"It's okay, but I want you to like me back."

"I don't want to." Muli siyang natigilan.

"Prine, please hear me out first—"

"Stop, I'm not interested." Tumayo na 'ko at iniwan na siya roon.

I'm aware of my image as a campus crush raw, sila ang nagpangalan noon sa 'kin and to be honest, wala akong pake roon. I'm so used of girls coming to me and confessing their feelings, and I always don't hesitate to turn them down in a harsh way. Yes, harsh para agad ng tumigil dahil wala rin naman akong planong mag-entertain ng mga babae.

Titig na titig siya sa 'kin habang sumasayaw kami, tila ba kinakabisa niya ang mukha ko. Umiwas lang siya nang sinuklian ko ang titig niya. Kita ko ang pamumula ng pisngi niya at ramdam ko ang hiya niya sa nangyari.

Palihim akong umirap, walang pinagkaiba sa ibang babaeng nakakasalamuha ko. Ganitong-ganito rin ang reaction nila t'wing hinaharap ako.

I remember Lexy, siya lang ang babaeng nakakayang pingotin ang tainga ko dahil hindi siya nahihiya sa 'kin. Not that I still love her, siya lang talaga ang naging standard ko sa babae dahil siya lang naman ang naging ex ko.

I smirked when I remember the prank I did to her. Before the party started, binigyan ako ni daddy ng paper bag na may lamang alahas, aniya ay e-regalo ko raw 'yon sa debutante. Dahil walang magawa, at somehow gusto kong mang-inis, nilagyan ko ng plastic ring ang regalo at nilagay sa papel na sa future fiancé niya 'yon galing.

Ewan ko ano pumasok sa isip ko pero nagawa ko na, eh.

"Ahm, thank you so much for bringing my phone back kanina sa waiting area." Isa pang burara, porquet mayaman iiwan na lang ang cellphone sa kung saan-saan.

After the party ay tuwang-tuwa sa 'kin si daddy. Aniya ay nagustohan daw ako ni Mr. Monte Amis. Wala naman akong pake kung sino ang may gusto sa 'kin o wala kaya I just shrugged it off.

"Rose!" Napapikit ako nang mariin nang maramdaman ang lamig sa katawan.

"Bullies na naman?" Napatingin ako sa kaibigan niya nang pagalit itong suminghal. Na naman?

Kanina habang papuntang comfort room ay naabutan ko ang mga babaeng mukhang may pag-t-tripan yata, ang akala ko ay coincidence lang na sinSerene ang na-timing-an nila pero sa narinig ko ay mukhang hindi yata.

"I'm sorry, t-thanks." She handed me her hanky before going with her friends.

Since then, nalaman kong target pala siya ng bullying, every now and then naririnig ko na ang pangalan niya kadalasan sa mga babae na pinag-chi-chismisan siya at sinasabi kung gaano siya ka-mapagpanggap. It's obvious that those girls envy her a lot kaya naman lagi ko silang sinasamaan ng  tingin kapag naabutan.

She's rich and kinda famous, kaya naman nakakapagtakang target siya ng bullying. Mostly kasi ang binubully ay 'yung mga hikahos sa buhay. In her case, baliktad.

Since then also, lagi ko na siyang napapansin sa campus, madalas ko rin siya makitang nakikipag-away o may tinatanggol.

Pero napansin kong wala naman siyang pake kung siya ang pinag-uusapan, lagi lang siyang nakayuko at para bang walang naririnig kahit na harap-harapan na siyang pinag-uusapan.

Why is she like that? How can she do that? Nasabihan ko pa naman siyang brat.

"Bakit ka nandoon?" I said frustratedly, nakita ko kaninang manghang-mangha siyang sumakay sa jeep, para siyang naive!

"A-ah, p-para sumakay?" Kumunot ang noo ko, pilosopa rin, eh ’no? Nakita ko ang pamumutla ng mukha niya, siguro ay natakot siya tapos ngayon ay tinatakot ko pa siya sa tono ko. I calmed a bit.
 

I smirked when I saw her reaction nang abotan ko siya ng baso ng fishball, hindi kakain 'yan. Allergic 'yan sa mga gan'yan.

"Wala akong pera," aniya sabay kagat sa pang-ibabang labi niya. Napansin ko na mahilig niyang gawin 'yon lalo na tuwing nahihiya siya.

Tss, walang pera o ayaw mo lang talagang kumain? Bakit, alam mong third class ang harina niyan at minsan hindi sinasala, tapos may itim-itim na insekto?

Wait, may alam ba 'yan sa gano'n?

"Libre ko," pamimilit ko. Tingnan natin kung kakain ba talaga 'yan. My jaw literally dropped when she started eating the fishball without checking it.  Pinaghalo pa niya ang matamis na sauce at maanghang na para bang lagi niyang ginagawa iyon.

Putspa!

Hindi ko namalayan na matagal na pala akong nakatitig sa kanya at naka-amba ang stick ng fishball sa bibig ko. Nang ma-realize ang pagkakatulala ay agad akong umiwas ng tingin, muntik na 'kong matawa sa itsura niyang lumulubo ang pisngi.

"Ang cute ng girlfriend mo, hijo."  Muntik na 'kong mabilaukan sa sinabi ni manong.

She's different. Hindi ko napapansin na sa paglipas ng mga araw, dahan-dahan nang naiiba ang pagtingin ko sa kanya.

I always reject girls in a harsh way kaya 'yon din ang ginawa ko sa kanya nang malaman ng lahat na may gusto raw siya sa 'kin dahil sa nakasulat sa diary niya. I told them I don't like her and will never like her para naman matahimik na ang lahat. Besides, ayoko ng makadagdag pa sa mga issues niya kaya siya nabu-bully.

If I didn't say anything, girls who like me will flock to her at mas lalo siyang aawayin. Mabuti nang nagsalita ako para mapanatag na ang mga babaeng 'yon na wala akong ibang gusto.

But I don't know why it bothers me a lot, sanay naman na 'kong tumanggi sa mga babae pero sa kanya parang hindi ako mapanatag. Every time I close my eyes, her pity and painful eyes flashed like a vivid memory.

Nang malaman kong hindi sila nagbibiro sa fix marriage ay tuloyan na 'kong nagalit kina daddy, I don't like it. I really don't!

Hangal ba sila? Fix marriage their ass eh, ang bata-bata pa namin!

Sa galit ko ay marami akong nadaling tao, kasama na si Serene roon. Pinagbintangan ko pa siya sa isip ko na nagpakana ng fix marriage na 'to dahil may gusto siya sa 'kin.

I just realized that I'm such a mess, walang kwenta ang buhay ko. Walang kwenta akong tao! I'm a jerk for everything! I suddenly hate my stupid boring life. 

I shouldn't blame Serene dahil pareho lang kaming naipit sa sitwasyong ito. Wala rin siyang alam, gaya ko ay minamanipula rin siya ng parents niya.

"Their minds were close at hindi nila nakikitang tao rin ako, hindi perpekto, nagkakamali at nasasaktan." When she said that in our Rose garden, that's when I realized that I like her, no. . . I love her.

Naging masaya na 'ko sa fix marriage kasi gusto ko siya, but I don't want to cage her. I want to give her the freedom she deserve na pinagkait sa kanya ng mga magulang niya.

Pero ngayon? Gusto ko na lang sisihin ang sarili ko sa mga nangyayari. Sinama ko siya sa pagtakas na ito kaya kasalanan ko.

Paano kaya kung kinausap na lang namin ang parents namin ng masinsinan? Maaayos kaya 'to?

I promise to hold her hand pero ako lang din ang bumitiw kaya kasalanan ko 'to!

I saw with my two naked eyes, nakikipagsuntokan ako nang manlaban si Serene sa guard na pumipigil sa kanya.

She tried to punch him, bilang depensa ng isa ay natulak niya si Serene.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita  siyang nahulog sa tulay. Hanggang bewang lang niya ang harang kaya naman isang malakas na tulak ay agad siyang nahulog.

"Serene!" I shouted at the top of my lungs. Binitiwan ako ng guwardiya, kaya dali-dali akong lumapit sa railings ng konkretong tulay.

I heard a loud thud and the waters bubbled in white. Mabilis rin ang ragasa ng tubig, pakiramdam ko sa mga oras na 'yon ay mawawalan na 'ko ng buhay. Bumibilis ang paghinga ko at halos walang pumasok sa utak ko.

"Ma'am! Bilisan ninyo talunin ninyo!"

I cursed loudly, tatalon na sana ako sa tubig kung hindi lang ako hinawakan ng dalawang guwardiya.

"Sir, huwag po!"

"Bitiwan n'yo ko!" Nanlaban ako sa kanila at kung nakakamatay lang ang ginagawa kong pagmumura sa kanila ay hinulog ko na sila sa ilog.

"Bitiwan n'yo ko!" Tuloyan nang tumulo ang mga luha ko. This is my fault, this is my fault!

"Serene!" I shouted, gusto kong tumalon pero pinipigilan ako ng dalawa. Hindi pa siya nakaka-ahon kaya naman mas lalo akong kinabahan.

Makakapatay ako ng guwardiya dito sa galit ko!

"Sir, sila na po ang bababa. Kumalma kayo Sir!"

"Kumalma? Dang! Paano ako kakalma! Ha!" I said angrily.

"Nagtawag na kami ng rescue team, huwag po kayong tatalon Sir, mas lalong delikado." Sunod-sunod ang pagpatak ng luha ko. Sa galit, takot, at pag-aalala.

Ang tumunganga rito sa taas ng tulay habang siya ay nanganganib ang buhay sa ilalim ay nakakabaliw! Sana ako na lang ang nahulog.

Hinanap ko ang tumulak sa kanya at walang pagdadalawang isip na sinuntok sa panga. Dadagdagan ko pa sana kung hindi lang ako pinigilan

"Ayaw n'yo akong patalunin! Kayo ang tumalon bitiwan ninyo 'ko, or else I’ll kill you!"

"Sir, nand'yan na po ang rescue team."  Inis akong napasabunot sa buhok ko, lumuhod ako at nag-iiyak sa mga tuhod ko.

Please Serene, stay safe for me. I'm not really into praying, but in that chaotic scene. I prayed on him, I prayed on him to guide her and give her safety, ipinagdasal ko sa Kanya na kahit ano’ng kapalit basta ligtas lang ang mahal ko.




Yanna Hearts
Comment/Vote/Follow :L♥️

For more updates!

Follow me on Facebook:
Yanna Yan Yan Hearts

Like My Page:
Yanna Hearts WP -Ayanna_lhi

Follow Me on IG:
@Ayanna_lhi

Continue Reading

You'll Also Like

58.5M 1.1M 38
All his life, Andrius Salazar only wanted three things. A peaceful life that he plans to live to the fullest, he wanted to be left alone by his famil...
24.7M 558K 157
This is not a love story. This is a story about LOVE.
320K 22.1K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
3.2K 264 43
Hate or Love? Dapat nga bang kalimutan na ang nangyari sa nakaraan? O mas bigyan halaga/pansin ang kasalukuyan? Gagawin mo ang lahat para lang mapala...