Fix Marriage With My Enemy (L...

By Ayanna_lhi

25K 857 24

Rona Serene or Rose is a daughter of a famous business tycoon in the country. Despite being the rich girl eve... More

Yanna Hearts
PROLOGUE
CHAPTER 01
CHAPTER 02
CHAPTER 03
CHAPTER 04
CHAPTER 05
CHAPTER 06
CHAPTER 07
CHAPTER 08
CHAPTER 09
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER
AUTHOR'S NOTE
VALENTINE'S SPECIAL

CHAPTER 36

418 14 0
By Ayanna_lhi

CHAPTER 36 |Norriente|

~Prineson Monte Amis~

"Rona Serene Norriente is the name, does it sound a bell?" Humalukipkip ako at kunot noong tiningnan si daddy. Himalang ipinatawag niya 'ko ngayon sa office niya.

Ano raw kuryente? Sino 'yan?

Dahan-dahan akong umiling kay dad dahil hindi ko kilala ang tinutukoy niya. He sighed heavily and it's obvious that he's dismayed of me again.

"Wala ka talagang kaalam-alam sa business Prine! Na kahit ang isa sa apelido ng may-ari ng pinakamalaking construction company ay hindi mo kilala." Dismayadong aniya sa 'kin.

Pasok sa kabilang tainga, labas sa kabila. Like the usual, sanay na 'ko na lagi na lang may napupuna si dad sa 'kin. I'm not interested with our business or anything related to business, but I have no choice. I'm the only son and heiress of our company, the M.A Construction.

"You should now study about the business Prineson, Grade Twelve ka na sa pasokan. Ang ibang anak ng amego ko ay nag-i-intern na sa company nila pero ikaw wala! Puro ka na lang barkada at kung ano-ano pa man ang ginagawa mo d'yan!" Umiling-iling siya sa 'kin.

Barkada? Kailan pa 'ko nagkaroon? May nakikita ba si dad na hindi ko nakikita?

"How is, Lexy?" Maya-maya ay tanong niya sa 'kin, nagulat ako nang kaonti dahil hindi niya pa pala nalilimutan si Lex.

"Nasa Korea, Dad. . ." Chasing her dreams jus like what she said. Mabuti pa ang babaeng 'yon may pangarap.

"Do you still have communications to each other?" Kumunot ang noo ko at bahagyang sumeryuso kahit na seryuso naman na ang mukha ko.

"No, minsan na lang."

Lexy Areva is my exgirlfriend, my first girlfriend actually. My parents knew her kasi naipakilala ko siya sa mga ito dati. She's beautiful, elegant, and an adventurous person. I like her the most for being independent, brave, and always ready to risk.

We broke-up cooly, no drama dahil pareho naming ginusto. She said she wanted to chase her dreams, and I wanted freedom on my suffocating world. After Lexy and I broke up, I realized I want to be alone.

Ipinatong ni dad ang kamay niya sa nakapagitan sa 'ming lamesa. "Then that's good, bumalik tayo sa mga Norriente."

Sino ba 'yang tunog kuryenteng apelido na 'yan? Hindi na 'ko magtataka kung business nila ay energy and power supply, bagay na bagay sa apelido nila, eh.

"The Norriente's are the owner of NCMC, Norriente Construction Materials Company. They're the number one supplier of construction materials in the country. They are making a history when it comes to finance at marami ang gustong mag-invest sa palaki nang palaki nilang company."

Ah dealer pala ng semento at mga bakal. Akala ko. . .

So ano naman ngayon?

Bumaba ang tingin ko sa lamesa ni daddy nang maglapag siya ng envelope roon. He instructed me to see what's inside kaya naman kunot-noo kong kinuha 'yon at binuksan.

"That's Rona Serene Norriente, the only daughter and heiress of the Norriente's." Tatlong pictures ang nasa loob ng envelope, isa-isa ko 'yung kinuha at tiningnan.

She's smiling on the first picture with her long hair dancing with the wind. Stolen and close-up ang first picture niya. The second one is she's wearing a blue gown while seriously looking at the camera, halatang photo shoot 'to. The third picture is she's wearing the Love Academy girls uniform habang naka-peace sign sa camera at nagpapa-cute.

I know her! Her face is kinda familliar to me, tama nga ang hinala kong sa Love Academy din nag-aaral ang babaeng 'to nang makita ko ang third picture niya.

If I'm not mistaken, ka-batchmate ko lang ang babaeng 'to. Lagi ko siyang nakikita sa school kasama ang dalawa pa niyang kaibigan kaya pamilyar siya sa 'kin. Para silang powerpuff girls tatlo, ampt!

"I assume you knew her Prine, nasa iisang school lang kayo." Tumango ako kay daddy.

"I knew her but we haven't talk, I just knew her from face." Bumaba ulit ang tingin ko sa litrato niya.

Her face is beautiful, she looks soft and fragile, her features are also soft and she seems shy looking. I'm sure she's just an angel in disguise. She's a Norriente and kay daddy na mismo nanggaling na mayaman talaga sila. I'm betting, spoiled brat ang babaeng 'to.

I know I shouldn't be judgemental pero 'yon naman lagi, eh. Girls with wealthy families are always spoiled brat, like my classmates. Sure akong spoiled brat 'yan lalo pa't nag-iisang anak siya at babae pa, e-e-spoil talaga ng mga magulang niya 'yan.

"Then start talking to her Prine, Mr. and Mrs. Norriente are now finding a candidate to have fix marriage with their daughter." Kumunot agad ang noo ko. 

"What about that? Fix marriage?" seryoso kong ani. My daddy glared at me.

"Mahalaga ang Norriente sa 'kin Prine, sab'tin! Kaya huwag mo kaming bibiguin," he said before leaving me out spacing on his office.

'Yon lang ang sinabi niya pero alam ko na ang ibig-sabihin. Hindi ko na lang muna inisip ang fix marriage na pinagsasabi ni dad, wala pa naman 'yon and I'm sure hindi 'yon mangyayari. Ilalakad pa lang nila ako at sure naman akong hindi ako mapipili, sure rin akong pipiliin nila Mr. and Mrs Norriente ay 'yung lalaking may alam sa business ng kompanya nila, ako kasi wala.

I don't know what I'm going to do with my life, wala akong gustong gawin at naghahanap pa ng magagawa sa buhay. One thing is sure for me, I don't like business 'cause I'm not interested to it.

But like I said, I have no choice. Sa ayaw at sa ayaw ko man ako pa rin ang hahawak ng kompanya namin pagdating ng panahon. That means I have no time to find myself 'cause a company found me, a responsibility found me.

"I will eat a lot today! Grabe ang lecturer na 'yon, wala naman akong ginagawa sa kanya pero ako ang pinag-iinitan." Napatigil ako sa paglalakad nang makasalubong ko siya, like the usual kasama na naman niya ang dalawa niyang kaibigan.

"Ayos lang 'yan Rose! Part 'yan ng highschool life," her friend said to her.

"But that's to much!" Hindi ko alam kung galit ba 'yon dahil mahina at banayad ang boses niya. Hanggang sa malampasan nila ako ay hindi pa rin ako nagpatuloy sa paglalakad.

Dati ay wala naman akong pake sa babaeng 'yon, pero dahil sa sinabi ni, daddy ay lagi akong natitigilan t'wing nakikita siya. This girl is getting my attention.

Siguro naman time na para isapuso ko na ang pagsunod kay daddy?

I'm following my dad's commands eversince but half-heartedly, I want him to be proud of me but he can't. Siguro ay dahil half-hearted ang pagsunod ko? Dapat ba ngayon ay seryusohin ko na ang utos niya? Kausapin ko na ang babaeng 'yon?

Umiling na lang ako at umakyat na sa classroom namin.

"Uy guys, invited ba kayo sa debut ni Serene?" a girl classmate said, pasimple akong nakinig sa usapan nila dahil sa narinig na pangalan.

"Hindi eh, ang sabi magiging bongga raw 'yon at ang mga pinakamayaman ang mga imbitado."

"Prine may naghahanap sa 'yo!" Hindi ko pinakinggan ang kaklase na tumawag dahil may iba pa 'kong pinapakinggan.

"Ang swerte ni Serene 'no?"

"Mabait naman kasi siya," a boy classmate said.

"Paano mo nasabi? If I know plastic 'yon, bait-baitan kunwari."

"Uy huwag kang gan'yan! Classmate ko si, Serene noong Grade Ten at mabait talaga siya," depensa ng lalaki kong classmate.

"Prine. . ." Tumingin ako sa namumulang babae na lumapit sa mesa ko, hindi ko siya kaklase at hindi ko siya kilala. Nagsitahimik ang mga classmates ko dahil panibagong eksena ko na naman 'to.

Bumaba ang tingin ko sa mamahaling brand ng chocolate na inilapag niya sa mesa ko. "A-ah, pinag-ipunan ko 'yan para sayo P-prine."

"Thanks," I said coldly.

"I like you, Prine will you be my boyfriend?" Everyone gasped at her confession. I looked at her eye to eye, boredly.

"I don't like you, now leave."

Yanna Hearts
Comment/Vote/Follow :L♥️

For more updates!

Follow me on Facebook:
Yanna Yan Yan Hearts

Like My Page:
Yanna Hearts WP -Ayanna_lhi

Follow Me on IG:
@Ayanna_lhi

Continue Reading

You'll Also Like

39.7K 841 27
Mag karelasyon si marx at glaiza ng 4 na taon ngunit nauwi ito sa wala dahil nag asawa ng bglaan si marx At ang hnd alam ni glaiza ay 3 ang batang is...
52.9M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
346K 23.6K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
600K 15.3K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...