BABYSITTING THE MAFIA'S KID

By VictoriaGie

478K 23K 6.1K

May chanak -- este bata na nahulog sa kanal ang naligaw sa bahay ko. Kinupkop ko, inalagaan, pinakain, basta... More

PROLOGUE 💋
CHAPTER 1 - KNOCK KNOCK
CHAPTER 2 - FIVE HUNDRED MILLION
CHAPTER 3 - THE HIERARCHY
CHAPTER 4 - LOST TREASURE
CHAPTER 5 - FULLY LOADED
CHAPTER 6 - VINTAGIO MUSEUM
CHAPTER 7 - MEET AND GREET
CHAPTER 8 - MONEY DROP
CHAPTER 9 - GUNS AND STARES
CHAPTER 10 - STAY
CHAPTER 11 - DON'T PULL THE TRIGGER
CHAPTER 12 - A LITTLE WORRIED
CHAPTER 13 - ZOOLOGY
CHAPTER 14 - THE MASTER MIND
CHAPTER 15 - A FATHER'S LOVE
CHAPTER 16 - ORGANIZATION OF PEACEMAKER
CHAPTER 17 - BUSTED
CHAPTER 18 - AGREED
CHAPTER 19- CONTRACT AND CONDITIONS
CHAPTER 20 - THE WORLD HE BELONGS
CHAPTER 22 - KEEP LIVING
CHAPTER 23 - LUCID
CHAPTER 24 - BEAUTY IN BLACK
CHAPTER 25- JELOUS
CHAPTER 26 - UNDER THE GLASSES
CHAPTER 27- HYDRATED
CHAPTER 28- GALAXY IN HIS EYES
CHAPTER 29- SNEAK OUT
CHAPTER 30 - SEASON FINALE
SPECIAL CHAPTER - DYTHER ICEXEL QUIGLEY ELCANO
CHAPTER 31- SEASON 2
CHAPTER 32 - ABDUCTED
CHAPTER 33 - THE OFFER
CHAPTER 34 - ONCE AN ANGEL
CHAPTER 35 - HOME
CHAPTER 36 - VERNIX
CHAPTER 37 - PARTNERS IN CRIME
CHAPTER 38 - PROJECT EXTERMINATION
CHAPTER 39- THE TRIAL
CHAPTER 40 - RUMORS UNLEASHED
CHAPTER 41 - SOMEONE'S FRUSTRATED
CHAPTER 42 - LEAVE HER ALONE
CHAPTER 43 - ADIOS
CHAPTER 44 - DO THEY BELIEVE ?
CHAPTER 45 - HEADACHE
CHAPTER 45.2 - HEADACHE AGAIN
CHAPTER 46 - BROTHERS
CHAPTER 47 - RAIN HARD
CHAPTER 47.2 - STILL RAINING HARD
CHAPTER 48 - CONFRONTATION
CHAPTER 49 - LONG AWAITED REUNION
CHAPTER 50 - CANDLE
CHAPTER 51 - STRANGE
CHAPTER 52 - MISUNDERSTANDINGS
CHAPTER 53 - BEHIND THE WHITE MASK
CHAPTER 54 - THE GLOOM THAT BLOOMS
CHAPTER 55 - BEFORE THE AUCTION
CHAPTER 56 - SIMPLE PLAN
SHORT CHAPTER - GALILEO ARTHFAEL MARCHESE
CHAPTER 57 - SMOKE
CHAPTER 58 - UNDER THE SHADOW
CHAPTER 59 - NIGHT BEFORE THE BOMB
CHAPTER 60 - FORMAL VISIT
CHAPTER 61 - BATTLE GROUND
CHAPTER 62 - COMMUNITY WAR II
CHAPTER 63 - OUT OF SIGHT
CHAPTER 64 - A PROMISE MADE TO BE BROKEN
CHAPTER 65 - HOMELESS
CHAPTER 66 - ONCE A TRUCK DRIVER
CHAPTER 67 - STABBED
CHAPTER 68 - WITH A KNIFE

CHAPTER 21 - WELCOME PHONE

5.8K 254 63
By VictoriaGie


ASHARI'S POV


A-Y-A-W K-O N-A!

SUKO NA AKOOO!

Bakit?

Sinong hindi susuko sa sangkaterbang gagawin ha? Bukod sa gutom na ako, hindi na madigest ng utak ko ang mga pinagsasabi nitong si Uranggu.

Una,

"Kapag papaliguan si Gali, 37 degree Celsius o 98.6 degree farenheit. Eksakto, bawal lumampas ng kahit isang degree. Intsyendes? May thermemoter ang bath tub niya, bawal siya lumampas ng 10 mins sa pagpapaligo!"

Pangalawa,

"Sensitive ang skin ni Gali, ito gamitin mo...'yan ang pinakamahal na tuwalya sa buong mundo! Gawa 'yan sa sheep's wool! Kulang ang sampong taon mong paninilbihan dito bago makabili niyan!"

Pangatlo,

"Ang sabon na gamit ni Gali ay kasing mahal ng pabango niya. Exclusive para sa balat lang niya 'yon! Hindi siya pwedeng gumamit ng kahit anong pipitsugin na brand! Huwag mong titipidin, ibuhos mo ng sapat! 15 ml sa sabon, para sa buong katawan niya at 5 ml sa shampoo. Tandaan, ang shampoo ni Gali ay nagkakahalagang kalahating milyon! 'Yon ang hiyang niya kaya huwag kang manghinayang sa shampoo!"

Pang-apat,

"Moisturizer, mahal din yan! Lotion, may centrifuged gold 'yan! Pang patatag ng balat! Pea size para sa paa niya, four drops para sa kamay at 1 squeeze para buong katawan! Naiintindihan mo ba?"

Pang lima,

"Isuot mo sa kaniya ang damit na'to! Huwag mong lulukutin dahil ang damit niya ay inilalagay sa isang museum na para kay Gali lamang! Hindi basta basta ang mga damit na'yan! 'Yan yung mga ino-auction na aabot sa dalawang milyong piso!"


Pang-anim,

"Ang diaper niya ay ready to made! Made out of the most expensive cotton! Kita mo 'yung pin na nandiyan, pure gold 'yan! 50k each! Ikabit ng maayos ang diaper, every hour or every needed papalitan ok!?"


Pang-pito

"Kung sa yaman lang, walang problema ang mga Marchese! Kayang kaya ka nilang bilhin, Ashari kaya huwag mong subukang takasan ang responsibilidad mo dito!"


Pang walo,

"Hindi pwedeng pagsalitaan ng masasama si Gali! Ayusin mo pananalita mo!"


Pang siyam,

"Ang paglalaro niya ay maximum tatlong oras. Bawal kulangin, bawal sumobra! Doon lamang siya pwedeng maglaro sa play room niya na nasa south wing! Hindi pwede sa labas! Kahit sa garden bawal!"


Pang sampo,

"BAWAL SIYANG MAULANAN OKEH? Never pang nakasalat ng tubig ulan 'yang balat ni Gali!"

Pang labing-isa,



"HINDI PA BA 'TO MATATAPOS?" ako na sumagot kay Uranggutan. Leche napakadami namang kaechosan!


Oo na! Oo na nga diba? Sandamukal na sa yaman 'tong si Gali. Siya na may malaking walk in closet, siya na may yayamaning bathroom at yayamaning gamit. Siya na hindi gumagamit ng safe guard! Siya na may thermometer sa CR, oo di na siya gumagamit ng tabo at higit sa lahat hindi siya nakakadampi ng malamig na tubig! Hindi din siya nahihilam!!!

SIYA NA HINDI NA-UULANAN SIGE!

Siya na may pang auction na damit, yayamaning pabango at siya na din ang may diaper na tataehan lang naman e sing mahal pa ng sampong taon kong pagtatrabaho dito! SIYA NA OKEEH?

Pero san ko na nga tinapon yung pin ng diaper niya? Sa basurahan ba namin sa kusina o sa cr lang din? 50k pala isa non buset!

Leche, ganito pala buhay ng batang Chanak na'to?

Parang kelan lang uhugin at amoy imburnal pa siya ah! Mukha nga siyang maligno non!

Kaya pala nagkasakit 'tong Chanak na'to! Isa pala siyang Hari na hindi nasdadapuan ng germs.

Well, di ko naman kasalanan na nagkasakit siya noh! In the first place, bakit kasi siya kumatok sa pintuan ko?

Dapat nga di ko siya pagbubuksan. Sadyang mabait na tao lang ako (minsan) kaya pumayag akong papasukin siya sa bahay!

"Kulang pa 'yon, Ashari."

Pinanlakihan ko siya ng mata! "KULANG PA???" sigaw ko! Gutom na ako, hindi ko na kayang idigest pa mga ipapagawa ng bwisit na unggoy na'to.


"Yes, basic palang ang itinuro ko sa'yo. Alas tres na ng tanghali kaya patulugin mo na muna si Gali at pagkatapos ay pwede ka ng kumain ng umagahan, tanghalian at hapunan. Bilisan mo ang pagkain dahil habang tulog si Gali, ituturo ko sa'yo ang iba pang dapat mong gawin!"

Napapangiwi nalang ako sa inis!

Para sa 500 Million plus 5 Million! Kakayanin ko 'tong parusa na'tooooo!




---


Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama ko dito sa guest room! Nakatingin lang ako sa kisame, blanko ang utak!

"BUSEEEEETTTTT!" sigaw ko sabay nagpapadyak! "NAKAKAINIS! NAKAKAINISSSS!"

Sobrang daming ka echosan ng mga Marchese sa pag aalaga kay Gali.

Kesyo ganitong oras siya kakain, ito schedule niya sa pag-aaral, oras ng laro niya, oras ng pag gising pagtulog niya9 may check up siya tuwing saturday sa laboratory sa west wing (Yung laboratory na napagkitaan ko sa kaniya) dapat ihatid ko siya sa entrance ng eksaktong ganitong oras at susunduin ko siya ng ganitong oras kineme!



"ARRGHHHHH!" ibinaon ko ang mukha ko sa unan. "AYAWWW KO NAAAA!"

Na-i-imagine ko palang yung dami ng gagawin, parang sasabog na ako!

Unang araw ko palang pero ayaw ko na!

"Hindi ba nila naisip na hindi maganda sa bata 'yung ganon?" reklamo ko sa ilalim ng unan. "Wala manlang kalaro na iba si Gali, sobrang hectic na agad ng schedule niya e ang bata pa niya. Sa tingin ba nila masaya 'yung bata sa ganon?"

Muli akong tumingin sa kisame. "Kaya naman pala sabik na sabik na Mama si Gali. Ganito pala siya tratuhin dito." tsk, palibhasa mga Mafia kaya hindi naman marunong makipag socialize.

Di nila ako tularan, nanunusok ng ilong ng kalaro ko nung bata!

*Toktoktok

Sino ba 'yan, kitang kakapahinga ko pa nga lang oh! Inis na tumayo ako at binuksan ang pinto.

Sumibangot ako ng makita si Uranggu na buhat si Gali.

"Mamha!" sigaw ni Gali, atat na atat nanamang magpabubat.

"Arrggh, maliligo muna ako pwede ba?" nakaka-inis naman. Kakahiwalay lang namin 20 mins ago tapos ito nanaman makikita ko nanaman mukha niya.

Teka nga, hanggang ngayon di ko pa alam pangalan nitong si Uranggu ah.

"Hinahanap ka ng alaga mo, dito muna siya!"

Tapos ibinigay sa akin ni Uranggu si Gali na para bang laruan lang ito na pwedeng ipasa kahit kanino.

Buset talaga!

Si Uranggu na mismo nagsara ng pinto.

"Mamha amiss kita!" sinamaan ko ng tingin 'tong buset na Chanak na'to.

"Kaylan ka ba mananawa sa akin leche!" lalamukusin ko talaga pisngi neto e.


Kasalukuyan akong naliligo, si Gali bahala siya sa buhay niya don sa loob. May mga guard at butler naman sa labas ng guest room kaya kung may sumabog man, bahala na silanv ilikas si Gali.

Hanep. Ligo pa ba to ng matinong tao? Alas otso ng gabi? Tinapos ko kaagad ang paliligo ko dahil may mga naririnig na akong hindi kaaya aya sa loob ng kwarto ko.

Sinuot ko na yung pang tulog na ibinigay sa akin ng maid dito.

Paglabas na paglabas ko ng pintuan....




"WHY THE HELL DID YOU LEAVE MY SON ALONE HERE?!"

Napahinto ako sa paglakad ng bigla akong sinigawan ni Easton Isprikiton. Buhat ng isang maid si Gali.

Oh? Bakit nandito siya? Nakabalik na sila ni Shera?

Dahan dahan kong pinunasan gamit ang tuwalya na naka salakbit sa leeg ko ang buhok kong mahaba na basang basa pa.

"Naligo ako." maikli kong paliwanag habang sinasalubong ang matalim niyang titig.

Nag igting ang panga ni Easton. Ano ba kinakagalit ng bwisit na'to? Parang wala pa akong isang oras na naligo ah!


Tiim bagang at magkasalubong ang kilay na naglakad siya papunta sa akin.

Napa-artas naman ako at napakapit sa tuwalya na hawak ko.

Lakad siya, atras ako hanggang sa bumangga na ang likod ko sa pader.

"O-oi!" kitang kita ko 'yung pagkuyom ng kamao ni Isprikiton. Walanjo, susuntukin pa yata ako! "L-lumayo ka sa akin!" ani ko habang nakatitig sa kamao niya.


Napapikit nalang ako ng madiin ng biglang pinalipad ni Easton ang kamao niya.

"Papaaaa don't!" narinig ko pang sigaw ni Gali kasabay ng malakas na sound ng pagkabasag na nasa likod ko.

Nagbilang ako ng tatlo sa utak. Nge? Bakit wala akong naramdaman sa mukha ko? Bakit parang hindi naman mukha ko yung nabasag?

Nagdilat ako ng kaliwang mata.

"HOY EASTON!" parehas na mata na ang idinilat ko ng makita ko na hindi sa mukha ko naglanding ang kamao niya kundi sa salamin na nasa wall na nasa likudan ko.

Nagcrack 'yung salamin at may dugo na umaagos doon!

"BALIW KA BA?" singhal ko sa kaniya sabay agad kuha sa kamao niya na dumudugo ng sobra.

Ibabalot ko na sana ang tuwalya ko sa kamao niya ng bigla niyang higitin ang kamay ko at itulak ako pasandal sa pader!

"I ENTRUSTED YOU MY SON! HOW DARE YOU NEGLECT YOUR DUTIES?" sigaw niya with matching nanlilisik na mata.

Hawak niya yung pulsuhan ko sa pader, yung dugo na dumadaloy sa kamao niya, dumadaloy na din papunta sa braso ko!

Sinalubong ko ang tingin ng bwisit na Isprikiton na'to. Pasalamat siya at nakakakin na ako kundi kanina pa nagdilim ang paningin ko't kanina ko pa siya nasuntok!

"Hoy, hindi ako nag neglect ng duties ko! Naligo nga lang ako saglit, ano gusto mo isama ko si Gali sa pagligo ko?"


"You should've called a maid!"

"E ligong ligo na nga ako! Atsaka ano naman kung iwan siya e naglalaro naman siya sa kama. Ang OA mo ha!" diniinan ko talaga 'yung word na OA!

"Ano?" nandidilim paningin niyang tanong.

Umirap ako. "Binge lang? Sabi ko ang OA mo!"

Lalo akong idiniin ni Isprikiton sa pader. Hanep, feeling pa niya hindi ako nasasaktan? Ang tangkad tangkad niya tapos ang higpit pa ng hawak niya sa braso ko!

"Kung nahulog ang anak ko sa kama at napilayan, gusto mong bawat buto mo ako pipilay huh?"

Kita mo! Kita mo sobrang OA!!!!!

"OO NA! OO NA! SA SUSUNOD HINDI KO NA SIYA IIWAN LECHE NAMAN!" hindi pa din nagbabago ang ekspresyon ni Easton Isprikiton. Ganon pa din ang tingin niya at mahigpit pa din ang hawak sa pulsuhan ko.

Maubusan ka sana ng dugo!

"Bitawan mo na ako!" reklamo ko sa kaniya.

Imbis na bitawan, mas hinigpitan niya ang hawak sa akin na para bang gusto na talagang putulin ang pulsuhan ko!

ARAYYYY LECHE NAMAN MASAKIT NA!

"This is your first warning! Oras na ulitin mo pa ang ginawa mo, hindi ka na aabutan ng bukas." madiin niyang sabi atsaka marahas na binitawan ang braso ko.

Pagkatalikod niya inambaan ko siya, dinilaan at lahat lahat ng kabwisitan ko sa kaniya!

Sa sobrang inis ko, ibinato ko na ng tuluyan sapol sa ulo niya ang tuwalya na hawak ko.

Nanlilisik nanaman ang mata na lumingon siya sa akin "Do you really want to die?" asik niya habang mahigpit na nakahawak sa tuwalyang lumaylay sa balikat niya.

Seryoso siya sa death glare na'yon! Tusukin ko mata niyan e!

"Ipamunas mo sa kamao mo. Huwag ka magkalat ng dugo dito sa kwarto ko." sabi ko nalang sa kaniya bago nagpapadyak na kumuha ng bagong tuwalya sa isang cabinet na nandito sa kwarto.


"I dont need this--"

Akmang magrereklamo pa si Easton Isprikiton ng biglang may From fhe Jurassic World na celpon ang nag ring. Yung sobrang lakas na rinig buong kwarto!

"Ano 'yun?" takhang tanong ko sa sarili ko.

"Mamha your phone it ringing over there." itinuro ni Gali yung kamag anak na cellphone ni Aling Marites na nasa bedside table ko.

Argghhh! 'Yan na nga pala cellphone ko ngayonnnnn!!!!!!

Mabilis pa sa alas kwatro na kinuha ko iyon.

Tumingin ako sa screen.

Unregistered number?


Kumunot ang noo ko.

Hindi ito 'yung dulo ng number ng tatay ko!

Akmang sasagutin ko na sana 'yung tawag ng biglang may humablot sa cellphone ko.

Pag angat ko ng tingin...

Syempre no other than the evil EASTON ISPRIKITON KARITON!

"I told you, no communication outside without my permission."

Gusto ko siyang kurutin sa singit! Leche, paano kung teacher ko pala 'yan?

"Hehehe, pwede ko bang sagutin 'yung tawag Ser Easton?" pag papaalam ko sa kaniya.

Hindi naman niya ako sinagot dahil siya na ang sumagot sa tawag.

Kita mo?


Walang kwenta talaga 'tong ISPRIKITIK na'to!!!!!!



"Hey, Easton." isang nakakalokong boses ang bumungad sa kabilang linya.

Easton?

Bakit alam nung lalaki sa kabilang linya na si Easton ang may hawak ng phone. Hello, Jurassic Era 'yung phone na'yon, walang camera!

Kitang kita ko na nag igting ang panga ni Easton at nandilim muli ang paningin.

"Where did you get this number?" asik niya sa kausap.


Isang malakas na hagalpak naman ng tawa ang umibabaw sa kabilang linya. Tawa palang niya parang ang sarap ng sungalngalin! "You know what I am capable of Easton." kinilabutan ako sa sinabi niya. Paano niyang nalaman ang number ko e si Tatay lang naman ang may alam ng number ko na'to!

"Shut your mouth up kung ayaw mong pasabugin ko 'yan, Rebel!"

Magkakilala sila! Wow, so bakit sa phone ko sila nag-usap ha? Wala ba silang mga cellphone at talagang sa mala Jurassic World na phone sila nag usap?

"Easy man, i just want you to greet me a welcome back!" nakakaloko talaga 'yung boses niya.


"You know I don't welcome enemies over phone, Rebel."

"HAHAHAHA!" ayan nanaman yung nakakabuset na tawa. "So how's Galileo? It's a shame na hindi siya nakuha ng mga tauhan ko."


Nakita ko ang pagkuyom ni Easton at ang pag guhit ng mga ugat sa kamay niya.

"I won't let you have my son, you Silvian moron!"

"Awwe, unfortunately, I came back to get him from you. Paano ba 'yan?"

Bakit ba atat na atat ang mga Silvia na makuha si Gali? Supalpalin ko sila e!



"You try, i won't let you!" mahinahon pero nagdidilim na turan ni Easton.



"WELL, SINCE YOU DON'T WELCOME ME, I PREPARED A LITTLE WELCOME SURPRISE FOR YOU INSTEAD... EASTON!" biglang nag tense up ang sitwasyon dito sa loob. Anong pinagsaaabi ng bwisit na Rebelicious na'yon aber?


"I HOPE YOU WILL ENJOY IT WITH ASHARI AND THE REST OF THE PEOPLE IN THAT ROOM!"

Putspa, kilala niya ako!

Sino ba 'yang bwisit na'yan?


Namatay ang tawag.


Nag kunot ako ng noo. Anong little surprisw ang sinasabi ng bwisit na'yon?



"On the count of three, get Gali out of here as fast as you all can." mahinahon pero punong puno ng autoridad na asik ni Easton habang nakatitig sa cellphone na de keypad.

Hindi ko alam kung ano meron don kaya sumilip ako.

"Get.Out.Of.Here!" asik niya sabay tulak ng mukha ko gamit ang malaking palad. Bwisit di ko naman nakita kung ano yung nasa screen.

"THREE!"

Mabilis na sumunod 'yung mga maid, butlers at body guard karay karay si Gali.


"TWO!" lumingon si Easton sa akin ng sobrang sama ng tingin na para bang sinasabi na.


'GUSTO MO BA TALAGANG MAMATAY? LALAYAS KA DITO O AKO PAPATAY SA'YO?'




"ONEEE!"

At dahil hindi ako nakalayas, nakita ng dalawa mata ko kung paano buong lakas na hinagis ni Easton ang Jurassic World na cellphone sa bintana na nakasarado!

Sa sobrang lakas ng pagkaka hagis niya, nabutas ang bintana at lumusot palabas yung phone!




At ang huli ko nalang na naalala bago mag blur ang lahat e hinigit ni Easton Isprikiton ang braso ko patago sa ilalim ng kama bago ako nakarinig ng malakas na malakas na pagsabog!

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 51.5K 59
C O M P L E T E D Trigger Warning: anxiety attack, depressive episodes, rape content, physical abuse, psychotic episodes, eating disorder, child abus...
4.6M 167K 57
Juariz Bachelors #1 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED Si Austine Villaluz ay isang fresh graduate sa kursong general education. He loves kids and would...
27.1K 56 3
III (TRILOGY) : GERALDINO 01 - DREAMING OF FOREVER: THE NERD's BEAUTIFUL TARGET GXG / INTERSEX 🌷; The photo in the cover is not mine. Credits...
15.1M 676K 75
(FHS#1) Braylee wants to make her friends happy, Denver wants to get some sleep. She's hell-bent on making the world a better place while he's desper...