Crimson and Blue

By yellowmarii

5.6K 88 15

I fell in love once.. I stumbled and cried.. But I will stand up now, with my head held high. Regrets should... More

Crimson and Blue ( Her Diary)
Crimson and Blue
Chapter 1 (The day I met him)
Chapter 2 - (They call him Blue)
Chapter 3 (What a playboy?!)
Chapter 4 (Let the game begin)
Chapter 5 (My sweet revenge!)
Chapter 6 (His name is Liam- my ultimate crush)
Chapter 7 (Game)
Chapter 8 (Heiress)
Chapter 9 (Bell of the Ball)
Chapter 10 (The Jerk)
Chapter 11 (Bad Ass)
Chapter 11 (Awkward)
Chapter 12 (It's Cadillac..not Bell!)
Chapter 13 (The Start)
Chapter 14 (Jealous)
Chapter 15 (Veronica and friends)
Chapter 16 (Avoiding Him)
Chapter 17 (His Girlfriend)
Chapter 18 (Her Family)
Chapter 19 (Liar)
Chapter 20 (Miss me?)
Chapter 21 (Just go!)
Chapter 26 (Phone Call)
Chapter 27 (The Encounter)
Chapter 28 (I'm not Selfish)
Chapter 29- Suitors
Chapter 30- (Brown eyes)
Chapter 31 (Calls)
Chapter 33 (Dare)
Chapter 34 (I chose Dare!)
Chapter 35 (Come back to me)
Chapter 36 (Want you back)
Chapter 37 (No more Lies and Secrets)
Chapter 38 (Clinic)
Chapter 39 (Like a Princess)
Chapter 40 (Dianna)
Chapter 41 (Best guy friend?!)
Chapter 42 (Friendship Over)
Chapter 43 (Surprise)
Chapter 44 (My Girl)
Chapter 45 (Accident)
Chapter 46 (Althea)
Chapter 47 (My Princess)
Chapter 48 (Outing)
Chapter 49 (No Bad Words)
Chapter 50 (Revelations...)
Chapter 51 (Dylan)
Chapter 52(Let go)
Epilogue
Author's Note

Chapter 32 (Little Spies)

85 2 0
By yellowmarii

“Ingat ka Cadillac, hija!” sabi ni yaya habang kumakaway sa sasakyan.

“Opo yaya! Bye.”

On the way na ako sa school kung saan naroon ang bus na naghihintay saamin. Pagdating ko sa school ay nakatayo na sila  Thea sa harap ng bus at halatang hinihintay ako kasama ang mga boys.

Pagbaba ko ng sasakyan ay lumapit kaagad ako sakanila, nang mapatingin saakin ang mga nagkukulitan na sila ay kenzo ay napahinto ang mga ito at nanlalaki ang matang nakatingin saakin, ang ilang naman na classmate ko na guys na naghihintay rin sa may gilid ng bus at napatigil, ang ilan ay sumipol pa.

Nagtatakang napatingin ako kina Thea.

“Wow..”sabi ni Ezekiel.

“Huh?” nakakunot ang noo kong sabi.?

Napatawa naman sila Monique.

“What’s wrong?” tanong ko.

Then nakangiting tinuro ni Carlene ang damit ko.

“May problem ba sa suot ko?”

“You’re wearing a razor back shirt and a short.” Sabi ni Ezekiel habang nakaturo sa dami’t ko at mukhang di pakapaniwala.

“So? Most of the girls are also wearing razor back some  are even wearing spaghetti strap top..my shorts is not that short compared to the others” sabi ko sabay turo sa mga classmates at schoolmates ko na girls. "besides i brought a cardigan."

“Cc, nakasuot ka kasi ng maikli na shorts, and naka razor back ka..di lang sila sanay na ganyan outfit mo…”nakangising sabi ni Thea.

“Hindi naman ganun kaikli huh..” nakanguso kong sabi.

Di ko magets kung bakit ganun ka big deal ang outfit ko..kung para kay Monique, mahihiya ang ikli ng shorts ko sa short shorts nya..at ang razor back ko sa v neck na sando ni Carlene na halos kita na ang cleavage nya. Buti wala pang sumasaway sakanya na prof..

“Aww..you’re so cute and hot.” Sabi ni Kenzo sabay pisil sa pisngi ko.

“Ouch kenzo!” sabi ko. Feeling nya bata ako para pisilin pisngi ko?!

Napatingin ako kay Reid na seryoso ang tingin saakin, nagpabalik balik ang tingin nya saakin from head to toe.

“Reid?”Nagtatakang tanong ko.

Napatingin sya saakin at biglang namula.

“Nasilaw sa legs mo girl.” Siko ni Monique saakin.

Feeling ako naman ang namula sa sinabi nya..ang awkward tuloy.

“Para kayong sira..tara na nga.” Sabi ko.

“Ang init! Wooh!” sigaw ni Ezekiel sa nakakatawang accent.

Mainit? Ang hangin hangin kaya..ang weird ni Ezekiel ah..

Nailing nalang ako paakyat ng bus.

Sa bus ng mga varsity players kami sasakay since may ilang vacant seats pa naman at malakas si Kaeden sa Organizers kaya pumayag ang mga ito.

Akala ko magiging relaxing ang trip na ito, pero mukhang nagkakamali ako, dahil pag ka akyat na pag akyat ko ng bus ay napahinto ako ng Makita ko ang isa sa mga sakay ng bus ay si Yuan.

Yeah..si Yuan nakaupo sa pinakalikod kasama si Chris at Crionne. Unang napalingon si Crionne sa gawi ko at nanlalaki ang matang may binulong kay Chris at tinuro ako. Bigla naman napatingin si Chris at halata rin ang gulat sa mukha.

Bakit ba hindi ko man lang naisip na pwedeng andito rin sila? They are from the basketball team for pete’s sake..pero di ko man lang naisip yun. If I just knew it earlier hindi ako papayag na sumakay dito.

Lalo akong hindi makagalaw sa kinatatayuan ko ng biglang lumingon si Yuan at nagtama ang aming tingin. Napakunot ang noo nya ng Makita ako at bigla nalang nagdilim ang mukha nya matapos nya akong tingnan mula ulo hangang paa. Kabaliktaran ang reaksyon nya sa reaksyon nila Kenzo kanina. Halata ang disgust sa mukha nya, kaya mas lalo akong naging uncomfortable sa suot ko, gusto ko tuloy mag sisi kung bakit eto ang naisipan ko isuot.

“Hey Babe, bakit ka huminto? Pasok na..” sabini Reid na di ko namalayang nasa likod ko na pala. Pinatong nya ang mga kamay nya sa balikat ko at dahan dahang tinulak ako papasok, napabalik ang tingin ko kay Yuan na ngayon ay masama ang tingin sa mga kamay ni Reid sa balikat ko.

“Babe, tabi tayo huh!” sabi ni Reid sabay akay saakin sa pang dalawahang upuan sa pangatlong hilera sa bus.

Hinayaan ko nalang na akayin ako ni Reid dahil ayaw mag proseso sa utak ko sa mga nangyayari, bago pa ako makaupo ay maybiglang humila sa kaliwa kong kamay.

“That’s not fair Dude..di pwedeng kayo magkatabi! And please stop calling her Babe..di sya sabi baboy..ano ba naman yan paulit ulit nalang!” sabi ni Kenzo sabay gulo sa buhok nya.

“Seriously guys, I thinks it’s better if she will be sitting beside me!” sabi ni Ezekiel na nakahalukipkip sa likod ni Kenzo.

Nagpalipat lipat ako ng tingin sa tatlo, then hinanap ko sila Thea..nakaupo na sila sa tatlohang upuan at natatawang pinapanuod kami.

“Eh kung saakin nalang sya tumabi, para walang away..tapos kayong tatlo ang magtabi tabi.”  Sabi ni Kaeden sabay kindat saakin.

“No way!” sabay sabay na sabi ng tatlo.

“Crimson, saakin ka nalang tumabi para di sila magkaselosan tatlo?” sabi ng isang ka team nila Kaeden.

“Shut up Dude, wag ka na makisali..nahihirapan na nga kami I share si Crimson sa isa’t isa dadagdag ka pa?!” nakasimangot na sabi naman ni Reid na ikinatawa ng lahat.

Nanlaki ang mata kong napatingin sa palagid, lahat halos ng athletes nakatingin saamin at nagtatawanan o nag iilingan, kanina pa kasi gumagawa ng eksena ang tatlong pasaway, to think na andito si…ni hindi ko na nagawang sumulyap sa likod kung saan sya nakaupo dahil alam ko galit lang ang makikita ko sakanya which is confusing…I mean bakit sya kailangan magalit saakin? Kung mag kaibigan pa kami ay maiintindihan ko since he’s a jealous type..kahit noon pa man may madikit lang saakin ay nagseselos na sya. Pero ngayon, hindi ba wala na syang karapatan since putol na ang friendship namin?


“Sige ganito nalang, kayong dalawa muna tumabi kay Babe ko sa tatluhang upuan..then pag uwi ako naman katabi nya sa dalawahang upuan.” Nakangising sabi ni Reid na para bang tuwang tuwa sa naisip nyang ideya.

“Dude, nang iisa ka na naman, kung gusto mo kayo ni Kiel ang katabi ngayon ni Crimson sa tatluhang upuan..then ako pauwi?!” sabi naman ni Kenzo.

“Oy..oy..that’s not fair..eh parang ganun din ikaw, nang iisa..how about me? What if I tell the two of you na ako uupo with Crimson pauwi sa dalawang chair?” sabi naman ni Ezekiel na nakakunot ang noo.

“Sige Dude, basta ayusin mo muna salita mo, magsalita ka in Filipino ng diretso!” natatawang sabi ni Kenzo.

At ayon hindi sila magkasundo, patuloy sila sa pagtatalo, nailing nalang mga teammates nila, habang ang driver ng bus ay napapakamot nalang ng ulo.

“Uhmnn..guys, kung wala nalang kaya akong katabi... since marami pang vacant na chairs..para lang di na kayo magtalo talo? Besides nangangawit narin ako..kanina pa tayo nakatayo kung di nyo napapansin? Andyan na rin si Manong driver..at hinihintay lang tayo magsettle down..”sabi ko sabay turo sa napapailing na driver.

“Mga kabataan talaga, andami namang babae..nag aagawan sa isa..tsktsk.”sabi ni manong driver.

Nagkatinginan kami, at feeling ko namumula ang mukha ko sa sinabi ng driver, tapos yung iba naman nagtawanan pa.

“Fine! I’m willing to share Crimson with anyone of you today. But just for today!” Nakasimangot na sabi ni Ezekiel.

“Tsss..ano si Crimson, bagay? At nashe-share?” nang aasar na sabi ni Carlene.

“Oh sino pa yung isang katabi ni Cc? Dali na..nang makaupo na kayo at makaalis na..mga pasaway..” sabi ni Thea.

Nagkatinginan sila Reid at Kenzo, halatang ayaw magbigayan at naghihintay kung sino ang magpaparaya.

After awhile, napabuntong hininga si Reid at napahawak sa batok.

“I’m not willing, but I’ll do it..para naman di nyo sabihin na nanlalamang ako palagi.”

Biglang napangiti si Kenzo, yung singkit nyang mata lalong sumingkit.

“Oh sige na hindi ka na palaging nanglalamang..minsan LANG!” sabi ni Kaeden.

“Yes, oh sige ipapahiram ko muna sainyo si Crimson ha, ingatan nyo at tigil tigilan nyo pagkapervert nyo!” sabi ni Kenzo na abot tenga ang ngiti.

“Ang cute ng singkit mong mata Kenzo.” Di ko mapigilan na sabi.

Nanlaki bigla ang mata nya at biglang namula ang pisngi nya.

“Oh my gosh! Nagbablush si Kenzo.” Sabi ni Monique na biglang napatyo at kinunan ng picture si Kenzo gamit ang kanyang iphone.

“Monique! Stop it!” saway ni Kenzo.

Natatawang nailing nalang ako, at least kahit paano ay nawala ang tension sa paligid.


Inalalayan na akong makaupo ni Ezekiel, pinagitnaan nila ako ni Reid. Buong byahe wala silang ginawa kundi asikasuhin ako, patawanin at pakainin..at kulit nila grabe. Kaya naman hindi ko man lang naramdaman ang ilang oras na byahe..ni hindi man lang ako nakaidlip. 

"Babe, gusto mo roomates tayo?" biglang sabi ni Reid.

Feeling ko namula ako sa sinabi nya.

"Hey! Stop teasing her!" sabi naman ni Ezekiel.

"What? I'm just inviting her to be my roomate..what's wrong with that?"

"What's wrong my ass! You really are a pervert guy!"

"Wow hiya naman ako saiyo..nag salita!" natatawang sabi ni Reid.

"Tumigil na nga kayong dalawa..tigilan nyo si Crimson, kanina pa yan nakukulitan sainyo di lang nag rereklamo." sabi naman ni Kaeden.

Napatingin naman saakin sila Reid.

"Uhmnnn..malapit na yata tayo.."pag iwas ko ng sabay tingin kunwari sa bintana ng bus.

Narinig ko nalang ang pag tawa ni Kaeden na nakaupo sa harap namin.

"Wow andito na tayo!" ani Monique.

"Oo nga oh..excited na ako!" sabi naman ni Thea.

"Pero sana nag beach nalang tayo, para mas masaya..." sabi ni Carlene.

"Oo nga! Mas masaya sa beach!" sang ayon ni Monique, na nagreready na sa pag baba ng bus.

"Kung sa beach tayo nagpunta, hindi na Camping ang tawag doon diba?" singit ko na ikinatawa nila Kaeden.

"Tama si Crimson, di appropriate na mag camping sa beach..."natatawang sabi ni Kaede. "Dibale pwede naman tayo magpunta next time sa beach."

"Oo nga! mag outing tayo!" sabi Kenzo na dumungaw sa tabi ni Kaeden.

"I schedule na yan!"

"Babe, pag nag beach tayo mag susuot ka ba ng two piece?" biglang tanong saakin ni Reid.

Bago pa ako makapagreact ay nabato na ni Kaeden si Reid ng lukot na papel sa ulo.

"Manyak ka talaga Dude!"

Nagtawanan nalang kami sa sinabi ni Reid.

"Let's go! baba na tayo." excited na aya ni Monique sabay tayo, pagkatigil na pagtigil ng bus.

"Excited much?!" sabi ni Kenzo kay Monique.

"Pervert much?" ganting sabi ni Monique.

Naiiling nalang ako sa dalawa, palagi nalang silang nagbabarahan..di na ko magugulat kung sila magkakatuluyan.

Bago pa man ako tuluyang makababa ng bus ay narinig ko si Chris na malapit saakin na kinakausap si Crionne. May sinasabi ito tungkol Kay Yuan na nasa bus parin at kausap sa phone si Nicole.

Inaaway yata ni Nicole si Yuan dahil nabalitaan nito na nasa iisang bus kami.

Akalain mo? Nalaman kaagad ni Nicole iyon?

It only means one thing, nasa malayo man si Nicole..she still have her ways to know everything that 's happening around Blue.

She have her little spies...

She will make sure that Yuan and I will be out of each others way..

Little did she know, she has nothing to worry about,

Dahil kung ako lang ang masususnod..ayoko na rin magka encounter pa kami ni Yuan..

Ayoko na...



Continue Reading

You'll Also Like

3.9K 34 1
This story is about friendships that are unexpectedly formed and how they turn into love-the love that will teach them a lesson.
852K 29.3K 73
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
8.6K 132 21
"If I can't have your heart, then might as well kill me, Archer." Lyrae is the definition of epitome beauty. Everyone admired her and wished to becom...