Chapter 27 (The Encounter)

89 2 0
                                    

Days passed, I tried so hard to act and pretend. Araw araw kasama na namin si Nicole sa lunch, medyo nakakailang parin pero nasanay na rin ako sa presence nya at ka-sweetan nila ni Yuan. I tried so hard to avoid Yuan, and to forget the friendship that we had. Civil naman ang pakikitungo namin sa isa’t isa, pero mukhang hindi naibabalik ang dati naming closeness…parang may wall na sa pagitan naming.

Merong araw na hindi ako nakakasabay sakanila dahil may new set of friends na ako, minsan nakikijoin saamin si Thea, and I’m glad kasi nakasundo nya ang mga ito. Minsan nga lang feeling ko nagtatampo na sila Chris dahil nga nasanay na rin sila na kasama kami tapos biglang isang araw madalang nalang kami sumabay sakanila.

Kaya ngayon, nagkasundo kami ni Thea na sumabay sakanila. And because of that I have to wear my happy face ‘mask’ again.


“Eto pa o tikman mo masarap yan!”

“May sakit ka ba Chris bakit parang ang bait mo sakin ngayon?”tanong ni Thea.

“Ano bang meron at bakit ang dami nyong inorder?”sabi ko naman.

“Wala naman na-miss lang naming kayo.”nakangiting sabi ni Crionne sabay abot saaki ng Frappe.

“Actually suhol yan, baka sakaling saamin na uli kayo sumabay maglunch araw araw..” sabi naman ni Chris.

“Basta ba libre eh!” nakangising sabi ni Thea.

“Sure, sagot ni Crionne ang lunch nyo araw araw!”mabilis na sagot ni Chris.

“Bakit ako?!”

“Dude mas marami kang pera saakin, kaya ikaw dapat!”

“Eh sino ba ang nakakamiss kay Thea at----“ natigil sa sinasabi si Crionne ng subuan sya ng burger ni Chris.

“ANg daldal mo! Kung ano ano sinasabi mo! Kumain ka na nga lang!”

Nagkatinginan nalang kami ni Thea at nagtawanan. Saktong pag angat ng tingin ko ay dumating si Yuan kasama ang nakataas na kilay na si Nicole halatang hindi nagustuhan na nakita kami sa table nila.

“So..you’re back!” nakaismid na sabi ni Nicole.

Hindi namin sya pinansin at nagpatuloy sa pagkukwentuhan. Hinayaan lang naming sila sa sariling mundo nila ni Yuan.

“Haayy..grabe nakakamiss kayong dalawa! Ang lungkot na dito sa table namin nung nawala kayo.”sabi ni Crionne.

“Maghanap na kasi kayo ng girlfriend nyo para hindi na kayo kailangan pang mag invite ng iba dito sa table natin.” Singit ni Nicole sa usapan.

Napatingin kaming lahat sakanya, pero walang nag react.

“Nakakatampo, pinagpalit nyo kami sa iba, mas masaya ba silang kasama? Buti sana kung puro girls lang yung friends nyo na bago, kaso mas marami boys sakanila..pero mas gwapo parin naman kami, so I don’t get it…bakit kailangan sakanila kayo sumabay ng lunch at hindi saamin, eh palagi naman na kayo magkakasama dahil sa classmates nyo sila.” Mahabang sintemyento ni Chris.

“That’s the point maraming boys doon, kaya mas gusto nila doon..malay nyo doon sila makakita ng boyfriends nila..para naman hindi na nila kailangan mang agaw ng boyfriend na may boyfriend!”nakatingin na sabi ni Nicole saakin.

Napayuko lang ako.

“Can you please shut up! Hindi ka naman kasama sa usapan singit ka ng singit! Hindi mo ba nakita hangang dito lang yung usapan oh…” sabi ni thea habang pinapakita yung imaginary line na humahati saamin at sakanila ni Yuan.

Crimson and Blue Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon