Chapter 46 (Althea)

66 1 0
                                    

One month after that incident, everything went fine. Bihira ng sumakit ang ulo ko o kaya ay mahilo ako. Tuesday nagpasya kaming magkita kita para sabay sabay kami mag snack. Sinundo ako nila Blue kasama sila Crionne sa building ko at sabay kaming nagpunta ng Snick- Snacks para doon na kitain si Thea at sila Monique, nauna na kasi ito lumabas ng room para daanan si Andrew. Wala pa sila Thea sa Snick-Snacks ng dumating kami, kaya nagpasya kaming wag munang mag order habang wala ang mga ito. Nagkakasayahan kami nila Chris ng dumating si Thea. Hindi nito kasama si Andrew pati narin sila Monique, seryoso ang mukha nito. Tumahimik kami ng umupo ito sa vacant seat sa harapan ko ng inireserved amin para sakanila ni Andrew. Binaba nito ang gamit sa table at tahimik na yumuko.

"Thea.."mahina kong tawag sa pangalan nito. Inabot ko ang kamay nito na nasa ibabaw ng lamesa.

"S-sorry, late ako.." nanginginig ang boses na sabi nito.

"Are you ok Thea?" tanong ni Blue. Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumipat sa tabi ni Thea para I comfort sya.

"Y-yes I'm fine." Maang nitong sabi. Pero hindi din mapigilan ang tinatagong sama ng loob dahil sa bigla itong umiyak at yumakap saakin. Nagkatinginan lang ang tatlong lalaki na kaharap namin sa table.

"Crimson iniwan na ako ni Andrew!"Umiiyak na sabi nito. hinagod ko ang likod nito para pakalmahin ito.

"Shhh.. tell us what happened?"

"Mahal pa daw kasi nya yung ex nya kaya nung mag aya yung ex nya na makipagbalikan ayun nakipagbreak kagad sakin!" sumisinghot singhot na kwento nito. sabay kuha ng tissue sa ibabaw ng mesa at punas sa mukha.

"Althea, hindi mo dapat iniiyakan ang ganung klaseng lalaki." Paliwanag ko sakanya.

"A-alam ko, pero masakit kasi! Nagalit sila Reid sa ginawa ni Andrew kaya nag away sila. Pinakalma muna nila Carlene ang boys kaya di sila naka sama saakin dito, I'm sorry.." sabi nito na tumulo ulit ang luha, na agad nitong pinunasan at pagkatapos ay huminga ito ng malalim.

"Ikaw kasi Thea wala kang taste! Ano ba ang nakita mo sa unggoy na iyon?! Kung ako nalang sana niligawan mo baka napagbigyan kita!" nagbibirong sabi ni Chris kay Thea, siniko ito ni Crionne bilang babala.

"Ang kapal naman ng face mo! Kahit tutukan pa ako ng baril di kita papatulan no!" ganti ni Thea na ikinatawa ng lahat.

"Thea dear.. I think you should start wearing an eyeglass! Tingnan mo naman ang pinag kaiba namin ng boyfriend mo. Ako hunk sya, sya junk!" tumatawang sabi nito habang pinagmamalaki ang muscles nito sa braso.

"Kapal! What do you think of your self, God's given gift?! What a shame!" inis na sabi ni thea. Tumigil na ito sa pag iyak, napalitan ng galit ang mukha nito.

"Oh bakit hindi ba? Kunwari ka pa, alam ko namang matagal ka ng may gusto sakin!" confident nitong sabi sabay kindat kay Thea.

"You're hopeless! Anong feeling mo, si Blue ka?!" nanggigigil nitong sabi!

"Hindi Zach Efron lang naman!" nakangising sabi nito.

"Edi wow!" nangingiting sabi ni Thea na tuluyan ng nakalimutan ang problema.

"Ooppss...tama na yan baka magkapikunan pa kayo nyan!" awat ni Crionne.

"Buti pa mag snack na tayo para i-celebrate ang paghihiwalay ni Thea at nang boyfriend nya na walang kwenta!" saad ni Blue at biglang tumayo pumunta sa counter, inalalayan nya ako sa aking kinuupuan. Nag sipag tayuan na rin sila Crionne, huling tumayo si Thea na hinarang ni Chris.

"Lets go sweetheart!" biro nito na lalong ikinatawa ng lahat.

"Sweetheart your face!" nakangusong sabi ni Thea at nilagapasan si Chris.

Habang naglalakad kami papuntang counter ay natahimik ako, napaisip ako ng malalim na ikinabahala ni Blue.

"What's wong" bulong nito, napatingin ako sakanya.

"Nothing...It's just that..." nagdadalawang isip ako sakanyang sabihin.

"What?" nabibiting tanong nito.

"I'm just wondering... mangyayari din kaya satin ang nangyari kina Thea. I mean look, dati naman ok sila, alam kong Andrew loved Thea, they used to be so good together. Tapos bigla nalang nag iba ang ihip ng hangin." Paliwanag ko.

" Bakit may ex ka ba na mahal mo pa?" nanunuksong sabi nito na may pilyong ngitin sa labi.

"I was not talking about myself! Besides I told you, you're my first boyfriend!" nag iinit ang mukha kong sabi at para hindi iyon mapansin ni Blue ay tumalikod ako at nagpanggap na abala sa pag hahanap ng desert. Pinihit ako nito paharap sakanya at hinawakan ang baba ko para itaas at magkatinginan kami.

"And I will be the last, I'll make sure of that! And I know that you're not talking about yourself." nakangisi nyang sabi.

"So?" naghihintay pa ako sa sasabihin nito. Ngumiti ito.

"Well I admit, I had a lot of girls but I did not love any of them." Naalis ang ngiti nito at sumeryoso, hinawakan nito ang kamay ko at pinisil iyon. " You're the only one who caught my heart so there's nothing to worry."

"I hope so!" kumbinsido kong sabi at dumistansyan ng konti kay Blue dahil pinagtitingin na kami ng iba pang mga estudyante.

"There you go again! Don't you dare doubt my love! You don't know how much I love you kaya nasasabi mo yan! Just hold my word, I love you!" masuyong sabi nito.

"Bolero!" natatawa kong sabi. Natawa na rin ito, natigil ang aming pag uusap ng marinig namin ang hirit ni Chris.

"Let me heal your broken heart, sweetheart!" seryosong sabi nito kay Thea.

"Corny mo Chris, Hindi bagay sayo!" hirit ni Crionne na ikinatawa namin lahat at ikinataas ng kilay ni Thea.

Crimson and Blue Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon