Chapter 39 (Like a Princess)

69 2 0
                                    

                      Tuesday isa lang ang klase namin ni Thea dahil wala kaming professor, samantalang may practice naman si Blue. Kaya sa halip na magpunta kami ng Girls sa mall gaya ng napag usapan ay naiba ang plano ng makiusap si Blue na manuod daw kami ng practice nya para may 'cheerer daw sya' as if naman na nawawalan sya ng cheerer sa dami ng may gusto sakanya! 

Hindi na kami tumanggi ni Thea dahil palagi kaming busy at hindi pa namin nata-try manuod ng practice game nito. Kaya laking gulat ko ng pumasok kami ng gymnasium at mapansing napakaraming estudyante ang naroroon, at karamihan ay mga kababaihan. Nakita ko ang ilan kong classmates sa may bandang lower box kaya doon na kami naupo ni Thea. Hindi ko inaasahang masaya pala manuod ng practice game kaya talaga namang nag enjoy kami at hindi namin napansin ang mabilis na paglipas ng oras.

 Last one minute na ng fourth quarter, all ang score ng magkabilang grupo. Nasa kalaban ang bola at tinangka itong agawin ni Crionne na matagumpay naman nyang nagawa, sa 49 seconds ay tumakbo ito papuntang kabilang court pero naharang ito ng kalaban at naagaw ulit ang bola. Tumakbo ang kalaban sa kanilang side ng court at nag attempt itong mag three points pero di ito pumasok, narebound ito ng kakampi ng kalaban at pinagpasapasahan ang bola at sinubukang I shoot ngunit nasupalpal ni Chris ang bola sa twenty seconds.

 Nakuha ni Blue ang bola, tumakbo ito papuntang kabilang court at biglang nag hiyawan ang mga kababaihan at nag cheer ang mga ito. Tumigil si Blue sa three point line, at sa gulat ng lahat ay tumingin ito sa may audience habang I dinidrible ang bola at dumidipensa sa kalaban. Para itong may hinahanap sa audience, sumigaw ang coach nito at sinabing mag focus ito at I shoot na ang bola. Hangang sa mapatingin ito sa gawi namin ni Thea, at sumenyas ito na tila ba sinasabing 'this is for you'. At bigla itong nagshoot. 

Pasok ang bola!

 At ubos na ang time, panalo ang team ni blue. Lalong nag sigawan ang mga kababaihan , samantalang naghigh five at nagtalunan ang teammates ni Blue na halata ang kasiyahan sa mga mukha. Yumakap saakin si thea at nanunukso itong ngumiti, kilig na kilig ito na para bang sya ang inalayan ng shoot ni Blue.

 At ako? Ayon tulala hindi ko naisip na magagawa iyon ni Blue. Namumula na yata ang buo kong mukha, para akong hihimatayin sa hiya dahil nanunukso ang tingin ng mga classmates namin at ang ibang audience, hindi ko alam kung kikiligin ba ako o mahihiya. 

Pero hindi pa doon natapos ang lahat dahil ng bumaba kami ng bleachers para puntahan ang winning team ay agad kaming sinalubong ni Blue at walang salisalitang niyakap ako nito! Lalong nagtinginan ang lahat sa ginawa ni Blue, at di rin kami nakaligtas sa teammates ni nya na walang ginawa kundi mang asar, lalo akong namula sa kahihiyan, bahagya kong tinulak si Blue para pakawalan ako pero sa halip nabitiwaan ako nilagay pa nito ang kamay n sa bewang ko. Naiilang na talaga ako lalo pa't pinagtitinginan at bulungan na kami ni Blue. Alam ko na sa mga oras na iyon ay marami ang nangangarap na mapunta sa kinatatayuan ko, may ilan din na halata ang inggit sa mukha, napansin ko din ang grupo nila Nicole na nakatingin saamin, hindi nakaligtas sa paningin ko ang pag irap nito.

"Blue!" bulong ko sakanya, sabay alis ng kamay sa bewang ko, pero binalik nito ang kamay nito, at kumindat pa ang loko kaya hindi ko napigilan ang matawa. Hinayaan ko nalang sya sa trip nya.

"That game is really for you, I did my best because I know that you are watching." Bulong nito habang nakatingin sa mga kagrupo nito na naghaharutan. At bago pa ko makapag react ay naunahan na ako ni Thea na nasa tabi na pala namin.

"Kayo ha, hindi nyo manlang sinasabi na kayo na pala!"sita ni Thea.

"Bawal PDA dito!" tukso saamin ni Crionne.

" Kakaingit naman kayo!"sabad ni Chris, isa sa bestfriend ni Blue.

"Crimson I'm so happy for you! You just caught the Casanova's heart!"tukso ni Thea. Dahil doon ay napatingin ako kay Blue, na sakto namang nakatingin saakin. Lalong nag init ang mukha ko, kinalas ko ang bisig ni blue na nasa bewang ko at dumistansya kay Blue, tumabi ako kay Thea na ikinatawa ng lahat.

" Kayo talaga, ayan tuloy lumayo!" nakangiting napapakamot ng ulong sabi ni Blue.

Mabilis na lumipas ang araw, at lalong naging malapit kami sa isa't isa ni Blue. Naging extra sweet ito, hinahatid at sundo ako nito sa bahay, kaya di ko na kinakailangan ng driver na dating naghahatid sundo saakin. Ilang beses na rin nakapunta sa bahay namin si Blue, napakilala ko na rin ito saaking mga magulang. Ganun din naman ako sakanila, napagkamalan pa nga akong girlfriend ni Blue ng mommy nito. At kung nasa bahay naman ako at weekend ay wala itong ginawa kundi magtext o tumawag. 

Si Blue narin ang naging instant tutor ko sa mga subjects na nahihirapan ako, magkasama rin kami nito sa org. natatakot daw kasi sya na mawala ako sa paningin nya sa loob ng campus dahil nga natatakot daw sya na maulit ang pangyayari sa campus' garden. Sa tuwing nagkakatampuhan kami ay ito lagi ang unang nagsosorry o unang nakikipagbati, kahit na ako pa ang may kasalanan. 

Sa tuwing may nagustuhan akong isang bagay, o may gusto akong gawin lahat ng iyon possible dahil kay Blue. In short he treats me like a baby, no he treats me more than that, he actually treats me like a princess! Just like what he always says, that I'm his only princess! Which makes my heart swell, I don't know if he's serious or what but I don't care as long as I'm happy, as long as we're happy! And I'm so scared because I might get used to the idea of having him around always, and then time will come and he will just leave me again.



Crimson and Blue Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon