Chapter 45 (Accident)

97 0 0
                                    

Dear diary,

It was like a dream. Natatakot akong bigla akong magising na isang panaginip lang pala ang lahat. That day was one of the happiest day of my life. At sa mga sumunod na araw na magkasama kami ay naramdaman ko na talagang mahal nya ako. Kaya sinubukan ko rin na mahalin sya, at hindi naman ako nahirapan dahil I was already in love with him even before the day he announced his love for me. And one thing I know for sure, I am so blessed to have him.

Monday, nasa social hall ako dahil sa breaktime na. Hinihintay ko sina Thea at Blue ng may nagtakip na mga kamay sa aking mata. Hinawakan ko ang kamay na iyon at sinubukan kong alisin sa aking mga mata.

"Guess who?!" sabi ng boses na halata namang si Blue.

"Blue!" natatawa kong saway. Inalis nito ang kamay na nakatakip sa mata ko at kinuha mula sa likuran ang isang pirasong red rose at iniabot saakin.

"Red rose for my lovely girl..." Nakagiting sabi nito at hinawakan ang kanan kong kamay para halikan.

Korni.. I know, but still..

"Thanks" nakangiti kong sabi. "What's the occasion?" pahabol kong sabi.

"Well nothing, I just feel like giving you one, kailangan bang may okasyon? And besides I want to see your smile." Malambing nitong sabi na hawak parin ang kanan kong kamay.

"Bakit palagi naman akong nakasmile huh!" nakanguso kong sabi.

"Parang hindi yata, especially pag may lumalapit na girls saakin." Nanunukso nitong sabi.

"Hindi naman huh! Yabang nito!"

"I'm just kidding love, ikaw talaga!"natatawang sabi nito at pinisil ang kamay ko. Nanahimik lang ako at sa pang aasar ni blue. Napakagat ako ng labi sa pinipigil kong emosyon.

"So hindi ka pala nagseselos sa mga girls na iyon, okay so you are not a jealous type of girlfriend huh!" nang aasar na sabi nito at tinitigan ako bago ngumiti at hinagkan ulit ang kamay ko.

"That's the truth!" naaasar kong sabi.

"Talagang talaga?!" pangungulit nito.

"Talaga!" mariin kong sabi.

"So ok lang sayo na may ka share ka sakin?! Ganun ka pala ka generous huh!" nanunukso nitong sabi na may malaking  ngiti sa labi. Sa pagkainis ay binawi ko ang kamay ko at tumayo mula sa bleacher. Kinuha ko ang bag ko at tinitigan sya ng masama.

" I can't believe you! Sige kung gusto mo lapitan mo sila at makipagbolahan ka,.kahit pa makipagligawan ka! Ganon ako ka generous." Binalik ko ang rose na binigay nya saakin. " Dyan ka nga!" inis kong sabi at nag umpisa na akong lumakad na ako palayo sakanya. Wala pa akong limang hakbang ay naabutan na nya ako, hinawakan nya ako sa kamay para tumigil ako sa paglalakad. Nilingon ko sya ng nakataas ang kilay at nakaismid, samantalang nakatingin sya saakin na para bang manghang mangha saaking inasal. Banayad syang ngumiti at hinaplos ako sa pisngi.

"You easily lose your temper love, is there something wrong? Wanna tell me?!" malambing nitong tanong. Nagulat ako sa sinabi ni Blue,ganoon ba ako ka transparent sa paningin nya at nababasa nya ang nasa isip ko? I want to tell him, but I can't... I really can't even if I want to! I'ts not yet the right time!

Napakagat ako ng labi at umiling. Nalukot ang mukha ko, pero sinubukan kong magmukhang normal. Para akong maiiyak saaking naalala, pero pinigil ko dahil baka makahalata sya. Lumunok muna ako para alisin ang bara saaking lalamunan bago magsalita.

"I 'm sorry... it's just that I –"

"It's ok, It's my fault hindi ako dapat nagbiro ng ganon."

Crimson and Blue Where stories live. Discover now