Chapter 32 (Little Spies)

85 2 0
                                    

“Ingat ka Cadillac, hija!” sabi ni yaya habang kumakaway sa sasakyan.

“Opo yaya! Bye.”

On the way na ako sa school kung saan naroon ang bus na naghihintay saamin. Pagdating ko sa school ay nakatayo na sila  Thea sa harap ng bus at halatang hinihintay ako kasama ang mga boys.

Pagbaba ko ng sasakyan ay lumapit kaagad ako sakanila, nang mapatingin saakin ang mga nagkukulitan na sila ay kenzo ay napahinto ang mga ito at nanlalaki ang matang nakatingin saakin, ang ilang naman na classmate ko na guys na naghihintay rin sa may gilid ng bus at napatigil, ang ilan ay sumipol pa.

Nagtatakang napatingin ako kina Thea.

“Wow..”sabi ni Ezekiel.

“Huh?” nakakunot ang noo kong sabi.?

Napatawa naman sila Monique.

“What’s wrong?” tanong ko.

Then nakangiting tinuro ni Carlene ang damit ko.

“May problem ba sa suot ko?”

“You’re wearing a razor back shirt and a short.” Sabi ni Ezekiel habang nakaturo sa dami’t ko at mukhang di pakapaniwala.

“So? Most of the girls are also wearing razor back some  are even wearing spaghetti strap top..my shorts is not that short compared to the others” sabi ko sabay turo sa mga classmates at schoolmates ko na girls. "besides i brought a cardigan."

“Cc, nakasuot ka kasi ng maikli na shorts, and naka razor back ka..di lang sila sanay na ganyan outfit mo…”nakangising sabi ni Thea.

“Hindi naman ganun kaikli huh..” nakanguso kong sabi.

Di ko magets kung bakit ganun ka big deal ang outfit ko..kung para kay Monique, mahihiya ang ikli ng shorts ko sa short shorts nya..at ang razor back ko sa v neck na sando ni Carlene na halos kita na ang cleavage nya. Buti wala pang sumasaway sakanya na prof..

“Aww..you’re so cute and hot.” Sabi ni Kenzo sabay pisil sa pisngi ko.

“Ouch kenzo!” sabi ko. Feeling nya bata ako para pisilin pisngi ko?!

Napatingin ako kay Reid na seryoso ang tingin saakin, nagpabalik balik ang tingin nya saakin from head to toe.

“Reid?”Nagtatakang tanong ko.

Napatingin sya saakin at biglang namula.

“Nasilaw sa legs mo girl.” Siko ni Monique saakin.

Feeling ako naman ang namula sa sinabi nya..ang awkward tuloy.

“Para kayong sira..tara na nga.” Sabi ko.

“Ang init! Wooh!” sigaw ni Ezekiel sa nakakatawang accent.

Mainit? Ang hangin hangin kaya..ang weird ni Ezekiel ah..

Nailing nalang ako paakyat ng bus.

Sa bus ng mga varsity players kami sasakay since may ilang vacant seats pa naman at malakas si Kaeden sa Organizers kaya pumayag ang mga ito.

Akala ko magiging relaxing ang trip na ito, pero mukhang nagkakamali ako, dahil pag ka akyat na pag akyat ko ng bus ay napahinto ako ng Makita ko ang isa sa mga sakay ng bus ay si Yuan.

Yeah..si Yuan nakaupo sa pinakalikod kasama si Chris at Crionne. Unang napalingon si Crionne sa gawi ko at nanlalaki ang matang may binulong kay Chris at tinuro ako. Bigla naman napatingin si Chris at halata rin ang gulat sa mukha.

Crimson and Blue Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon