BABYSITTING THE MAFIA'S KID

By VictoriaGie

480K 23.1K 6.1K

May chanak -- este bata na nahulog sa kanal ang naligaw sa bahay ko. Kinupkop ko, inalagaan, pinakain, basta... More

PROLOGUE 💋
CHAPTER 1 - KNOCK KNOCK
CHAPTER 2 - FIVE HUNDRED MILLION
CHAPTER 3 - THE HIERARCHY
CHAPTER 4 - LOST TREASURE
CHAPTER 5 - FULLY LOADED
CHAPTER 6 - VINTAGIO MUSEUM
CHAPTER 7 - MEET AND GREET
CHAPTER 8 - MONEY DROP
CHAPTER 9 - GUNS AND STARES
CHAPTER 10 - STAY
CHAPTER 11 - DON'T PULL THE TRIGGER
CHAPTER 12 - A LITTLE WORRIED
CHAPTER 13 - ZOOLOGY
CHAPTER 14 - THE MASTER MIND
CHAPTER 15 - A FATHER'S LOVE
CHAPTER 16 - ORGANIZATION OF PEACEMAKER
CHAPTER 17 - BUSTED
CHAPTER 18 - AGREED
CHAPTER 20 - THE WORLD HE BELONGS
CHAPTER 21 - WELCOME PHONE
CHAPTER 22 - KEEP LIVING
CHAPTER 23 - LUCID
CHAPTER 24 - BEAUTY IN BLACK
CHAPTER 25- JELOUS
CHAPTER 26 - UNDER THE GLASSES
CHAPTER 27- HYDRATED
CHAPTER 28- GALAXY IN HIS EYES
CHAPTER 29- SNEAK OUT
CHAPTER 30 - SEASON FINALE
SPECIAL CHAPTER - DYTHER ICEXEL QUIGLEY ELCANO
CHAPTER 31- SEASON 2
CHAPTER 32 - ABDUCTED
CHAPTER 33 - THE OFFER
CHAPTER 34 - ONCE AN ANGEL
CHAPTER 35 - HOME
CHAPTER 36 - VERNIX
CHAPTER 37 - PARTNERS IN CRIME
CHAPTER 38 - PROJECT EXTERMINATION
CHAPTER 39- THE TRIAL
CHAPTER 40 - RUMORS UNLEASHED
CHAPTER 41 - SOMEONE'S FRUSTRATED
CHAPTER 42 - LEAVE HER ALONE
CHAPTER 43 - ADIOS
CHAPTER 44 - DO THEY BELIEVE ?
CHAPTER 45 - HEADACHE
CHAPTER 45.2 - HEADACHE AGAIN
CHAPTER 46 - BROTHERS
CHAPTER 47 - RAIN HARD
CHAPTER 47.2 - STILL RAINING HARD
CHAPTER 48 - CONFRONTATION
CHAPTER 49 - LONG AWAITED REUNION
CHAPTER 50 - CANDLE
CHAPTER 51 - STRANGE
CHAPTER 52 - MISUNDERSTANDINGS
CHAPTER 53 - BEHIND THE WHITE MASK
CHAPTER 54 - THE GLOOM THAT BLOOMS
CHAPTER 55 - BEFORE THE AUCTION
CHAPTER 56 - SIMPLE PLAN
SHORT CHAPTER - GALILEO ARTHFAEL MARCHESE
CHAPTER 57 - SMOKE
CHAPTER 58 - UNDER THE SHADOW
CHAPTER 59 - NIGHT BEFORE THE BOMB
CHAPTER 60 - FORMAL VISIT
CHAPTER 61 - BATTLE GROUND
CHAPTER 62 - COMMUNITY WAR II
CHAPTER 63 - OUT OF SIGHT
CHAPTER 64 - A PROMISE MADE TO BE BROKEN
CHAPTER 65 - HOMELESS
CHAPTER 66 - ONCE A TRUCK DRIVER
CHAPTER 67 - STABBED
CHAPTER 68 - WITH A KNIFE

CHAPTER 19- CONTRACT AND CONDITIONS

7.6K 310 33
By VictoriaGie


THIRD PERSON'S POV

Inayos ni Easton ang nagulo niyang kwelyo habang naglalakad siya papunta sa kaniyang office. Naka loose ang dalawang butones kaya kitang kita ang malalim niyang colar bone at ang adam's apple niya na kaakit akit!


(A/N: Pasingit lang! Shems, kinikilig ako kay EASTON bat ganon HAHAHAHAHA)

"Good day Sir anakan niyo po ako--este, good day Sir Easton."

"Magandang araw Sir hihihi. Ang pogi niyo po today as always."


Ilang mga maids ang nakasalubong niya, yumuko ang mga ito at binigyan siyang galang pero hindi niya ito pinansin. Nagtuloy siya sa paglalakad.

'Tong mga maids na'to kukurutin ko sa singit. Ang haharot!!!!!

Kung hindi kay Easton, kay Dyther! Isabit ko mani niyo e!

Madilim ang ekspresyon ni Easton habang tinatahak ang daan papunta sa office. Kaunti nalang, mauubusan na talaga ng pasensiya!

Kung bakit naman ba kasi sa dinami dami ng araw na pupunta dito ang MPO e ngayon pa na may baliw na Ashari siyang itinatago dito sa mansyon.

Kung hindi lang siya tinulungan ni Dyther kanina, kung hindi lang napatid si Ashari, kung hindi lang siya nagdire-diretsyo sa halamanan, at kung hindi lang niya naabutan si Gali na magdidire diretyo din sana pababa sa hagdan, baka pare parehas silang nalintikan sa MPO.

Naalala palang ni Easton 'yung nangyari kanina parang sumasakit na ang ulo niya! Ang akala niya ay maaaksidente na ang anak sa harap mismo ng MPO! Ang akala din niya ay mabubuking siya na may tinatago siyang sibilyan dito sa mansion.

Kapag nangyari 'yon, tegi silang lahat!

Nasa rule ng MPO na bawal ang magdawit ng kahit sinong sibilyan ang kahit anong Mafian organization lalo na't pag personal ang dahilan.

Sa kalagayan ni Ashari, kapag nalaman ng MPO na itinatago siya ni Easton dito sa personal na dahilan, malilintikan siya....silang lahat.

Kaya para matapos ang lahat, ipinaliwanag ni Easton sa mga bumisitang MPO na si Ashari ay ang Personal Babysitter ni Gali.

Wala na siyang choice. 'Yun nalang ang pwede niyang gawin para pare- parehas silang makalusot.

Hindi niya alam kung kaylan muli bibisita ang MPO, kaya para sigurado, dapat na niyang panindigan ang pagiging Babysitter ni Ashari.

Isang buwan lang!

Magtitiis si Easton at pipilitin na habaan ang pasensiya niya sa loob ng isang buwan!


'Easton, isang buwan! Isang buwan lang ok? Kaya mong magtiis!'

Ilang beses na siyang nalagay sa kapahamakan, ilang beses na siyang kamuntik lang mabawian ng buhay dahil sa mga delikado nilang misyon bilang Mafia. Balewala nalang ang problemang idudulot sa kaniya ni Ashari kung sakali!

Oo tama, kaya niyang magpasensiya!

Mabuti nalang din at hindi na namilit si Ashari na umuwi! Limang daang milyon lang pala katapat ng isang 'yon. Mukha talagang pera!

At ano daw bibilhin niya?

Iphone12 Pro Max?

Baliw na talaga siya! Alam niya na Mafia ang lahat ng nandito sa Marchese. Kahit pinakamababang katulong ay itinuturing na Mafia dahil kabilang na ang mga ito sa mafian organization.

Hindi man lang nagdalawang isip si Ashari na tanggapin ang offer niya. Mas mahalaga pa ang limang daang milyon kaysa sa takot sa mga Mafia.

Napa-iling nalang si Easton.

Kayang kaya niyang bilhin ng pera ang babaeng 'yon, tss!


"Sir..." nakarating siya sa kaniyang office. Bumungad sa kaniya si Shera na naghihintay sa kaniya. "I received a mail regarding the return of Miss Cannabeth, what would you like to arrange before her coming?"

Tila naman hindi narinig ni Easton ang sinabi ni Shera.

Cannabeth Zeriah De Gauthier, ang isa sa mga candidate sa fiance ni Easton. Hindi lang siya basta candidate, siya ang nangunguna sa listahan!

Oo bes, kahit may Gali na dontcha worreh dahil wala pang asawa si Easton at wala din siyang jowa. At sa larangan ng Mafian community, may mga pinipili na candidate para maging fiance ng isang Mafian Member na lalaki. Karaniwan ang mga ganitong candidate churva sa matataas na ranggo at posisyon. Kapag extra at pipitsugin lang, pass! Bahala kayo sa buhay niyo kung sino gusto niyong jowain.

"Prepare a contract for Ashari. She'll be Gali's babysitter." utos kaagad ni Easton, hindi man lang pinansin ang sinabi ni Shera.

"S-sir? Ano po?"

Naglakad si Easton papunta sa swivel chair niya. Sumandal siya dito at nagdaop palad. "Ashari will be Gali's official babysitter. Huling ulit ko na 'to, Shera."

"Y-yes Sir. I'll arrange the contract." medyo nag aalangan pa si Ate mo girl Shera kasi bukas makalawa lang, dadating na si Cannabeth. Nagtataka siya kung bakit mas inuna pa ng Boss Easton niya ang kontrata ni Ashari. E pwede nga kahit wala na non e.




"Ayaw ko nga!" speaking of the babaita!

"Sige na mamha kapag tapot na utap tayo Papa, guto kita tayo alaro!"

(Translation: Sige na mama, kapag tapos na kayo mag-usap ni Papa, gusto maglaro tayong dalawa!)

O diba, bulol na bulol ang Galileo Arthfael Marchese na'yan!

"Ayoko nga, manonood ako ng Kdrama. Maglaro ka mag-isa mo!"


Kapapasok lang ni Ashari sa office room ni Easton, buhat buhat nito si Gali.

Nagkunot ng noo si Easton dahil sa narinig niyang sinabi ng babae sa anak. Anong karapatan nitong hindi pumayag sa hinihiling ni Gali ha? Uunahin pa niya Kdrama??? E mga retokado lang naman 'yung mga 'yon!

Nakita naman ni Ashari ang masamang tingin sa kaniya ni Easton kaya ang antie mo, umarya nanaman ang ka-plastican.

"Ay nakuuu sige Gali lalaro tayo later ok! Sayo ang lahat ng oras ni Mamha hihi!" sabi nito kay Gali sabay pisil kunwari sa pisngi ng bata. Tuwang tuwa naman si Gali.

Bilib na kayo kay Ashari, napaka galing talagang umarte kaloka!

Mukha na ngang pera, reyna pa ng kaplastikan!




"Shera." tawag ni Easton sa Secretary niya.

"Yes sir?"



"Call a maid, get Gali out here first."


Madilim niyang tiningnan si Ashari na nakataas naman ang kilay na sinalubong ang tingin niya.


Tss, humanda kang babae ka! Akala mo basta basta ka lang makakakuha ng 500 million? Asa ka! Papahirapan ka ni Easton, maghanda ka na ngayon palang! Sambitin mo na lahat ng panalangin....

---


ASHARI'S POV


Naalala ko lang bigla, 500 Million pesos nga pala ang nakasalalay dito sa kontrata na ibibigay sa akin ni Easton. FIVE HUNDRED MILLION! HA! So dapat maging mabait ako ngayon, kakalimutan ko muna na isa akong masamang nilalang na  plastic at mukhang pera...tho hindi na magbabago ang pagiging mukhang pera ko.


Kaya naman sobrang tamis na ngiti ang nakasilay ngayon sa labi ko habang pinagmamasdan si Easton at Shera na magpalitan ng mga salita na tungkol sa kontrata ko. Nakasunod lang ang magaganda kong mata kay Shera ng kunin niya ang laptop niya sa kaniya table at umupo sa sofa na nasa gilid pagitan ng sa amin ni Isprikiton.


"I'll record and take down notes Sir, pwede na kayong mag-usap ni Ashari regarding the contract." ani ni Shera. Gusto kong magmaldita, bakit ba parang sobrang pormal naman naming tatlo? Nasa meeting ba kami ha? E kung bigyan nalang nila ako ng 500 Million edi tapos, wala ng usap usap pa.


Pero pinigilan ko ang sarili ko na umirap, ngumiti nalang ako ng mas matamis pa. 


"As I've said earlier, you will be Gali's babysitter for 1 month." panimula ni Easton. Oo na nga diba, kakulit ng lahi!

Kalmahan mo lang Ashari, alam mo namang maikli pa sa bangs ni Gali ang pasensiya nitong si Isprikiton. Baka mamaya niyan maglabas nanaman yan ng baril o worst, baka bawiin pa niya yung pera mo. Kaya kalma.

"Okie." pabebe kong sagot. "Hihihi." di ko mapigilang kiligin sa 500 Million sa loob lang ng isang buwan HAHAHAHA!


Mukhang nabwisit naman si Easton sa pagpapabebe ko, sumama ang tingin e. Kj naman nitong isang 'to, daig pa nakalunok ng amplayang hilaw sa sama ng mukha e. Masama na bang kiligin sa pera ha?


"Do you have a bank account?" seryoso niyang tanong


"Mukha bang meron ako non ha? Pera padala nga lang kay Aling Marites ang banko ko." oops, sabi ko nga magbabait-baitan ako e. Ng lalong dumilim ang tingin ni Easton, agad na akong nagsalita. "Hihi sabi ko nga wala akong bank account." i-zi-zipper ko na nga bibig ko e. Hindi na nga ako magsasalita ng hindi maganda.


Nakatingin lang ng diretsyo si Easton sa akin... "Shera, create a bank account for this girl. Doon mo ilagay ang 500 Million." sabi niya kay Shera ng hindi pinuputol ang tingin naming dalawa.


"Noted Sir."

Noong narinig ko 'yung sinabi ni Easton, gustong magwala ng buong kalooban ko. ACCCKKKK! ITO NA 'TOOOOOOO! MAYAMAN NA TALAGA AKOOOOOOOOOOO! Gusto kong magtatalon sa tuwa at yakapin lahat ng pwedeng yakapin dito, pero pilit ko talagang pinigilan ang sarili ko dahil ayaw ko namang isipin nilang dalawa na masyado akong mukhang pera.


(Author: Wewz, hindi ka pa ba mukhang pera ng lagay na'yan Ashari?)


"Noted din hihi." kinikilig kong sabi sa kanilang dalawa.


Parehas naman silang tumingin sa akin na para bang wala akong karapatan na sumagot. Edi waw sige mananahimik na nga.


"I will set conditions in your 1 month stay here."



Wow may pa-kondisyones ang lolo mo. "Sige, ano 'yorn?" nag beautiful eyes ako. "Payag ako sa lahat ng kondisyones na'yan." one month lang naman e.



"You sure na papayag ka?" biglang tanong ni Isprikiton. Ewan ko lang ha pero bakit parang medyo nag-iba yung tono ng boses niya? Parang may pinaplano siya na hindi maganda ah? 


Tumango nalang ako...hehe, 500 million yun Ashari. Walang mahirap na kondisyon sa ganoong kalaking pera. 


"Anything I told you to do?" paninigurado pa niyang tanong.


Tumango ulit ako ng tumango. "Payag. One hundred percent, kahit ano pa 'yan."


Nag smirk si Isprikiton. Medyo tumigil ang mundo ko ng very light sa pagngisi niya. Luh, bakit ang gwapo niya sa part na'yon aber? 'Yung kahit parang may pinaplano siyang hindi maganda pero nung nag-smirk siya parang nalaglag panty ko---este panty ni Shera kasi pati si Shera natigilan e. Sabay kaming natulala kay Easton at kamuntik ng tumulo ang laway.


Umiling ako at medyo kinurot ng mahina ang palad ko para magising ako sa katotohanan. At mukhang ganon din si Shera.


O ano ha, di ko bet si Easton, marunong lang talaga akong mag-appreciate ng mga magagandang nilikha ni Lord!



"Record what she said, Shera."


"Y-yes Sir Easton. Naka record po."



"Good." nakita kong inayos ni Easton ang longsleeves niya, pati na ang yayamanin niyang relo. Nahighlight tuloy ang mga manly veins niya sa kamay. AMPOGGEEEEE NG KAMAY NIYA BWISIT! "Babysit Gali 24/7, that's the first condition."


"Sus, easy!" sagot ko naman sabay alis ng tingin sa mga kamay niya. Wag mong pagpantasyahan kamay ni Easton, hindi 'yan edible! "Kayang kaya ko 'yon kahit nakapikit pa ako." pagyayabang ko kay Isprikiton.


Tumango tango din naman si Easton sa akin. "Oh, really?" nakangisi niyang tanong.  "When I call you and when I needed you, report to me immediatley."


Pinagtaasan ko siya ng kilay. Maluwag na ba turnilyo niya sa utak? "Huh? E paano kung inaalagaan ko si Gali?" asik ko sa kaniya. "Sabi mo 24/7 kong aalagaan ang anak mo, e paano magiging 24/7 yon kung pati ikaw makiki-epal sa oras ko?


Ngumisi siya lalo, "Well that's your problem...not mine."


Bwisit talaga 'tong isprikiton na'to!


"No binge watching, that's the third condition." hindi matanggal tanggal na ngisi sa kaniyang labi.


Nanlaki ang butas ng ilong ko. "Hoy anong hindi pwede? Iniintay na ako ng mga kdrama, anime at netflix series ko! Bakit pati 'yon nasa condition?" 


ABA ABA ABA! GANYAN NA BA KAPAG TUMATANDANG PAURONG? BAKIT NIYA AKO PAGBABAWALAN MANOOD ABER?????? 


"The conducted research about you stated na inuubos mo ang oras mo sa panonood. Sa tingin mo maaalagaan mo ang anak ko kung manonood ka lang ng manonood? NO.BINGE.WATCHING!"


Hindi ko na napigilan umirap. "Okey." sagot ko nalang. As if namang mapipigilan niya ako sa panonood noh, kapag nakahiram ako ng charger ng cellphone ko, mag mamarathon ako sa hating gabi, kapag tulog na silang lahat!



"Give me your phone." bigla nanaman akong nagtaas ng kilay. Ansabhebheee?


"At bakit ko naman ibibigay sa'yo phone ko?" asik ko sa kaniya.


"You give it, or let's void this contract." mabilis pa sa kisap mata na inilapag ko ang patay kong cellphone.


Kinuha naman iyon ni Easton at ibinigay kay Shera. "Shera will replace your cellphone into a keypad one. Don't worry, ilalagay niya din ang sim na gamit mo para matatawagan ka pa din ng mga gustong tumawag sa'yo."


WOW!



AS IN WOWWWW!



DE KEYPAD? AS IN 'YUNG CELLPHONE NA KAGAYA NUNG CELLPHONE NI ALING MARITES NA PANG JURASSIC AGE ANG EDAD?



WOWWWWW, EASTONNNNNNN ISPRIKITON!!!!!




Gusto ko siyang sigawan, gusto kong magsabi ng masasamang salita, arrgghhh!



"S-sige hehe, ibalik niyo nalang sakin 'yang phone ko after 1 month." lantang gulay kong pagpayag. SAAN NA AKO MANONOOD NITO? Kung sa TV, kita sagad sagaran! Kung sa laptop, wala naman ako non.



Arghhhhh! Cha Eun Woo baby, good bye muna. Long distancing muna tayo for one month!



"Fourth condition--" awit naman meron pa?



"Ilang condition ba 'to hehe?" pag singit ko para naman ma-iready ko pa sarili ko sa iba niyang sasabihin. Mental health is important to me you know?


Nagkibit balikat naman si Easton. "Kung ilan maisip ko, ganoon kadami."


Bumuntong hininga nalang ako. Hay buhay naman...

O-oo nalang ako tutal wala na din naman akong magagawa. 500 Million 'yon, kung ako man nasa kalagayan ni Easton, susulitin ko kahit sino mang pagbibigyan ko ng ganong kalaking halaga.


Ha, basta one month lang akong mag titiis!


Bahala na kung mag drop out ako o kung hanapin man ako ng tatay ko. Pag labas ko naman dito mayaman na ako e, di ko na kaylangang mag-aral at higit sa lahat, hindi ko na kaylangan ng 4k ng magaling kong Tatay!



"Fourth, no going out. You stay here, unless I give you the permission." ah, sabi na e, sabi na't hindi niya kakalimutan 'yang kondisyones na'yan. "Are we clear, Ashari Jenesse?"


"Oho, clear ho. Mas malinaw pa kesa sa future ko." walang buhay kong sagot.


"Good." walang good d'on Isprikiton. "Fifth, do not involve yourself with any mafian member. Just Gali, me and Shera!"


"Okey." mabilis at wala pa ding buhay kong pag sang-ayon. "Ay wait, sila Dyther hindi ko pwedeng kausapin?"


Tumingin lang ng diretsyo si Easton sa akin. "With my permission, yes."


Wow, so kaylangan palaging may permission niya? Ano ba siya, possesive na boss? BWISIT NAMAN!


"Okey." pagpayag ko nalang ulit. May choice ba ako ha? WALA! WALAAAAA!


"Sixth, the west wing is forbidden. Hindi ka na pwedeng pumunta doon. Una at huli na ang kanina." west wing? Ahhh, yung creepy na lugar na napagligawan ko kanina.


"Key dot." sagot ko.



"Seventh, no asking of questions related to what you see earlier."


"Hays, okey."



"Eight, do not communicate on anyone outside this mansion ng wala kong pahintulot."


Humikab ako kunwari. "K." as if namang makikipag communicate ako sa labas e yung magaling ko lang naman na tatay ang tumatawag sa akin. 


"Ninth, do not cause any trouble! Nasa Marchese ka, a Mafian society, i-ayos mo kilos mo kung ayaw mong basta bastang may bumaon na bala diyan sa utak mo."


Ano na matatakot ba ako sa sinabi niya o matatakot ako sa dami ng kondisyones? Akala ko ba mag b-babysit lang ako bakit parang pinagbabantaan na buhay ko?


"Ok ok!" sagot ko na agad ng matapos na to.


"And lastly," arghhh sa wakaasssss! "I'll add another 5 million."



Biglang nabuhay ang nalalanta kong internal organs dahil sa narinig ko.



"But you have to pretend as my girlfriend in front of Cannabeth."



"Sus 'yun lang pala e! Sureness mag papanggap akong--HAAAAAAA ANOOOOOO?"


"SIR EASTON, WHAT? COME AGAIN? HINDI KO PO NA-IRECORD!"


Sabay naming sigaw ni Shera!


Parang wala lang kay Easton ang gulat na gulat naming ekspresyon ni Shera. Kibit balikat niyang inulit 'yung last na kondisyon na sinabi niya.



"You." tinuro niya ako. "Pretend to be my girlfriend when Cannabeth comes."



Bwiset! Sino ba 'yang Cannabeth na'yan at kaylangan kong magpanggap ng wala sa oras?


Alam kong plastic akong tao at forte ko ang mga pagpapanggap. Pero ang magpanggap na girlfriend ng ISPRIKITON NA'TO?




HMMMMM!





Sige na nga, PWEDE NA DIN!




MAY 5 MILLION NAMAN NA DAGDAG E.




Hays, ang hirap kumita ng pera!

Continue Reading

You'll Also Like

965K 30.7K 129
DIM Series #1: Iñigo Valenzona (This is an epistolary) Rozel Roxas had tons of crushes when she was still in Grade 11 and she has always been vocal w...
15.1M 676K 75
(FHS#1) Braylee wants to make her friends happy, Denver wants to get some sleep. She's hell-bent on making the world a better place while he's desper...
4.6M 169K 57
Juariz Bachelors #1 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED Si Austine Villaluz ay isang fresh graduate sa kursong general education. He loves kids and would...
57.4M 1.6M 115
A writer. A weird stranger. A lot of little conversations. An online understanding. Every night. 23:11.