Fix Marriage With My Enemy (L...

By Ayanna_lhi

25.2K 859 24

Rona Serene or Rose is a daughter of a famous business tycoon in the country. Despite being the rich girl eve... More

Yanna Hearts
PROLOGUE
CHAPTER 01
CHAPTER 02
CHAPTER 03
CHAPTER 04
CHAPTER 05
CHAPTER 06
CHAPTER 07
CHAPTER 08
CHAPTER 09
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER
AUTHOR'S NOTE
VALENTINE'S SPECIAL

CHAPTER 31

492 17 0
By Ayanna_lhi

CHAPTER 31 | Slap |

Napatingin ako sa itim na jacket na nasa paper bag, jacket ni Prine. He lend me this after that night, the night he confessed and said sorry.

Nakalimutan kong ibalik sa kanya kaya naman pinalabhan ko at ngayong Lunes lang dinala sa school para masauli ko.

Everything felt so unreal, parang panaginip ang lahat nang nangyari sa camp.

"Isasauli ko lang 'to." I bit my lower lip, hindi alam ang sunod na sasabihin sa mga kaibigan. Break na namin, kaya lang lahat kami ay tinatamad na pumunta ng cafeteria that's why we stayed na lang sa room.

Bumaba ang tingin ng mga kaibigan ko sa dala kong paper bag.

"Ano 'yan?"

"Kanino 'yan?"

Yumuko ako dahil hindi ko alam paano sasabihin. Ewan ko ba, I felt awkward butterfly on my stomach everytime I mention his name.

"K-kay Prine, I forgot to return his jacket kaya ihahatid ko." Nagkatinginan ang dalawa kong kaibigan, sabay silang ngumisi at halatang handa nang mang-asar.

"Samahan ka na namin?" Ngumisi si Lian, halatang gusto akong asarin.

"Huwag na, malapit lang naman, eh." Wala talaga akong planong isama sila dahil alam kong puros asar lang ang matatamo ko sa kanila. Nakakahiya kay Prine!

"Bakit ayaw mo magpasama?" malisyosang tanong ni Mae.

"May secret yata silang pag-uusapan ni Prine. Sige na alis ka na Rose, gora na!" gatong ni Lian na kulang na lang ay itulak ako palabas ng classroom namin.

Napailing na lang ako sa dalawang kaibigan, natatawa sa mga pang-aasar nila.

"Oh, Red!" tawag ko sa isang kaklase namin. Tumigil naman siya sa paglalakad at hinarap ako, hinintay din niyang makalapit ako sa kanya. Medyo close sina Lian at Red dahil naging seatmates sila noong first grading. Dahil doon medyo naging close ko na rin 'tong si Red. Siya 'yung laging tulog sa room namin.

"Saan ka?" I asked him, nagpatuloy kami sa paglalakad.

"Cafeteria, bakit may ipabibili ka?" Agad akong umiling.

"Wala naman,"

"Saan ka?" balik tanong niya sa 'kin.

"D'yan lang. . ." Turo ko sa classroom nila Prine na walking distance lang.

"Ah, sa crush mo." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Grabe ka, ah!"

"Bakit? Ah, palitan ko ang sinabi, sa may crush sa 'yo?" Tinaasan pa niya ako ng kilay. Natatawa akong umiling kay Red. No wonder bakit naging close sila ni Lian, mabait at friendly talaga siya.

"Dito na 'ko." Tumigil ako sa tapat ng classroom nila Prine. Tumango naman siya at nilampasan na 'ko. Magtatawag na sana ako ng kaklase ni Prine nang siya na mismo ang lumapit sa 'kin. Bahagya pa 'kong nagulat sa bigla na lang niyang pagsulpot.

"Sino 'yon?" kunot-noong tanong niya habang sinusundan nang tingin si Red.

"A-ah, classmate ko si, Red."

"Ano sabi?" Kumunot ang noo ko sa tanong niya.

"Ha?" Nalito ako sa tinanong niya, anong. . . ano'ng sabi?

"Desperate, siya pa talaga ang pumunta sa room ni Prine?"

"Porquet nag-confess si, Prine sa kanya sa camp, ang feeling talaga." Inirapan ko na lang ang mga nagbubulongan na 'yon.

"Anyways, here's your jacket Prine, sorry ngayon ko lang nasauli, salamat sa pagpapahiram."

Nawala ang kunot sa noo niya, bumaba ang tingin niya sa hawak kong paper bag.

"No need for that," aniya pero kinuha pa rin ang paper bag sa 'kin.

"I'll go na," paalam ko.

"Kumain ka na?" tanong niya sa 'kin.

I felt my checks burn, ganito talaga ang epekto niya sa 'kin. Konting kilos niya lang pinapamulahan na ako ng pisngi.

Dahan-dahan akong umiling, "Tinatamad kaming pumunta ng cafeteria, eh."

"Tara cafeteria. . ." Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa anyaya niya.

"S-sige. . ."

"Nag-date kayo? Usap-usapan na naman ang pangalan mo sa campus." I bit my lower lip while listening to Tine.

"Hindi naman 'yon date, nag-snack lang," ani ko sa kanya.

"Parang gano'n na rin 'yon." Umupo ako sa kama, si Tine naman ay pinagpatuloy ang pag-aayos ng closet ko.

I sighed dreamily, what happened earlier was so awkward! Sabay kaming pumunta at kumain ni Prine sa cafeteria. All eyes are on us! Tila ba hindi nila inaasahan na magkasama kami ni Prine. He treated me and somehow I managed to converse with him.

Ayos naman siya kasama kahit na na-a-awkwardan ako, o mas tamang sabihin na nahihiya ako sa kanya. We just talk about random things while eating. Halos hindi ko pa masubo nang maayos ang pagkain ko dahil naiilang ako sa titig niya sa 'kin.

"Prine really likes you," ani Tine.

"You think so?" paninigurado ko sa sinabi ni Tine. Nagkibit ng balikat si Tine sa 'kin.

"Hindi naman siguro siya magco-confess ng gano'n, mag-aayang kumain kung hindi ka niya gusto. How about you? Do you still like him?" Napanguso ako sa tinuran ni Tine.

Yes, I do like him.

I know it's dangerous to fall harder for him but I don't know what to do anymore. I just want my feelings for him to overtake my whole system kahit na nakakatakot.

"Tapos na 'ko rito, goodnight," paalam ni Tine bago sinara ang pinto ko.

Humiga ako sa kama at pinigilan ang sariling magpagulong-gulong. Kinikilig ako!

Napabangon lang ako nang sunod-sunod ang pag-vibrate ng cellphone ko dahil sa notifications. Nakangiti pa ako nang pulotin ang cellphone sa bed side table.

Unang bumungad sa 'kin ang tambak kong notifications sa FB at Messenger, ano'ng meron?

I opened the Messenger and as usual marami pa rin akong messages na nakukuha from Prine's supporters and asking me if totoo ba raw 'yung confession niya sa camp. Binalewala ko lang lahat 'yon at unang binuksan ang GC namin nina Lian at Mae. Kumunot ang noo ko dahil puro sila mention sa pangalan ko.

Lian:
What is this @RonaSerene

Mae:
Explain this Serene!

Gusto kong mag-back read pero inuna ko munang mag-reply sa kanila, halos mag-log na ang cellphone ko sa sunod-sunod nitong mga notifications. Ano ba nangyayari?

Rose:
Bakit? Ano’ng meron?

Lian:
There finally!!!!! Online ka na!

Rose:
Ha? Bakit nga?

Mae:
'Yung engagement mo kay Prine!

Bakit nadali rito ang engagement ko kay Prine? Bahagya na akong kinabahan, it seems like my friends are panicking.

Pati Message App ko ay sunod-sunod din ang pagtunog, may text galing sa mga pinsan at auntie ko. Teka ano’ng nangyayari?

Lian:
Oh, gosh girl! This is insane!!

Mae:
Here,

https://faceonline.com/Business News/status/1725551556043616560?s=19

Nag-send ng link si Mae kaya 'yon ang inuna kong buksan. Nagulat pa ako nang bigla na lang tumawag si Kuya Yushi sa 'kin.

Hindi ko muna siya sinagot at inuna ang ibinigay na link ni Mae. Pagbukas ay bumungad sa 'kin ang isang show business article na kilalang-kilala ko.

Confirm! Norriente and Monte Amis engagement. . .

Nanlaki ang mga mata ko sa title nang nabasang article, abot-abot na ang tahip sa dibdib ko. I breathed heavily while scrolling on the site. Unang pinalabas na picture ay ang picture namin ni Prine sa mall na nauna nang in-issue.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang sunod na picture! Picture namin ni Prine sa camp noong gabing nag-usap kami, may mga sumunod pang tatlong pictures na galing din sa camp! At ang pinakahuli ay ang pinakamatagal ng kuha.

Ito 'yung araw na muntik na akong madaplisan ng motor sa parking lot pero nahawakan at nahila ako ni Prine. Masyadong timing ang pagkakakuha at saktong nagkakatitigan kaming dalawa ni Prine sa litraro. Magkadikit ang katawan naming dalawa at tila nagyayakapan kami! Titig na titig sa mata ng isa't-isa na para bang in love kaming tao!

It was yesterday when Madame Norriente confirmed the engagement of her daughter, Rona Serene Norriente to the only son of Monte Amis, Prinseson Monte Amis.

"Yes, expect the wedding bells," said Mrs. Norriente on our private interview with her yesterday. Aniya pa ay wala ng dapat patagalin, the two both like each other.

Parehong nag-iisang anak ng mga Norriente at Monte Amis ang soon na ikakasal kaya naman excited ang parehong pamilya. Nagbigay na rin ng date ang mga Monte Amis kung kailan ang engagement party and that's going to be next week! "Last week of January, 'yon ang napag-usapan namin nina amega na araw," ani Mrs. Monte Amis sa kanyang official interview.

Marami ang nagsasabi na ito ay isang pragmatic marriage, pareho namang walang komento ang dalawang panig sa usaping iyon. "The pictures will tell the truth," said Mrs. Norriente. . .

Mahaba pa ang article pero hindi ko na kayang basahin, sapat na ang mga nabasa ko. Pakiramdam ko ay nasampal ako nang pagkalakas-lakas. Halos hindi ma-proseso ng utak ko ang nabasa.

Our parents announce the engagement, and it will happen last week of January!

Hindi ko 'to alam! Sunod-sunod ang pagtulo ng luha ko, bigla akong inatake ng kaba, panic, at takot.

Panay pa rin ang pasok ng notifications sa Messages, FB, at Messenger ko. Isang text lang ang kumuha ng attention ko.

Prine:
We're having a family dinner together with yours, do you know about this?

Prine:
Papunta na kami. . .

Prine:
Let’s talk later Serene

Prine:
Please. . . I need to talk to you.

Nabitiwan ko ang cellphone nang sunod-sunod akong makarinig ng katok. Nangangatog ang binti ko nang tumayo at buksan ito, pagbukas ko ay agad na bumungad sa 'kin si Tine. Halata sa kanyang itsura ang pagkabalisa.

"T-tine," basag ang boses na tawag ko sa kanya. Hindi ko na kaya at tuloyan na talaga akong naiyak. Tine hugged me and tapped my back. She hushed me while I'm crying on her shoulder.

"Tine, engagement party is. . . " Hindi ko na matuloy-tuloy ang sasabihin.

"Rona, dont cry. Pupunta ang mga Monte Amis ngayon, you need to fix yourself. Baka pagalitan ka ng mommy mo kapag nakita niyang maga ang mukha mo." Mas lalo lang akong naiyak sa sinabi ni Tine.

"Tine ayoko sa engagement," parang batang iyak ko.

"Just face the Monte Amis, gagawa tayo ng paraan, okay?"

"You'll help me?" puno ng pag-asa akong tumingin sa kanya. Tumango naman siya.

Tine pushed me to my walk in closet, siya ang naghanap ng susuotin ko. She gave me a blue off shoulder dress and a white sandal. Tulala ko namang isinuot 'yon. Sa pag-aayos ng buhok ay si Tine ang tumulong sa 'kin, she also did a soft make up on me to hide my puffy eyes.

Text nang text sila Lian pero hindi ko na kayang mag-reply, my thoughts are advancing and it doesn't help me. Masyado akong nagulat sa nangyayari. Hindi ko alam ang tungkol sa engagement party na 'to!

Pagbaba ko sa hagdan ay sinikap kong maging pormal kahit na gusto ko na ulit na umiyak. Tine told me na naghihintay na ang mga Monte Amis sa tanggapan.

Tama nga siya, pagpasok ko pa lang ay agad na tumama ang seryosong tingin sa 'kin ni Prine. Nag-iwas ako nang tingin sa kanya at nilapitan ang mga magulang niya para makapag-bigay galang.

"You're always stunning, hija," ani Tita Phely sa 'kin.

"Salamat po," tipid kong ani.

Maya-maya lang din ay nag-settle down na kami para sa dinner. Alam kong tinitingnan ako ni Prine pero pilit kong iniiwas ang tingin sa kanya.

"Alam kong nakakabigla ang engagement party na 'to para sa inyong dalawa. But this is good for our company and don't worry sa summer pa naman kayo ikakasal." Halos hindi ko na malunok ang kinakain dahil sa mga sinasabi ni mommy. Tita Phely agreed to her.

"You two looked good together, given the relationship you developed together I know you two will work nicely." Nangunot ang noo ko sa sinabi ni Tita Phely, relationship? Saan naman nila nakuha 'yan?

I know Prine and I developed our relationship because of what we feel for each other. Not for this stupid engagement!

"Madalian lang ang gagawin na preparation but we'll make sure that it's grandious."

"Tommorow Serene, hindi muna kayo papasok ni Prine dahil magpapasukat kayo ng mga damit ninyo." Napahigpit ang hawak ko sa kubyertos, tuwang-tuwa pa sila? This is ridiculous!

"Invite who you want to invite Prine and Serene—" Hindi ko na nakayanan ang umupo na lang at makinig sa kanila. Bayolente akong tumayo sa kina-u-upuan na agad namang gumawa ng ingay. Lahat sila ay napatingin sa 'kin dahil sa ginawa ko.

"Hindi po ba masyadong mabilis?" konti pa lang ang nasasabi ko nangingilid na ang luha ko, I felt suffocated. Really suffocated!

"Serene! What are you doing?" pinandilatan ako ng mata ni Mommy.

"Mom! Do you even consider what I feel? Minamadali n'yo po ang engagement ko!" I said in the verge of crying.

"You brat, sit down!" kalmado ang boses ni Daddy pero nakakatakot.

"Pagpasensyahan n'yo na ang anak ko, masyadong nagugulat." Pagak na tumawa si Mommy. The burning tension started to rise, mariin pareho ang titig nila Mommy at Daddy sa 'kin.

"Ayoko po magpakasal! I'm too young for that, let me decide this time Mom," I said with finality, hindi ko kayang ipakita ang luha sa kanila kaya agad na akong tumakbo.

I heard them call me pero nagpatuloy lang ako sa pagtakbo. Kasabay nang mabibilis na hakbang ng paa ko ay ang sunod-sunod na pagtulo ng luha ko.

This is insane! How could them be so happy when I'm miserable! Paano nila ako nakayang ipamigay at saktan nang ganito?

Marriage is a sacred thing! Kung pag-usapan nila ito kanina ay para bang sing-dali lang ito nang pagpirma sa papel!

I hate this life! This is killing me!

I'm crying so hard while running, nang mapagod katatakbo ay tumigil ako at napa-upo na lang sa semento dahil sa pagod at panghihina.

Bakit kailangan ganito? Bakit pa ako naging si Rona Serene?

Ilang beses ko na 'yang itinanong sa sarili ko pero wala akong sagot na makuha. Bakit kailangang maging ganito ka komplikado ang buhay ko? Pwedeng ibang tao na lang ako? Pwedeng ako na lang si Mae o 'di kaya ay si Lian?

I can't imagine myself getting married at this age, marami pa 'kong pangarap sa buhay, marami pa 'kong gustong gawin, gusto ko pang maging malaya.

True enough, kung ano ang wala sa 'tin 'yon pa ang hinahangaad natin. I want freedom but I can't have it.

Pinalis ko ang luha pero agad lang din itong napapalitan nang panibagong patak. Nakakasawa na.

"Serene. . ." Saglit akong natigilan nang marinig ang boses niya sa likuran ko. I sighed heavily, I tried to wipe away my tears but it won't stop. Nang mapagtantong hindi ko na pwedeng itago kay Prine ang luha ko, yumuko na lang ako sa mga tuhod ko at doon mas lalong naiyak.

I heard Prine's footsteps nearing me, ayokong ipakita ang mukha ko sa kanya ngayon kaya mas lalo kong diniin ang mukha sa tuhod.

"Serene," his voice was understanding and calm. Lumapat ang mainit niyang palad sa balikat ko, he gently tap my shoulder giving me a little comfort.

At least sa pag-iyak kong ito may gustong dumamay sa 'kin.

"Stop crying," he whispered. Mas lalo lang akong pinaiyak nang sinabi niya. Isa pa siya! Paano niya natitiis ang mga magulang namin?

Hindi ako naniniwalang gusto rin ni Prine ang engagement na 'to! I knew we both hate this, kahit pa sabihing may gusto siya sa 'kin it's still ridiculous to let this engagement happen despite of our feelings for each other.

Yes, we both like each other, but this engagement will suffocate the both of us to death.

Umiiyak ko siyang hinarap, gaya ko ay naka-upo na rin siya para mag-lebel ang mukha naming dalawa. Naiiyak akong umiling sa kanya, he sighed and hold my both arms to help me stood up. Nang makatayo na kaming dalawa ay hindi niya pa rin binitiwan ang mga braso ko. It's like he's holding me to stay put and to come closer to him.

"Prine, ayoko, ayoko nito." Paulit-ulit akong umiling sa kanya. Wala na akong pake sa itsura ko basta masabi ko lang sa kanya na ayoko!

He shut his eyes painfully, hindi ko alam kung namamalik-mata lang ako pero kita ko ang pagdaan ng sakit sa
mga mata niya.

"Ayoko Prine, I don't want this engagement to happen, ayoko," parang batang sumbong ko sa kanya. Para akong batang nagpupumilit na bilhan ng laruan sa tindahan.

His hands went up to cupped my both checks, dahil sa ginawa niya ay natigil ako sa paulit-ulit na pag-iling.

"Listen Serene," he said it like a prayer.

"Prine, ayoko, ayoko, please ayoko!" Nagpumilit akong umiling kahit na hawak niya ang dalawa kong pisngi.

"I love you, Serene!" Buong sestima ko ang natigilan sa sinabi niya. Natigilan ang pag-iling, paghinga, at tila saglit na hindi pumintig ang puso ko.

He what?

Pati ang luha ko ay natigil na rin sa pagtulo, napa-awang ang labi ko at tila ba tinangay na ng hangin ang buong sestima ko.

The cold wind blew but Prine's hot breathing is giving me serene in this dark night. Ngayon ko lang napuna ang lapit ng distansiya naming dalawa, dahil sa lapit namin ay nagtatama na ang mainit naming hininga sa mukha ng isa't-isa.

"Prine," gulat kong tawag sa kanya. Bigla ay parang aatakihin ang puso ko sa lakas nang pintig nito, kulang na lang ay kumawala ito sa dibdib ko.

Tila hindi ma-proseso ng utak ko ang sinabi niya, pakiramdam ko ay nag-iilusyon lang ako o 'di kaya ay nabungol lang ako.

"Let me say it again, I love you Serene," he said it like a prayer in this night full of chaos. His words sent shivers down my spine, it's like my peace in the chaos, my water in thirst, my life in the desert, my rest in exhaustion.

"You listen, pareho tayong ayaw ang engagement na 'to, I don't want it not because I don't want to marry you but because we're too young for this. I want us to be free and to explore the world more. I want you to be free."

His words echoed on my mind, pakiramdam ko ay tinutunaw ako nito. Muling nag-init ang sulok ng mga mata ko, but this time iba na ang rason kung bakit ko gustong umiyak.

His thumb gently carres my checks giving me assurance of his words.

"Hindi ako nananaginip ’di ba?" I asked him, kung panaginip man 'to I don't want to wake up. Prine chuckled lightly.

"You're not dreaming." Hindi ko na napigilan ang sariling umiyak at yakapin si Prine. I didn't know that it felt this way to know that someone loves you. Pakiramdam ko ay may kumirot sa puso ko.

"You sleep, ako na ang bahalang makipag-usap sa kanila." Huling sinabi ni Prine bago ako umakyat sa kwarto ko. Ni-hindi na ako nakapagpaalam sa mga magulang niya.

Kahit pagod kaiiyak ay hindi pa rin nakuhang pumikit ng mga mata ko, napakaraming bagay ang naglalakbay sa isipan ko. Ang biglaang engagement, at ang mga sinabi ni Prine.

Hindi ko na rin naisip reply-an ang mga kaibigan dahil sa lalim ng mga iniisip ko. Alas onse na nang gabi nang bumangon ako sa kama at naghanap ng tubig, nanunuyo ang lalamunan ko. Ayoko namang mang-istorbo ng ibang tao kaya nagkusa na lang akong bumaba, ngunit maling desisyon yata ang ginawa ko.

Pagdating ko sa kusina ay naabotan ko si Mommy sa counter na may hawak na wine glass sa kanyang kamay. Nang lumapat ang tingin niya sa 'kin ay kulang na lang matumba ako sa riin nang titig niya.

"Iinom lang po ako," pormal kong ani kahit na ang totoo ay kinakabahan ako. Bumilis ang paghinga ko, sa buhay kong ito si Mommy at Daddy ang pinaka-kinakatakotan kong tao.

"Mag-usap tayo Serene." Halata ang galit sa boses niya.

"Mom, bukas na lang po at gabi na," pagod kong ani. Halos mapatalon naman ako sa gulat nang pabagsak niyang nilapag ang hawak na wine glass, mabuti na lang at hindi ito nabasag.

"Kailan ka pa natutong hindi sumunod sa 'kin ha? How dare you! Pinahiya mo kami ng Daddy mo sa mga Monte Amis!" Napayuko na lang ako sa takot, pero pakiramdam ko ay nagmanhid na ang puso ko sa mga sinasabi ni Mommy.

"'Yan ba ang natututunan mo sa mga kaibigan mo? I let you befriend with them! Kung ganito lang pala ang magiging ugali mo sana inilayo na lang kita—"

"Mom!" Hindi ko na napigilang tapatan ang sigaw niya. "Huwag na huwag n'yo pong idadamay sina Lian at Mae rito! You don't know them, and you don't know how thankful I am to have them!" Nanginig ang boses ko sa huling sinabi. Nanlaki naman ang mga mata ni Mommy sa inasal ko.

"How dare you shout at me!" nanggagalaiting aniya. "I didn't raise you to become a brat and a rebel, Rona Serene!"

"Mom? Wala na ba talaga akong karapatang magsalita?" naiiyak kong sabi.

"Huwag mo 'kong dramahan," matigas na aniya. Agad naman akong napasinghap sa sinabi niya.

"Mom, iniisip n’yo pa ba ang nararamdaman ko sa ginagawa ninyo? Naisip n’yo rin ba kung masaya ako o nasasaktan sa mga desisyon ninyong ito sa buhay ko?" Akala ko'y naubos na ang luha ko pero meron pa rin pala. Kung hindi lang dahil kay Prine habang buhay kong kakalimutan ang nakakapagod na araw na 'to.

"Pinalaki lang kita sa naaayon Serene! You are the future of our company! Sa ’yo nakasalalay ang kapangyarihan at pera natin na matagal nang inalagaan ng mga ninunu mo! Sa ’yo nakasalalay ang trabaho ng libo-libong employee ng bansang 'to!"

"Puros na lang kayo pera, kapangyarihan, ninunu, at ibang tao! Paano naman po akong anak ninyo?" Natigilan si Mommy sa sinabi ko.

"Anak pa ba ang turing ninyo sa 'kin? Kasi, Mom pakiramdam ko hindi! Kung talagang anak ang turing ninyo sa 'kin dapat minamahal n’yo 'ko! But I don't feel the love Mommy, wala akong naramdamang pagmamahal sa pamamahay na 'to!" Nanggagalaiting lumapit sa 'kin si Mommy. Ang sunod na nangyari ay halos ikabingi ko.

She slap me, and it hurts physically, emotionally, and mentally.

"Don't you dare question my love for you! Binigay namin sa ’yo lahat ng kailangan mo! Simula bata ka hanggang ngayon Serene! You put that in your mind! Ito lang ang hinihingi namin sa ’yo hindi mo pa gagawin?" Sapo-sapo ang pisngi ay naiiyak akong umiling at umatras sa kanya.

"That's not love Mommy, that's responsibility. Walang hinihinging kapalit ang tunay na pagmamahal," I told her before running back to my room.

Pagbalik ko sa kwarto ay agad kong hinalungkat ang walk in closet ko at kinuha ang lagguage ko, patuloy ang pagtulo ng luha ko habang nag-lalagay ng mga kung ano-anong gamit sa maleta.

Aalis ako sa bahay na 'to, I don't know where I'll go basta aalis ako rito! I can't take this anymore this is too much!

Pinalis ko ang luha at ipinagpatuloy ang pag-iimpake, wala na akong pake kahit na wala na sa ayos ang pag-iimpake ko.

Nagpalit ako ng mas komportableng damit, I wore my jacket and secure my cellphone and pocket. Pati ang savings ko rin na nasa alkansya pa ay dinala ko na. Hindi ko alam paano tatakasan ang mga guwardiya pero desperada na ako.

Dahan-dahan ang pagbaba ko sa hagdan para hindi makagawa ng ingay, ang mabigat kong maleta ay kinarga ko na para lang maging tahimik ang pag-alis ko. Nasa huling baitang na 'ko nang grand stair case namin nang bigla kong makasalubong si Tine. Agad akong nagkaroon ng pag-asa na makakatakas talaga ako sa bahay na 'to.

Kita ko ang gulat sa mga mata niya nang makita ang itsura at dala ko, saglit lang ang gulat na 'yon at agad ding napalitan ng malamig na expression.

"Tine, tulongan mo 'kong makatakas please. I badly need your help," I said with desperacy and hope.

"I need you Tine, alam kong tutulongan mo 'ko Tine! Glad you're here!" Tinanaw ko pa ang sala at nakitang tahimik na ito kaya nakalma ako. Ibinalik ko ang paningin kay Tine na nanatiling malamig ang expression.

"Tine?"

"Hindi ka po aalis, Ma'am Serene." Nawala ang pag-asa ko sa sinabi niya.

"Tine, you'll help me," seryuso kong sabi.

"Hindi ka po pwedeng umalis Ma'am," nakayukong aniya. Kumunot naman ang noo ko, hindi ko nagustohan ang sinabi at ang tono ng pananalita niya.

"Hindi mo 'ko mapipigilan Tine," iritado kong ani. Lalampasan ko na sana siya nang magsalita ulit siya.

"Kung ipagpapatuloy mo 'yan ay isusumbong kita kay Madame." Nalaglag ang panga ko sa tinuran niya.

"Tine!"

Napatingin ako sa sala nang may lumabas mula roon, "At may balak ka pa talagang lumayas?" ani Mommy.








An:
Thank you so much for waiting and for being patient my mentals.
༼ つ ◕‿◕ ༽つ

Yanna Hearts
Comment/Vote/Follow :L♥️

For more updates!

Follow me on Facebook:
Yanna Yan Yan Hearts

Like My Page:
Yanna Hearts WP -Ayanna_lhi

Follow Me on IG:
@Ayanna_lhi

Continue Reading

You'll Also Like

79.8K 3.9K 36
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
1.1M 25.4K 37
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
2.1K 265 55
Angela Dianne Lucero and Thorn Lonier Flores has a complicated relationship since the start.. Would their status change from It's Complicated to It's...
2.8M 53.8K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...