BABYSITTING THE MAFIA'S KID

By VictoriaGie

478K 23K 6.1K

May chanak -- este bata na nahulog sa kanal ang naligaw sa bahay ko. Kinupkop ko, inalagaan, pinakain, basta... More

PROLOGUE 💋
CHAPTER 1 - KNOCK KNOCK
CHAPTER 2 - FIVE HUNDRED MILLION
CHAPTER 3 - THE HIERARCHY
CHAPTER 4 - LOST TREASURE
CHAPTER 5 - FULLY LOADED
CHAPTER 6 - VINTAGIO MUSEUM
CHAPTER 7 - MEET AND GREET
CHAPTER 8 - MONEY DROP
CHAPTER 9 - GUNS AND STARES
CHAPTER 10 - STAY
CHAPTER 11 - DON'T PULL THE TRIGGER
CHAPTER 12 - A LITTLE WORRIED
CHAPTER 13 - ZOOLOGY
CHAPTER 14 - THE MASTER MIND
CHAPTER 15 - A FATHER'S LOVE
CHAPTER 16 - ORGANIZATION OF PEACEMAKER
CHAPTER 17 - BUSTED
CHAPTER 19- CONTRACT AND CONDITIONS
CHAPTER 20 - THE WORLD HE BELONGS
CHAPTER 21 - WELCOME PHONE
CHAPTER 22 - KEEP LIVING
CHAPTER 23 - LUCID
CHAPTER 24 - BEAUTY IN BLACK
CHAPTER 25- JELOUS
CHAPTER 26 - UNDER THE GLASSES
CHAPTER 27- HYDRATED
CHAPTER 28- GALAXY IN HIS EYES
CHAPTER 29- SNEAK OUT
CHAPTER 30 - SEASON FINALE
SPECIAL CHAPTER - DYTHER ICEXEL QUIGLEY ELCANO
CHAPTER 31- SEASON 2
CHAPTER 32 - ABDUCTED
CHAPTER 33 - THE OFFER
CHAPTER 34 - ONCE AN ANGEL
CHAPTER 35 - HOME
CHAPTER 36 - VERNIX
CHAPTER 37 - PARTNERS IN CRIME
CHAPTER 38 - PROJECT EXTERMINATION
CHAPTER 39- THE TRIAL
CHAPTER 40 - RUMORS UNLEASHED
CHAPTER 41 - SOMEONE'S FRUSTRATED
CHAPTER 42 - LEAVE HER ALONE
CHAPTER 43 - ADIOS
CHAPTER 44 - DO THEY BELIEVE ?
CHAPTER 45 - HEADACHE
CHAPTER 45.2 - HEADACHE AGAIN
CHAPTER 46 - BROTHERS
CHAPTER 47 - RAIN HARD
CHAPTER 47.2 - STILL RAINING HARD
CHAPTER 48 - CONFRONTATION
CHAPTER 49 - LONG AWAITED REUNION
CHAPTER 50 - CANDLE
CHAPTER 51 - STRANGE
CHAPTER 52 - MISUNDERSTANDINGS
CHAPTER 53 - BEHIND THE WHITE MASK
CHAPTER 54 - THE GLOOM THAT BLOOMS
CHAPTER 55 - BEFORE THE AUCTION
CHAPTER 56 - SIMPLE PLAN
SHORT CHAPTER - GALILEO ARTHFAEL MARCHESE
CHAPTER 57 - SMOKE
CHAPTER 58 - UNDER THE SHADOW
CHAPTER 59 - NIGHT BEFORE THE BOMB
CHAPTER 60 - FORMAL VISIT
CHAPTER 61 - BATTLE GROUND
CHAPTER 62 - COMMUNITY WAR II
CHAPTER 63 - OUT OF SIGHT
CHAPTER 64 - A PROMISE MADE TO BE BROKEN
CHAPTER 65 - HOMELESS
CHAPTER 66 - ONCE A TRUCK DRIVER
CHAPTER 67 - STABBED
CHAPTER 68 - WITH A KNIFE

CHAPTER 18 - AGREED

7.5K 311 24
By VictoriaGie


ASHARI'S POV


Umirap ako sabay ihip sa tuyong dahon na naligaw sa mahaba kong buhok. Nakasibangot akong tumingin ng diretsyo sa lalaking prenteng prenteng umiinom ng tsaa doon sa sofa habang nag ce-cellphone.


Sana all may charge ang cellphone.



"If staring would kill, kanina pa ako patay sa titig mo Ashari." wika ni Boy Hayop ng di man lang lumilingon sa akin.


May third eye ba mga Consigliere? Paano niyang nakita na nakatitig ako sa kaniya e di naman siya lumilingon sa akin. "Naka-ilang salvage na ako sa'yo sa utak ko. Ilang beses na din kitang nailibing! Anong karapatan mong patirin ako kanina ha?!" inis kong sagot pag nagpapadyak sa bwisit. "PAUWIIN NIYO NA KASI AKO!" reklamo kong sigaw sa kaniya.



Kaming dalawa lang dito sa isang room na may sala.


Bakit kaming dalawa lang?



Kasi inutusan siya ng magaling na Isprikiton na'yon na bantayan ako!


Parehas ko silang i-sa-salvage sa utak ko!



Nakaka-inis! Akala ko makakalabas na ako ng buhay dito, itong BOY HAYOP kasi na'to, sukat ba namang patidin ako kanina nung tumatakbo ako paalis! Nadapa tuloy ako tapos nagdire-diretsyo sa halaman. 


Dahil sa kaniya napahiya pa ako sa harapan ng madaming tao. Ewan ko kung sino yung sandamukal na tao na papasok sa entrance pero lahat sila ang sama ng tingin sa akin. Kung Mafia din sila, pwes....


Hehe, pwes pauwiin na nila ako please lang!



Tumingin sa akin si Boy Hayop, iyong seryosong tingin niya. Tusukin ko mata niyan e, dahil sa kaniya nandito pa din ako sa impyernong 'to! "You think papayagan ka ni Easton na lumabas dito ngayong alam mo na ang lahat?"


Umirap naman ako at nagmaktol. "Hindi nga ako mag-i-ingay ok? Tatahimik ako! Hindi ako magsasalita, kakalimutan ko lahat ng nalaman ko! Promise."


Nag sign ako na izinipper ko ang bibig ko. Itataas ko sana ang kanang kamay ko para sign din ng promise ng maalala kong nakaposas nga pala ako. "Bwisit naman! Bakit ba ipinosas niyo ulit ako?"



Hindi ako tiningnan ni Boy Hayop. Inubos lang niya yung tsaa niya atsaka muling nagcellphone.



"ARRGGGHHHH! NAKAKA-INISSSSS!" sigaw ko atsaka tumayo.


Lumapit ako kay Dyther. Tumayo ako sa harapan niya. Doon na siya nag-angat ng tingin sa akin. "What?" taas kilay niyang tanong.


Itinapat ko sa mukha niya yung pulsuhan ko na may posas. "Kalagan mo na 'to." mahinahon kong sabi sa kaniya. Kapag hindi siya pumayag, ipupukpok ko sa kaniya 'tong posas na'to!


Tiningnan lang ako ng diretsyo ni Dyther. "I told you, curiousity kills the cat. Why didn't you listen? Mahirap bang intindihin 'yung sinabi ko na mabuti ng wala kang alam?" ang tahimik niya mula kanina tapos yan pa sasabihin niya sa akin.


OO na nga diba? OO NA! KAYLANGAN PA BA NIYANG IPA-ALALA SA AKIN 'YON!


Nagmake face nalang ako sa kaniya. "Malay ko bang Mafia pala kayo." ngumuso ako at tumingin nalang sa nakaposas kong pulsuhan.


"Then expect your longer stay here. Easton won't let you slide easily" walang pasintabing sabi ni Dyther sa akin. Lalo akong ngumuso. 


"Wow, kasalanan ko? Kasalanan ko ba ha?" namumuro na sa akin 'yung Isprikiton na'yon ha. "Sino ba nagdala sa akin dito? Diba si Easton? Kakaltukan ko talaga siya! Kung ayaw pala niya na malaman ko kung sino at ano kayo, edi sana hindi niya ako ipinunta dito. Ang saya saya ng buhay kong nagpupulot ng 500 Million ko sa sahig tapos bigla niya akong poposasan para dalhin dito. Tapos nung nalaman ko na Mafia kayo siya pa 'tong nagalit? Tumatanda talagang pa-urong 'yung isang 'yon!" Inis na umupo ako sa tabi ni Boy Hayop, mga tatlong talampakan ang layo. Nasa magkabilang dulo kami ng sofa.


Sinilip ko siya kasi hindi umimik sa hinaba haba ng sinabi ko. Pagkakita ko sa kaniya, kinakalikot niya yung loob ng tenga niya na para bang na-i-ingayan pa sa akin. Leche talaga kahit kelan 'tong si Boy Hayop.



Inambaan ko siya gamit ang nakaposas kong kamay. Oras na makapag higante ako kay Easton, siya agad ang isusunod ko!


Sumandal nalang ako sa sofa at nagmuni muni. May gusto akong itanong dito kay Boy Hayop pero hindi ko alam kung dapat ko bang itanong. Baka mamaya patayin na ako ng isang 'to dahil sinabi na nga niyang huwag na akong macurious.


E hindi ko mapigilan ang sarili ko. Hindi ako makakatulog kapag hindi ko nalaman ang sagot!


"Oi Dyther..." medyo alangan kong tanong sa kaniya. Hindi nanaman siya sumagot. Bwisit talaga tong isang 'to, malapit ko na siyang kaltukan. Tutal kaming dalawa lang naman dito diba? Hindi na nila malalaman na ako nag salvage sa isang 'to dahil pagkatapos ko siyang i-ransack, tatakas na talaga ako at hindi na magpapakita sa kahit sino sa kanila, KAHIT KAYLAN!


"Ano 'yung Project Exg?" tanong ko na agad.


SA WAKASSS! Doon ko nakuha ang atensyon ni Dyther. Tumingin siya sa akin ng seryoso. "I told you, stop being curious." o diba, sabi na e ganyan talaga sasabihin niya.


Nakipagtitigan ako sa seryoso niyang tingin. "Nabasa ko 'yung libro." sabi ko kahit di ko naman talaga binasa, tiningnan ko lang naman 'yung picture. Malay mo kagatin ni Boy Hayop tapos mag kwento din siya diba.


Pinagkunotan naman niya ako ng noo. "You read the book? Anong nabasa mo?" pati siya parang nacurious sa kung ano yung nasa libro.


Aba, aba mukhang sa tanong niya na 'yan e hindi din niya alam kung ano yung nasa libro.



"Hindi mo din alam 'yung Project ExG noh." kita mo 'to, akala mo kung sinong magaling, hindi din naman pala alam kung ano yung Project Exg.



"I didn't..." pag-amin niya atsaka nag-iwas ng tingin. "At wala akong balak alamin kung ano at para saan 'yon. Only Sir Adolfo, Easton and my parents knew what Project ExG is."


"Baduy mo naman." wala manlang siyang ka-thrill thrill sa buhay. Psh. "Tsk, dapat pala binasa--"


Teka nga, may bigla akong naisip. Diba lintik lang walang ganti, kung akala ni Boy Hayop siya lang ang manipulative dito, pwes damhin niya ang kamandag at bagsik ng isang Ashari Jenesse Silvia Ferell. "Dyther..." pabulong kong tawag sa kaniya. "Alam ko 'yung buong libro. Nabasa ko 'yung laman non, gusto mong sabihin ko sa'yo kung ano lahat ng nabasa ko?" nag-angat ako ng kilay na para bang inaakit si Dyther the Animal na alamin kung anong nalalaman ko.


HA-HA-HA! GAGAWA AKO NG KWENTO. PAGSISIRAIN KO SILANG LAHAT DITO! 


Sasabihin ko kay Dyther na si Gali ay ginagamit ni Easton para sa isang eksperimento. Dapat magalit si Dyther kay Easton. At pagkatapos nilang magalit sa isa't-isa, sasabihin ko kay Dyther na lumayas na kami sa impyernong 'to. Magtanan na kaming dalawa dahil hindi namin deserve na mabuhay sa lugar na'to. Isasama namin si Gali at magpapakalayo layo kami.

Syempre susulsulan ko si Dyther na magnakaw ng 500 Million kay Easton para may ipang buhay kami.

Tapos, kapag tuluyan na kaming nakalabas dito, kapag nasa tahimik at payapang buhay na kami, sa isang madilim na gabi, iiwan ko si Dyter at Gali. Tatakas ako kasama ang 500 Million at magpapakasaya na ako sa buhay ko!


Ha!


Isang napaka gandang plano Ashari!



"Ano, gusto mong malaman kung ano 'yung nasa libro?"



Bigla namang naging interesado ang mukha ni Dyther. Napangisi ako sa utak ko, MWAHAHAHAHA! It's going according to my plan!


Nag-ayos si Dyther ng upo na paharap sa akin. Tila ba interesadong interesado siya na malaman kung ano ang nakasulat doon. 



"Ganito kasi 'yan Dyther..." magsasalita palang ako ng aking napaka gandang storya ng bigla akong pitikin ni Dyther sa noo.



"Alam kong hindi mo talaga binasa 'yung libro. Kung ano man 'yang binabalak mo, huwag kang mag-alala, hindi ako magpapa-uto sa'yo."


Nawalan ng buhay ang excited kong mga mata! Bwisit naman oh, lahat ng pinangarap ko biglang naglaho! Napaka kj ng isang 'to. Ayaw ba niyang itanan ko siya ha? Edi huwag, basag trip bwisit!



"Bwisit! Dapat talaga binasa ko lahat ng nakalagay sa libro." reklamo ko. "So hindi mo alam kung bakit nasa laboratory si Gali kanina? Pinag-e-expirementuhan kaya siya?" tanong ko nalang sa kaniya.


"They are checking up on his condition Ashari. Hindi siya pinag-e-eksperimentuhan." paliwanag naman ni Dyther. "Gali is the next in line heir of the Marchese after Easton, natural lang na maging paranoid ang lahat kapag nagkakasakit siya."


Weh? Bakit parang hindi ako naniniwala sa isang 'to. May check up ba na nakalagay 'yung bata sa isang capsule tapos may kung ano-anong wire? Ganon na ba kahigh tech ang pag-che-check up ngayon? Sa pagkakatanda ko kasi titingnan lang ng doctor yung paghinga mo, inhale exhale lang tapos tapos na. Pagbabayarin ka na ng sampong libo e tiningnan lang naman kung may sabit ka ba sa lalamunan.



"Sige na nga." oo nalang Ashari, tutal mga Mafia siila, baka iba sila ng paraan para gamutin ang mga sarili nila. Alam mo na, mga masasamang nilalang sila kaya baka hindi tumatalab sa kanila yung normal na panggagamot.



Baka kaya mahahaba buhay ng mga 'to ah. Dahil bukod sa masasamang damo na sila, may special treatment pa silang ginagamit.



"The MPO will come here after they check up on Gali." biglang banggit ng katabi ko.


"MPO?" tanong ko naman. Ano ba'yon, Mafia Panget OO?


"Mafian Peace Organization. They are like Mafia's goverment. Oras na magpunta sila dito at tanungin kung sino ka, huwag kang sasagot. Ako ang magsasalita para sa'yo. Naiintidihan mo ba ako?"



"Ahhh, MPO pala. Gobyerno niyo? Edi kurakot din sila?"



Ngumiti nalang si Dyther sa akin na para bang nagpipigil na ng inis. "Just shut you mouth kapag dumating sila." tiim bagang niyang madiin na turan.



Nagkibit balikat naman ako. Kinuha niya ang susi sa bulsa ng coat niya at kinalagan ang posas ko. 


Natuwa naman ng very light ang kalooban ko. Very light lang at hindi full kasi bigla ng bumukas ang pinto nitong kwarto at pumasok na nga po ang mga taong ayaw makita ng dalawa kong mata.



Una si Easton Isprikiton na napakasama ng tingin sa akin. As usual naman noh, ano pa bang bago sa tingin ng bwisit na'yan? Akala mo pa din lalamon ng tao.

Si Salvador the Vintage Boy, si Kumareng Helen na pinagmanahan ni Dyther ng pagiging animal. 'Yung dalawang naka Man in Suit na may karay karay sa sampong body guard dito sa loob at yung sampo naman nasa labas...


Syempre hindi mawawala ang magaling na si Gali the Chanak na buhat buhat ng isang Doctor.



"Mamhaaaa!" cute na sigaw ni Gali. Ibinaba naman siya nung Doctor. Nagtatakbo siya papunta sa akin. Infairness naman, naka suot na siya ng damit ngayon. Kanina naka diaper lang e.


Ewww, bakit ba sinabihan ko siya ng cute? Hindi siya cute kasi Mafia siya. Balang araw pagtanda niya, siya na ang magiging Boss dito! Walang cute sa ganon!



Dahil tumayo na kami ni Dyther, sa tuhod ko yumakap si Gali.



Pasimple ko siyang pinanlakihan ng mata.



'SHOOOO! ALISSSSS! ANAK KA NG MAFIA, LOLO MO MAFIA, TITO MO MAFIA, KAMAG-ANAKAN MO MAFIA! ALISSSSS DIYAN HUWAG KANG YUMAKAP SA AKIN!!!!' sigaw ng utak ko kay Gali the Chanak na nakayakap sa tuhod ko.



"Mamha kuha nila car ko, guto (gusto) ko drive tayo." sabi niya. Palihim akong umirap, tingin mo gusto kong kasama kang mag drive? NO WAYYYY!



"So she's the babysitter." ani nung Man in Suit na mukhang kagigising lang dahil sobrang lamlam ng mata. Natutulog pa ba 'yan? Mukhang laging puyat e!


Pero ano 'yung sabi niya?



Ako babysitter?



Nino?



Nitong Chanak na'to?


"As you can see, Gali is so attached with his babysitter." nag taas ako ng kilay. Pinanlakihan ko ng butas ng ilong si Kumareng Helen na sumagot sa Man In Suit.


Kaylan pa ako naging babysitter aber?



"But I don't see her affection on Galileo." dagdag pa ni Boy Puyat


E bakit naman ako magpapakita ng affection sa anak ng Mafia at sa soon to be Mafia Boss aber?


"She is very affectionate..." si Dyther naman na nasa tabi ko ang nagsalita. Bahagya niyang sinipa ang paa ko. Sinamaan ko naman siya ng tingin, ano bang ginagawa ng bwisit na'to? "Tensed lang siya ngayon dahil alam niya na pwede niyo siyang ikulong kapag hindi niya itinrato ng tama si Galileo. And the fact na nagkasakit ang bata." nakangiting wika ni Dyther sa akin.


Magtataas pa sana ako ng kilay ng bigla kong marealize ang gusto niyang sabihin. WALANJO! SO IKUKULONG AKO NG MGA 'TO KAPAG NALAMAN NILA NA AKO ANG DAHILAN KUNG BAKIT NAGKASAKIT SI GALI?


"AHA-AHAHAHA!" mabilis pa sa kisap mata na binuhat ko si Gali the Chanak naka-akap sa binti ko. "Nakuuu opo ako nga po ang babysitter niya, love na love ko po itong si Gali. Huwag po kayong mag-alala, inaalagaan ko po siya ng tama. Hindi ko po siya pinapabayaan. I give 100 percent of my love and affection to him. Diba Sir Easton." ngumiti ako ng napakatamis kay Easton.


Mula sa papatay na tingin, bigla din siyang ngumiti sa akin ng matamis. "That's true. Ashari is indeed the best babysitter for Gali. No need to get a new one." Galing din umarte ng isang 'to e. Tamis ng ngiti ah, dumugin ka sana ng langgam, yung may lason yung kagat para happy!


"Ok, I get it. You were playing around kanina nung naghahabulan kayo. Is that right?" tanong ni Boy Puyat.


"Y-yes Sir! Naglalaro lang po talaga kami kanina. Nagpapahabol lang po ako kay Gali at nagpapanggap na gusto ng umuwi para may---para may thrill yung laro namin hehe--" susginoo, sana lumusot!



"I see, next time don't play such thing with Galileo. He is a precious gem of the Mafian Society, oras na may mangyaring masama sa kaniya, you will be the first one dead before him."


Napalunok naman ako ng wala sa oras. Humigpit ang pagkakabuhat ko dito kay Gali the Chanak, baka maihulog ko siya ng wala sa oras tegi pa ako. Bwisit na Boy Puyat 'yan, kahit mukha siyang kulang sa tulog pero kung manakot siya parang wala nang bukas.



Buhat buhat ko si Gali ng ihatid namin paalis 'yung mga MPO at mga karay karay nitong extra. Pati yung sinabi nilang Doctor Porta at ang extra nitong limang assistant ay umalis na din.




Naiwan kami ni Kumareng Helen, Boy Vintage, Boy Hayop, Isprikiton at Gali dito sa entrance. Nagpulasan naman na yung ibang mga extra.



Wala sa sariling hinayaan ko si Gali na gulu gulohin ang mahaba kong buhok. "Pauwiin niyo na ako." nasabi ko nalang habang nakatulala sa malayo.



May lumapit naman sa akin. Hinarangan niya ang tinitingnan ko. Tindig palang, alam kong siya na'yon. Ang tangkad talaga ng Isprikiton na'to.



"I'll give you 500 Million. Babysit my son for 1 month and you can go home." seryoso nitong wika.



Lahat ng dugo sa katawan ko parang nabuhay. Nagtalunan sa saya at ligaya lahat ng braincells ko! Na-activate lahat ng senses ko sa narinig ko.



Nag-angat ako ng tingin kay Isprikiton. Seryoso yung mukha niya pero ako nakangiting daig pa aso. "Sureness! Now na sana yung sahod, bibili lang ako ng iPHONE12 MAX PRO." lalo akong ngumiti.



"Mamha, Papa laro tayo." sabi ni Gali habang buhat ko. Hindi ko siya pinansin.



Naglahad lang ako ng kamay kay Isprikiton at parang bata na nanghihingi ng pera sa sugar daddy niya.


Lalong nagdilim ang paningin ni Isprikiton. "Come to my office, we'll settle your contract..."


Akmang lalampasan na sana ako ni Isprikiton ng pigilan ko siya.


"E yung pera--"



"And your money!" madiin niyang sabi bago naglakad na papunta doon sa loob.



Napangiti naman ako habang nakatingin sa likod ni Easton. Hinalikan ko si Gali sa pisngi. "1 month lang Gali. 1 month."



"Tks tsk tsk..." may narinig akong um-epal. Syempre si Salvador the Boy Vintage yon.



"Ohh dear, i hope you made the right decision..." umuiiling na sabi ni Kumareng Helen para bang mali na pumayag ako? Haler, 500 Million 'yon. Wapakels ako kahit Mafia pa silang lahat.


500 million sa loob ng isang buwan?


Magbabantay lang naman ako ng bata.



Aba, hindi ko tatanggihan ang ganoong grasya.



Kahit habang buhay na akong hindi magtrabaho pagkatapos non!




"You know Ashari, babysitting Gali isn't just looking after him...." tumingin naman ako kay Boy Hayop. Isa pa 'to e. Bakit ba ang atribida ng pamilyang to sa buhay ko?



"It's also dealing with Easton and of course his very short temper. I hope you three get along..." parang tinataningan na buhay ko a. "I bid you a good luck."



Umalis na silang tatlo pagkatapos akong bigyan ng death threat.


Bwisit. Birds with the same feather, flock together! Batuhin ko sila ng bato e!







--




A/N: I am sorry in advance sa mga wrong grammars/wrong spellings na ma-e-encounter niyo. I don't re-read this. Basta sulat lang ako ng sulat. Hehe! Thank you sa pang-unawa! Love Lots Babysitters. :)

Continue Reading

You'll Also Like

959K 30.6K 129
DIM Series #1: Iñigo Valenzona (This is an epistolary) Rozel Roxas had tons of crushes when she was still in Grade 11 and she has always been vocal w...
190K 7K 31
Dahil lang sa pakikinig ng usapan, naituro siya bilang ama nang dinadala ni Aviah Alvarez na anak ng gobernador. Alam naman niyang kakaiba siya dahil...
15.1M 676K 75
(FHS#1) Braylee wants to make her friends happy, Denver wants to get some sleep. She's hell-bent on making the world a better place while he's desper...
11.9M 283K 55
Nagpakasal ang isang man-hater na si Sapphire sa isang super "friendly" na lalaki na si Johann for the sake na makuha niya ang mana niya. Magkasundo...